26


L I B E R T Y   K I N G S

I inhale deeply as I look at myself in the mirror in front of me. Today's weather is giving me a serene vibe and delightful feelings. The sun above me is visible to my naked eyes, reminding me that this is one of the significant days of my life. Mr. Sunshine is radiating with positivity making me smile from time to time. My eyes didn't leave its gaze on the mirror, which reflects a woman worthy of all the things, she's achieving in her life right now.

Ocean blue eyes are staring back at me with clear determination evident on it. Lips painted with crimson red lipstick has a contented smile. My hair is neatly fixed in a low ponytail, making me look powerful and mature woman I am. Pinasadahan ko ng aking mga kamay ang aking damit, trying to straighten it more kahit na maayos na naman ito. I'm currently wearing my Dolce & Gabanna cropped stretch-wool jacket with balconette stretch-satin bra inside, paired with a black wool-crepe pencil skirt that reach my mid-leg. 

I walked gracefully towards the door with my Christian Louboutin Contella 100 mesh ankle boots. Before I finally went out, I closed my eyes and set my mind on the important things I must do today. The time I opened my eyes again, a new goal is set on my mind. Exactly eight AM today, my restaurant will held its grand opening. 

Dahan-dahan along bumaba sa hagdanan habang hawak-hawak ang aking cellphone. I check my phone time to time to update my employee's and the coordinator that I hired for today's event. Agad na kumunot ang aking noo nang makita ang mensahe na galing sa'king kapatid, saying that he'll go later with Feng and tita Fai. What about dad? Kasama kaya nila?

I didn't bother to ask if dad will come with them. I don't want to look desperate, kaya I just texted him back with my 'thank you' with a smiley face emoticon. Agad akong napalingon sa bakuna ng dinning nang makarinig ako ng isang matinis na tili mula kay Olivia. Agad naman akong napangiti nang makita itong may malawak na ngiti sa mga labi. 

"OMG, Today is the day!" Masayang sabi nito sa'kin habang naka bukas ang mga braso papunta sa'kin. 

Sinalubong ko siya at sinuklian ang naka ambang yakap nito sa'kin. Nagtatalon kaming dalawa habang mahigpit ang yakap sa isa't isa.

"Gosh, I'm so excited!" Nakangiti ko ring sabi sa kaniya.

Oo, alam kong para kaming mga bata sa ginagawa namin ngayon pero sobrang saya lang talaga naming dalawa ngayon. I really love how supportive Olivia to me. I never saw her get envious to me at gano'n din naman ako sa kaniya sa larangan ng career at success. Ang tanging kinakainggitan ko lang naman sa kaniya dati ay ang pagmamahal sa kaniya ng kaniyang ama. Now, I don't feel any envy towards her for the reason that, Oliver became my daddy too—you know what I mean. 

Still with that adorable smile Olivia has in her lips, we parted our body from the warm tight hug we shared a while ago. 

"Let's eat breafast, baka ma-late ka pa sa grand opening." Natatawang pag-aya sa'kin ni Olivia para mag-breakfast. 

Oliver is already on his seat with a news paper on hand. The moment I entered the dinning room our eyes met, I swear the giddiness that I'm feeling a while ago reached its highest level. I saw how the corner of his lips slightly went up. I wanted to laugh when I saw how he's trying not to smile sweetly at me.

"Good morning," he tried to make his voice serious but I can still hear the happiness on it.

Napangisi naman ako dahil do'n na siyang inilingan lamang n'ya at bumaling muli sa kaniyang binabasa. 

"Good morning too," ganting bati ko rito.

Olivia and I, settled on our seats and starts eating our breakfast. Siguro dahil sa excitement na aking nararamdaman ay maskaunti ang aking nakain kesa sa regular na araw. 

"I'll be working half day today. A-attend muna ako ngayong umaga sa pinaka-opening ng restaurant, then we'll ba having a celebration sa gabi." Masayang sabi ni Oly sa'kin.

Mukhang pinagplanuhan talaga nito ang mga gagawin n'ya ngayong araw.

"Saan naman tayo mamayang gabi?" Takang tanong ko rito.

