Chapter 8

NAPANGIWI si Tessmarie habang nakatingin sa niluto niyang almusal na nakahain sa hapag kainan. Hindi niya alam kung almusal ngang matatawag ang mga ito dahil ang mga hotdog ay medyo nasunog at ang sunny-side up ay durog. Rogue loves a perfect sunny-side up ever since. Kapag dumadalaw ito noon sa apartment ni Red noong mga panahong magkasintahan pa ang dalawa at doon mag-aalmusal ay pinagluluto ito ni Red ng sunny-side up na may kakaibang lasa. May herbs na inilagagay si Red at puring-puri iyon ni Rogue.

Tulog pa si Rogue sa taas kaya naisipan niyang ipagluto ito. Kapag nandito sila sa beach house ay dinadalhan si Rogue ng pagkain ng mga katulong sa mansyon. Hindi naman siya nagpapakita sa mga katulong na nagpupunta rito dahil tiyak makakaabot iyon sa pamilya ni Rogue. Siguradong susugod si Red dito, katakot-takot na interrogation ang kakaharapin niya pag nagkataon. Ayaw niyang ipaalam kay Red ang nagaganap sa kanila ni Rogue. Hindi naman sila official ng binata para ipangalandakan ang relasyong mayroon sila. Girlfriend-girlfriend-an lang naman siya ni Rogue. Panakip butas para lang makalimutan si Red at kapag wala na siguro siyang silbi itatapon na siya nito.

Nagpasyang lumabas muna si Tessmarie para maglakad-lakad sa dalampasigan, pero sa pagbukas niya ng pinto ay nagkagulatan sila ni Red.

"R-red? A-ano ang ginagawa mo rito?" gulat niyang tanong sa kaibigang parang nakakita ng alien. May bibit itong picnic basket.

"Ikaw, ang ano ang ginagawa rito?" Pinasadahan ng tingin ni Red ang kanyang kabuuan. Isang maiksing itim na cotton short at isang pastel yellow halter top lamang ang suot niya. Pambahay na pambahay.

"Ahm... Wala naman. Napadaan lang." She chewed on her lower lip, trying to stop herself from grinning. Anong klaseng sagot 'yon? Tinaasan siya ng kilay ni Red.

"Tessmarie!" May warning sa boses ni Red. Hindi na nagawang sumagot pa ni Tessmarie nang marinig nila si Rogue mula sa loob na tinatawag ang pangalan niya.

"Tessmarie, swearheart, where are you?" pilit na pinigilan ni Tessmarie ang mapangiti lalo nang makita ang pamimilog ng mata ni Red sa pagkamangha.

"Kayo na ba ni Rogue?" nagkibit lang siya ng balikat sa tanong ni Rogue.

"Sweetheart." Mas naging malapit ang boses ni Rogue, at ilang sandali pa'y isang braso ang pumulupot mula sa kanyang likuran at hinalikan ang gilid ng kanyang leeg. Ni hindi nito napansin si Red, marahil dahil natatakpan niya ito. Ang namimilog na mata Red ay lalong nanglaki. Natigil si Rogue sa paghalik sa leeg ni Tessmarie nang sa wakas ay mapansing hindi lang sila ang naroroon.

"Hey, Red?" Gulat ng untag ng binata. Inakbayan siya ni Rogue at pumormal ito.

"Ano ang ginagawa mo rito? Paano mo nalamang nandito ako?"

"Sabi kasi ni Ezra nandito ka raw. Nagpadeliver ka raw ng pagkain kagabi kaya pinadalhan ka ni lola ng pagkain at pinapasabi na pumunta ka raw sa mansiyon." Pagdating nga nila ni Rogue kagabi ay nagpadeliver ito ng pagkain mula sa resort.

"Salamat, Red. Ikaw pa talaga ang nagdala." Kinuha ni Rogue ang picnic basket mula kay Red. Noon naman dumating si Rostov na parang galing sa pagtakbo dahil humahangos pa ito.

"Rostov, bakit ka sumunod?"

"Ahm... sinundan lang kita." Tumaas ang kilay ni Red sa asawa.

"Why?" bumuka ang bibig ni Rostov at tumikom rin nang walang maapuhap na salitang maaaring isagot sa tanong ni Red. Dismayadong umiling si Red at bumakas ang iritasyon sa mukha nito. Iwinasiwas ni Red ang kamay sa ere.

"No need to answer. Alam ko na kung bakit!"

