KABANATA 9

"Rae dalian mo baka maubusan tayo ng mauupoan."

Hinihingal na sabi ko kay Rae habang tumatakbo kami papunta sa gym.

Kasali kase sa Basketball team ng school yung tatlo.

May practice ang mga players ng basketball ngayon dahil nalalapit na ang Intramurals. Kailangan talaga nilang magensayo dahil magagaling ang makakalaban ng school namin. Syempre panatag kami dahil magagaling din naman sila pero iba pa rin talaga kapag may practice, diba?

"Dahan dahan naman Naomi baka hikain ako dahil sa pagtakbo. Makakarating din tayo dun, okay?"

"Ayyyy. Oo nga pala nalimutan kong may asthma ka nga pala. Sorry, Rae! Excited kase akong manood eh. Sorry talaga."

Pinitik nya ako sa noo na ikinasimangot ko.

"Ang oa lang Naomi. Tama na nga yang sorry mo hindi naman ako inatake ng asthma ko kaya wag kang mag alala."

"Kahit na. Nagpadalos dalos kase ako agad nalimutan ko tuloy."

"Okay nga lang sabi. Tara na nga!"

Ngumiti sya sabay hila sakin papunta sa gym.

Tama kayo ng basa! May asthma si Rae. Pero kahit na ganun game pa rin sya sa mga kalokohan naming dalawa. Minsan nga nalilimutan kong meron sya nun tulad na lang ngayon. Ang hyper nya kase masyado eh.

"Dun tayo malapit sa team nila."

"Sige!"

Pumwesto kami sa bench na malapit sa team nila.

Nagsisimula na pala ang practice game. Nahahati ang grupo sa dalawa. Magkateam sina Joshua at Jake habang si Asul naman ay nasa kabilang team.

"Sinong ichi-cheer mo?"

Tanong sakin ni Rae habang nakamasid sa naglalaro.

"Si Asul syempre."

Tiningnan nya ako.

"Sabi ko nga. Sina Jake ang ichicheer ko," sagot nya sabay balik ulit ng tingin sa court.

Nang tingnan ko sya ay seryoso na itong nanonood at may ngiti pa sa labi habang nakasunod ng tingin sa pinsan ko.

Hindi ko na lang iyon pinansin at nanood na lang din.

"Go! Greyson Go!"
"Galingan mo Blue! Hooooooo!"
"Mr. Parker mahal kita. Pakasal na tayo!"
"Joshua I love you!"
"Blue huwag kang magpapatalo magpapakasal pa tayo."
"Jake saranghae! Crushback naman dyan!"

Grabe! Ang wa wild naman nila. May fans na agad yung tatlo eh. Baka bukas bukas ibully na ako ng mga fans nila dahil sa inggit.

Nakay Asul ang bola.

Agad akong tumayo. "GO ASUL! Ishoot mo na yan!" malakas na sigaw ko.

Naishoot naman nya ang bola saka nakipag apir sa team nya.

"YESSSS!"

Napatalon pa ako dahil sa tuwa.

"Kita mo yun Rae? May talent ako sa pagcheer," masiglang sabi ko pagkaupo.

"Huwag kang masyadong matuwa bakla. Sadyang magaling lang talaga si Blue kaya nya naishoot yung bola, hindi yun dahil sa cheer mo," may halong pang asar sa boses neto.

"Ang bad mo!"

Tinawanan naman ako neto.

"Joke lang! Ang galing galing naman talaga ng Naomi namin oh."

Ginulo pa nya ang buhok ko habang sinasabi iyon.

Pinagpatuloy ko na lang ang fucos sa panonood.

Sa tuwing makakapuntos si Asul ay napapatayo ako tapos papalakpak. May paminsan minsan din akong pagsigaw sa pangalan nya para icheer sya. Syempre chinicheer ko din sina Jake pero hindi nga lang madalas dahil ang priority ko ay si Asul.

"Ang astig ng pinsan mo sa court no? Ang gwapo pa nya sa jersey."

Agad naman akong napatingin kay Rae nang sabihin nya ang mga katagang iyon.

Nakahalumbaba pa ito habang sinasabi yun at diretso lang ang tingin kay Jake.

"Sumasabay pa yung buhok sa bawat kilos nya. Ang hawt tuloy nyang tingnan. My gahd!"

Naningkit ang aking mga mata sa kanyang mga pinagsasasabi.

Dahan dahan naman itong tumingin sakin dahil hindi ako nagsasalita.

"Bakit ganyan ka maka tingin sakin?"

Tinagilid ko pa ang ulo ko habang nakatingin sa kanya ng seryoso.

"Tama ba ang narinig ko? Akala ko ba si Joshua ang type mo? Bakit parang nabaliktad yata?"

Umiling iling sya habang winawagayway sa harap ko ang dalawa nyang kamay.

"M-Mali k-ka ng i-iniisip. W-Wala akong gusto sa pinsan mo noh."

"Talaga ba?"

"W-Wala talaga. Pinuri ko lang ang kagwapuhang taglay ng pinsan mo pero hindi ibig sabihin nun may crush na ako sa kanya."

"Eh bakit nauutal ka?"

"Hindi ah!"

Pagdeny pa neto na ikinangisi ko.

Tinapik ko sya sa balikat na nagpatigil sa kanya.

