SIMULA
May isang batang babae na laging nakaupo at nagiisa sa lilim ng puno malapit sa kanilang eskwelahan. Lagi syang nandoon pagkatapos ng kanilang klase. Wala syang kaibigan kahit isa. Ni walang gustong makipaglaro sa kanya.
Tahimik na nakatanaw lamang ito sa mga batang masayang naglalaro at nagtatawanan.
"Hoy bata! Bakit ka nandito? Ayaw mo bang makipaglaro sa kanila?"
Nagulat sya ng isang araw may batang lalaki na nagtangkang kausapin at lapitan sya.
Tiningnan nya lamang ito ng may pagtataka. Matangkad at halatang maganda ang pangangatawan neto kahit bata pa at maputi rin ito.
"Bakit nya ako kinakausap? Bago lamang ba sya dito? Ngayon ko lamang sya nakita," sabi ng kanyang batang isipan.
"Hoy bata kinakausap kita? Are you deaf or mute? Bakit hindi ka nagsasalita?" tanong neto sa kanya.
"H-Ha?"
"I'm asking you why you're here. Why don't you join them?" tanong ulit neto sabay turo sa ibang batang naglalaro.
Napatungo sya. Naramdaman nyang umupo ang batang lalaki sa kanyang tabi.
"Inaaway ka ba nila?"
Umiling sya saka tumunghay. Doon nya malayang nasilayan ang itsura ng bata.
Pogi ito at totoo talaga iyon. Matangos ang ilong at napakaganda ng kulay asul na mga mata. Kahit ang pilik nitong malantik din, talo pa nga sya. Makinis ang balat at nasidigurado nyang may lahi ito dahil na rin sa tuwirang pag ienglish.
"Hindi naman sa ganun. Sadyang ayaw lang talaga nilang makipaglaro sakin. Wala naman akong sakit na nakakahawa pero ayaw nila ang lapitan. Maganda naman ako at mabait pero ayaw nila akong maging kaibigan."
Narinig nyang tumawa ito ng mahina na ikinasimangot nya.
"Anong nakakatawa sa aking sinabi?"
Umiling ito bago tumingin sa kanya ng may pagkamangha saka ngumiti.
"Kung ayaw ka nilang maging kaibigan, ako gusto ko. Kaya simula ngayon I'm your friend na. Kaya hindi ka na mag iisa."
Ngumiti ito ng pagkalawak bago tumayo sa harap nya at inilahad ang kamay.
Hindi agad sya nakapagsalita dahil sa narinig.
"Baliw ba sya?" sabi ng kanyang isip.
Gulat pa rin sya dahil sa loob ng dalawang taon nya sa elementarya ay wala pang bata ang nagtangkang lumapit at makipagkaibigan sa kanya. Maliban ngayon at maliban sa batang lalaking nakatayo habang nakangiti sa harap nya.
Its the first time na may nagsabi sa kanyang magkaibigan na sila at hindi na sya mag iisa.
"Hindi mo ba tatanggapin? Nakakangawit kaya."
Napangiti naman sya sa asal nito.
Tinanggap nya ang kamay ng batang lalaki. Muli itong umupo pero sa harap na nya.
"Ayan! Mas cute ka kapag nakangiti," puri neto sa kanya na ikinapula nya.
"Ano nga palang name mo?" pagtatanong nya kahit nahihiya pa.
Hindi pa kase ito nagpapakilala kahit na magkaibigan na sila.
"Ay oo nga pala," kumamot ito sa batok saka nag shy smile.
"Cute!" bulong ng kanyang mumunting tinig.
"I'm Blue."
"Ha? Hindi naman favorite color mo ang tinatanong ko ah. Ang sabi ko anong pangalan mo."
Tumawa ito ng mahina na para bang may nasabi syang nakakatawa.
"Silly girl. What I'm saying is my name is Blue. Johnwayne Blue Greyson."
Ngayon nga lang naintindihan kung ano yung Blue.
"Ang astig naman ng name mo. Blue! Siguro favorite color yan ng parents mo."
May ngiting may pagkamanghanga ang namutawi sa labi ng batang lalaki habang nakatingin at nakikinig sa komento ng batang babae tungkol sa pangalan nya.
Ito pa lamang ang nagsabing astig ang second name nya. Kahit sya nga nawiwierdohan sa kanyang sariling pangalan.
Pero nang banggitin ng batang ito ang pangalan nya para bang napakasarap sa pandinig nya.