"Bakit kasi ikaw pa ang kailangan maghatid ng almusal ni Rogue?" nakasimangot si Rostov na mukhang lalong ikinairita ni Red.

"Wala sina Darra, namalengke, kaya ako ang nagpresinta." Paliwanag ni Red na pilit itinatago ang inis.

"Pero pinagluto mo pa siya. Ang sabi ni lola ikaw ang nagluto."

Noon parang maglalabas ng apoy ang mata ni Red sa sinabi ni Rostov.

"Nagluto ako para sa ating lahat at hindi para kay Rogue! God, Rostov, wala ka bang tiwala sa 'kin?" Noon lumambot ang mukha ni Rostov.

"Baby, no—"

"For God's sake, Rostov! Ito nga't dinadala ko ang pangatlong anak natin naghihinala ka pa rin?"

"Baby, hindi sa gan'on. May tiwala ako sa 'yo pero kasi..." Rostov tried to reach Red pero umiwas si Red. Dalawang buwang nagdadalang tao si Red sa pangatlong anak at kakakumpirma lang nitong linggo.

"Threatened ka pa rin sa akin, bro?" Mabilis na binalingan ni Rostov si Rogue na may nakakalokong ngisi sa labi.

"Shut up!" pigil na asik nito at tinawanan lang ito ni Rogue.

"Mauna na ako sa inyo, tawagan kita mamaya, Tessmarie." Nilagpasan ni Red si Rostov, at bahagya pa itong nabangga ni Red.

"Red, baby—"

"Don't baby me and don't talk to me!" sigaw ni Red habang papalayo. Muling nilingon ni Rostov ang tatawa-tawang si Rogue.

"Tang-ina kasi! Kailan ka ba babalik sa Canada? Sumama ka na kay mama pabalik!" Angil ni Rostov at akma na sanang aalis pero natigil nang matuon ang mata sa kanya. Confusion was written all over his face. Confused about her presence.

"Nandito ka pala, Tessmarie." Iyon na lang ang nasabi ni Rostov saka sila iniwan nito. Sumigaw si Rogue sa dalawang papalayo.

"Red, sweetheart, hiwalayan mo na 'yan! You cannot have a healthy relationship with a possessive husband."

"Fuck you, Rogue!" Sigaw ni Rostov at malakas lang na humalakhak si Rogue. Marahan niyang pinalo si Rogue sa tiyan.

"Pinipikon mo pa, eh!" Hinalikan siya nito sa labi.

"Breakfast na tayo."

"Sa lanai na lang tayo. Dalhin mo na 'yan doon, kukuha lang ako ng plato."

"Okay." Sang-ayon ni Rogue at tinungo na ang lanai.

Siya naman ay tinungo ang dining area para iligpit ang niluto. Pinagmasdan ni Tessmarie ang pritong itlog. Isang malalim na buntong hininga na lang ang kanyang pinakawalan bago niya iniligpit ang lahat ng inihanda niya at sumunod sa lanai kay Rogue na dala ang isang tray na pinaglagyan niya ng plato at dalawang tasa ng kape saka nagsimulang kumain.

"ANG suwerte ni Rostov kay Red, 'no? Napakagaling magluto." Ani Tessmarie at sumubo ng sunny-side up with herb. Maganang-magana naman si Rogue sa pagkain.

"Hmm-hmm... I agree. Kaya tingnan mo naman si Rostov, mukhang baliw lang." Aniya na nasa pagkain nakatuon ang mata. Natatawa talaga siya sa inaakto ni Rostov. Mukhang baliw lang. Sobrang paranoid.

"Yeah. Parang ikaw lang dati kay Red." From the plate, he averted his gaze to her. Nakita niyang matamang nakatitig sa mukha niya si Tessmarie.

"Am I?" Tanong ni Rogue nang wala ng laman ang bibig. Inabot niya ang tasa ng kape at sumimsip.

"Parang hindi naman. Hindi ako kasing praning ni Rostov. Saka isa pa wala naman akong dapat pagselosan noon."

Tingin niya ay may possessive side siya, lalo na siguro kung ang babaeng gusto niya, lalo na ang babaeng mahal niya ay aaligidan ng ibang lalaki. Pero nang karelasyon niya si Red noon ay wala namang lalaking umaaligid kay Red at tiwala siyang kahati sa pagmamahal ni Red noon. So there was no reason for him to be possessive. Being possessive over your partner can only damage a relationship. Nailing siya bigla sa sariling naisip. Eh, bigla nga siyang nainis nang sabihin ni Tessmarie na cute si Falcon, at napakababaw na bagay lang niyon.

