KABANATA 8

Mag isa ako ngayon sa rooftop dahil lumabas pa ng school yung tatlo para lang bumili ng pizza at burger. Napailing na nga lang ako dahil bakit kailangan pang tatlo sila samantalang pwede namang omurder at magpadeliver na lang. As easy as that pero yung hard way pa ang pinili nila. Nakakaloka!

"Sorry!"

Nagulat ako ng may maglapag ng isang paper bag sa harap ko.

Ang boses na iyon! Kilala ko kung sino ang nagmamay ari ng ganun kalamig na boses.

Asul!

Nang tumingala ako ay nakumpirma kong sya nga. Binuklat ko ang bag ay nakita kong burger ito at isang large milk tea. May tubig din at apple.

Alam pa rin pala nya ang favorite ko.

Napangiti ako ng lihim sa isiping iyon.

"Bakit ka nag sosorry?"

"Dahil sa kanina."

Tumikhim ito bago magpatuloy ulit.

"Dapat kumain ka muna sa inyo bago ka umalis. Kinagalitan ka tuloy ng pinsan mo."

Concern sya sakin! Kyyyaahhh....

"Nagmamadali kase ako. B-Bakit nga pala hindi ka dumating kanina?"

Umiwas sya ng tingin.

"Something came up kaya hindi ako nakatuloy sa coffee shop. Late na ako kaya di na ako pumunta akala ko umalis kana dahil nga late na ako pero..... naghintay ka pa rin pala."

Handa naman kase kitang hintayin kahit gaano pa yan katagal.

Ngumiti na lang ako at kinuha yung laman ng paper bag.

"Thank you nga pala dito. Nag abala ka pa eh bibili naman sina Jake ng para sakin."

Hindi sya sumagot pero umupo sya sa bangko na malapit sa pwesto ko.

Kahit di nya ako kausapin ng madalas yung malamang concern pa rin sya sakin kahit papaano ay masaya na ako.

"Kumain kana ba? Share tayo gusto mo?" offer ko sa kanya saka nilahad sa kanya ang burger.

Umiling sya.

"Its yours!"

"Okay!"

Ayaw nya kaya ako na lang ang mag isang kumain. Tahimik lang sya sa isang tabi nang biglang bumukas ang pinto ng rooftop. Senyales na dumating na sila.

"Nandito na nag pagk----- Blue ang bilis mo namang bumalik. Kasasalubong lang namin sayo kanina sa tawiran ah. Tapos biglang nandito kana agad?" tanong ni Rae.

Inilapag nung tatlo ang dalang plastic bags sa mesa.

"Si Flash yan Rae ano ka ba."

Natawa naman si Rae sa biro ni Joshua.

"Ang dami nyo namang binili. May fiesta ba?"

"Panu yang pinsan mo inorder lahat ng makita sa menu. Pumunta pa sa restau para lang bumili ng kanin at ulam para sayo. Kaya ubusin mong lahat yan."

Ngumuso ako sa harap ni Jake.

"Bibitayin na ba ako? Kaya pinapakain mo na ako ng ganyan kadami dahil huling kain ko na 'to?"

Pinitik nya ako sa noo.

"Aray naman!" reklamo ko.

"Sira ka talaga. Kumain ka na nga lang."

Natawa naman ako

"Bro!"

Tawag neto kay Asul. May inihagis itong kulay asul na bote at nasakap naman neto iyon.

Paborito pa rin pala nya ang Gatotade na blue.

Dati kase nung grade six kami kapag p.e bibili muna sya nun bago maglaro. Nakakalakas daw kase yun ng loob.

Habang umiinom ng milktea ay may naisip ako. Agad kong kinuha ang dalang laptop tsaka lumapit kay Asul.

Nagulat naman ito sa paglapit ko kaya ngumiti na lang ako sa kanya at pagkuwan ay umupo sa bangkong nasa kanyang harapan.

"Pag usapan na natin kung anong gagawin sa thesis. May time pa naman kaya why not diba?"

May kinuha itong yellow paper sa bag saka inabot sakin.

"I've done my part. I-type mo na lang at ipaprint pagkatapos."

Yun lang??

Nakasimangot na binasa ko iyon.

"Ang dami naman? Ikaw lang magisa ang gumawa neto?"

Grabe naman ang utak ng lalaking ito. Nakaya nyang gawin ito ng isang araw lang tapos 10 pages pa?

"Dapat nagpatulong ka sakin. Diba sabi mo kailangan magkasama tayo para matapos natin 'tong thesis? Daya talaga neto."

Pagmamaktol ko.