"Ako nga pala si Naomi. Naomi Faith Montero," pakilala ko.
"From now on I will call you Nami. Okay lang ba?"
"Oo naman. Cute nga eh. Tapos itatawag ko sayo si Asul."
Tumaas ang kilay nito.
"Bawal umangal!"
Nagtawanan silang dalawa.
Doon nagsimula ang pagkakaibigan ni Blue at Naomi.
Tinupad nga ni Blue ang sinabinya na hindi na mag iisa si Naomi dahil lagi na syang kasama neto. Sya ang tagapagtanggol ni Naomi sa mga nang aaway sa kanya. Bestfriend na, knight shining armor pa.
Sa dalawang taong pagkakaibigan ay mas tumatag pa iyon. Para silang kambal tuko dahil hindi sila mapaghiwalay na dalawa. Kahit nga mga magulang nilang dalawa ay nagpasya na magpapakasal ang dalawa pagtapos nila ng college.
Pero sadyang mga bata pa sila noon kaya tinawanan lang nila ang pasya ng mga parents nila.
**
Nasa ika anim na baitang na silang dalawa. Napakabilis ng panahon. Madaming nagbago pero hindi ang matatag na pagkakaibigan ng dalawa.
"Balita ko may nililigawan ka daw sa kabilang section? Ano ngang name nun? Angie? Angelica?"
"Angel!"
"Ayun... Angel nga. Ano seryoso ka ba dyan? Ha?"
Napakamot naman si Blue sa kanyang batok dahil sa paninirmon ng kaibigan.
"Its just a dare. Sina Thom kase eh ang kukulit pati ako nadamay kahit hindi naman talaga dapat ako ang manliligaw dun. Ako daw ang crush kaya dinare nila ako. Wala lang talaga akong choice Nami eh," sumbong neto na para bang inaapi sya.
"Tingnan mo 'to. Gawain ba yan ng matino ha? Crush ka pala nung babae tapos dare lang para sayo yung ligaw ligaw na yun? Panu kung masaktan mo sya? Ha?"
"Nami grounded na nga ako tapos aawayin mo pa ako?" pagmamaktol nya sa harap ko.
Para syang bata. Tsk! Pasaway na bata.
"Hindi kita inaaway. Pinagsasabihan lang kita na masama yang ginagawa mo. Sige ka panu kung sakin mangyari yun."
"Ahhh.. walang pwedeng manakit sayo hanggang nandito ako. Dadaan muna sila sa mga kamao ko."
"Kaya nga tigilan mo na yan. Okay? Tsaka mayayari din sakin sina Thom mamaya. Sabihin mo ang totoo kay Angel at magsorry ka. Gets mo ba ha? Asul?"
"Opo Mommy!"
Natawa naman si Nami sa sagot ng kaibigan. Ginulo pa neto ang kanyang buhok tsaka tumakbo papalayo.
"Tsk! Ayaw na ayaw ko kaseng ginugulo ang buhok ko. Pasaway talaga," bulong nya sa sarili.
**
Nasa loob si Nami ng room nang magpasukan ang mga kaklase nyang lalaki na may pinag uusapan.
"Anong meron? May artista bang dumating?" takang tanong nya.
"May transferee. Babae. Maganda. Sexy at mayaman," sagot ng kaklase nyang si Alex na nakangisi.
"Mga lalaki talaga kapag nakakita ng maganda at sexy akala mo eh mga gutom. Tsk!" sabi ng kanyang isipan.
Nagulat sya nang pumasok si Blue sa room nila na hinihingal.
"Nami! Nami! I finally found my real Angel. At this time seryoso na'ko."
Masayang bungad neto sa kanya. At mahahalata mo talagang seryoso ito sa pagkakataong iyon. Yung ngiti ng kaibigan, yung pagkislap ng mga mata na mas lalong nagpaganda sa asul na kulay neto.
"Liligawan ko sya at ipapakita kong ako ang para sa kanya. She's really beautiful at yung ngiti nya..... para syang anghel. Hulog sya ng langit para sakin."
"Ang bata bata mo pa ganyan agad ang iniisip mo."
"Bakit? Bawal ba magkaroon ng crush?"
"Crush lang pala pero kung makapagsalita ka dyan akala mo pang forever na. Hhmmmpp.. bahala ka nga dyan."
Padabog syang lumabas ng room. Pagdating nya sa bench sa likod ng school ay agad nyang pinukpok ng mahina ang ulo.
