16
L I B E R T Y K I N G S
Malalim na ang gabi at malamig ang simoy ng hangin ang nanggagaling sa bintanang nakabukas sa 'king kwarto. Ang malaking bilog na buwan ang tanging nagbibigay liwanag sa apat na sulok ng aking kwarto. Mulat ang aking mga matang naluluha at namumula nang kaunti dahil sa pagpupuyat.
Ginalaw ko ang aking paningin at tumigil ito sa bilog na orasan na nakasabit sa dingding. 2:30 A.M.and I'm still freaking awake. God, why can't I sleep? Wala naman akong naging problema sa pagtulog for the past few months na nandito ako sa mansion. Hindi rin uso sa 'kin ang tinatawag na pamamahay.
Napakislot ako sa pagkakahiga nang makarinig ako ng yabag ng mga paa mula sa labas. I unconsiously bit my lower lip while looking at the shadow below my door. I shifted my position to sideways so I can clearly watch the shadow moving. I don't feel scared, but anticipation took over my whole being.
I could almost hear the clock's hands moving every second as I watch the shadow intently, expecting someone to enter my roon anytime. Shit! lumabas din ang totoong dahilan kung bakit ako hindi makatulog. Okay, I admit that I'm expecting Oliver to come to my room and punish me. What? Masisisi n'yo ba ako kung mag-expect ako? Lagi naman niya iyon ginagawa, parang hinahanap-hanap na nga yata ng katawan ko 'yon.
I sighed dramatically and rolled my eyes when the shadow move past my door. I guess, no punishment for today. I rolled back, facing the wall, frowning, feeling disappointed at the moment. I decided to sleep now since mukhang wala naman ang hinihintay ko. The look he has that time when he entered the garden made me nervious. Kaya naisip kong baka may punishment ako and I felt excited by that thought. I guess, expectation really leads to disappoinment. closed my eyes as I felt the weariness to my whole being. I was about to drift to dreamland when loud barks from Chanel made me shot my eyes open. Now, why would Chanel bark at this hour? Wala namang ibang animal dito para kalaruin ni Chanel. I started being alert to my surrounding, trying to sense any movement. Nanlaki ang aking mga mata nang maalala ko ang shadow na nakita ko kanina.
Hindi kaya? Shit! Bigla akong nakaramdam ng takot at kaba sa aking naisip. Chanel kept on barking loudly and angrily nonstop. I sat straight and moved silently as I tried to get my phone. I opened my Messenger, looking for someone to contact. Olivia is offline and Oliver is not my friend. Does he even have social media accounts?
I went to my Instagram and I almost thank all Gods that I know when I saw Pete is still online. Agad kong tinawagan ito, ilang segundo muna ito nag-ring bago niya sinagot ang videocall ko. Magulo ang buhok nito at naniningkit ang mga matang nakatingin sa screen.
"Yes, Liberty?" namamaos pa ang boses nitong sabi sa 'kin.
"Uhm, can you hear Chanels bark?" kinakabahang tanong ko rito.
Tiningnan muna ako nito na para bang nahihibang ako bago sinagot ang tanong ko. "Yes, did you call me just to ask me that?"
"No, of course not! Ngayon lang kasi tumahol si Chanel ng ganitong oras, and I saw shadows earlier, I feel something bad about it," pagpapaliwanag ko rito. Agad namang nawala ang pagkakapungay ng mga mata nito at napaupo sa kaniyang pagkakahiga.
Nakita ko namang niyugyog nito ang likod ng kaniyang katabi. Hinawi nito ang kamay niya at umungol lamang. "Gago, Froy gumising ka nga," naiinis namang panggigising ni Pete rito. Kulang kasi ang guest room rito sa mansion kaya tig-dalawang tao kada kwarto.
"You, fucker, magpupuyat ka riyan tapos guguluhin mo pagtulog ko?" galit na bulyaw ni Froy nang tuluyan itong magising.
"No, look, Froy, Liberty told me na baka may nanloob sa mansion," seryosong sabi ni Pete na hawak-hawak pa rin ang cell phone at hindi pinapatay ang tawag. Nakita ko rin ang pagseryoso ng mukha ni Froy.
"Sigurado ba siya?" tanong ni Froy.
Since hindi naman pinatay ni Pete ang tawag ako na ang sumagot sa tanong ni Froy. "No, but it's really bothering me that my dog is barking angrily at this time."
"Stay inside your room. Kami na ang bahalang tumingin kung may nanloob nga ba." Tumango na lamang ako atipinatay na ang tawag. My heart is still beating fast and cold sweat starts dripping from my forehead. My hands started shaking as minutes passed by. Hinawakan ko ang kanang kamay kong nanginginig, baka mapigilan ko ang paggalaw nito. Napapitlag ako sa'king kinakaupuan nang makarinig ako ng nabasag at malutong na mura.
"FUCK!" boses iyon ni Pete, sigurado ako roon. Dahil sa kaba sa 'king narinig ay lumabas ako ng kwarto kahit sinabing huwag akong lalabas.
Natigilan ako sa'king kinatatayuan at napasigaw nang makita ko ang basag na vase at ang dumudugong braso ni Pete na may nakabaong mga buboog. May lalaking naka-jacket at itim na mask ang may hawak na isang mahaba at matalas na patalim. Nakatingin ito nang masama sa 'kin dahil sa ginawa kong ingay.
