Chapter 2

 "'INSAN!" Matinis na tili mula sa pinsang si MM ang sumalubong kay Tessmarie pagpasok palang niya ng talyer. Mahigpit na nagyakap ang magpinsan. Nagmano muna siya sa amaing si Alfie na abala sa pag-aayos ng sasakyan at nakipagkumustahan bago siya hinila ni MM sa kulay puting round metal table na malapit sa may pinto ng bahay at magkaharap na umupo matapos niyang mailapag sa mesa ang isang kahon ng J. Co donut. Inilapag niya ang shoulder bag sa bakanteng katabing metal chair.

"Kumusta? Medyo matagal-tagal na rin tayong hindi nagkita."

"Ikaw ang kumusta? Kumusta ang pagiging dakilang julalay mo ni Harper Santibañes?" Umingos si MM sa tinuran ni Tessmarie.

"Hindi ako alalay. PA," pagtatama ni MM.

"Personal alalay."

"She's my friend kaya tinutulungan ko siya. Palagay ang loob niya sa akin kaya ako ang gusto niyang laging kasama."

Tessmarie rolled her eyes. "Oh God, Mhelanie Muller, aware ba si Harper na friends kayo? Eh, sa tuwing makikita kita sa mga ambush interview niya mukha kang tangang tagabitbit ng gamit niya, ah."

Isa kasi itong personal assistant ni Harper Santibañez na isang sikat na artista ng bansa. Ang hindi niya maintindihan kung bakit nagtitiyaga ito sa pagiging alalay samantalang puwede naman itong maghanap ng mas maayos na trabaho dahil nakapagtapos naman ito ng kursong accounting. Second cousin niya si MM at naging malapit sila sa isa't isa noong umalis siya ng Masbate at sa Maynila na nagpatuloy ng pag-aaral. Tatlong taon ang tanda niya sa pinsan. Ang nanay ni MM ay pinsan ng kanyang ina. Si MM ang sinadya niya kaya nagtungo siya ngayon sa Batanggas. May katagalan na rin kasi ng huli nilang pagkikita. Six months to be exact. Naging busy sa kani-kanilang buhay.

"Huwag nga ang buhay ko ang pag-usapan natin. Ikaw ang kumusta? May love life ka na ba?"

"Waley!"

"Wala pa rin. Bente siete ka na wala ka pa ring jowa" Hindi niya alam kung matatawa o madidismaya ang ekpresyon ng pinsan.

"May crush ako." Kinikilig niyang ani at hinayaang gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi niya nang gumitaw sa isip niya si Rogue, pero agad ring nawala ang ngiting iyon nang ma-realize na taken na ang pinagpapantasyahan niya at isang babaeng hindi karapatdapat lang ang nagmamay-ari kay Rogue. Such a lucky bitch!

"What's with that face?"

"Hindi ka maniniwala. Girlfriend ng type kong lalaki si Kris Francisco. Ang babaeng nang agaw sa boyfriend ko noong high school." Napa-oh si MM. Alam nito ang tungkol sa bagay na 'yon. Naikuwento niya nang minsang magtanong ito tungkol sa lovelife niya. Tumayo si Tessmarie nang makita ang paglabas ng nanay ni MM mula sa bahay. May bitbit na tray na naglalaman ng isang pitsel ng Orange juice at mga baso. Inumin siguro ng mga mekaniko.

"Tiya Lena, kumusta po?" Nang mailapag ni Tiya Lena ang tray sa mesa ay kinuha niya ang kamay ng tiyahin at nagmano.

"Mabuti at nakadalaw ka?" Umupo ang tiyahin sa kanang bahagi nila ni MM at siya ay umupo ring muli.

"Opo, na-miss ko po si MM. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita." Saglit na nakipag-untahan ang tiyahin sa kanya bago bumalik sa loob ng bahay para magluto ng pananghalian.

Nang mabalingan ni Tessmarie ang tiyuhin na hihiga sa creeper seat ay napangiti siya. Noong nasa kolehiyo siya ay madalas siyang tumulong sa tiyuhin sa pag-aayos ng sasakyan. Nagpapaturo siya kay Tiyo Alfie noon sa tuwing dadalaw siya rito. Tuwing summer ay dito siya nagbabakasyon. Kaya may alam siya sa pag-aayos ng sasakyan. Kahit ang sasakyan niya ay siya mismo ang nag-aayos.