"Gawin mo na lang yan pwede? Ang ingay ingay mo. Di ka pa rin nagbabago madaldal ka pa din."

Natigilan naman ako sa sinabi nya at agad na napa angat ng tingin sa kanya.

"Ikaw lang naman itong nagbago."

Seryosong tumingin sya sakin.

"Hindi mo naman kailangan baguhin ang sarili mo para lang kalimutan yung sakit. Pwede mo namang tanggalin yung sakit sa parang hindi ganito. Di mo naman kailangan umiwas sa mga tao sa nakaraan mo malay mo sila pa pala yung makakatulong para maging mas better ka."

Yung seryosong tingin nya sakin mas naging intense pa.

"Alam mo bang hinintay kita? Lagi kong hinihiling na sana isang araw lilitaw ka na lang ulit sa tabi tapos kakausapin ako tulad nung una mong ginawa. Umaasa akong babalik ka at magkakaayos tayo ulit. Ngayong nandito ka na ulit gagawin ko ang lahat para lang bumalik tayo sa dati. Asul bati na tayo. Please! Asu----"

"Will you please shut up!"

Napaigtad ako sa biglan nyang pagsigaw.

"Hindi lahat pwede mong ibalik sa dati. At saka wala naman akong sinabing hintayin mo ako, diba? Magalit ka sakin kung yun ang gusto mo dahil sa pananakit ko sayo noon, gawin mo. Pero please lang huwag mo na ulit akong kakausapin dahil naiirita ako."

He said in anger tone then immediately stood up and storm out the door.

Napatulala naman ako sa pintong nilabasan nya. Dagli akong nilapitan nung tatlo.

"Anong nangyari? Bakit kayo nag away dalawa," nag aalalang tanong ni Rae.

"Hindi kami nag away. Sya lang itong biglang nagalit."

"Huwag mo kaseng bibiglain ng ganun."

Sinamaan ko ng tingin si Jake.

"Hindi ko naman binigla. Pinaliwanag ko lang na hindi lahat maaayos sa paraang kailangan nyang magbago."

"Huwag mo na kasing ipaalala. Hindi pa rin kase nya matanggap. Ang gawin mo na lang ipakita sa kanya na handa kang gawin lahat para lang maibalik yung dati nyong samahan. Saka mo na balikan yung nangyari noon kapag handa na sya."

Siguro nga tama sya. Kapag okay na ulit kami at handa na sya saka ko na lang sya kakausapin para maayos at tuluyan na naming makalimutan yung dati.

"Minsan pala nakakapagbigay ka din ng advice na matino no?"

Pang asar ko para mabawasan naman yung negative vibes na dumating.

"Aba! Nang aasar ka na ah."

Bigla akong kiniliti ni Jake sa tagiliran.

"Hahahahaha! Tama na. Hahahaha. Ayoko na. Hahahaha. Please!"

Tumigil din naman ito. Hinihingal na tumayo ako.

"This time gagawa na talaga ako ng moves para magkaayos na kami ni Asul."

Nameywang ako sa harap nila at tinitigan sila ng seryoso. "Tutulungan nyo ako diba?"

Nagkatinginan silang tatlo.

"Sige! Cool ako dyan," nakangiting sagot ni Joshua.

"Syempre kasama ako," nagtaas pa ng kamay si Rae na ikinatawa ko.

Tumingin ako kay Jake.

"Count me in!"

"YES!"

Wait ka lang Asul. Sisiguraduhin kong lalambot din ang puso mong batao sa mga gagawin ko. Whahahaha! (insert evil laugh)

Kinagabihan ay excited akong bumalik sa kwarto ko pagkatapos naming kumain para magsulat ng mga dapat kong gawin para paamuhin ang isang malamig na lalaki.

"Mamaya na kita tatapusing thesis ka. May four days pa naman ako para gawin ka."

Kinuha ko ang lumang diary ko para doon magsulat.

"Hhhhmmmm! Ano kayang uunahin ko? Aha! Alam ko na."

Nakangising kinuha ko ang ballpen para nagsulat.

"10 Things to do To Tame Mr. Blue Greyson"

1. Cook his favorite food. (adobo, BakeMac at sinigang na hipon)

2. Make him a coffee.

3. Gave him a gatorade. (lalo na sa umaga)

4. Yayain mamasyal at manood ng sine. (Date! Yyyyiiee!)

5. Sing a song for him.

6. Hug him. Backhug! (Wow! Masyadong level up girl)

7. Alagaan sya. (kapag may sakit)

8. Ipagbake ng cookies. (as a gift)

9. Make him laugh again.

"Ano kaya yung pang 10? Hhhmmm?"

