21
L I B E R T Y K I N G S
The sound of birds chirping from outside brings peacefulness inside the dining area, together with the sound of utensils clanging slightly. The sun is set high above us making me energetic and blissful early today. Well, it's not really very early in the morning. Sa totoo lang ay ma-la-late na talaga kami ni Oliver, sa aming trabaho.
Napabuntong hininga na naman ako nang maalala ang dahilan kung bakit kami malalate ngayong araw. Sinubukan ko namang pigilan e, kaso mahirap pa lang tanggihan ang isang, Oliver Valez. Ano pa nga bang bago? Simula pa lang naman nang magtama ang aming mga mata ay sinubukan ko ng pigilan ang attraction na naramdaman ko. But look at me now, still drown to this gorgeous man.
Inabot ko ang tasang nasa gilid ko para uminom ng coffee, baka sakaling kabahan naman ako sa mga pinag-iisip ko ngayon. Halos mabilaukan at mabitawan ko ang iniinom nang mapansing nakatingin sa'kin si Oliver, Ano na naman ba? Medyo nanginginig ang aking mga kamay nang ibaba ko ang tasa sa lamesa.
Sumubo ito ng pagkain habang nakatingin sa'kin. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Baka nakakalimutan n'yang nasa gilid lang ang isang katulong at naghihintay na utusan namin para pagsilbihan kami. Tumikhim ako at nagpatuloy sa pagkain at medyo binilisan na ang galaw. Pwede namang kahit anong oras ako magpunta sa restaurant but I want to be productive as early as possible.
Kung sino pa nga ang may hinahabol na oras siya pa ang chill lang kumilos. I'm looking at Oliver, taking his time like he own the world and not bothered by anything. He's slowly savoring the dish he's eating like there's no work waiting for him. I know na ang call time sa work ay eight in the morning. Agad na napunta sa wall clock ang aking tingin at base sa mga kamay nitong nakaturo sa numero ay mag-se-seven in the morning na.
I know it's rude to interrupt someone when they're eating but damn, traffic jam in the Philippines won't adjust for you. Dahan-dahan kong ibinaba ang pagkakahawak ko sa utensils at pinunasan ang gilid ng aking labi bago nagsalita.
"Oliver, I think we should get going." Seryoso kong sabi dito.
Agad namang nabitin ang akmang magsubo nito sa pagkain nang magsalita ako. Ibinaba n'ya ang kutsara at uminom ng tubig. Tinignan n'ya ako nang seryoso pagkababa n'ya ng iniinom.
"Relax, perhaps I'm late today but I can work overtime later." Tinignan naman ako nito nang ilang segundo bago muling nagsimulang kumain.
Well, he got a point. Pwede nga naman niyang bawiin ang late n'ya ngayon pag nag-over time siya mamaya. My insides settled and I start relaxing after he said that. Magaan na ngayon ang loob kong nagpatuloy sa pagkain ng breakfast. Mas na enjoy ko tuloy ngayon ang pagkain dahil wala na akong kailanganing isipin.
In the middle of our silent peaceful breakfast, my cellphone suddenly rang breaking the silence. My eyes automatically went to the screen and I saw my dad's name on it. Great, I'm having a great morning now then he'll suddenly disturb it. Ano naman kayang kailangan n'ya sa'king? I excused myself and went to the garden before answering his call.
Tahimik ang garden at hindi gano'n kasakit sa balat ang sikat ng araw. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang sasabihin sa'kin ng aking ama pero sa tingin ko ay kaya naman. Lalo na't maganda ang simula ng aking araw ngayon. Saka ano bang bago? Pag ang magulang ko naman ang may sadya sa'kin ay laging hindi maganda ang nangyayari.
Tumikhim muna ako bago sagutin ang tawag.
"Good Morning dad," seryoso kong sabi. Hindi na ako nag-effort na pasiglahin ang pagbati ko sa kaniya. Para saan pa?
"Liberty, I heard you got hospitalized?" Seryoso lang din ang tono nito.
Wala man lang bang 'Good Morning daughter?' I want to laught at my own thoughts. Jeez, kelan ba ako masasanay? Hindi naman talaga bumabati ang isang 'to and I'm actually surprised that he knew that I was hospitalized. It must be Felix, who informs him. Basta talaga ang anak n'ya from his second family ang nagsasabi o humihiling ng bagay, gagawin n'ya agad nang walang pag-aalinlangan.
"Yeah, I got discharged four days ago." Naglakbay ang paningin ko sa garden. I'm trying to divert my attention, ayokong ibigay sa dad ko ang buo kong atensyon. Baka masaktan lang ako sa mga mapansin kong bagay.
