03
L I B E R T Y K I N G S
After breakfast ay bumyahe na agad ako papunta sa condominium na aking binili. Sabay-sabay naman kaming tatlo na umalis ng bahay. Since wala akong sasakyan ay isinabay na ako ni Mr. Valez. Nagtalo pa ang mag-ama kung kanino ako sasabay, may sari-sarili kasing sasakyan ang dalawa at ako lamang ang natatanging walang sasakyan.
Matagal na nagtalo ang mag-ama kung kanino ako sasabay ngunit sa huli, si Mr. Valez ang nasunod. Sa kadahilanang p'wede siyang ma-late pumasok dahil siya ang may-ari, samantalang si Oly ay isang general manager pa lamang. Hindi na nagawang sumagot pa pabalik ni Oly nang sabihin iyon ng kaniyang ama.
Kaya ito ako ngayon, nakaupo sa passenger seat habang seryoso namang nagda-drive si Mr. Valez.
Walang nagsasalita sa aming dalawa, hindi ko nga alam kung saan kami paparoon kasi hindi naman niya ako tinanong kung nasaan ang condo ko. Baka naman alam niya kung saan ito? Nope, I don't think so. Wala naman sa hitsura ni Mr. Valez ang maging stalker. Nang mahinto kami dahil sa stoplight ay bumaling ito sa akin na aking ikinagulat. "Hmm, where are you going, by the way?"
Mukha pa itong nahihiya habang nagtatanong sa akin. Ngayon niya lang yata napansin na hindi niya alam kung nasaan ang aking condo. Napangiti naman ako dahil doon, I didn't expect na may ganito palang side si Mr. Valez. He looked prim and proper kasi saka masyadong seryoso. Well, kakakilala ko lang naman sa kaniya, kaya talagang hindi ko pa alam ang mga ugali niya. Nang sabihin ko sa kaniya kung saan ay agad naman niyang tinahak ang daan papunta roon.
"Your condominium is near my company."
"Really? I didn't know that," sabi ko habang nakatingin sa bintana.
"Yes, it's just five to ten minutes drive away from my company," seryosong sagot nito. Nilingon ko naman siya, seryoso lamang itong nakatingin sa daan.
"Philippines, traffic jam was really something," umiiling na sabi ko. Nagsisimula na naman kasing sumakit ang puwetan ko kakaupo dahil sa napakabagal na usad ng trapiko.
"Sinabi mo pa." Nagulat naman ako nang magtagalog ito. I was surprised dahil nagdala na naman ng kakaibang pakiramdam sa akin ang kaniyang boses na may kakaibang accent 'pag nag-Tagalog. His accent while saying Tagalog was not funny. It actually gave me chills and something else. Kung magsabi kaya ito ng 'putangina' ay matu-turn on ako? Jeez, Liberty! What the heck are you thinking? Really? Tagalog bad words are something else. Hindi 'yon maganda sa pandinig!
I never actually said Filipino bad words because I find it irritating. Hanggang 'gaga' lang ang kaya kong ilabas sa aking bibig, but the other curses? Nope, masyado kasing bastos at masakit sa tainga ang mga mura sa Pinas kaya I never liked it, but, heck, kung si Mr. Valez siguro ang magsasabi nito, I would totally find it sexy as hell.
God! Wala pang 24 hours kaming magkakilala ni Mr. Valez, pero kung baliwin ako nito ay higit pa sa salitang grabe. How can this man occupy my mind that fast? Kagabi ko lang ito nakilala pero kung ano-ano nang ginagawa nito sa aking utak. Liberty, get your shits together! You are not like this! Hindi ka nagpapantasya ng lalaki dahil sila ang nagpapantasya sa 'yo. You should stop this madness, dapat si Mr. Valez ang nababaliw sa 'yo, not the other way around.
"Simula yata ng umalis ako ay mas lalong lumala ang traffic jam dito," bumuntong hininga pa ako habang sinasabi iyon. Akala mo naman talaga problemado ako dahil sa heavy traffic. Well, masakit sa puwet at sa ulo ang heavy traffic, but mas problemado ako sa kabaliwang nangyayari sa akin dahil sa lalaking nagngangalang Mr. Valez.
"How many years have gone since you left?" Lumingon ito sa akin at makikita mo na curious talaga siya. I feel proud dahil kahit maliit na bagay lamang iyon ay nagawa ko siyang ma-curious sa akin.
"Almost seven years," nakangiti kong tugon sa kaniya.
"Matagal na rin pala."
"Yes."
"Then why did you come back? I'm just asking, you don't need to answer me if you find it too personal. " Mukha pa siyang nataranta habang sinasabi iyon. I actually don't find him nosy. I can see his curiosity clearly and that's all, no other agendas.
