23
L I B E R T Y K I N G S
The loud music made my ear deaf from any other sound. The dancing neon lights with smoke swirled with hot pink, burning red, acid green, and gold made me see euphoria like it's tangible. It was hypnotizing. It made me blind from all the problems ahead of me. The loud beat form the bass of huge speakers made my body numb from the pain that I'm feeling. Dancing bodies fused with sexual music, faces painted with a smile and no worries made me feel envious.
Ice clinking inside my empty glass of Baker's Single Barrel Bourbon made my gaze tore away from the dance floor. Gazing at it for almost an hour made me realize that, the club is a heartbeat on speakers. I smiled bitterly. Ako lang ata ang hindi masaya sa loob ng club na 'to. I felt like an outsider who trespassed into the club.
"Give me another shot." Utos ko sa bartender na nasa harapan ko at nag-mi-mix ng mga inumin para sa mga katabi kong customer din.
Agad naman siyang tumango at sinimulan ng gawin ang aking order. Tahimik na ito ngayon, kanina kasi ay kinakausap ako nito at sinusubukang makipag-flirt. But I'm not in the mood for that, I have other agenda when I came here a while ago. I want to forget my problems by getting drunk. I want to feel numb as fuck. Sawang-sawa na ko malunod sa kalungkutan at sakit.
A thud coming from my another shot brings me back from reality but unwanted thoughts didn't go away. Wow, at least something likes sticking up to me. Agad kong iinom ang panibagong shot na kalalapag lamang ng bartender sa harapan ko. The bitter taste didn't last long, mas nagtagal pa rin ang pait sa'king puso. The hot sensation that I felt on my throat is the only thing that makes me feel warm. My world is so fucking cold right now and I'm thankful for this drink for making me feel warm.
I opened my eyes after gulping my shot at agad naman umikot ang paningin ko sa'king ginawa. Natawa ako nang mapait, buti pa ang alak na ito ay kayang paikutin ang mundo ko. Natigil ako sa pagtawa nang maalala ang rason kung bakit ako naglalasing ngayong gabi.
It was a busy morning for me, lalo kasi kaming nagiging busy dahil mas nalalapit na ang pag bubukas ng aking restaurant. Ang paghinga na lang ang kaya kong gawing pag-re-relax. Ilang araw na lang kasi ay mag-o-open na kami. Nakapagsimula na rin kami sa aming dry run at ngayon ang huling araw para roon.
Hindi na namin alintana ang pagtakbo ng oras kasing bilis nga ata namin ang takbo nito. Tumutulo ang aking pawis sa noo at sa batok pababa sa'king likod. Kahit na may air-condition kami sa loob, ay hindi nito kinakaya dahil sa init ng araw at ang patuloy naming paggalaw.
"Chef, okay na ba lahat ng dishes natin?" Naglakad ako papalapit dito. Sumilip ako sa counter kung saan maaring masilip ang kitchen.
"Yes, Ms. Kings." Nakangiting sabi nito at nag okay sign pa sa'kin.
Buti na nga lang at kahit pagod at busy kami ngayon ay all smile pa rin ang mga employee ko. Well, isa ito sa mga rules na naka-implement sa'king restaurant. They are all required to smile while they are on duty. Bawal ang nakasimangot at ma-attitude rito. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagsumila nang magsipasukan ang iilang customer sa loob ng restaurant. Agad na puno ang apat na lamesa, tatlo hangang apat na tao bawat isang lamesa.
Simula ng magbukas kami para sa dry run ay hindi bumababa sa tatlong lamesa ang na ookupa ng mga customer. Siguro dahil bago ang restaurant kaya na cu-curious ang mga tao kaya sila kumakain dito. Nag-aabot din ako ng feedback forms sa mga customer para malaman ko kung ano ba ang nagustuhan at mga ayaw nila. So far, sa mga nababasa ko ay gusto raw nila ang ambiance ng restaurant.
Ang tema ng aking restaurant ay very Filipino since Filipino dish ang inihahanda namin dito. Ang pinaka interior design nito ay naka-base sa isang local na bahay ng mga Filipino. Puno ito ng mga malabanig na design sa dingding at mini banderitas. May isang jeep sa loob ng aking restaurant. Wala itong gulong at hindi rin ito elevated, nakasadsad ito sa lapag at sa loob ay may mahabang lamesa para sa mga gustong kumain do'n. Isa ito sa mga malakas humakot ng mga customer lalo na sa mga bata at pamilya. May mga fake banana leaf din sa bawat lamesa, ito ang nagsisilbing table mat. Overall it gives off homey and lovely provincial feeling.
