05
L I B E R T Y K I N G S
The weather is good. Mr. Sun is so high up, standing proudly and blinding us with his smile. He was affecting everyone with his good vibes, but not a certain girl who's at the cafe wearing Chanel glasses while sipping coffee.
And that certain girl was Liberty Kings. Yes, it's me, kahit gaano pa kaganda ang sikat ng araw ngayon ay hindi ko magawang ngumiti. Paano ba naman kasi, after the kiss that we shared, kung makaiwas ang Oliver Valez na 'yon ay daig ko pa ang may sakit. Ni kahit sulyap nga, hindi no'n ginawa sa 'kin! Napakaganda ko naman! Hindi deserve ng beauty ko ang mabaliwala, 'no! Bahala siya, it's his loss, siya lang naman ang hindi makakasilay sa kagandahan kong taglay.
Nagpupuyos pa rin ako sa galit tuwing naaalala ko ang pag-iwas na ginawa ni Oliver. Sinisigurado niyang tapos na siyang mag-almusal bago kami bumaba. Matatagpuan na lang namin siyang papalabas na ng mansion at papasok na sa trabaho kahit napakaaga pa. Kahit ang morning exercise niya ay mukhang sa ibang lugar niya ginagawa para lamang hindi magtagpo ang landas namin.
'Pag gabi naman ay lagi itong overtime sa trabaho o kaya ay may lakad ito at uuwi na lamang 'pag tulugan na sa mansion. Gano'n ang naging eksena namin sa tatlong araw na nakalipas, at dahil nga roon ay late ko na tuloy mami-meet ang architect na ni-recommend niya sa akin.
Mukhang kahapon lang niya naalala kaya naman ngayon ko pa lamang kikitain ang architect na sinabi nito. His secretary emailed me yesterday, kung available raw ba ako para ma-meet ang architect na 'yon at kung ano-ano pang details about this meeting ang aming pinag-usapan. I'm fifteen minutes early sa napag-usapang oras dahil ayaw kong makita si Oliver. Sa sobrang pagkabwisit dito kaya inunahan ko siyang umalis sa mansion.
At dahil nga maaga ako nakarating sa cafe na napag-usapan ay nagsisimula na akong mainip kakahintay. I rolled my eyes, bakit ba kasi napaka-competitive ko? Sa lahat na lang ng bagay ay hindi ako nagpapatalo. Tingnan mo naman, pati ang pag-alis ni Oliver nang maaga ay nakipagkompitensya pa ako. Exactly seven in the morning ay may lalaking pumasok sa pintuan ng cafe. Luminga-linga ito na para bang may hinahanap, nang magtagpo ang aming mga mata ay agad itong pumunta sa gawi ko.
Umupo ito sa harapan ko at naglahad ng kamay sabay pakilala sa sarili. "Architect Atlas Mate, nice to meet you, Ms. Kings."
Tinaasan ko muna siya ng kilay bago tinanggap ang kamay nito. How can this man knew what I look like? First time naming magkita ngayon, so how can he be so sure that I'm Liberty Kings? "Good morning, Mr. Mate," pormal kong sabi rito.
Pinasadahan ko ang hitsura nito, hindi naman niya malalaman dahil nakasuot pa rin ang sunglasses ko. He has blue eyes like mine, and his hair was long, naka-man bun ito pero neat naman ang ayos kaya mukha pa rin siyang propesyonal kahit papaano.
Itinaas ko sa aking ulo ang aking sunglasses bago ko in-open ang topic about sa aking unit. "You should order your food first then we'll tackle about my unit," pormal akong nakipag-usap sa kaniya. He's probably thinking na masungit ako dahil sa expression ng mukha ko.
"Sure." After ordering his food ay nagsimula na naming pag-usapan ang kaniyang gagawin.
"Can I see your portfolio?" tanong ko rito. Of course, I want to see his works para malaman ko kung gaano ba siya kagaling sa kaniyang trabaho.
He handed me his portfolio and to my surprise, they are beyond nice. His designs are excellent, he can surely leave his clients satisfied with his works. I handed his portfolio back, sakto namang dumating ang food niya kaya while eating, we started the discussion.
"I have the blueprint here, but if you want to see the actual unit, p'wede naman," sabi ko rito at iniabot ang blueprint ng unit ko.
"I actually can do it with just the blueprint, but para mas maganda ang magiging visualization ko sa gagawing design ay magandang puntahan ko ito," pormal din itong nakipag-usap sa akin which is good, lalo na't wala ako sa mood ngayon at hindi ko gugustuhing may magdyo-joke o kung ano pa man sa harapan ko.
"What do you want as for the theme, Ms. Kings?" tanong nito sa akin.
Medyo nag-isip ako saglit bago siya sagutin. "I want it classy with a touch of color red." Sinabi ko rin ang gusto kong baguhin sa structure ng aking unit, like some simple changes.
"I'll present you three designs to our next meeting, Ms. Kings."
"Good, by the way, you can use different shades of red and you can see my unit after presenting your designs para sa final touch." I sipped my coffee and looked at him.
"Minamadali ba ang unit mo or hindi naman?" tanong nito sa akin after niyang kumain.
