06. DRUMSTICK

|06. Drumstick|

Odette Marie "Dette" Ojera


Sampung minuto na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Echo. Hindi tuloy ako mapakali. Wala pa namang wifi dito sa loob ng Jollibee. Naiinip na ako.

Nangalumbaba ako sa mesa. Pati order namin wala pa. Masakit na ang pwet ko sa kakaupo.

Na-turn off kaya si Echo sa'kin? Anong magagawa ko? Gusto ko talaga ng drumstick. Ayaw kasi ni Mama na kumakain ako ng gano'n.

Actually, lahat ng klase ng pagkain na mamantika ay ayaw ni Mama na kainin ko. Ngayon ko lang talaga sasawayin si Mama dahil nga naiinis ako. Tumakas pa ako sa bahay para lang makipagkita kay Echo.

Ngayon lang din ako nawalan ng pakialam kahit mag-alala si Mama pati si Tonette. Kasi naman, palagi na lang nila akong pinagbabawalan sa mga gusto ko. Kaya heto ako ngayon, kasama ang isang lalake na kakakilala ko lang kanina.

Mukha namang mabait si Echo kaya okay lang. Masaya nga rin siya kasama pero mukhang nainis siya dahil sa pagiging maarte ko. Hanggang ngayon wala pa rin siya.

Napanguso ako at napayuko. Baka nga talaga iniwan niya na ako—

Umayos ako ng upo nang makita ang  isang paper bag na ipinatong sa mesang kaharap ko. May tatak iyon ng Mcdo kaya nanlaki ang mga mata ko at napatingala kay Echo.

"A-Ano 'yan?"

Ngumisi siya at umupo sa katapat na upuan. "Mcdo. Hindi ba gusto mo ng drumstick? Mabuti na lang may drumstick sa Mcdo at kaunti ang pila. Nakapag-order ako kaagad."

My lips parted as I stared at him. "Seryoso? Nasa Jollibee tayo!"

"Oh, ano ngayon? Kaysa naman nakasimangot ka habang kumakain tayo," parang wala lang na sagot niya at nagsimulang ilabas ang dalawang drumstick sa paper bag. "Nasaan na 'yung order natin? Tagal naman."

Nakangangang napatitig na lang ako kay Echo. Parang wala lang sa kaniya na pinagtitinginan kami ng ibang costumers dahil sa paper bag na may tatak ng Mcdo.

"Here's your order—"

Natigilan ang lalakeng crew ng Jollibee nang makitang may paper bag ng Mcdo sa mesa namin. Awkward na ngumiti sa kaniya si Echo kaya ngumiti na rin siya at inilapag ang tray kung saan nakalagay ang mga order namin.

"Enjoy your meal." Ngumiti siya sa amin bago umalis.

"Oh, kumain ka na." Inilagay niya ang mga pagkain sa harap ko pero sa kaniya pa rin ako nakatingin.

Marunong pala siyang makiramdam. Kahit wala akong sinabi kanina ay nagkusa na siya, at wala rin siyang pakialam kahit maraming nakatingin sa kaniya dahil sa ginawa niya.

Nakaramdam ako ng kilig dahil sa naisip ko.

"Ayaw mo?" untag niya dahil hindi ako kumikilos.

"H-Ha? Gusto ko. Salamat, ah," ngumiti ako.

"Wala 'yon. At least nakangiti ka na. Kumain ka na," nakangiting sabi niya saka nagsimulang kumain.

Nakangiti lang ako hanggang sa matapos kaming kumain. Ang sarap sa pakiramdam na nasusunod ang gusto kong kainin.

"Saan ka nag-aaral?" tanong ko habang nasa plaza kami naglalakad-lakad.

Maraming tao rito sa plaza lalo na kapag hapon. Nagiging tambayan ito ng mga tao dahil bukod sa maganda at presko ang hangin ay marami ring tindahan ng sari-saring pagkain at mga gamit sa Night Market.

"Sa Henderson University," sagot niya sa tanong ko.

Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga? Sa Henderson din ako, eh. Anong grade ka na?"

Tumawa siya na para bang nakakatawa ang tanong ko. Pinagpag niya ang isang bench gamit ang kamay niya at saka niya ako hinila paupo roon.

"Grade 10. Night class," sagot niya habang nakatingala sa langit.

"Grade 10 din ako pero regular class," sabi ko habang nakatingin sa mukha niya.

Ang tangos ng ilong niya, kitang-kita ko kasi naka-side view siya sa'kin. Halos perpekto ang mga features ng mukha niya kaya hindi ko maiwasang kiligin dahil kasama ko siya ngayon.

"Alam ko. Matagal na kitang nakikita sa Henderson University," sabi niya maya-maya kaya napamaang ako.

"Matagal na?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo, wala kang kasama palagi. Wala ka bang kaibigan?" tanong niya at saka sinalubong ang tingin ko.

Nakita ko tuloy nang malinaw ang pasa niya sa ilalim ng mata at ang namumula niyang noo.

"May mga ka-close naman ako sa school pero wala talagang gustong makipagkaibigan sa akin," malungkot na sabi ko. "Siguro dahil hindi ako approachable at wala akong appeal. At marami rin akong naririnig na maputi lang daw ako pero hindi ako maganda. Like hello? Wala naman akong sinabing maganda ako at hindi ko kasalanan na naging maputi ako." Para na akong nagsusumbong sa kaniya.

"Alam mo, 'yung mga gano'ng klase ng tao, dapat hindi mo na pinapansin. Inggit lang ang mga 'yon sa'yo."

"Sus, ano namang kainggit-inggit sa akin?" pa-demure kong tanong pero deep inside ay kinikilig ako dahil sa sinabi niya.

"Alam mo bang maraming babae ang gustong maging maputi katulad mo?"

Nagkibit-balikat ako. "Oo, alam ko. Naiinis nga ako minsan kasi nagugustuhan lang ako ng mga lalake sa paligid ko kasi maputi lang ako."

Napaubo siya dahil sa sinabi ko kaya tiningnan ko siya nang masama.

"Huwag mong sabihin na kaya ka interesado sa'kin—"

"Shhh." Tinakpan niya ang bibig ko ng kamay niya. "Hindi gano'n 'yon." Napakamot siya sa ulo niya at umiwas ng tingin. "Sa totoo lang, naging interesado ako sa'yo mula nang makita kitang in-elbow strike 'yung blonde boy kahapon. Ang astig mo ro'n, ah!"

Natawa ako. Nakita pala niya.

"Saan mo natutunan 'yung mga yon?" tanong niya na para bang interesado talaga siyang malaman.

"Kasali ako sa Tae Kwon Do Team dati noong Grade 3 ako pero pinatigil ako ni Mama kasi lumipat kami dito sa Bicol," sagot ko. "At kahit bata pa ako noon ay tanda ko pa rin ang mga natutunan ko pagdating sa self-defense."

Tumango siya. "Ang astig mo do'n. Turuan mo ako minsan, ah."

"So, nag-eexpect ka na may magkikita pa tayo ulit?" nakangising tanong ko.

Sinalubong niya ang tingin ko. "Oo."

Nag-init ang mga pisngi ko dahil sa titig niya. Tumikhim ako at umiwas ng tingin. Nakakatunaw ang mga tingin niya.

"Nga pala. Bakit nag-enrol ka sa Night Class?" pag-iiba ko ng topic.

Tumingala siya na para bang nag-iisip. "Mahirap lang kasi kami. "Saka nagtatrabaho ako kapag umaga. Tapos pagdating ng alas onse ng umaga, pumapasok na ako sa Night Class."

Wow, nakakaya niya 'yon? Galing siya sa trabaho sabay pasok sa school? Parang hindi ko kaya 'yon.

"Pinayagan ka ng mga parents mo na magtrabaho kahit minor ka pa lang?" usisa ko, nakakunot ang noo.

Tumawa siya nang mahina at tiningnan ako. "Sinong may sabing minor pa ako?"