Two PM natapos ang pag-operate ng restaurant. After naming maglinis ay nag-meeting naman kami about sa feedbacks na nakuha namin mula sa mga customers. Ayon dito ay maayos naman daw ang serving time pati na rin ang lasa ng mga pagkain. Exciting daw kainin ang mga dishes namin dahil sa mga twist nito. Ang kailangan lang naming ayusin ay ang bilis sa paglinis ng mga table. Medyo hindi kasi mabilis ang response ng mga waiter.
"Pag may nakita kayong customer na nagtaas ng kamay o mukhang may kailangan ay lapitan n'yo agad." Seryoso kong sabi sa kanila.
Nasa loob sila ngayon ng office ko at mga nakatayo sa'king harapan, habang ako ay nakaupo sa'king swivel chair.
"Isa pa, pagnakita n'yong tumayo na sa lamesa ay linisin agad ang ginamit na lamesa." Nag-cross arms ako sa hanarap nila at isa-isang tinignan ang mga waiter at waitress ko.
"H'wag na kayong maghintay ng pasko bago linisin." Agad naman silang nagsitanguan sa'king sinabi. After ng ilan pang pag-uusap about sa mga dapat at hindi dapat gawin ay pinauwi ko na sila at exactly 3:30 pm.
Tutal ay hindi pa naman regular ang pag-operate ng restaurant kaya pwede silang maagang umuwi pagsinabi ko. Tinignan ko sa'king lamesa ang iilang mga resume at documents na kailangan kong i-review. Napabuntong hininga naman ako sinimulang basahin ang mga ito. Nagpaiwan talaga ako sa restaurant para gawin ang mga ito saka kaya ko namang isarado ng mag-isa ito.
Napakunot ang noo ko nang tumunog ng malakas ang aking cell phone na nasa ibabaw ng aking lamesa. Agad na sumama ang timpla ng aking pakiramdam nang makita kung sino ang tumatawag. Naiinis kong ibinaba ang mga papel na aking hawak at sinagot ang tawag. Sumandal ako sa'king kinauupuan bago magsalita.
"Good afternoon, dad." What's good in the afternoon kung siya ang bubungad?
"Libierty, I arranged a meeting for you and your fiancé." Walang pagbati nitong bungad sa'kin.
Nakakainis na ngang hindi siya marunong bumati kahit simple 'Good afternoon' o kung ano pa man, tapos ay iyan pa ang ibabalita n'ya sa'kin? Wala akong naaalalang pumayag ako sa gusto n'ya ah? Kaya bakit magkakaroon ng meeting with my 'fiancé'? Nahihibang na ba siya?
"Excuse me? As far as I can remeber, I didn't agree on that." Medyo tumaas ang tono ng aking pananalita dahil sa inis na aking naramdaman.
"Watch your tone, lady. You're talking to your dad." Galit nitong sita sa'kin.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa wakas ay narinig ko rin sa bibig n'ya na tatay ko siya. Akala ko ay hindi n'ya ko itinuturing anak at hindi n'ya tanggap na ama ko siya. Somehow the anger that I'm feeling subdue and I'm starting to feel happy. Alam kong ang babaw ng kaligayahan ko pero anong magagawa ko? Kahit sa simpleng salitang iyon ay na feel kong anak n'ya ko. I've been wanting to be his daughter, kaya kahit kakapiranggot na bagay lang 'yan ay sumaya na ako.
"Sorry, kelan ba?" Napapikit naman agad ako dahil sa nasabi ko. Shit, masama talagang magsalita pag masaya ka. Nakakapagbitaw ka ng salitang hindi mo sigurado kung kaya mo bang gawin o gusto mo talaga.
"I'll send the details to you later." Pagkatapos n'yang sabihin 'yan ay agad n'yang ibinaba ang tawag.
My heart is still singing happily from what I heard a while ago. Parang paulit-ulit kong naririnig ang pagalit na boses ni dad na sinasabing tatay ko siya. A little smile creep into my lips and I continued doing my work happily. Ngayon lang ata ako natuwa sa pagtawag sa'kin ni dad and I completely forgot kung patungkol saan ang pinag-usapan namin.