"Ano ba namang reaction yun Faith? Para kang girlfriend na nagseselos samantalang bestfriends lang kayo ni Blue."
Nagpapadyak padyak pa ito dahil sa inis.
Hindi man nya aminin ay nagseselos talaga sya doon sa transferee na yun na agad nakapukaw ng atensyon ng kaibigan.
"Sino ba ang babaeng yun sa akala nya? Ha? Arrgghh! Nakakainis."
Sa loob ng apart na taon na magkasama sila ni Blue ay hindi nya aakalain na magugustuhan nya ito na higit pa sa kaibigan. Natatakot syang umamin dahil baka magbago ang pakikitungo neto sa kanya at masira ng friendship nilang dalawa kaya hanggat maaari ay itatago nya ang nararamdaman.
Okay lang naman sa kanya kung may malink man na ibang babae dito dahil alam nyang hindi iyon papatulan ng kaibigan. Pero iba na ngayon.
Ang kaibigan na mismo ang nagsabing may nagugustuhan na ito at seryoso pa. Hindi nga lang sya iyon.
"Nami, this is Cheska my girlfriend. And babe this is Nami bestfriend ko."
Napatingin sya sa babaeng kasama ni Blue na ipinapakilala sa kanya. Napatingin din sya sa kamay ni Blue na nakayakap sa bewang neto.
"Luwagan mo naman ng kapit hindi yan lilipad sa iba," bulong nya sa sarili.
Tumayo sya saka nakipagkamay.
"Hi! Nice to meet you!" plastic na sabi nya saka ngumiti ng hilaw.
Iba ang feeling nya sa babaeng ito. May pagka fishy!
"Hi Nami. Mabuti naman at nagkakilala na tayo alam mo bang lagi kang kinukwento sakin ni babe."
May halong landi sa boses neto.
"Ayun! Malande ang babaeng ito. Malakas ang pang amoy ko sa mga malalansa eh," bulong ulit nya sa kanyang sarili.
**
"Asul listen to me. Totoo ang sinasabi ko sayo kitang kita ng dalawang mata ko na naghahalikan si Cheska saka si Thom."
Humarap ang kaibigan sa kanya ng masama ang tingin.
"Alam mo Nami kung wala ka rin lang naman na magandang sasabihin umalis kana lang. Marami pa akong dapat gawin."
Pagtataboy neto at muling pinagpatuloy ang pagsususlat.
Nandito sya ngayon sa bahay nina Blue. Wala ang mga magulang neto at tanging sya lang ang nandoon dahil naka leave ang mga maids nila.
"Asul naman. Importante ang sasabihin ko sayo. Niloloko ka lang ni Cheska. Si Thom talaga ang mahal nya at hindi ikaw. Kaya please listen to me. Hiwalayan mo na ang malanding babaeng yun," sigaw ko na ikinatigil nya.
Tumayo ito at humarap sa kanya.
Agad naman syang napa atras ng mapatingin ito sa kanya ng nagliliyab sa galit ang asul na mga mata. Nakakatakot!
Ngayon nya lamang nakitang ganito ng kaibigan.
"Mahal nya ako. Mahal ako ni Cheska. At kung ano mang kasinungalingan ang sinasabi mo ngayon ay wala akong pakealam. Alam ko naman na gawa-gawa mo lang yan Nami dahil una pa lang ayaw mo na si Cheska para sakin diba? Kaya sinisiraan mo sya behind her back. Pero.... hindi ako naniniwala sayo. Kaya please lang Nami kung ayaw mong kalimutan kong bestfriend kita umalis kana. Now! Get out!"
Nanginig sya sa takot dahil sa pagsigaw ni Blue sa kanya. This is the first time that he shout at her. At dahil lamang sa isang babaeng. Palagi kase itong soft pagdating sa kanya pero ngayon? Hindi na!
"Ganun nya ba talaga kamahal ang babaeng yun at sarili nyang bestfriend ay gaganituhin nya. Hindi nya paniniwalaan? Ganun ba kawalang halaga ako, ang mga sinasabi ko sa kanya?" isip isip nya.
"Pero Blue totoo ang sinasabi ko. Kelan ba ako nagsinungaling sayo?"
Umiiyak na sya ngayon. Nanginginig!
Mariin pumikit si Blue bago muling nagsalita.
"Faith please lang umalis kana. Please!"
Nahihirapang pagmamakaawa neto na ikina kirot ng dibdib nya.
Faith???
Diba dapat Nami???
Bakit Faith na ngayon???