Napaawang ang bibig ko. "Don't tell me, 30 years old ka na?"

"Tangek, hindi." Humalakhak siya.

"Eh, ano?"

"18 pa lang ako."

Mas lalong napakunot ang noo ko. "18? Pero Grade 10 ka pa lang."

"Repeater ako noong elementary. Dalawang beses kaya Grade 10 pa lang ako ngayon," sagot niya.

My lips parted a little bit. "Parehas pala tayong repeater."

"Nagbulakbol ka rin?" His eyes widened but I hit his arm lightly.

"Of course not! Tumigil ako noong Grade 3 kasi nga umuwi kami dito sa Bicol. Basta, it's a long story."

"Okay." He shrugged his shoulders. "Eh, nasaan ang tatay mo? Hindi ko kasi siya nakita sa mga pictures mo."

"Stalker!" pang-aasar ko sa kaniya.

"Proud ako!" pagmamalaki niya.

"I was 8 years old when I last saw him," nagkwento pa rin ako. "Sa pagkakaalam ko ay naghiwalay sila ni Mama dahil nakita kong may kayakap si Papa na ibang babae. Sinama niya ako sa office niya noon. Pinatulog niya ako sa sofa, hindi niya alam na gising na ako at nakita kong kayakap niya 'yung secretary niya. I was so innocent that time and I told it to my Mom."

"Anong sabi mo?" tanong niya, mukhang interesado sa kwento ko.

Inalala ko kung ano mismo ang tinanong ko noon kay Mama. "Mama, is it okay for you that Papa was hugging another girl inside his office?" Ginaya ko ang tanong ko noon kay Mama.

Napangiti ako nang mapait. "Nag-away sila noon kaya umuwi kami rito sa Bicol. Mula noon, hindi ko na nakita si Papa. Tinatawagan niya na lang ako minsan hanggang sa masanay na lang ako na wala siya at si Mama lang ang kasama ko."

"Nagkabalikan ba sila?"

I shrugged my shoulders. "Hindi ko alam. Pero naririnig ko pa rin silang magkausap sa phone kaya for me, okay na rin 'yon."

"Hindi mo ba nami-miss ang Papa mo?"

I smiled bitterly, remembering my childhood memories with my father.
"Siempre nami-miss. Pero masama pa rin kasi ang loob ko sa kaniya. Napakabata ko pa noon at naintindihan ko na kaagad kung anong ibig sabihin ng cheating."

"So, galit ka sa kaniya?"

"Galit na galit. Masakit kaya dito," turo ko sa puso ko. Suminghot ako dahil hindi ko namalayan na naiiyak na ako.

Ang sakit pa rin pala balikan 'yon. Daddy's girl kasi ako noon at masakit para sa aking malaman na may ibang babae siya. Mas lalo akong nagalit sa kaniya nang mas pinili niya na magpaiwan sa Maynila at hindi kami sundan. At isa lang ang ibig sabihin n'on, mas mahal niya ang babae niya.

"Ano ba 'yan, dapat hindi na kita pinakwento. Naiiyak ka tuloy," napapakamot sa ulong sabi ni Echo.

I laughed, wiping my tears with my hand. "It's okay."

Kinapa niya ang suot niyang short na para bang may hinahanap. "Sorry, wala akong dalang panyo."

"It's okay. But can I ask you a favor?"

Napatitig  siya sa'kin. "Ano 'yon?"

"Pwede bang samahan mo akong gawin ang mga hindi ko nagagawa?" mabagal na tanong ko.

Tumaas ang kilay niya, tinatantiya ang sinabi ko. "Tulad ng?"

"Going to a party, drinking alcohol, eating my favorite foods, playing Volleyball and..." I bit my lip. "Having a boyfriend."

Unti-unting nanlaki ang mga mata niya at napahawak sa sariling dibdib.

"Tinatanong mo ba ako kung pwede mo akong maging boyfriend? Ang bilis, ah!"