Nanumbalik lang sa'kin ang aming mga pinag-usapan nang mag-text sa'kin ang aking ina. Para ba akong ginising nito sa masaklap na katotohanang para akong ipibagbili ng aking ama sa ibang tao.
Mom:
Dear daughter, I heard from your father that he'll give you, your inheritance! I'm excited!
Yeah, right. Ramdam na ramdam ko nga ang pagka-excite mo mom.
Me:
You're excited?
Mom:
Of course, you're getting married and your inheritance!
Para bang isang lason ang sinabi ng aking ina at unti-unti nitong pinaramdam ang pait na kinakaharap ko ngayon. Ang panandaliang sayang naramdam ko kanina ay natakpan na ngayon ng sakit at poot. Kaya siguro natanggap ng aking ama na tatay ko siya dahil may pakinabang na ako ngayon sa kaniya. Bigyan n'ya man ako ng aking mana ay mas may kikitain siya sa mangyayari.
Napangiti ako ng mapait. Ipinagbili ako ng aking ama. Isa lang akong instrumento para mapalago ang kaniyang pinakamamahal na kumpanya.
And with that thought, I went straight to a club. Nagpatuloy ako sa'king pag-inom at sa pagmamasid sa mga taong nandirito. Habang pinapanood ko sila ay para akong tinatawag ng musika para sumali sa dagat ng mga taong nagsasayaw sa gitna ng dance floor. Ibinaba ko ang basong hawak-hawak ko at naglakad papunta sa mga nagsasayawang tao.
Hindi ako sigurado kung tuwid ba akong naglakad papunta roon, ang mahalaga ay nakarating ako sa gusto kong puntahan. Ang mga masisiglang tao ay sumasayw sa salik ng maharot na musika na pumapailanlang sa gusaling ito. Nakisabay ako sa galaw at musika, hindi alintana ang mga taong katabi ko at ang humawak sa'king beywang.
Patuloy lamang ako sa galaw ng aking mga balakang sa isang sensual na paraan. Itinagilid ko rin ang aking ulo habang hinahawi ang aking buhok. Lalo akong ginanahan nang maramdaman ko ang hininga ng kasayaw ko sa'king leeg. Hindi ko ito pinansin at nakapikit na nagsayaw. Itinaas ako ang aking kamay habang gumigiling at hinawakan ang batok ng aking kasayaw na nasa'king likuran.
Nang maramdaman kong parang hinuhukay ang aking tiyan at parang gustong bumaliktad ng aking sikmura ay, agad kong itunulak ang aking kasayaw at dali-daling umalis do'n.
"What the fuck? Where are you going?" Gulat nitong sabi dahil sa pagtulak ko. Hindi ko na siya sinagot at simapo ang aking bibig habang nagkukumahog na pumunta sa comfort room.
Para bang umaalon ang aking dinaraanan kaya hindi ko magawang maglakad nang direstyo. Natawa pa ako habang may nasasaging tao habang naglalakad, nang muli ko maramdam ang pagbaliktad ng aking sikmura ay muli akong nagmadaling naglakad. Ngunit bago pa man ako makarating sa comfort room ay may nasagi akong lalaki at sa lakas ng impact nito ay napaupo ako sa lapag. Sinibukan kong tumayo agad pero habang tinutukod ko ang aking kamay patayo ay nasuka na ako.
Parang ilalabas ko ata lahat ng aking kinain simula kaninang umaga pati na rin ang mga ininom ko. Patuloy ang paghilab ng aking tiyan, naluha na rin ang aking mga mata dahil sa pagsuka. Dahil sa maasim at hindi malamang lasa ng suka ay parang gusto muling bumaliktad ng aking sikmura. Napatingin ako sa'king sinukahan. Hindi lang ang lapag ang nasukahan ko pati na rin ang paa at binti ng nakabangga ko.
Nagpupunas at naluluha akong nag-angat ng tingin. Laking gulat ko na ang mga parehas ng mala-caramel na mata ang nakita ko. Ang makapal nitong kilay ay nakakunota at ang manipis nitong labi ay nakaawang marahil sa gulat. Sino bang hindi magugulat kung sukahan ka ng babaeng naka bangga mo, hindi ba?
"Liberty?" Gulat nitong sambit.
Hindi ko na magawang magsalita dahil ayaw kong malasan ng mabuti ang after taste ng pagsuka. Tumango na lamang ako sa pagtawag nito sa'king pangalan. Agad naman Itong yumuko at naglahad ng panyo. Kinuha ko ito sa kaniyang kamay at nagpunas ng bibig. Inalalayan ako nitong tumayo mula sa'king pagkakaluhod.