Katulad ng tono n'yang mukhang wala naman talagang pakielam kung naka labas na ba ako sa hospital o hindi. Mukhang wala pa nga atang balak kamustahin ako ng isang 'to. It's probably Felix, who reminded him to check on me. I wasn't even expecting him to call or do something. Baka nga matuwa pa siya kung nawala ako at talagang mabubura na ang pagkakamali n'ya.
"Good, come to my office at lunch." Ayon lang ang sinabi nito ay tuluyan ng ibinaba ang tawag.
So much for 'checking on me'. Grabe, ramdam na ramdam ko ang care sa tawag na 'yon. Napailing na lamang ako pagkatapos ilayo ang cellphone sa aking tainga. Well, I should be grateful at tinawagan n'ya ako hindi ba? Grateful my ass. Ano naman kayang kailangan ni dad at pupuntahan ko pa siya sa opisina n'ya? Nagpakawala muna ako ng isang mahabang buntong hininga bago pumasok sa loob para tapusin ang aking kinakain.
After eating breakfast ay agad na kaming tumulak ni Oliver, sa'ming mga trabaho. Kahit nagpumilit akong magtataxi na lamang para deretsyong trahabo na ay hindi siya pumayag. Ipinilit din nito ang kagustuhang ihatid ako sa'king restaurant, mas lalo tuloy siyang ma-la-late nito. Nagpaalam muna ako kay Chanel na hangang ngayon ay wala pang nag-claim na may-ari.
Agad na kumunot ang aking noo nang makita ang mahabang pila ng mga sasakyan sa main road. Ito na nga ba ang aking sinasabi, sasakit na naman ang aking pang-upo nito. Sinuot ko ang aking Chanel sunglasses nang tumama sa'king mga mata ang sinag ng araw.
"What's with that frown, Liberty?" Seryosong tanong sa'kin ng aking katabi.
Napabaling naman ako dito at nakita kong magaang nakapatong ang siko nito sa bintana ng sasakyan at nakahilig ang ulo nito dito. Sana ganiyan din ako at kayang magrelax. Hindi ko alam kung kelan ako nagsimulang maging ganito. Lagi akong nagiging anxious pagdating sa'king trabaho, kaya as much as possible gusto kong nagiging productive ako. Medyo mas nagiging stress din ako nitong mga nakaraang araw dahil sa nalalapit na pagbubukas ng aking restaurant. Salamat na lang talaga kay Oliver, dahil sa kaniya ay nababawasan ang stress ko.
"Heavy traffic always makes me irritated." Pinatunog ko pa ang aking dila pagkatapos sabihin iyon.
Totoo naman, kahit sabihin nating may pagkamabagal din ang usad ng trapiko sa New York ay mas malala ang usad dito. Pero sabi nga nila, kahit gaano pa kabagal ang usad na 'yan, be thankful pa rin dahil umuusad ka. Ganoon din sa buhay. Kahit gaano man ka bagal ang progress mo, it's still a progress. Great things takes time ika nga nila.
Tama 'yan Liberty, think positive. Siguro ay dahil nga sa tagal kong namalagi sa ibang bansa ay hindi na ako sanay sa ganitong kabagal na usad ng trapiko, kaya mabilis na akong mainis. Umusad na muli ang aming sasakyan kaya hindi agad naka pagsalita si Oliver,
"You'll get used to it," hindi ito nakatingin sa'kin habang sinasabi 'yon.
Naka focus na ang mga mata nito sa daan at ang kamay niyang panglalaki ay maingat na nakahawak sa manibela. Naglalabasan nang kaunti ang mga ugat n'ya sa kamay, lalaking-lalaki tignan ito. Napakagat naman ako ng labi nang maalala ang mga bagay na kayang gawin ng mga kamay na 'yon. Yeah, that strong vainy mascular arms can do many sinful and delicuos things.
Mas okay na nga ata ang mag-isip ako ng mga ganitong bagay kesa patuloy na mainis sa daloy ng trapiko. Muling dumapo ang aking paningin sa mga kamay niya nang kumambyo ito. God, look at how it flex! Parang tinatawag ako nito at inaakit na himasin ang braso n'ya at kamay.
Umiling na lamang ako at inilayo na ang tingin sa braso't kamay n'ya. Napagdiskitahan ko namang buksan ang radio nitong sasakyan, at least I'll get distracted by it. Agad naman akong nagsisi na binuksan ko pa ang radio nang binalot ng boses ni Aria Grande ang buong sasakyan habang kinakanta and 'Side To Side'.
Agad na namula nag aking mukha pagkarinig ko sa linyang kinakanta nito. 'I've been here all day and boy, got me walkin' side to side.' Iba't ibang eksena agad ang pumasok sa'king utak. Una sa Opisina, sumunod ang kwarto ko, pati ang hospital, at ang pinakahuli ay ang kaninang umaga. Bakit ganiyan ang kantang pinapatugtog sa radio? Jeez, ang aga pa para sa ganiyang klaseng kanta!