"Tiyong." Kuha niya sa atensiyon ng tiyuhin.

"Na-miss ko po ang mag-ayos ng sasakyan." Ngumiti ang tiyuhin sa kanya.

"Magaling ka pa ba?" Nanghahamong tanong ni Tiyo Alfie.

"Hinahamon niyo ho ba ako?" Mahinang tumawa ang matanda. Si Tiyo Alfie ay panganay na kapatid ng kanyang Tiya Lena. Edad singkuwenta ito habang si Tiya Lena ay nasa late forties na kaedad ng kanyang ina. Sa Batangas na ito nanirahan nang makapangasawa ng isang Batanggeña.

"Ano po ba ang sira?" Tanong niya saka tumayo at lumapit sa tiyuhin.

"Nagpalit ng transmission fluid, ire-reinstall na lang ang mga parte."

"Puwede po bang ako ang gumawa?" Tinitigan siya ng matanda na parang nag-iisip kung papayagan siyang pumailalim sa sasakayan at ipaubaya sa kanya ang lahat.

"Kaya ko ho, tyong." Paninigurado niya nang makitaan ng pag-aalangan ang mukha ng matanda.

"Madudumihan ka, nakaputi ka pa man din." Isang puting fitted halter top at highwaist denim short ang kanyang suot at pinaresan niya iyon ng white sneakers at may malapad na itim na choker sa leeg.

"Ayos lang po, saka mag-re-reinstall na lang naman, eh." Tumayo ang matanda mula sa pagkakaupo sa creeper.

"Oh, siya ikaw ang bahala, i-check ko na lang uli mamaya." Nasisiyahang bumalik si Tessmarie sa mesa at walang paalam na hinila ang tali sa buhok ni MM saka ipinusod ang sariling buhok. Hindi naman nagreklamo ang pinsan, mukha pa nga itong natutuwa.

"Magmekaniko ka muna riyan, ayusin ko itong meryenda," si MM at sinabayan ng tayo.

Excited niyang isinuot ang headlamp na kanina ay suot ng tiyuhin saka humiga sa creeper at agad na pumailalim sa sasakyan. Ang kalahati ng kanyang katawan ay nasa ilalim at ang lower limb ay nasa labas. Itinulak ng tiyuhin sa ilalim ng sasakyan ang mga kagamitan para sa pag-aayos. Sinimulan nga niyang ikabit isa-isa ang parts ng automatic transmission. Huli niyang ikinabit ang transmission pan gasket. She used the power screwdriver para maikabit ang mga bolts.

"Papatapos na, sir. Sandali na lang, ginagawa na ng pamangkin ko." Narinig niya ang kanyang tiyuhin. Mukhang nandiyan na ang may-ari. Inilagay niya ang natitirang bolt at siniguradong mabuti kung maayos ang pagkakalagay ng lahat. Nang masiyahan sa sariling gawa ay napangiti siya. Itinulak niya palabas ang creeper.

"Check it out, Tiyo Alfie, pero sigurado akong pulido ang gawa ko." Kumpiyansa niyang sabi habang tumatayo mula sa pagkakahiga. Inalis ang headlamp at ipinatong niya iyon sa ibabaw ng hood ng sasakyan.

"Tessmarie?" A familiar deep baritone voice coming from behind sent shiver down her spine. She slowly turned to see the owner of that voice. Dumbfounded, her lips were slightly parted.

"Rogue?" gulat niyang usal.

"Magkakilala kayo?" Nilingon niya ang tiyuhin.

"Opo, Tiyo, si Rogue po kaibigan ko." Tumango-tango ang matanda.

"Siya ang may-ari ng sasakyan. O, siya sandali at kukunin ko ang susi sa loob."

Muli niyang binalingan si Rogue nang iwan sila ng tiyuhin. In an instant, the expression of his face became intense. His lips were even pressed into a thin line as his gaze raked on her physique, wondering if there was something in his view that annoyed him. This made her startled for some strange reason. Napalunok siya bigla. Parang galit ito na hindi niya maintindihan. Wala pang lalaking tumitig sa kanya nang ganito at nilukob talaga siya ng matinding kaba. But part of her had turned on by his dark expression. Nasanay siya sa lalaking ito na sweet and light ang ekspresyon ng mukha pero ang Rogue na nakikita niya ngayon ay parang marahas. Iyong tipong parang kapag nasa kama sila ay bibigyan siya nito ng rough coitus. A soft chuckle suddenly came out of her mouth at the thought. Tindi talaga ng pagnanasa niya sa lalaking ito.