Parang Hindi man lamang ito nandiri sa'king suka na nasa harapan namin at nasa binti n'ya. Nang makatayo ay agad akong napahawak ng mabuti sa kaniyang braso. "Sorry." Hingi ko ng paumanhin dito.
Tumango lamang siya at nagtawag ng waiter. "I'm sorry, Froy." Ulit ko dahil feeling ko ay galit ito sa'kin.
"It's fine, Liberty." Seryoso nitong sabi.
Nang makalapit sa'min ang waiter ay agad nitong nilins ang kalat na aking ginawa. Pinangko ako ni Froy kaya ikinapit ko sa kaniyang batok ang aking mga braso. Agad na lumapat sa'king balat ang malamig na simoy ng hangin pagkalabas namin sa gusaling iyon. Ibinaba niya ako sa tapat ng isang mamahaling sasakyan na mukhang pagmamay-ari n'ya.
"Let's get you clean." 'yon lang ang sinabi nito at pinatunog na ang kaniyang sasakyan.
Pumasok naman ako sa sasakyan n'ya. Hindi na ako makapag-isip ng tama dahil sa kalasingang nararamdam ko ngayon. Hindi ko alam kung sa'n kami patungo dahil hindi naman ito nagsasalita. Nahihilo rin ako dahil sa paggalaw ng ginalalagyan ko ngayon. Siguro ay ihahatid ako nito sa mansion. Anong oras na nga ba?
Hindi ko na nagawang tignan ang orasan ng sasakyan dahil biglang bumigat ang aking mga talukap. Nagising na lamang ako nangmaramdaman ko ang mahigpit na hawak sa'king beywang. Agad akong nagmulat ng mata at ang seryosong mukha ni Froy ang bumungad sa'kin.
Buhat-buhat ako nito at nasa loob kami ng elevator. Mukhang sa ibang lugar ako nito dinala at hindi sa mansion. Wala naman kasing elevator sa loob ng mansion 'no.
"Where are we?" namamaos kong tanong dito.
"We're going to my condo to get you clean. You're free to rest there too, hindi na kita inuwi sa mansion dahil anong oras na." Mahabang paliwanag nito.
Nagsimula na itong maglakad papunta sa conda n'ya ng bumukas ang elevator. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagpapababa sa kaniya. Siguro dahil sa kalasingan o dahil gusto kong may kasama ngayon. Whatever the reason is, I'm still thankful na kilala ko ang kasama ko ngayon.
Ibinaba ako nito sa kama n'ya. Sinundan ko lamang ng tingin ang bawat pagkilos na ginawa n'ya, kung paano siya kumuha ng isang t-shirt sa loob ng closet n'ya. Pati ang pagpasok n'ya sa comfort room at paglabas na may dalang bimpo at planggana. Inilagay nito sa lamesang nasa gilid ko ang plangganang may tubig at nilublob do'n ang bimbo bago nito pinunasan ang mukha ko.
Habang pinupunasan nito ang mukha ko ay nagtagpo ang aming mga mata. His caramel warm eyes meet my ocean blue one's. And I don't know what happened to me. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa'kin pero inilapit ko ang aking mukha sa kaniya. And later on, I found my self kissing Froy hungrily like there's no tomorrow.
My lips crushed againts his, he hungrily kiss back with the same force. The sensation of our lip locking made me moan. I open my mouth, tongue pushing past his clenched teeth up to his expert tongue. Our tongue battling with each other creating a fierce but sensual fight. The kiss gives off a quick and tingling senstion to my stomach like it was building a fire within.
Our lips parted from one another when we're both out or breath. Eyes still locked with each other and once again our lips met. I don't know why I'mkissing him. Hindi ko talaga alam. I felt like I was cheating. Cheating? E, wala naman akong boyfriend. But then my restless feeling are saying that I'm cheating.
~TBC~
Hala, yari ka mareng Liberty! Bakit ka nakikipaghalikan d'yan?
Sorry, I know na natagalan akong mag-update. Super busy lang po talaga sa online classes but don't worry, pag nasanay na talaga ako ay dadalas na ang update.
Btw, what to do guys think sa bagong book cover natin?
Feel free to share your thoughts and love lots!
Keep safe everyone :>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top