Sakto namang lumingon sa'kin si Oliver, kaya nakita nito ang pamumula ng aking mukha. Agad namang nagkaroon nang malaking ngisi ang kaniyang mga labi. Sinimangutan ko siya at ibinaling na lamang ang tingin sa bintana. I heard his low manly chuckle, it sends shiver and warmth to my heart. It sound is music to my ears. I would love to hear that in my entire life.
Still flustered from his chuckle, I didn't notice that the car stops moving. Nandito na pala kami sa tapat ng restaurant ko, Naka gilid na nang maayos ang sasakyan ni Oliver. Pagbaling ko dito ay agad na nagtama ang aming paningin. Para namang nahugot ang aking hininga sa klase ng tinging iginagawad nito sa'kin.
"Thanks for the ride."
Napakagat naman ako ng aking mga labi nang mapansing doon na nakatuon ang kaniyang atenyon. He licks his lips before gulping. He tap his fingers to the steering wheel while looking at my lips. Didn't he get enough of me? Well, if you'll ask me if I have enough of him. My answer will be, never. Bumuntong hininga siya bago nagsalita.
"Do your best at work." He seriously said.
My heart starts rampaging inside me, making it beats faster than it normally does. No one has ever told me that, not even my parents. Kahit pa noong nag-aaral ako, they never wish me the best. Perhaps they don't believe in me, even at my best. Eto ata ang rason kung bakit takot akong mag-fail, para ko na rin kasing pinatunayan na tama na hindi sila maniwala sa'kin. Pero kahit takot akong mag-fail, I still took risks kasi ganoon naman talaga hindi ba? Hindi naman tayo gagalaw sa'ting kinatatayuan kung hindi tayo mag-ta-take ng risk.
Just a simple phrase but it made my tear fell. A single lonely tear escaped from my eye. The tear is warm like what I'm feeling right now from what Oliver said. Napaawang ang labi n'ya nang makita ang pagkahulog ng luha sa'king mga mata pababa sa'king pisngi. Buti na lamang at naka sunglasses ako kaya hindi n'ya makikita ang namumula kong mga mata. Tanging pagtulo lamang ng luha mula sa'king pisngi ang kaniyang nasusulyapan.
"Hey, why are you crying?" He said gently then he reaches my face.
His warm large callous hands lift my sunglasses and wipe my tear. Kung kanina ay isang luha lamang ang tumulo sa'king mga mata ngayon naman ay nagpatuloy na ito at hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pagbagsak. I don't know what is the reason but when I'm with Oliver, I'm always at my weakest. My vulnerable side always gets the better of me when I'm with him.
Hindi ko magawang sagutin ang kaniyang katanungan, nahihiya akong sabihin ang dahilan. For Pete's sakes I'm already an adult pero na iiyak ako dahil lang sinabihan ako ng 'Do your best', funny isn't? Baka mababawan siya sa rason ko. Umiling na lamang ako at nginitian siya. I don't know if my smile is a happy or sad one.
He pulls my head gently and put it on his broad shoulder. "It's okay, you can cry to me." He keeps on rubbing my back as I keep on crying on his shoulders.
I'm really glad that I went home after almost seven years. I get to meet Olivia and Prim again after many years of separation. Then I met him, I never knew that he'll be someone important to me. I never Imagined back then na ganito ang mangyayari sa'kin pag-uwi ko dito. Akala ko ay magtratrabaho lang ako at makikipag-bonding sa mga kaibigan ko. I never expect that I'll met someone who will make me feel different things.
After crying my heart lonely screams, bigla akong nakaramdam ng hiya. Agad kong inilayo ang ulo kong nakahilig sa kaniyang balikat. Nakakahiya at nabasa ko ang suit niya! Mas lalo rin siyang na late sa pagpasok dahil sa'kin! Nahalata ata niya ang mga iniisip ko kaya muli niyang inabot ang aking mukha.
Marahang Lumapat sa'king pisngi ang kaniyang kamay. His thumb gently rubs my cheeks then he moves closer to me. Our nose touching, his warm breath hits my lips. The moment our lips met my whole being starts a havoc. All of me is in euphoria, I feel like floating in cloud nine. Our lips keeps on brushing to each other, soft and delicate.
My eyes are still close when our lips parted. I slowly open my eyes and a gentle smile on Oliver's face welcome my view. His smile makes the world a little gentle.
~TBC~
Hi, kahapon pa sana 'tong update but nag-ayos kasi ako ng back up at nagloloko keyboard ko. Sorry medyo late and update!
Feel free to share your thoughts and love lots.
Keep safe everyone :>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top