"Sayang. Kung sana lang kayo ang nagkatuluyan ni Red, e 'di sana masaya ka na." Binitawan ni Rogue ang hawak na kobyertos at mataman niyang tinitigan ang dalaga na ngayon ay nilalaro ng tinidor ang pagkain. Tinutusok-tusok nito ang tapa.

"Who told you na hindi ako masaya?" Nag-angat ito ng tingin sa kanya.

"Masaya ako, Tessmarie. And look... kung nagkatulyan kami ni Red, e 'di sana walang tayo ngayon. Hindi ko sana natikman ang special pichi-pichi mo." Natawa si Tessmarie, inabot ang tasa at sumimsim ng mainit na kape. Iiling-iling nitong muling inilapag ang tasa sa ibabaw ng platito.

"Saka isa pa masuwerte ako sa 'yo."

"Paano ka naging masuwerte sa 'kin, ni hindi nga ako marunong magluto ng perfect sunny-side up with herb. Durog na itlog na may asin lang ang kaya kung ihain sa 'yo."

"Hey! I love your crab and corn soup."

Tessmarie rolled her eyes. "It was just an instant soup. Huwag mo nga akong bolahin." Tumawa si Rogue. "At least you put an exact amount of water kaya 'yon masarap."

"The packaging includes terms for instructions and measures." Muli lang tumawa si Rogue. Sumeryoso ang mukha ni Tessmarie at matamang tinitigan si Rogue.

"I honestly don't like Kris for you, Rogue. You deserve someone better." Ginagap ni Tessmarie ang kamay ni Rogue na nasa ibabaw ng mesa.

"Gusto mo tulungan kitang maghanap ng karapat dapat na babae para sa 'yo. Subukan mo lang makipag-date sa iba. Huwag si Kris." Nangunot ang noo ni Rogue. Ang mga ngiti sa labi ay nawala. Naguluhan siya sa sinabi ng dalaga.

"Ano ba ang sinasabi mo, Tessmarie?" Binitawan nito ang kamay niya. Ibinaling ni Tessmarie ang tingin sa karagatan.

"Naisip ko lang. Alam kong magsasawa ka rin sa set-up natin, at baka biglang balikan mo si Kris. Hindi ko talaga 'yon kaya, Rogue." She said with a sigh.

"Hindi mo kaya? Hindi mo kayang makipagbalikan ako kay Kris?" muli siya nitong tiningnan.

"Hindi ko kayang maging miserable ang buhay mo. Kaya nga kita inakit para ilayo sa kanya, eh. Nakaganti na ako sa ginawa niyang pang-aagaw sa ex-boyfriend ko, nailigtas pa kita sa malanding 'yon."

Alam naman niyang iyon talaga ang rason ni Tessmarie at siya naman ay nagpatangay sa mga kagustuhan ni Tessmarie. Muli niyang ipinagpatuloy ang pagkain.

"Paghihigante lang ba talaga ang rason mo kaya mo ako inakit?" sumubo siya ng pagkain at parang bigla ay hindi na niya malasahan ang pagkain. Kung kanina ay sarap na sarap siya ngayon ay parang naging matabang ang panlasa niya. Parang nakakawala sa mood ang topic ng usapan nila. Nang hindi sumagot si Tessmarie ay noon niya ito tiningnan. Nakatitig lang ito sa kanya na parang pinag-iisipan ang isasagot.

Tipid na ngumiti ang dalaga. "Type rin naman kita, Rogue. Remember, sa 'yo ko lang ibinigay ang sarili ko. I felt like having my first experience with you at hindi ko pinagsisihan ang bagay na 'yon." That put a smile in his face.

Masaya siya sa bagay na iyon. Ang totoo ay pangalawa si Tessmarie sa walang karanasang dumaan sa buhay niya. He was twelve when he lost his virginity to his classmate's eighteen-year old sister. Nangyari iyon nang minsang mag-sleep over siya sa bahay ng classmate niya at nasundan ang karanasang iyon noong fourteen siya sa kanyang inexperience classmate. Sa Canada ay balewala ang usaping sex. Hindi pinapahalagaan ng karamihan sa kababaehan ang virginity.

"Hindi mo ba alam na nakakasakit ka sa ginagawa mo, ah?" aniya at marahang dinuro ang noo ni Tessmarie.