"Well, I want to open a branch here and my father was living here. I aso want to visit Oly," nakangiti kong tugon sa kaniyang tanong.
"Branch?" takhang tanong nito sa akin.
"I have a Filipino restaurant in New York, and I want to build a new branch here," proud kong sagot.
"Really? It's good that you have your own business at a young age." Mukhang namangha Ito dahil may sarili akong restaurant.
"It's hard to establish and grow your own business, but I guess, my independence and will made it possible for me." Napangiti naman ako nang maalala ang lahat ng pagsubok na aking naranasan habang itinatayo ko ang aking business. It's really never going to be easy, but you need to be a risk taker to become successful. Parang sa buhay lang din 'yan, we can never move forward if we will not take a risk. Life is a gamble, we gamble to make a bright future. Hindi natin matatamasa ang ating mga pangarap kung hindi natin ito paghihirapan, at kung hindi tayo susubok kahit pa walang kasiguraduhang tayo ay magtatagumpay.
"That's correct, Ms. Kings, I wish that you would influence my daughter about business."
Nagtakha naman ako sa sinabi niya. Hindi ba gusto ni Oly manahin ang business nila? "Ayaw ba ni Olivia manahin ang business n'yo?" takhang tanong ko.
"It's not her first choice sa kaniyang career, but then, she actually doesn't have a choice since wala namang ibang magmamana," seryosong sagot nito sa akin.
Bigla ko namang naalala no'ng high school kami na ang pangarap nga pala ni Oly sa buhay ay maging isang painter. "She can paint naman 'pag may oras siya."
"Yes, but if she would handle the whole business, she will be too busy." Bumuntong hininga pa ito habang sinasabi ito. Siguro, mahirap din ang posisyon niya dahil nakikita kong mahal na mahal nito si Oly at masakit para sa kaniyang ihiwalay ang anak sa passion nito.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng aking condominium, hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa aking condo. Parang ang bilis naman. Masyado kasi akong focused sa aming pag-uusap na pati ang traffic ay biglang bumilis para sa akin. Tinanggal ko ang aking seatbelt at lumingon sa kaniya. Nakatingin pala ito sa akin habang nagtatanggal ako ng seatbelt, tila ba'y pinag-aaralan ang bawat kilos na aking ginagawa. "Thank you for the ride."
"Anytime, Ms. Kings," seryoso nitong sabi. Ito na naman kami, balik na naman sa pagtitigan sa isa't isa. Hindi naman awkward, kaso naalala kong papasok pa siya at baka ma-late siya, kung hahamunin niya ako sa titigan, kayang-kaya ko itong gawin hanggang pagtanda namin.
Ako na ang unang nag-iwas ng tingin at bumaba sa kaniyang sasakyan. Isinara ko ito at tumalikod na ngunit bigla akong may naalala, kaya bago humakbang ay pumihit ulit ako paharap at kinatok ang bintana na nasa gawi ko. Agad naman niya itong binuksan. "Liberty. . ."
Muli na naman niya akong tinitigan nang malalim kaya napatitig ako sa kaniya nang ilang segundo bago muling magsalita. "You can call me Liberty, Mr. Valez." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay agad na akong naglakad paalis sa kaniyang sasakyan, ngunit bago pa man ako makalayo nang tuluyan ay narinig ko siyang nagsalita kaya nilingon ko siya.
"Call me Oliver. . .Liberty."
Shit! Ito na naman ako ngayon, naiwang nakatulala at napako sa aking kinatatayuan. Bakit gano'n? Bakit iba ang dating sa akin? For Pete's sake, he just called me by my given name, iyon lang naman. Pero bakit ganito? Bakit iba ang pintig ng puso ko ngayon? Is this because of how he said my name? Like it was some kind of a song that can lure you? Or was it how he looked me in the eye while saying it? Like it was a plea and a warning at the same time?
It was just a simple thing, it was just my name. But how can he do that? How can he make a simple thing have a big impact? It was just Liberty, just a name but he made my insides create havoc and leave me here, speechless and surprised.
The way he said it was so menacing but sweet at the same time. Like a sweet warning before the storm. Fuck the storm, I don't care if he will bring a storm to my life. Life isn't peaceful and there will be times that life will fuck you up. Heck, I don't care as long as it was Oliver Valez who will fuck me up.
Shit, I'm in big trouble.
~TBC~
Medyo short update ang isang ito and sorry for the typos and wrong grammar :>
First name basis na sila :>
Keep safe everyone!
Please share your thoughts
EDITED
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top