"Hindi naman masyado, but if kaya namang matapos nang maaga, mas maganda."
"Give me a week para sa structure changes na gusto mo, and another week for interior design." He can actually do both, kaya sulit na rin siyang kunin, at least, hindi na 'ko mahihirapan pa.
The meeting ended well. We parted ways after shaking each other's hands. I went straight to my restaurant to see the progress of it. It's going well naman and malapit na siyang matapos. I think two to three months na lang at p'wede na 'kong magbukas, malapit ko na rin namang makumpleto ang recipes na ilalagay sa menu.
I had a meeting with my three chefs about our menu. Napag-usapang gagawa sila ng tig-iisang dish at pagbobotohan namin kung ano ang ilalagay do'n sa menu. Lunch na nang matapos ko lahat ng aking gagawin kaya pagod akong umuwi sa mansion at agad na natulog muli.
After my beauty rest ay nag-ayos na ako papunta sa lakad namin nina Oly at Prim. Today is Friday kaya may night out kami ngayon. Saktong-sakto ang aming night out, tutal, na-i-stress ako ngayon kay Oliver, tama lang na mag-unwind ako at mag-party. Anong akala niya? Na siya lang ang lalaki? Maraming lalaki sa bar na hindi ako iiwasan after akong halikan! Akala niya kung sino siya? Watch me, Oliver, kayang-kaya kitang kalimutan.
Kahit mala diyos pa ang kaguwapuhan niya at lahat ng gawin niya ay nakakaakit. Wala pa ring makakaligtas kay Liberty Kings 'pag siya ang nainis. Let's see kung kaya mo 'kong tapatan, Oliver, hindi lang kita iiwasan, papalitan pa kita!
I started getting ready for our night out. I will make sure that everyone in that bar is going to drool. I smirked as I planned my little revenge. I'm sure he's going to see me. Olivia will definitely going to post lots of pictures on her social media accounts. You will see, Oliver, you will see what you are losing by avoiding me.
I wore my red velvet mini dress paired with Guiseppe Zanotti black ankle strap snake heels. I put my channel dangling earrings and curled my hair into perfect waves. I put a glamorous makeup on me and before going out, I brought my red Gucci handbag. I looked at the mirror one more time and when I saw myself, I got satisfied.
Sabay na nagbukas ang pintuan ng kwarto ko at ang kwarto ni Olivia. Napatingin ako sa ayos niya and wow, hindi rin nagpatalo ang best friend ko. She wore a low v-neck silver mini dress paired with gold strappy heels. Her hair was on a high ponytail that matched her elegant makeup.
Sabay kaming nagsalita at nginisian ang isa't isa.
"Beautiful," I said to her. "Gorgeous," she said.
Olivia used her Mercedes Benz. The club was already noisy and hyped up when we got there, it's already 9:30 kaya marami na ring tao ngayon. Pero mas dadami pa ito 'pag mas lumalim ang gabi. Prim texted us, na nasa couch siya at nagsisimula nang uminom.
Medyo alcoholic talaga ang isang iyon. While walking towards Prim, many eyes were all on me and Olivia. Well, we cannot blame them, para naman kasi kaming bumaba sa langit para punuin ang kanilang mga pantasya, but sorry, boys, you can only stare at us.
"Hey, pretty!" masiglang bati ko kay Prim na may hawak na scotch habang nakaupo at agaw pansin din ang ganda sa suot nitong backless, violet mini dress.
Ngumisi lamang ito at itinaas ang kaniyang baso bago uminom. Napailing naman si Oly sa ginawa nito, kahit kailan talaga ay napakalasinggera nito. "Prim we just arrived at mukhang nakailang baso ka na agad," sita ni Oly rito.
"Don't look down on my alcohol tolerance, Oly," nakangising sabi nito at lumagok na naman ng alak.
"Problemado?" tanong ko rito habang nakataas ang kilay.
Pinatunog nito ang dila bago sumagot. "Nah, I'm just a little pissed."
Tumabi ako rito at inakbayan siya, inagaw ko ang iniinom niya at ako ang lumagok. "Looks like I'm not the only one."
Nagngisian kaming dalawa habang umiiling na lamang sa amin si Olivia. "Come on, Olivia! Take a shot!" pagyayaya ni Prim dito.
"Of course, I will, nasa bar tayo kaya talagang iinom ako." Naghalakhakan kaming tatlo roon at nagpatuloy sa pagkwekwentuhan. We were having fun when suddenly, a group of boys approached the three of us. They sat down without our permission and started talking to us.
"Hey, beautiful ladies!" nakangising sabi ng isa sa kanila. Katabi ito ni Oly, nag-abot ito ng kamay kay Oly ngunit hindi naman nito tinanggap.
"Hey, sexy," bati naman sa akin ng lalaking tumabi sa akin at umakbay pa ito sa akin. Agad namang nagkantyawan ang mga kasama nito dahil sa ginawang pag-akbay sa akin. Tumaas tuloy ang aking kilay at pabalang na inalis ang kamay nito sa makinis kong balikat. What a douchebag.