"Welcome sa family, Rae! Ang ganda naman ng magiging future ng pinsan ko."

Nakangising sabi ko saka sya kinurot sa cheeks. Hindi naman ito nagreact agad kaya tumingin na lang ulit ako sa naglalaro.

Pinuproseso pa siguro sa utak nya yung sinabi ko. Hahahaha!!!

Ilang saglit pa ay bigla ako netong pinalo sa braso.

"Anong pinagsasabi mo dyan? Wala nga kase akong gusto kay Jake."

She pout and cross her arms.

"Okay! Sabi mo eh, soon to be Parker!" pang asar ko pa

"Naomi naman eh!"

Pagmamaktol nya sa tabi ko. Hindi ko na lang sya pinansin at muling tumingin sa naglalaro.

In the end, team nina Asul ang nanalo.

Pawisang bumalik ang team sa pwesto nila. Nang makita ako ng mga ito ay agad nila akong binati.

"Uy! Si Ms. Montero oh nandito din pala. Hi Naomi!" nakangiting sabi ni Lucas isa sa mga players.

"Hi Naomi! Jake yung pinsan mong maganda nandito," sigaw pa ni Ken na ikina init ng pisnge ko.

Maganda daw ako? Aba'y matagal na kuya. Hahaha!

"Naomi kapag nanalo kami sa Championship next week pwede ba tayong lumabas? Dinner lang!"

Hindi naman agad ako naka react sa biglaang pag aaya ni Dave.

"Hoy! Hoy! Hoy! Anong dinner dinner ang naririnig ko dito?"

Thank you po dahil dumating si Jake. Save by my cousin.

"Inaya ko lang lumabas ang pinsan mo bro kapag nanalo tayo sa championship."

"Bawal! May magagalit."

Singit ni Joshua. Naningkit naman ang mata ni Jake.

"Kung ikaw lang din naman ay huwag na lang. Sige na magsilayas na kayo at huwag nyong guluhin si Baby Naomi," singhal ni Jake sa kanila.

Napakamot naman si Dave sa batok saka umalis kasama ng iba.

"Saviour ko talaga kayong dalawa."

Ngumisi lang naman ang mga ito.

Nakita kong nagliligpit ng gamit si Asul kaya nilapitan ko sya.

"Asul para sayo," sabi ko sabay lahad ng gatorade na binili ko kanina.

Nag angat naman ito ng tingin sakin bago tumingin sa hawak ko.

Ngumiti ako. "Kunin mo na nangangalay na'ko oh!"

"Psh!"

Kinuha din naman nya iyon sa kamay ko tsaka ininom.

Napatulala naman ako dahil sa mismong harapan ko sya uminom niyon.

My gawd! Ang hot ng Asul ko!

Nakatitig lang ako sa kanya habang umiinom sya. The way his adams apple move, nakakapanlaway! Shocks!!! Yung butil nang pawis na naglalakbay mula sa kanyang noo pababa sa kanyang leeg. Aahhhhh!!! Nanunuyo ang lalamunan ko. Parang ang sarap inumin nung gatorade na iniinom nya.

Hindi ko namamalayan na napapagat na pala ako sa aking labi.

"Laway mo tumutulo na."

Wala sa sariling pinahid ko naman ang gilid ng labi ko gamit ang kamay.

"Wala naman eh!"

Nakatikim ako ng sapak mula kay Rae na nagpabalik sakin sa ulirat.

"Aray naman Rae!" sapo sapo ko ang aking ulo na binatukan nya.

Tsaka ko lang narealize yung ginawa ko. Napatakip naman ako ng kamay sa mukha.

Nakakahiya ka Naomi!

"Kung makatitig ka parang may ginagawa ka ng milagro sa kanya sa isip mo ah."

"Ikaw lang naman ang nakakita diba?"

Tumango sya sabay ngisi sakin.

Pinalo ko naman sya ng mahina sa braso. "Nakakahiya!" bulalas ko.

Tinawanan lang naman ako neto.

Hinila na nya ako pabalik kina Jake.

"Alam mo Jake ang bad talaga ng pinsan mo kita mo yun si RK lang ang chini cheer nya. Tsk! Tsk! Ang unfair."

Pagpaparinig ni Joshua.

"Hindi ka kase worth it ng cheer ko."

"Tingnan mo! Ang salbahe mo talagang tuta ka."

"Nyenye! Bleh!"

Binelatan ko pa sya para mas nakaka asar. Hahaha!

"Tumigil na nga kayong dalawa. Balik na kayong dalawa sa room magpapalit lang kami."

Inakbayan ni Jake ang kaibigan nang akmang pipisilin ang pisnge ko saka ito hinila papunta sa locker room.

Inirapan ko pa si Joshua bago kami lumabas ni Rae ng gym.

Napangiti ako nang malawak pagkabalik namin sa room.

3. Gave him a gatorade. Check✅

2 down, 8 to go!


***

A/N: Annyeong!
Sana suportahan nating lahat si Naomi sa kanyang mission na palambuting muli ang puso ni Blue para kanya.☺☺

Happy Reading Daydreamers!!!

Vote
Comment
Share &
Be a FAN!!!

Mahal kayong lahat ni Ms. Author 😘 keep safe po tayong lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top