"Of course not!" Hinampas ko ang braso niya at natawa lang siya. "Hindi ba sabi mo crush mo 'ko?"

Tumango siya. "Oo. Nandito ba ako kung hindi kita crush?"

"Then, ligawan mo ako."

Napaawang ang bibig niya. "Parakpatakan.."

"Hoy! Ayaw mo ba?" naiinis na tanong ko.

"G-Gusto siempre!" Ngumisi siya. "Nabigla lang ako kasi ikaw mismo ang nag-utos na ligawan kita."

"So, payag ka? Samahan mo akong gawin ang mga bagay na hindi ko nagagawa dahil kay Mama?" paniniguro ko.

Hindi kaagad siya nakasagot at kinamot niya ang ulo niya na parang nag-aalangan.

"Kasi...sa pagkakaroon ng boyfriend pwede pa. Pero nabanggit mo kasi na gusto mong uminom ng alak. Hindi ka pa pwede uminom, minor ka pa lang."

"Ayaw mo?" Ngumuso ako.

"Hindi naman sa ayaw pero—"

"Sige. Uwi na lang ako." Tumayo na ako pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako sa pag-alis.

"Sige na." He sighed deeply. "Basta isang beses lang. At saka hindi pwede ngayon kasi kailangan kong umuwi bago mag-alas sais."

I smiled widely. "It's okay! At least makakatikim ako ng alak. So, pa'no? Sa Sunday, meet tayo ulit?"

"Oo na."

"Thank you!" Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya. "Dati si Tonette ang kasama ko pero mukhang ayaw niya na talaga akong pagbigyan. Kaya mula ngayon, ikaw na ang makakasama ko."

"A-Ah..."

"Bakit?"

Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at tiningnan ang mukha niya na parang natatae. Saka ko lang na-realize na sobrang higpit ng pagkakayakap ko sa kaniya.

I smiled awkwardly before pulling myself from him.

Gano'n pala ang pakiramdam kapag may niyakap akong lalake. Iba sa pakiramdam. Naalala ko tuloy ang mga napapanood kong movie. Iyong magkayakap 'yung dalawang bida tapos magki-kiss.

Ano kayang pakiramdam ng mahalikan? Gusto ko tuloy i-try.

Napatingin ako sa labi niya. Masyadong awkward kapag ninakawan ko siya ng halik dito. Saka na lang.

"Tara." Tumayo ako at hinila siya papunta sa nagtitinda ng ice cream.

Marami pa kaming kinain na kung ano-ano kaya hindi ko namalayan ang oras. Ang saya niya kasama kaya palagi kong nasasapak ang braso niya.

Dahil sa kaniya, marami akong nakain na ngayon ko lang natikman. I didn't even care if the food was bad for my health as long as it was edible.

"Ihahatid na kita sa inyo," he said while we were waiting for tricycle.

"Huwag na. Malapit lang naman, eh."

"Kahit na. Malapit nang mag-ala sais," he insisted.

"Ano ka ba? Kaya kong umuwi mag-isa," natatawang sabi ko.

"Oo nga pala, 'no? Marunong kang mag-self defense."

Tumawa ako. "Sige na. Salamat, ha? Next time ulit."

"Sige. Chat-chat na lang." Kinindatan niya ako kaya pairap kong iniwas ang tingin ko sa kaniya.

Pinara ko ang tricycle na dumaan at nilingon ko si Echo. "Una na 'ko."

Sasagot sana siya pero mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi. Nanlaki ang mga mata niya at magsasalita sana pero mabilis na akong sumakay sa tricycle.

"Sa Barangay Siete po, Manong!" sabi ko sa driver.

Umandar na ang tricycle at sinilip ko si Echo. Natawa ako nang makitang nakatayo pa rin siya roon habang hawak ang pisnging hinalikan ko.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang mapangiti. Bigla ko na lang naisipan na gawin 'yon, sana hindi siya magalit.

***

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto. Sana wala pa si Mama. Nang umalis kasi ako kanina ay nasa Haven's Delight siya kaya nakatakas ako kaagad. Sana wala pa siya.