Lalong nagsalubong ang makakapal na kilay ng binata.

"What is funny, Tessmarie?" His baritone voice was still low yet firm.

Umiling siya. "You seem so dark and grim. Aren't you happy to see me?"

He slightly shook his head. "Not that." Lumagpas ang tingin ni Rogue sa kanya at natuon ang mata sa sasakyang inayos niya.

"You've fixed my car?" Patanong nitong sinabi. Ngayon naalala na niya. It was Rostov's car, his twin brother.

"Yeah. Safe ng gamitin iyan." Muling bumaling ang tingin ni Rogue sa kanya at sinuyod ng tingin ang kabuan niya bago humakbang palapit sa kanya na kanya namang ikinaatras. Masyado silang malapit sa isa't isa at kung hindi siya aatras ay magdidikit na ang katawan nila. Natigil si Tessmarie sa pag-atras nang bumangga ang likod niya sa bumper ng sasakyan. Rogue put his hand on the either side of her, caging her by his strong arms.

"Rogue..." sambit niya sa pangalan ng binata sa pinakamababang tinig. Parang gusto niyang ipikit ang mata nang humaplos ang mainit na hininga nito sa mukha niya. Nanunuyo bigla ang lalamunan niya dahil sa closseness nila.

"You should've worn jeans."

"Ha?" Naguluhan siya sa sinabi nito.

"Look at those men around you." Iginalaw ni Tessmarie ang eyeballs pakaliwa at pakanan. Nakita niya ang mga mekaniko na nakatingin sa kanila.

"Pinagpipista nila ang mga mata nila sa hita mo kanina. God, Tessmarie, you have beautiful and perfect legs that make men go crazy." She was flattered by his compliment. Pilyang ngumiti ang dalaga.

"Nagseselos ka 'no?" Tukso niya sa binata. Nag-iba ang ekpresyon nito at kitang-kita niya ang pamumula ng tainga ni Rogue. Lalong lumapad ang pilyang ngiti sa kanyang labi. Nahihiya ba ito?

"God, you are blushing, Rogue, crush mo ako 'no?" patuloy niyang tukso. Napakurap si Rogue ng mata na parang hindi alam ang sasabihin o gagawin at gusto niyang matawa dahil para itong batang nahuling nangungupit ng cookies sa jar.

Nang tangka nitong ilalayo ang katawan mula sa kanya ay agad niyang ipinulupot ang mga braso sa leeg ni Rogue, pero iniwasan niyang huwag dumikit ang medyo madumi niyang kamay sa pulang T-shirt nito.

"Tessmarie, stop teasing me!" Mababa ngunit matigas ang buong-buong boses nito. Tessmarie jutted out her lower lip like a kid who's teasing her playmate. Mas inilapit ni Tessmarie ang mukha sa binata. Napatitig naman si Rogue sa mga labi ni Tessmarie na parang natutuksong tikman iyon.

"Wanna taste my lips?" Patuloy niyang panunukso sa binata.

Mas inilapit pa niya ang kanyang mukha hanggang sa bumangga ang ilong niya sa ilong ni Rogue. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at nanunuksong ikiniskis niya ang tungki ng kanilang mga ilong. Lumapat ang malalapad na palad ni Rogue sa kanyang magkabilang baywang at bumaon ang mga daliri nito sa balat niya. Balewala ang telang sagabal para hindi niya maramdaman ang init ng palad ng binata. Nawala ang ngiti sa kanyang labi at matamang napatitig sa mata ni Rogue. His dark eyes were fiery with desire and passion.

"Ehem!" Isang tikhim ang nakapagpalingon sa kanilang dalawa sa kanang bahagi. Nakataas kilay na si MM ang nakatayo roon at amuse itong nakatingin sa kanilang dalawa. Inalis niya ang pagkakakunyapit sa leeg ng binata.

"Umalis lang ako sandali iba na ang minimikaniko mo." Anito sa nanunuksong tinig.