"You are my girlfriend pero irereto mo ako sa iba." Pabiro niyang ani. Hindi nakawala sa paningin ni Rogue ang pait sa ngiting gumuhit sa labi ni Tessmarie.

"There is no love between us, Rogue. Undiluted lust is the only thing why we enjoy each other's company, right? At para tulungan kang kalimutan si Red. Sana naman makatulong talaga ako."

He felt disappointed sa pananaw na iyon ni Tessmarie. Hindi lang naman init ng katawan kung bakit niya na-e-enjoy ang company ng dalaga. Masaya itong kasama. Maraming kuwento at hindi siya nabo-bored kahit na maghapon pa silang magkulong lang sa beach house na ito. Pero hindi niya maipagkakaila ang pagkalulong niya sa init ng katawan ng dalaga. He admitted na isa sa dahilan ang sexual attraction na nararamdaman nila para sa isa't isa kung bakit mas nag-eenjoy sila ni Tessmarie sa isa't isa. The sexual attraction he feels for her was stronger than what he felt for his past women. Kahit sa nararamdaman niya para kay Kris ay totoong malayong-malayo. He can even feel a wild biological urge to have sex with Tessmarie with every chance he gets, and damn this woman for making him the horniest man alive.

Pero hindi rin naman niya masisisi si Tessmarie. Inalok niya itong maging girlfriend just to forget Red at tingin niya ay epektibo nga. He suddenly felt happy and content with life. Parang biglang wala na siyang hinahanap. Parang may malaking puwang sa pagkatao niyang biglang napunan simula nang magkasama sila ni Tessmarie.

"Yeah. I guess so," iyon na lang ang tangi niyang isinagot sa opinyon nito, saka muling itinuon ang mata sa plato na kakaunti na lang ang laman. He heard her released an audible sigh. Perhaps, a sigh of relief . He somehow understands Tessmarie. Marahil ay hindi na talaga nito gustong pumasok sa isang seryosong relasyon dahil sa karanasan sa past boyfriend nito.

"YOU ARE stunning!" Buong paghangang komento ni Rogue habang naglalakad sila sa lobby ng hotel. Tiningala ito ng dalaga at matamis na nginitian. Rogue asked her out on a date pagkatapos ng trabaho nila. Araw ng huwebes ngayon at sobrang naging busy sila ni Rogue nitong mga nakaraang araw sa kanya-kanyang trabaho.

"Thank you. You too." Pumisil ang kamay niya sa braso ng binata. Isang kulay prewinkle tube romper pants with ruffles around the bust line ang suot niya at pinaresan niya ng isang black and powder leather Rockstud pumps. She had her ash-gray, medium length hair done in a beach messy wave. Pumasok sila sa isang restaurant ng hotel at agad silang sinalubong ng isang waiter.

"Good evening, ma'am, sir," the waiter greeted them politely with a warm smile.

"I have a reservation under my name. Rogue Cole," Rogue informed the waiter.

"This way, sir, ma'am." Waiter ushered them to the table for two. The table was set in a simple romantic vibe. Nasasapinan ng pulang table cloth ang mesa, may isang stem ng pulang-pula Island Rose na nasa cylinder glass sa ibabaw ng mesa. Pinaghila siya ni Rogue ng upuan. She uttered "thank you" before sitting down on the chair. Umupo naman si Rogue sa katapat niya. Pinakatitigan niya si Rogue at sinuklian niya ng matamis na ngiti ang pagtitig nito sa kanya. Rogue was clad in a navy blue casual blazer, sa ilalim niyon ay isang plain white V-neck body-hugging T-shirt at pinaresan nito ng isang denim jeans. He was so handsome.

Tumayo si Rogue at dumukwang sa kanya at hindi niya inaasahan na hahalikan siya nito sa labi. It was just a feathery kiss pero naghatid iyon ng kakaibang damdamin na hindi niya maipaliwanag kung ano, pero sigurado siyang hindi iyon pagnanasa. Wala siyang naramdamang pagnanasa sa halik na iyon ni Rogue.

"You are so beautiful." Usal nito at marahan nitong hinaplos ang gilid ng labi niya gamit ang thumb-finger bago si Rogue muling umupo.

"Para saan ang halik na iyon?" nakangiti niyang tanong.