"Kahit hindi mo ako paniwalaan yun pa rin ang totoo. Si Nami 'to. Yung kaibigan mo. Yung bestfriend mo. Yung babaeng mahal na mahal ka. Tinataboy mo dahil lang sa manlolokong babaeng yun? Asul inilalayo lang kita sa sakit pero bakit ako pa yung mali?"
Tahimik lang sya habang nakayuko. Naka close ang fist at halatang nagpipigil.
"Pero kung yan ang gusto mo sige aalis na ako. Kapag nasaktan ka lapitan mo lang ako nandito lang ako para sayo. Aalis lang ako pero hindi ako mawawala."
Tumalikod na sya at umiiyak na lumabas ng bahay ng kaibigan.
Masakit!
Masakit na isiping hindi ka manlang pinaniwalaan ng bestfriend mo. Ng lalaking mahal mo.
Mas pinili nya pangpaniwalaan ang babaeng yun. Manloloko naman.
**
Isang linggo ng hindi pumapasok si Blue. Balita na sa buong school ang nangyari.
Nawrong send si Cheska kay Blue na dapat ay kay Thom ang message na yun. Nung una binalewala lang ni Blue pero nang mahuli nya ngang magkasama sina Cheska at Thom ay sobra ang galit nya.
Awang awa nga sya kay Thom dahil bulbog sarado. Pero mas naaawa sya sa kaibigan. Sarili nitong kaibigan at girlfriend pinagtaksilan sya.
"Akyatin mo na iha. Nagkukulong sa kwarto. Hindi lumalabas kahit pagkain hindi magawa. Nag aalala na kami ng tito mo eh."
Nasa mukha ng mommy ni Blue ang pag aalala para sa anak.
"Sige po Tita. Try ko po kung kakausapin ako."
"Pero kung hindi ka pagbuksan. Heto ang susi ng kwarto nya. Ikaw na ang bahala kay Blue iha. Alam kong ikaw lang ang makakatulong samin ngayon."
Tumango sya bago umakyat papunta sa kwarto ng kaibigan.
Huminga muna sya ng malalim bago kumatok. Pero hindi sya neto pinagbuksan.
Kaya ginamit na nya ang susi para makapasok sa loob.
Wala syang naabutan sa loob.
"Blue! Blue! Nandito ka ba?"
Nagulat na lamang sya ng biglang bumukas ang pinto ng cr. Nanlaki ang mga mata nya ng makitang lumabas ang nakatapis lamang na si Blue habang nagpupunas ng buhok.
"Oh my gosh!"
Agad syang tumalikod at napatabon ng kamay sa mukha dahil sa kahihiyan.
"Fck!" rinig nyang bulong neto at nagmadaling kumilos.
"S-Sorry! Kanina pa kase ako kumakatok pero walang nagbubukas kaya ako na lang ang pumasok. Sorry ulit!"
"Nakakahiya ka Faith!" bulong ng kanyang isip.
"Paano ka nakapasok? Lock ang pinto ng kwarto ko ah."
"Tita Alena gave me the key. Kung hindi mo daw ako pagbuksan gamitin ko na lang susi," sagot nya habang nakatalikod pa rin.
"Anong kailangan mo? Siguro naman alam mo na ang nangyari sakin diba? Nandito ka ba para pagtawanan ako dahil pinagbantaan mo na ako na ganun ang ginagawa nila pero hindi pa rin kita pinaniwalaan."
Nang marinig nya ang sinabing iyon ng kaibigan ay agad syang humarap dito.
"Nandito ako para icomfort ka dahil alam kong nasasaktan ka ngayon. Asul nandito ako bilang kaibigan mo na handang maging sandalan at panyo mo. Wag ka namang ganyan sakin oh!"
Pinipigilan nya ang pagpatak ng kanyang mga luha.
"Hindi ko kailangan ng awa mo Nami. Ayaw kong kaawaan ako. Babae lang sya, kaibigan ko lang sya. Marami pa akong makikilala na iba dyan."
"Asul hindi naman masamang umiyak eh. Ako lang naman 'to. At isa pa huwag mong pigilan na ilabas ung sakit dyan sa puso mo."
Akmang lalapitan nyang lalapitan ang kaibigan pero agad itong lumayo sya sakin. Dagli naman syang napa atras dahil sa kinilos neto.
"Gusto kong mapag isa. Iwan mo muna ako Nami, please."
"Kung yan ang nais mo. Pero sana kapag okay kana kausapin mo na ako. Hihintayin kita Asul."