"Um, this is Rogue, and this Mhelanie my cousin." Rogue held out his hand to shake. Inabot naman iyon ni MM at magiliw na nakipagkilala. Noon naman lumabas si Tiyo Alfie dala ang susi ng sasakyan. Dinouble check muna nito ang ginawa ni Tessmarie.

"Baby, Rogue, what took you so long?" Isang boses ng babae ang nakapagpalingon sa tatlo. Agad na umalon ang dibdib ni Tessmarie sa paghugot at pagpapakawala ng marahas na hininga nang mapagsino ang babae. Tumaas ang kilay ni Kris nang mabaling ang tingin nito sa kanya pero ginantihan rin niya ito ng pagtataas ng kilay. Lumapit si Kris at lumingkis sa braso ni Rogue.

"What is she doing here?" Tanong ni Kris habang sinusuyod ng tingin ang kabuan niya na para ba siyang panindang kinikilatis, pero ang ekspresyon ng mukha nito ay hindi nasisiyahan.

"Okay na ho, sir, ang sasakyan mo." Si Tiyo Alfie na kakatayo lang mula sa creeper.

"Napakahusay mo pa rin talaga, Tessmarie. Puwedeng-puwede mo na akong palitan sa pagmemekaniko rito." Nakatawang sabi ng amain. Isang nang-uuyam na ngisi ang pinakawalan ni Kris.

"You are just a mechanic, aren't you?" Ubod ng arteng tanong nito at naroroon na rin ang pangmamata.

"Masama? Ikaw ba ano ang propesyon mo at ganoon mo na lang pagtaasan ng kilay ang propesyon ko."

Kris let out a short laugh. "Mechanic is not a profession, Tessmarie. It's just an occupation."

Nakagat ni Tessmarie ang sariling dila. Of course she knows that. Wrong question lang.

"I'm an architect by the way. Rogue's the best architect in his company." Proud nitong sabi. O 'di wow! Ano kaya ang nangyari at hindi ito naging doktor. Noon pa man ay ipinagmamalaki na nitong magiging magaling ito sa larangan ng medisina tulad ng magulang nito.

"She's a wedding planner. The best wedding planner in town." MM chimed in. Napangiti siya sa pagtaas sa kanya ng kanyang pinsan.

"Oh, really. Rogue and I are getting married soon. We are planning our wedding ceremony to be held here. Ikaw na lang ang kukunin naming wedding coordinator."

Saglit na natilihan si Tessmarie sa narinig. Napaisip kung totoo ang sinabi ni Kris. Wala sa loob na napatingim siya kay Rogue at bakit inaasahan niyang sasabihin nitong hindi iyon totoo. Bakit parang hindi niya matanggap na ikakasal na ito? Wala na siyang pag-asa.

"Bibigyan mo kami ng discount, ah? High school friends naman tayo 'di ba?" Muli siyang napatingin kay Kris at lihim na nagtagis ang mga ngipin niya saka ngumiti.

"Of course, we are very good friends way back in high school. We once shared a boyfriend, right? From what I remember Calvin's heart was mine and the groin was yours. Tanda mo? You slept with my boyfriend to steal him from me but sadly, ako pa rin ang gusto niya at ikinama ka lang." Pinamulahan si Kris sa sinabi niya habang si Rogue ay tila sumasakit ang batok na nakasapo roon ang kamay. Tanda pa niya kung paanong magmakaawa si Calvin sa kanya na balikan niya. Pero hindi siya tanga para gawin iyon. Pagkatapos lawayan ng ahas na 'to tatanggapin pa niya. No way!

Mhelanie chuckled and whispered. "Siya ba 'yong boyfriend stealer?"

"Yeah. At si Rogue naman ang crush ko. Mahal ko na nga yata, eh." She whispered back.

"Let's go, Rogue!" Pagalit na sinabi ni Kris at nauna ng lumabas ng talyer at tinungo ang nakaparadang sasakyan sa tapat. Hinugot ng binata ang wallet mula sa likod ng bulsa ng maong na pantalon at kumuha ng pera saka inabot kay Tiyo Alfie.

"Thank you, Tessmarie." Tumaas ang kilay niya.

"Walang tip?"

Malakas na tumawa si Rogue na ikinatulala niya. How in the hell could this man look adorable as he laughs.

"How much tip should I give you?" Nakatawang tanong ni Rogue.

