01
L I B E R T Y K I N G S
The view up here was very fascinating. The buildings, cars, and people looked so tiny up here. The sun rays are so sultry. It's like giving me a warm greeting, like a warm welcome back hug rather. The hot temperature of the Philippines was indeed the warmest hospitality I have ever received from coming back here.
I am back! I have this very big smile while going out of the plane. I can smell the hot humidity from the temperature of the Philippines. I miss this so much! I put my Chanel sunglasses as I walked, agad na hinanap ng aking paningin ang best friend kong si Olivia Valez. Sabi niya kasi ay susunduin daw niya ako sa aking pagbalik, mas excited pa nga yata siya sa'kin, akala mo naman, siya 'yong uuwi ng Pinas.
Mas lalong lumawak ang aking ngiti nang makita ko ang malaking banner na may nakalagay na WELCOME BACK TO THE PHILIPPINES, LIBS! The white tarpaulin with big, pink letters was very eye-catching. Hindi na ako magtatakha kung halos lahat ng madadaan ay mapapatingin dito. May mga hugis pusong balloon pa ito na nakasabit sa gilid ng banner, parang Valentine's day lang, ah?
Napailing na lamang ako sa aking naisip at dali-daling lumapit kay Olivia. Pagkarating ko sa kaniyang harapan ay agad niya akong niyakap nang mahigpit at nagtititili. I'm taking back what I just said a while ago, this is the warmest welcome back hug that I received, and it's from my loving best friend.
"Oh my god! I'm so happy that you are back," abot tenga ang ngiti ni Olivia habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"I'm also happy that I'm back! And I miss you so much, Oly," nakangiti ko ring sabi sa kaniya. Halos maiyak-iyak pa si Oly habang nakatingin sa akin. Natawa naman ako sa kaniyang reaction, akala mo naman, hindi kami nag-uusap sa social media kung maluha-luha pa siya. "Jeez, Oly, don't cry, we have plenty of time para mag-bonding now that I'm back."
"By the way, naayos ko na ang kwartong gagamitin mo sa bahay." I'm going to stay at Olivia's house for the mean time, since wala naman kaming bahay dito sa Pinas, and the condo that I bought is still on process. Don't get me wrong, we used to have a mansion way back then, but my mom decided to sell it noong umalis kami ng Philippines. Ayos naman na rin 'yong condo ko, but it doesn't have any furnitures yet, and I made some changes sa mismong structure, so medyo made-delay ang paglipat ko roon nang ilang months. I'm thankful that my best friend is so hospitable to accommodate me to their home.
"Are you staying for good here in the Philippines?"
"Nope, but maybe I will stay for a year," sagot ko sa tanong ni Oly. Kinuha sa akin ng kanilang driver ang aking bagahe, hindi naman ganoon kabigat 'yon since hindi naman gano'n kadami ang dinala kong damit. I can buy clothes here naman at also some necessities.
"What? Bakit only a year lang?" nakasimangot na sagot sa akin ni Oly. Kumapit ito sa aking braso at nagpa-cute pa.
"I didn't come here to just have a vacation, Oly, I also came here to do some research and work." I own a Filipino restaurant in New York, it wasn't that big, but marami akong regular customer doon. Some New Yorkers liked my Filipino food kaya hindi rin ako lugi. I was planning on building a branch here, but the Filipino dish that I want to serve here will have a twist. Kaya I'm going to have some research na rin kung anong twist ba ang p'wede kong gawin sa aking mga dish.
"God! You are kinda workaholic, 'no?" nakaismid na sabi ni Oly sa akin. Sumakay kami sa luxury van nila. I was speechless for a minute, grabe, napakaganda ng loob nito. Damn, girl! Napakayaman talaga nina Oly.
When I settled on my seat, saka ko lamang sinagot ang sinabi ni Oly. "Well, I'm not as rich as you are, kaya I need na kumayod."
"Hindi ba nagwo-work si Tita?" takhang tanong nito. I almost rolled my eyes dahil sa tanong niya.
"Asa ka pa, ang alam lang noon ay ang magpasosyal." Bunsong anak kasi si Mom kaya spoiled siya nina Granma at Granpa, hindi na nag-mature kahit may anak na.
"Eh, 'yong dad mo naman nagbibigay ng sustento 'di ba?"
Napabuntong hininga naman ako dahil na naman sa kaniyang tanong. "Yes, Oly, but my mom used it all to her luhos."
Umiling naman si Olivia nang marinig niya ang sagot ko sa tanong niya. "Grabe! Your life kinda sucks." I can see some pity in Olivia's eyes, but hindi ko na masyadong pinagtuunan iyon ng pansin. At least, mine are both alive, hindi nga lang magkasundo at parehas na immature. While Olivia, on the other hand, doest't have her mom. Kaya spoiled na spoiled siya ng kaniyang dad, kasi ito na lamang ang natitira para dito, and Olivia loves her dad so much kaya hindi na ito naghahanap ng mom.