"Well, I was planning on going to a club to celebrate or do you want it on your restaurant?" Nagpatuloy ito sa pagsubo pagkatapos sabihin iyon.

Napaisip naman ako kung saan nga ba mas maganda. Maganda siguro sa club na lang kaso parang may pumipigil sa'kin dahil na aalala ko ang nangyari no'n huli akong nagpunta ro'n. Kung sa reasturant naman, walang mag-aasikaso dahil pagod na ang aking mga tauhan no'n. I think the former is the best choice. 

Ibubuka ko na sana ang aking bibig nang may narinig kaming tumikhim. Sabay kaming napatingin ni Olivia kay Oliver nang tumikhim ito. 

"You'll be late, Liberty." Seryosong sabi nito at itinuro pa ang malaking orasan na nakasabit sa dingding. 

Tutal tapos na naman ako kumain at kukhang ganoon din naman si Olivia ay tumayo na ako para makaalis na. Pero hindi pa ako tuluyang nakakaalis sa'king kinatatayuan ay pinigil na ako ni Oliver.

"I'll drive you to your restaurant." Nagpunas ito ng bibig gamit ang table napkin at tumayo na rin.

"No, I'll be the one who will drive her." Kumapit sa'king braso si Olivia habang may munting ngisi sa mga labi.

"I'll be going to her grand opening today anyway. While you on the other hand won't." Dugtong nito sa sinabi.

Sa unang pagkakataon ay nanalo si Olvia sa pagtatalo nila ni Oliver kung sino ang maghahatid sa'kin. And yes, tama ang sinabi ni Olivia. Hindi makakapunta sa grand opening ngayong umaga si Oliver dahil meron itong importanteng meeting from eight to eleven AM. I'm not upset because I can understand how important a business is. 

Tumitibok ng mabilis ang aking puso sa oras na ito. Kaunti pang nanginginig ang aking mga kamay habang hawak-hawak ang may katamtamang laki na gunting habang itinatapat ito sa kulay gintong laso. I could almost hear how the blade of the scissors cut the fabric of the ribbon. It sounds like success for me. Like a new door opening in front of me for opportunities. Nakakabinging palakpakan at hiyawan ng mga taong dumalo sa ribbon cutting. 

Nang i-angat ko ang aking paningin habang may isang tagumpay na ngiti sa'king mga labi, ay agad kong nakita si Olivia na pumapalakpak habang naluluha pa. Muntik na kong matawa sa'king kinakaupuan dahil para siyang stage mother na nakikitang umakyat ang anak sa stage ng school para tumanggap ng isang medalya. 

I also saw Atlas Mate behind her clapping but his eyes are not on me, but to the person in front of him. True to Felix's words, he's indeed with Feng and tita Fai. Pumapalakpak din silang tatlo habanag may mga masasayang ngiti. Buti pa sila at natutuwa sa'king narating pero ang mga magulang ko na siyang dapat nandito kasama ko ay hindi mahagilap. 

I composed myself and wear my best smile while some photographers are taking a picture of me. It may be my second branch only but I'm quite well known in my business line. Pumasok na ang lahat sa loob nang matapos na ang pictorial for ribbon cutting. May mahabang buffet table sa loob na ang mga nakahanda ay ang mismong mga putahe na siyang inihahanda namin sa mga mambibili. 

Halos hindi na ata ako umupo simula nang dumating ako rito sa restaurant. I continue entertaining all the guest that attends today's event. Lahat naman sila ay may mga masasayang ngiti at mukhang please sa takbo ng aking event. Kahit sa pagkaing nakahanda ay nakakatanggap ako ng papuri mula sa kanila na lalong nagpapalawak sa'king ngiti. 

Lumapit ako sa lamesa nila Felix nang makitang nakaupo sa sila at tapos ng kumuha ng pagkain. 

"Good Morning!" Masayang bati ko sa kanila na agad naman nilang sinuklian.

"Congratulation, ate!" Pagbati sa'kin ni Felix at Feng.

"Wala ba kayong mga pasok?" Takang tanong ko sa kanila.

"Mamaya pang tanghali ang aming pasok, ate." Sagot ni Feng pagkatapos ay sumubo ng pagkain. 