"Just keep it, Rogue, saka na ako hihingi ng tip. Magkikita pa naman tayo 'di ba?"

"Mukhang mahal kang manghingi ng tip."

"Hindi naman. It certainly won't damage your wealth."

Rogue gave a quick shrug.

"I have to go." Umuklo ang binata para gawaran ng halik sa pisngi si Tessmarie pero bahagya niyang ipinaling ang mukha paharap kay Rogue kaya lumapat ang labi nito sa sulok ng labi niya. Argh! Ang sarap talaga ng labi ng kumag. Bumungisngis siya at kinindatan si Rogue na tila nagulat sa ginawa niya. Iiling-iling ang binatang inilayo ang labi mula sa kanya. Umalis si Rogue dala ang pinaayos na sasakyan. She wanted Rogue so much! Ngayon na lang ulit siya nagkagusto ng ganito sa isang lalaki pero mukhang sa maling lalaki na naman.

Paano naging maling lalaki si Rogue? He's unmarried. Steal him like what Kris did to your ex-boyfriend. Fight, bes, fight! Panggagatong ng munting tinig sa kasulok- sulukan ng kanyang isip.

"May binabalak kang masama 'no?" Pukaw ni Mhelanie sa pananahimik ni Tessmarie nang makaupo na sila sa bilog na mesa.

"Balak kung ulitin ang nangyari sa amin ni Kris noon. At this time ay ako ang magmemekaniko sa boyfriend niya. Ang yabang niya sobra." Aniya habang hinahanap ang hand sanitizer sa bag.

Tumawa si Mhelanie. "Tingin mo kakasya ang turnilyo ni Rogue sa 'yo"

Siya naman ang natawa. "It will be fit in my nut."

Pagkatapos punasan ng tissue paper ang kamay na sinanitizer ay kumuha siya ng donut na sinapinan ng tissue at kumagat.

"Maybe his heart is hers but his cock will be mine." She said and smiled wickedly.

Nailing si MM. "Memekanikuhin ni Tessmarie ang makina ni Rogue." Iiling-iling na sabi ni MM. Napuno ng tawa nila ang buong talyer.

Isinandal ni Tessmarie ang likod sa sandalan ng upuan. Hanggang ngayon ay malinaw pa sa kanyang alaala ang ginawa sa kanya ni Kris noong teenage day nila. Mainit talaga ang dugo sa kanya ng babaeng iyon dati pa. Lagi kasi silang nagiging magkalaban sa halos lahat ng bagay. Beauty pageant, sport, sa popularidad at lalo na sa atensiyon ng pinakasikat na heartthrob sa eskwelahan nila noon — si Calvin.

Mula unang taon hanggang sa ika-huling taon sa high school ay lagi silang nagkakalaban ni Kris sa beauty pageant at laging runner up ang huli sa kanya. Maging sa pagtakbo sa student council ay natalo niya ito kaya hindi kataka-taka kung saan nagmumula ang galit at inggit nito sa kanya. Lalo na nang ligawan siya ni Calvin at maging sila. Gustong-gusto ni Kris si Calvin.

Kris was such a brat. Palibhasa'y nakukuha ang lahat ng gustuhin sa buhay. Sunod sa luho. Halos lumaki si Kris na tiyahin at mga kapatid lang ang kasama dahil nasa ibang bansa ang mga magulang nito. Kaya siguro naging ganoon ang ugali dahil walang magulang na gumagabay. Very competitive rin ito sa lahat ng bagay, palibhasa'y matatalino ang mga kapatid at gusto rin nitong tapatan.

Tumagal ng anim na buwan ang relasyon nila ni Calvin hanggang sa mahuli nga niya ang dalawa na hubo't hubad sa mismong kama ni Calvin. Sobra siyang nasaktan noon. Iyon ang first heartbreak niya. Gusto niyang bugbugin si Kris at Calvin sa sobrang galit at sakit na naramdaman. Nagmakaawa sa kanya si Calvin na patawarin niya ito. Inakit lang daw ito ni Kris. Pero hindi na niya binigyan ng chance si Calvin.

At napakaswerte ng empakta dahil nobyo nito ngayon si Rogue. Matagal na niyang kilala si Rogue at alam niya kung gaano ito kabait. He's perfect! At hindi nababagay ang isang katulad lang ni Kris para rito. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top