"Dette!"

Napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw ni Manang Rosie. Nakatayo siya sa likod ko habang nakapameywang.

Siya ang mayordoma dito sa bahay at siya rin ang inutusan ni Mama na bantayan ako. Bata pa lang ako ay namamasukan na siya rito kaya para nang anak ang turing niya sa akin, 'yung tipong okay lang sa kaniya na sermunan ako kahit anak ako ng amo niya. What the freak?

"Saan ka galing? Bakit wala ka sa kwarto mo kanina?" tanong niya bago pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko. "Nakipag-date ka, 'no?"

"Manang! Shhh!" Sinenyasan ko siya na huwag maingay. "Dumating na ba si Mama?"

"Hindi pa, pero isusumbong kita!"

"Manang! Please, huwag!" Hinawakan ko ang kamay niya at nagpa-cute. "Kapag sinumbong mo ako, magagalit siya sa akin, and worse, baka ikulong niya ako sa kwarto. You wouldn't want that to happen to me, right?"

Piningot niya ang tenga ko kaya napanguso ako. "Saan ka ba talaga nanggaling? Ngayon mo lang 'to ginawa."

"Naglakad-lakad lang po ako. Sige na, please. Huwag niyo na akong isumbong!" pagmamakaawa ko.

Tiningnan niya ako nang masama at umiling. "Oh, siya! Hindi na! Basta huwag mo nang uulitin 'to! Paano kapag may nangyari sa'yo? Lagot ako sa Mama mo!"

Pinigilan ko ang mapangisi. Imposible kasi na hindi ko ulitin ang ginawa ko lalo pa't may usapan kami ni Echo na magkikita kami ulit.

"Saan ka nga pala dumaan? Paano ka nakatakas kanina? Hindi naman kita nakitang lumabas ng kwarto mo," tanong niya.

Ngumiti ako. "Sa balcony po. Tumalon ako at—aray!" Kinurot niya ang tagiliran ko. "Manang!"

Nanlaki ang mga mata ko nang kunin niya ang walis tambo sa gilid.

"Ikaw talagang bata ka! Paano kung nahulog ka?! Halika rito!"

Pero bago niya pa ako mapalo ng walis tambo ay nagtatakbo na ako paakyat sa hagdan.

Tatawa-tawa kong binuksan ang kwarto ko saka pumasok doon. Asa namang mahahabol niya ako. Medyo matanda na si Manang Rosie. Hindi niya na kayang tumakbo nang mabilis.

Nag-dive ako sa kama ko at inabot ang laptop ko. Napangiti ako nang maalala 'yung mga nangyari kanina habang kasama ko si Echo. Gusto ko pang maulit 'yon, gusto ko siyang makasama ulit.

Ganito pala ang feeling. Parang ang saya ko palagi.

Binuksan ko ang Wattpad account ko. May mahigit 2,000 na rin akong followers at may isang on-going na story. Hindi ko matapos-tapos 'yon dahil nami-mental block ako nitong mga nakaraang araw.

Puro 'Update na pls' ang laman ng notification ko. Napairap ako. Hindi ba nila alam na ang isang chapter na binabasa nila sa loob lamang ng limang minuto ay pinag-iisipan ko nang ilang linggo?

Karamihan sa mga followers ko ay mga teenagers na patay na patay sa 'almost perfect' kong bida. May iba naman na nagsabing masyadong plain at stiff ang dalawang main characters ko, iyong tipong walang flaws.

Eh ano bang pakialam nila? Ako ang author, 'di ba? Ako ang masusunod!

Ilang segundo akong napatitig sa blinking cursor pero wala akong maisip na isulat. Palaging sumasagi sa isip ko si Echo.

Sinara ko na lang iyon at humiga nang maayos. Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang nag-chat si Echo.


From: Echo Escobar

Nakauwi na ako. Salamat sa kiss—ay este sa food trip. Hehe.

Napangiti ako at tinakpan ng unan ang mukha ko para hindi marinig sa labas ang tili ko.



To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top