Binalingan ko naman si tita na may banayad na ngiti habang nakatingin sa'kin. 

"Congratulation, iha." Agad naman akong nagpasalamat dahil sa sinabi nito.

Agad namang naging hilaw na ngiti ang mga masasayang ngiti ko nang dahil sa sunod nitong sinabi sa'kin. 

"Anak ka nga ng tatay mo, iha. No doubt in that." Tumawa pa ito ng mahinhin pagkatapos n'yang sabihin iyon. Hindi ko tuloy alam kung makikitawa ba ako sa kaniya o ano, dahil ayokong mapag-usapan ang aking ama. 

"Really tita?" I hope it didn't sounds sarcastic.

"Yes, parehas kayong mahilig sa Filipino food and you are both ambitious. You are indeed a Kings." 

Hangang sa umalis ako sa sa table nila ay hindi na wala sa utak ko ang sinabing iyon ni tita. Anak ka nga ng tatay mo. How ironic that other's can see our similarities but my father don't. Kahit naman ako ay hindi ko rin makita, kaya nga I have doubts kung anak n'ya ba talaga ako,e. 

Maybe, unconsciously I establish my restaurant to please my father. Hindi naman lingid sa kaalaman kong mahilig siya sa Filipino food. Ang isinisiksik ko lang talaga sa utak ko na gusto kong ipakilala sa ibang bansa ang ating kultura sa pamamagitan ng pagkain, pero mukhang hindi lang talaga iyon ang rason. Maybe... just maybe, I really want to please him. I'm not sure. 

Bumuntong hininga ako dahil sa'king mga iniisip at muling ibinalik ang ngiting kanapaskil kanina sa'king mga labi. A journalist came at me with a big smile plaster on her face. Alam ko na agad ang pakay nito base sa kaniyang expression.

After a mini-interview with the journalist, ay pumunta naman ako sa loob ng kitchen to check if anythings is alright. Ang mga seryosong mukha ng aking mga tauhan ang bumungad sa'kin pagpasok ko. I checked their attire kung sinusunod pa nila ang protocol at kung malinis pa ba ang paligid kahit busy sila sa pagluluto. And thanks God, dahil maayos naman ang lahat. Wala ring tatamad-tamad na waiter at waitress, maagap na rin nila nalilinis ang mga lamesang ginamit. 

 The day went well. walang naging problema sa kahit saan at naging matagumpay ang aming grand opening. Kaya puno ng masasayang mukha na may mga ngiti ang mukha ng aking mga employee pagkatapos ng event. Nagkaroon sila ng munting salo-salo rito bago tuluyang umuwi sa kanilang mga tahanan. 

Pagkalabas ko ng restaurant ay nandoon na agad si Olivia kasama ang sasakyan n'yang naghihintay sa'kin. She once again hug me and congratulate me like she didn't do it for a hundred times. 

"I invited my cousins to your celebration today." Sabi nito habang nakatutok ang mga mata sa daan.

Kinabahan naman agad ako sa sinabi nito sa'kin. My gosh, she invited her cousins. Malamang sa malamang n'yan ay kasama si Froy do'n dahil isa ito sa mga pinsang ka-close n'ya. 

"I texted Prim too but like the other days, I still can't reach her." Sabay pa aking napabuntong hininga sa sinabi n'ya. 

Nagkatinginan kami na ngumiti sa isa't isa. Parehas kaming nag-aalala kay Prim, kahit na sabihin sa'min ng kaniyang mga magulang na okay naman ito ay hindi pa rin kami mapalagay lalo na't hindi namin siya ma-contact. 

Kinuha ko ang aking cellphone mula sa'king bag para tignan ang oras at kung may mensahe ba akong nakuha. Huminto ang sasakyan ni Olivia nang makapag-park ito ng maigi. Inilabas ko ang aking red lipstick at muling naglagay sa'king labi. Habang pinapahiran ang aking mga labi ay biglang tumunog ang aking phone na nasa hita ko. 

Sabay kaming napatingin do'n ni Olivia at abot langit ang aking kabang makita sa lock screen kung sino ang nagtext sa'kin. 

You recieved a message from daddy.