Nakita ko si Chanel na nasa hagdan at galit na tumatahol sa lalaking nanloob dito sa mansion. "Mga putanginang 'to ang iingay!" galit na sabi ng lalaki habang itinutok sa'min ang patalim na hawak. Agad akong napatakbo sa kinaroroonan ni Chanel at kinarga ito. Nagtago kami sa likod ni Froy na may hawak na lamp shade. Nanginginig sa takot ang aking katawan habang nakatayo.
"You, motherfucker, what the fuck are you doing here?" galit na galit na tanong ni Froy habang si Pete naman ay umiinda sa sakit ng braso niya.
"Tangina nito! nag-e-English pero bobo naman, halata naman siguro ang ipinunta ko rito hindi, ba?" Nakuha pang ngumisi nito habang sinasabi iyon. Hindi ba siya natatakot at nahuli namin siya? Paano nga ba siya matatakot kung may hawak siyang patalim habang lamp shade lang ang hawak nitong si Froy? tapos sugatan pa si Pete.
Nakarinig kami ng pagkasa ng baril kaya lalo kaming kinabahang tatlo ngunit wala naman kaming nakikitang baril na hawak ang lalaki. Halos gusto ko na magtatatalon sa tuwa nang makita ko si Oliver sa likod ng lalaki habang nakatutok ang baril nito sa ulo ng lalaki. May saktong distansya ang layo namin sa lalaki at kay Oliver. Nasa likurang bahagi pala ng lalaki ang kwarto ni Oliver, buti na lang.
"Move and I'll blow that fucking head of yours," galit na sabi ni Oliver dito habang lumalakad papalapit sa lalaki. Itinulak pa niya ang ulo ng lalaki gamit ang nguso ng baril na gamit niya. Nanigas naman sa kinatatayuan niya ang lalaki, nakita kong humigpit ang hawak nito sa kaniyang patalim. I knew from that moment na may hindi ito gagawing maganda kaya agad kong binitawan si Chanel at tumakbo papalapit.
"OLIVER!" I knew what I did was a stupid thing. Ano bang laban ko sa lalaking may hawak na patalim hindi ba? But my mind was shouting to save Oliver from that guy evilness. Agad kong itinulak si Oliver nang makarating ako sa puwesto nila.
Walang gumalaw sa'min, para bang huminto ang oras at hindi nakapag-react ang mga tao sa paligid ko. I feel numb all over my body, akala ko sobrang sakit ang mararamdam ko ngunit hindi pala. Mamamanhid pala sa sobrang sakit ang katawan mo, napahawak ako sa aking tagiliran. Nang-iangat ko ang aking nanginginig na kamay at may mainit at malapot na likido ito.
The moment my body hit the hard floor, I heard a loud bang from the gun and loud voices shouting my name. I'm breathing slowly and deeply and my vision starts to get blurry. I felt large, warm hands hold my head and my body.
"Fuck! Don't close your eyes, Liberty." Natataranta ang boses nito habang nanginginig ang hawak sa'kin.
Nakarinig din ako ng parang nagkakagulo and I can't really clearly see them. All I see is their silhoutte and a loud ringing sound in my ears making it hard too hear them.
"Call a fucking ambulance!" Patuloy ang pagkakagulo nila at ang pagkakataranta. Nakarinig pa ako ng pagbukas ng pintuan at pasinghap. Mayamaya ay nakarinig na ako ng iyak at hagulgol.
"That fucker should rot in hell!" galit na galit na narinig kong sabi ng taong may hawak sa'kin.
"W...w-hat happened, Dad? B...b-akit duguan si Libs?" I knew it was Olivia asking his dad. Kahit hirap na kong marinig sila ay alam kong siya 'yon. She's the only one who calls me that here. Narinig ko pa ang paghagulgol nito habang sinasabi iyon.
Nakaramdam ako ng presensya sa'king gilid na tila ba'y umupo ito sa gilid ko. I'm trying my best to keep my eyes open kahit nahihirapan na akong makakita nang maayos. Bumibigat na rin ang talukap ko, tila ba'y gusto ng pumikit.
"L...L-ibs." Nanginginig ang boses nito. Nakaramdam muli ako ng kamay na humawak sa aking kamay, basa ito at nanginginig din.
"S...s-ir!" Nakarinig ako ng bagong boses pero hindi na ito rumehistro sa'king utak dahil sa pagfofocus kong huwag pumikit.
"You, deepshit, anong ginagawa mo at may nakapasok sa mansion?" I can feel the tension of his muscles while holding me made by his anger.
Before closing my eyes and losing my consciousness, I heard a loud siren and people walking fast. I felt my body getting removed from the warmth of that peron holding me. I was placed to a cold cloth and lifted by it. Then I drifted to bottomless darkness where I can't feel anthing but coldness and loneliness.
~TBC~
Hi, akala niyo may punishment 'no? Sorry but different kind of action ang meron ngayon.
I tried making something new for this chapter and sana nagustuhan niyo.
Feel free to share your thoughts and keep safe everyone.
Love lots :>
EDITED
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top