Nagkuwentuhan naman kami habang nasa byahe, medyo sumakit na ang pwet ko kakaupo. Sino bang hindi? Ilang hours ang byahe ko sa plane tapos pagdating naman dito sa land ay napaka-traffic. Hindi lang pala sa airport nag-effort si Oly, pati rin pala sa kanilang tahanan. Pagtapak ko pa lamang sa loob ng kanilang mansion ay agad akong namangha sa kagandahan nito, bumungad din sa akin ang napakalaking tarpaulin na nakalagay ay WELCOME HOME! At napakaraming heart balloons.
Hindi ko tuloy mapigilang tumawa dahil sa aking nakikita.
"Why?" takhang tanong sa akin ni Oly.
"Wala, natuwa lang talaga ako sa ginawa mong effort," nakangiti kong sabi sa kaniya. Mukha kasing magpo-propose siya sa akin sa tema ng kaniyang pa-welcome.
"Well, hindi lang din kasi ikaw ang uuwi from another country." Mababakas ang pagtatakha sa aking mukha, kaya bago pa ako makapagtanong ay sinabi na agad ni Oly kung ano iyon. "It's Dad, galing siyang Singapore dahil sa business, but you know I don't usually do this 'pag uuwi siya."
"Alam ba ng daddy mo na rito muna ako makikituloy?" Olivia and I have been best of friends since elementary, but we actually never got the chance to meet each other's parents.
"Yes, finally you will be going to formally meet my dad," nakangiti nitong sabi sa akin. Well, nakikita ko naman ang dad niya dati, but twice lang iyon saka noong graduation lang. I didn't even get a chance to greet her father formally kasi hindi kami magkatabi tuwing graduation. Saka hindi rin kami nakakapag-hang out sa bahay ng isa't isa. I just know her father's name, that's all.
"Let's eat lunch na muna. I know you're hungry na," nakangiting yaya sa akin ni Oly. "Tessa, pakiakyat naman ng bagahe ni Liberty sa kwarto niya," utos ni Oly sa medyo kasing edad naming katulong nila.
"Ako na lang, Oly, nakakahiya naman," nakangiti kong pagtanggi.
"Ano ka ba, kaya niya yan!" Hindi na ako nakaalma pa dahil hinila na ako ni Oly sa hapag.
After naming kumain ay nagpaalam muna ako kay Olivia na magbibihis at magpapahinga muna dahil sa jet lag. Katapat ko lamang ang kwarto ni Olivia kaya madali ko siyang matatawag kung may kailangan ako o kaya kung magyayaya akong gumala.
It was already dark when someone knocked on my door. "Wait!" Agad namang tumigil ang pagkatok sa aking pintuan. Nagkusot muna ako ng aking mga mata bago tumungo papunta sa pintuan. Ang mukha ni Tessa ang bumungad sa akin.
"Ma'am, kakain na po."
"Mag-aayos lang ako saglit saka ako susunod," nakangiting sagot ko rito, tumango lamang ito at lumakad na paalis. Nagpalit ako ng presentableng pambahay, hindi naman siguro kailangang super ayos na ayos para sa dinner. Naghilamos at nagsuklay lamang ako at naglagay rin ako ng face powder at lip balm, okay naman na siguro ito. Tinahak ko na ang daan papunta sa kainan, naabutan ko roon si Oly sa hagdan. Naka-shorts at T-shirt lamang ito, sabay na kaming pumunta sa kainan.
Naabutan namin ang daddy ni Oly na nakaupo, nakatalikod ito sa gawi namin kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha. Umupo si Oly sa kanang bahagi samantalang ako naman ay sa tabi niya. Pag-angat ko ng aking paningin, I felt like I was shot by a bullet. Hindi ako makahinga nang magtama ang aming mga mata. Those dangerous, black orbs staring back at me felt like it was sucking all my senses. That nose was proudly standing, and that sinfully, delicious looking lips that suddenly smirked at me. Wait, what? It smirked at me?
Bigla naman akong natauhan nang mapagtantong he was smirking at me because I'm staring at him. My god, Liberty, kung makatitig ka, parang ngayon ka lang nakakita ng lalaki! Well, I know it's shameful to stare at someone, but masisi n'yo ba ko? He looked like he was from Mt. Olympus! God!
"Welcome back, Dad! By the way, this is Liberty Kings, my best friend," masiglang sabi ni Oly sa kaniyang dad. Gosh, ni hindi nga mukhang tatay 'to, mas mukha pa siyang kuya ni Oly. Well, he looked mature but not old, and that's perfect for me. Wait, anong perfect, perfect, Liberty? Nawawalan ka na ba sa tamang sense mo? Dahil lang sa lalaki?
Tumikhim naman ako at c-in-ompose ang sarili. "Good evening, Mr. Valez, nice to finally meet you," pormal kong sabi rito.
Uminom muna siya sa kaniyang wineglass, and I swear the next thing he did made me hold my fucking breath for a minute. "My pleasure to finally meet you, Ms. Kings." He stared at me like I was the apple the snake was offering to Eve, like I was a temptation that he cannot resist, and oh my god, that dangerous, husky voice made me want to kneel in front of him.
Fuck, Liberty, hold yourself together!
~TBC~
Hi, feel free to share your thoughts and sorry for wrong grammar and typos :>
EDITED
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top