"I just want to show the man who's staring behind you that you're mine." Malapad siyang ngumiti at nagtatakang lumingon para makita ang tinutukoy ni Rogue. May dalawang lalaking nakaupo sa mesang nasa likuran nila. Ang isang lalaki ay patuloy sa pagkain habang ang isa ay nakatitig nga sa kanila o mas tamang sabihing sa kanya. Pero ang ngiti sa labi niya ay unti-unting nawala nang magtama ang mga mata nila ng lalaking kilalang-kilala niya. Bigla ang mabilis na pagtahip ng kanyang dibdib. Agad siyang tumalikod mula sa lalaki at pinagsalikop ang hindi namalayang nanginginig na mga kamay.

"What's wrong?" tanong ni Rogue nang mapansin ang pag-iba ng ekspesyon ni Tessmarie.

"Ahm... Restroom lang ako." Kinuha niya ang clutch bag sa mesa saka tumayo at tinungo ang restroom. Ipinatong niya ang clutch bag sa granite counter at tinitigan ang sarili sa malapad na salamin. Sinapo niya ang magkabilang pisngi at marahang minasahe ang tense na mukha.

"Bakit siya nandito? Bakit kailangan magcross ulit ang landas namin?" usal niya.

"Almost ten years. I can't believe this!" Hindi niya mapigilan ang biglang pagpatak ng luha. She had been running away from her past at kahit sa panaginip ay hindi niya gustong makatagpo ang mga taong involve sa kanyang nakaraan, pero ito't parang paisa-isang nagsusulputan. Hindi alam ni Tessmarie kung gaano siya katagal sa restroom at nakatitig lang sa repleksyon sa salamin bago naisipang lumabas.

"Tessmarie." Tessmarie froze as she heard a familiar voice from behind. Kahit halos sampung taon na ang lumipas ay kilang-kilala pa rin niya ang boses nito. Pero hindi niya gustong humarap. Hindi niya gustong makita pa ito. Humakbang siya para ignorahin ang lalaki pero natigil siya nang may humawak sa braso niya. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Mariin niyang ikinuyom ang palad.

"Tessmarie." Sa sunod na bigkas nito sa pangalan niya ay noon niya ito nilingon at buong puwersang pinadapo ang palad sa pisngi nito.

"Matagal ko na 'yang gustong gawin sa 'yo! Sayang lang dahil pagkatapos mong sirain ang buhay ko ay hindi ka na nagpakita!" Mahina pero nasa boses niya ang matinding galit.

"Tessmarie, I'm sorry—"

"Don't!" Sikmat niya rito at itinaas ang isang kamay.

"Kahit ilang milyon kang humingi ng sorry, hindi mo na maibabalik pa ang respeto ng mga tao sa 'kin! Lalo na ang respeto at tiwala ng pamilya ko. Sinira mo ang buhay ko, Michael!" Ramdam niya ang matinding panginginig ng buo niyang katawan dahil sa pinaghalo-halong emosyon.

"I have loved you! But you ruined me!" Itinaas niya ang kaliwa niyang kamay kung saan hawak niya ang clutch bag. Ipinakita niya ang palapulsuhan kung saan may mahabang peklat.

"I almost killed myself dahil sa ginawa mo!" Bigla ang pagtulo ng luha sa kabila niyang mata at sumunod naman ang sa kabila. Tangka siya nitong lalapitan pero natigil ito nang may boses na tumawag sa pangalan niya.

"Tessmarie?" mabilis niyang pinahid ang luha sa pisngi at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga, kinalma ang sarili bago nakangiting nilingon si Rogue.

"Hey?" Mabilis niya itong nilapitan at hinawakan sa magkabilang braso at pinihit patalikod mula kay Michael.

"Sorry kung natagalan ako." Nilingon ni Rogue si Michael na papaalis na.

"Do you know him?" tanong nito nang muli siyang balingan.

"N-no! Pero tama ka, mukha ngang type ako, gustong magpakilala, eh. Tara na." Hinila na niya si Rogue pabalik sa mesa. Hinawakan ni Rogue ang kamay niyang nakahawak sa braso nito.

"Ang lamig ng kamay mo. Sigurado kang okay ka lang?" Isinandal ni Tessmarie ang gilid ng ulo sa braso nito.

"Parang gusto ko na ngang umuwi. Sumama bigla ang pakiramdam ko." Marahang hinaplos ni Rogue ang pisngi niya at naramdaman niya ang paglapat ng labi nito sa tuktok ng ulo niya.

"Dinner muna tayo, and then we will go home after."

"Okay," pagsang-ayon niya.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top