Mukhang nainis din si Prim sa mga ito kaya nagyaya siyang sumayaw kaming tatlo sa dance floor. Agad naman naming sinang-ayunan ang suhestyon nito. We're dancing and having fun on the dance floor nang biglang magpaalam ni Oly at magsi-CR lang daw. Samantalang si Prim naman ay pupunta raw sa counter para uminom ng alak.
Naiwan akong mag-isa sa dance floor but I don't mind. Masaya akong nagsasayaw, sinasabayan ng katawan ko ang bawat beat ng music. I was sexily swaying my hips and flipping my hair in a sensual motion when someone touched my waist from behind and danced with me.
Hindi naman nakakabastos ang hawak nito kaya pinabayaan ko na. Hinarap ko ito at in fairness, guwapo ang isang 'to. We were having fun on the dance floor and we were both grinding on each other's body. I was grinding my ass on his crotch and I giggled when I heard him curse. Mas lalo akong ginanahang sumayaw kaya mas lalo ko pang ginalingan ang paggiling ng aking katawan. He put his face near my neck and smelled it. I find it sexy and fun at the same time, pero ang fun na 'yon ay hindi rin nagtagal.
Biglang may humatak sa akin palayo sa aking kasayaw kaya perahas kami nitong nagulat at nagalit sa taong pumigil sa pagsasayaw namin. Paglingon ko, ang galit na mukha ni Oliver ang bumungad sa akin. His face was dark and his eyes were dangerous. Nilingon niya ang lalaking kasayaw ko. "Fuck off," mariin at malamig nitong sabi.
Mukha namang natakot ito at nagtaas ng kamay na para bang sinasabing sumusuko na ito at naglakad papalayo. Kumunot naman ang noo ko at inis na nilingon si Oliver. "What do you think you're doing?" Inis kong inalis ang pagkakahawak nito sa braso ko.
"I should be the one to ask you that question, what are you doing?" mariin nitong sinabi ang mga huling kataga na para bang nagpipigil ito ng galit sa 'kin. At bakit naman siya magagalit sa 'kin? Sino ba siya, ha? Anong paki niya kung nasa bar ako at nagsasayaw? Ang huli kong naaalala ay ayaw niya akong makita, so bakit niya ako pinapakialamanan ngayon?
"Dancing, obviously," I said in a 'duh' tone. I rolled my eyes and turned my back at him. Pupunta na lamang ako kay Prim sa counter at makikiinom kaysa makipag-usap sa lalaking ito.
Ngunit bago pa man ako makahakbang ay hinila na ako nito papalabas ng bar. Napakaepal naman ng isang 'to! Hindi ko na nga siya pinapansin tapos siya naman ngayon 'tong papansin sa akin. Nagpumiglas ako habang hinahatak niya ako palabas. Kahit naman magpumiglas ako ay wala naman itong epekto, paano ba naman, ang laki ng kamay nito, sakop na sakop ang aking buong kamay.
Dinala niya ako sa parking, nasa tapat kami ngayon ng sasakyan niya. Buti na lang at medyo madilim ang parteng ito at malayo sa pinaglagyan namin ng sasakyan ni Oly. Iritadong nilingon ko siya. My irritated, blue eyes met his dark, dangerous eyes. Nakaigting ang mga panga nito, he really looked so dangerous. Pero hindi 'yan tatalab sa isang Liberty Kings, isa akong competitive na tao kaya kung galit siya, mas galit ako!
"What's your problem?" inis na sabi ko rito at marahas na iwinaksi ang kamay niya sa aking kamay. Mas lalo namang nag-igting ang kaniyang mga panga at mas lalong sumama ang tingin nito sa akin.
"You are my problem!" galit din nitong sabi sa akin.
Tinaasan ko naman siya ng kilay at sabay sabing, "Oh?" Walang gana ko siyang tiningnan.
"You can't dance sexily to other guys." Nakakunot ang noo nito at galit pa rin ang tono.
"Who are you to say that? Saka tapos ka na ba? I wanna go back there and dance," bagot kong sabi sa kaniya at tinalikuran siya.
Hinatak na naman ako nitong muli and he pinned me to his car. His eyes darkened even more and his aura became more dangerous than before. "You're not going back there. Not with your fucking little, red dress. Not without me. Not ever again."
Before I can even protest, he sealed my lips with his. He kissed me so hungrily and dangerously. He was like punishing me with his kisses. It was rough but sensual, it gave me a different kind of lust. I moaned when he bit my lower lip. I can taste my own blood but I don't care. I don't care if I bleed from his kisses, I don't care if it hurts because it gave me a worldly sensation that made my knee weak.
His kisses lowered to my neck, I moaned louder because of the different shiver that crawled to my skin. It made me lose my mind. My hand was clutching his hair, I arched my neck even more to give him more access. He planted wet kisses, then, later on, he deepened it and started sucking my skin. He looked at me in the eye while trailing some kisses to my neck up to my ears then he said, "that's your punishment kitten."
~TBC~
Ay may kuting! HAHAHA
Ayan sayaw pa Libs. Ginalit mo tuloy si daddy Oliver ;>
Sorry for the wrong grammar and typos.
Keep safe everyone :>
EDITED
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top