Kahit labag sa loob nyang umalis ay ginawa nya pa rin dahil baka mas lalo itong magalit sa kanya.
Pero ano nga bang ikinagagalit neto sa kanya?
Dahil ba hindi neto matanggap na totoo ang kanyang sinabi noon tungkol sa pagtataksil ng girlfriend neto?
**
Isang buwan ding hindi sila nagkita o nagkausap man lang ni Blue. Miss na miss na nya ang lalaki.
Wala naman syang magawa dahil kailangan rin naman ng kaibigan na makapag isip at mapag isa muna dahil masakit talaga ang nangyari.
Napagpasyahan nyang puntahan na ito sa kanila.
"Tao po! Tao po! Tita Alena? Tito Will? Tao po!"
"Wala yatang tao. Asan kaya sila? Siguro babalik na lang ako sa susunod na araw," sabi nya sa sarili.
Akmang aalis na sya ng may kotseng pumarada sa kanyang gilid. Lumabas doon ang mommy ni Blue.
"Iha! Naparito ka?"
"Ahhmm... Tita gusto ko lang po sanang makausap si Blue. Nandyan po ba sya? Wala po kaseng nagbubukas sakin kanina pa."
Napansin nyang tumingin ang mommy ni Blue sa asawa neto. Bahagyang tumango ang lalaki sa asawa bago muling tumingin sa kanya.
"Wala na dito si Johnwayne, iha. Kahahatid lamang namin sa kanya sa airport patungong Korea. Dalawang araw pagkatapos mong pumunta dito nagsabi syang babalik na muli doon. Wala naman kaming magawa para pigilan sya dahil pasya na iyon. Gusto nga naming sabihin agad sayo pero inunahan na nya kami agad na wag ng ipapaalam sayo ang plano nyang umalis. I'm sorry iha."
Nang marinig nya iyon ay agad na naglabasan ang kanyang mga luha. Gusto man nyang pigilan pero ayaw naman nilang magpapigil sa pagtulo.
"Kaibigan nya ba talaga ako? Bestfriend ba talaga ang turing nya sakin? Bakit hindi man lang sya nagsabi na aalis na sya? Bakit kailangan nyang iwan ako ng ganito? Hindi ko naman sya pipigilang umalis kung yun talaga ang gusto nya eh. Pero sana manlang nagpaalam sya ng maayos sakin."
Niyakap sya ng ginang at marahang hinimas ang kanyang likod para patahanin. Ganun din ang ginawa ng daddy ni Blue.
"Everything will be allright, iha! Tahan na. Sanay huwag kang magagalit kay Johnwayne. Masyado pa syang bata kaya ganun agad ang nagiging disesyon nya."
Umiyak lang sya ng umiyak habang yakap ng mag asawa.
**
Graduate na si Naomi ng elementary at hanggang ngayon ay umaasa pa rin syang babalik si Blue.
Babalik ang unang naging kaibigan nya at unang minahal nya.... Ng palihim.
Palagi syang bumabalik sa lugar kung saan sya unang nilapitan nito.
Inaalala lahat ng mga sweet moments, asaran, kulitan at awayan nilang dalawa. At ang punong lagi nyang sinasandalan ang saksi nang lahat ng iyon.
"Hindi ba sabi mo hindi na ako mag iisa dahil nandyan kana? Dahil dumating kana? Dahil nakilala na kita? Pero bakit nag iisa na naman ako? At ikaw pa mismo ang nangiwan sakin? Ang salbahe mo talaga Asul. Salabahe ka!"
Umiiyak na sya dahil miss na miss na talaga nya ang kaibigan.
Palagi nyang pinupuntahan ang lugar na iyon sa tuwing wala syang ginagawa dahil nagbabakasakali na bigla na lang ulit itong susulpot sa likod nya at kakausapin sya. Katulad ng una nilang pagkikita.
"Maghihintay ako sayo Asul kahit gaano pa katagal. At umaasa akong magkikita tayong muli at sana lamang ay hindi mo pa ako nakakalimutan pag dumating ang araw na iyon. Dahil ako? Hinding hindi kita makakalimutan Johnwayne Blue Greyson. My Asul!"
***
A/N: Kyyyaaahhhh! Nasimulan ko na sya sa wakas!
Continue reading po tayo daydreamers ...😁💙
Vote
Comment
Share
Is highly appreciated!
BE MY FAN 👋
#SayoPaRinBabalik
#Ms.Daydreamer
#heyitsmejesika
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top