Parang nanlamig ang buong pagkatao ko at hindi ko napansing pinipigilan ko na pala ang aking paghinga. Nararamdaman ko ang panlalamig ng aking kalamnan dahil sa kaba, unti-unting nanginig ang aking kamay na hawak-hawak ang aking lipstick. 

"O, your dad texted you. Maybe, he's congratulating you!" Nakangiting sabi sa'kin ni Olivia.

I can hear my mind say 'thanks God' and sing 'alleluia' when different idea came to Olivia's mind. Now, I'm greatful that I named Oliver as daddy in my contacts. Kung hindi ay yari na kaming dalawa nagyon pa lang. 

"Yeah, maybe." Binigyan ko ng isang alanganging ngiti si Olivia. 

Nauna siyang bumaba habang ako ay binuksan muna ang mensaheng galing kay Oliver. 

Daddy:

Congratulation, Kitten! I'm so proud of you. Come home early I have a gift for you. Take care.

Agad naman akong napangiti sa kaniyang message. There's nothing unique on his message but this is the first time that someone texted me something like this. I reply my 'thank you' with a kiss emoticon and a 'take care' at the end of it. 

Sabay kaming pumasok ni Olivia sa bar at pumunta sa table na pina-reserve n'ya kaninang umaga. Nandoon na sa lamesa ang mga pinsan ni Oly. Agad akong niyakap nang mahigpit ng kambal habang binabati. Ganoon din sila Greg, Closs at Pete minus the tight hug. They just raised their glasses of liquor and congratulate me with a friendly smile. Lastly, Froy's caramel eyes met mine. He's seriously looking at me while drinking his shot. 

He just keep on gazing at me kaya naman ay tinukso na naman kami ng mga pinsan n'ya. Now, their tease meant something dahil dati ay wala naman. Base naman sa mga pang-aasar nila ay mukhang wala silang alam sa tunay na nangyari sa'ming dalawa ni Froy. Ang tanging inaasar nila ay ang pagtitig sa'kin ni Froy.

"Tunaw na tunaw, Froy!" Malokong sabi ni Pete dito.

Sinamaan naman siya nang tingin ni Froy kaya tumawa ito. 

"'yong yelo kasi ang tinutukoy ko, inumin mo na 'yan at tunaw na ang yelo." Nakangising sabi nito.

Halata namang hindi talaga ito ang tinutukoy n'ya kaya mas lalong nagtawanan ang magpipinsan na siyang ikinailing ko na lamang. 

"Asshole," Rinig naming sabi ni Froy bago inumin ang alak.

"He drinks it anyway," naiiling na bulong sa'kin ni Olivia na siyang katabi ko.

"You're single, why don't you give it a try?" Malokong bulong sa'kin ni Olivia.

Umiling lamang ako at ininom ang cocktail na in-order ko. I'm not in the mood to drink hard liquor today, the last time I did, kagagahan ang ginawa ko.     

"At least, we'll be a real family kung nagkataon." Sabi ni Olivia at nagkibit balikat pa.

"Do you really want me to become a real family?" Tanong ko rito.

"Of course, itatanong pa ba 'yon?" She gave me the 'duh' look, na siyang tinawanan ko lamang.

I really hope na hangang huli ay gano'n pa rin ang gusto ni Olivia. 

Habang lumalalim ang gabi ay mas  tumadami ang mga taong nagpupunta para makisayo o kaya naman ay makalimot. Mas nagiging malikot at maingay na rin ang paligid. Nagyayang sumayaw sila kambal at si Olivia na siyang pinaunlakan ko. Naiwan sa lamesa ang apat na lalaking kasama namin. Sa aming paglalakad papunta sa dance floor ay dinaldal ako ng aking mga kasama.

"It's good that you're okay now Libs!" Sabi sa'kin ni Elle. 

Noong na hospital kasi ako ay isang araw lang silang nanatili roon dahil kalangan na nilang umiwi. May sari-sariling buhay na naman kasi kami plus we're all adults. We have big responsibilities waiting for us, kaya kahit gusto pa nilang manatili ay hindi nila magawa. Nag-vi-video call na lang sila minsa pagdumadalaw sa'kin si Oly. I honestly appreciate it. Isa sila sa mga rason kung bakit ako gumaling. 

"Just imagine our horror when we heard a gun shot, and saw you laying on your own blood!" Dugtong pa ni Elly sa sinabi ng kakambal.

"That one is a traumatic night for us." Sabi naman ni Olivia.

"Thank you guys, for being there for me! Anyway, let's not talk about that, and let's move our assess to the dance floor!" Masayang sabi ko sa kanila.

Masaya kaming sumabay sa saliw ng musika pagkarating namin sa dance floor. Puno ng mga ngiti at tawanan ang nangyari sa pagsasayaw namin, kasama na rin ang tuksuhan tuwing may lalapit sa'ming lalaki para magyayang sumayaw. They are fun to be with, marunong silang makahalubilo at tunay silang mga tao. We were laughing our hearts out when her cousin— Closs, Greg, and Pete went to join us.

Nang mapagod ako ay nagpaalam akong mag-co-comfort room muna, habang sila ay parang walang kapagurang nagsasayaw doon. Pumunta muna ako sa'ming table dahil do'n ko iniwan ang aking bag. I want to retouch my face para naman magmukhang presentable ulit ako. Naabutan ko ro'n si Froy na mataimtim na umiinom habang nakatingin sa'king paglapit sa lamesa.

I smiled awkwardly at him. I don't know how to react to him. Ayan lang ang naiisip kong gawin. Kinuha ko ang aking bag sa kinauupuan ko kanina. His eyes didn't leave me, patuloy lamang ito sa pagtingin sa'kin. 

Ibinaba n'ya ang kaniyang iniinom sabay sabing, "can we talk?" His voice is serious.

Huminga ako nang malalim bago siya sagutin. "Sure," 

Agad na akong naglakad palabas dahil hindi nama kami magkakapag-usap ng matino dito sa loob. At mukhang seryosong usapana ang aming gagawin kaya hindi nararapat kung do'n kami mag-uusap. Sumunod naman siya agad, napili ko siyang dalhin sa parking lot. Sigurado akong tahimik do'n. Well, maybe some people are making out there.

Huminto ako sa paglalakad nang sa tingin ko ay maayos na itong pwesto namin. Hinarap ko siya at muling nagtagpo aming mga mga paningin. 

"I'm sorry," ayan agad ang bungad n'ya sa'kin. I can see sincerity on his eyes. 

"Sorry?" Takang tanong ko dito.

"Yes, I know that you're drunk. Dapat ay hindi ko ginawa 'yon." 

Napangiti naman ako sa sinabi nito. Froy is really a Valez. Nakita kong napangiti rin ito nangmakita ang aking pagngiti. 

"Yeah, we're both not in our right minds." 

"I'm hoping that we can start anew." Kumamot pa ito sa kaniyang batok habang sinasabi 'yon.

I bit my inner cheek to stop myself from smiling, baka kasi iba ang isipin nito.

"Sure, we can be friends." 

"Yeah... I'm really hoping to have a good relationship with you." Seryosong sabi nito sa'kin. 

Now, that sounds different. Hindi ko alam kung double meaning ba ang sinabi n'ya o ang ibig n'ya lang talagang sabihin ay as a friend? Masamang mag assume kaya do'n tayo sa latter. 

"Who wouldn't like a good relationship right?" 

"Liberty..." His caramel eyes were serious. Nakita ko pa kung paano siya huminga nang malalim at kung paano pinasadahan ng kaniyang dila ang labi n'ya.

Ngunit bago n'ya pa man maituloy ang sasabihin ay nakarinig kami ng isang malakas na tunog na sa tingin ko ay nagmumula sa'king cellphone. Dumapo agad ang aming paningin sa cellphone kong matuloy sa pagtunog at sa pangalawang pagkakataon ay ang pangalang daddy na naman ang nakalagay do'n. 

Daddy's calling 

Decline or accept?

~TBC~

WOOP, Muntik kana mareng Liberty kanina! Saka ano naman kayang sasabihin nitong si papi Froy?

After this chapter, will be having more revelations (I hope I'll be able to execute it properly).

Excuse technical errors and grammatical errors, I don't have time to proofread it. 

Feel free to share your thoughts and love lots!




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top