Kiss him???? Chhhooorrr lang! Hahaha.

10. Manatiling laging nasa tabi nya para pasayahin sya.

"Ayannnn! Tapos na."

Asul sisiguraduhin kong maiinlove ka sakin. Hahaha! Joke lang. Bonus na yun. At habang ginagawa ko ang mga ito hahanap ako ng tyempo para magtapat ng nararamdaman.

Kinabukasan....

Maaga akong umalis sa bahay dahil dideretso muna ako sa condo nina Asul dahil ipagluluto ko sya ng breakfast.

6:30 am pa lang ay nasa tapat na ako ng condo nila.

Agad akong kumatok.

"Sino ya----- ikaw pala Naomi. Anong ipinunta mo dito ng ganito kaaga?"

Si Joshua ang nagbukas ng pinto.

"Secret! Papasukin mo muna ako pwede?"

"Ahehehe! Tuloy ka."

Nilawakan nya ang bukas ng pinto. Nakangisi naman akong pumasok sa loob.

"Buti na lang pala nagbihis ako nung binuksan ko ang pinto akala ko pa naman chikababes ko na yun pala ikaw lang. Tsk!"

Kumamot pa ito sa batok nya.

"Bakit? Ano bang suot mo nung hindi pa ako dumadating? Ha?"

"Wala. Hubo't hubad."

Inosente nitong sagot.

"Yuck! Kadiri kang ulupong ka," sigaw ko sa kanya sabay hagis ng pillow na nadampot ko sa sofa. Nasakap naman neto iyon.

"Joke lang di kana mabiro. Tsaka huwag ka ngang maingay tulog pa yung dalawa."

"Soundproof naman 'to ah. Bakit nila ako maririnig?"

"Ah ganun ba? Hindi ko alam eh."

"Asar 'to. Ewan ko sayo panget mo kausap. Dyan kana nga!"

Iniwan ko sya sa sala at dumiretso sa kusina para magluto ng breakfast.

"Alam ba ng pinsan mo na pupunta ka dito?" pasigaw na tanong ni Joshua mula sa sala.

"Hindi!"

Sumilip sya sa may pinto ng kusina.

"ANO???"

"Ang oa lang Josh. Grabe!"

Lumapit sya sakin.

"Wala bang kitchen sa inyo at dito ka pa dumayo ng pagluto?"

"Ipagluluto ko kase si Asul ng breakfast," nakangiting sagot ko.

"Wow! Tagaluto ka na pala ni RK ngayon? Magkanu sweldo mo?"

Sinapak ko naman sya.

"Aray naman!"

"Tumahimik kana lang pwede?"

Inabot ko sa kanya yung bigas. Tinaasan naman nya ako ng kilay.

"Hugasan mo tapos tubigan mo tsaka mo isalang, okay? Oh! Baka pati naman pagsaing ay hindi mo alam."

"Anong tingin mo sakin walang alam?"

Tumango ako.

"Huwag ka sanang pansinin ng crayon mo."

Sinapak ko ulit sya.

"Aray naman. Bakit ba? Nakakadalawa ka na ah."

"Gusto mo tatluhin ko pa eh. Ang bad mo kase. Gawin mo na nga yan."

"Ang maldita mo."

"Hhhmmppp!"

Inirapan ko sya saka tumalikod para gawin ang dapat gawin.

Hotdog at egg na lang ang lulutuin ko para madali.

"Tapos na po madam. Magliligo lang ako ikaw na ang bahala dyan. Dapat pagkatapos ko tapos kana din dyan ah dahil kakain ang mga amo mo."

"Cheeee! Hindi ka kakain dahil bad ka."

"Edi sasabihin ko kay RK na huwag kang papansinin. Gusto mo nu---"

"Lumayas ka na nga lang. Shhhoooo!"

Tinaboy ko sya gamit ang sandok. Nakangisi naman itong umalis.

Ilang minuto lang ay natapos ko na rin ang pagluluto. Sakto ding luto na ang kanin. Inihain ko ang mga ulam sa mesa at nagsandok ng kanin sa lagayan. Naglagay din ako ng tinapay at peanut butter sa hapag. Naglagay din ako ng tubig. Gumawa rin ako ng kape with cream para kay Asul. Alam ko kasing maghahanap yun ng kape sa umaga eh.

Unang pumasok ng kusina ay si Jake. Kasunod si Asul na nag aayos ng neck tie. Nasa likod naman neto si Joshua na nakangisi.

Hindi agad ako napansin nung dalawa kaya tuloy tuloy silang pumasok sa kusina.

Nang mapatingin sakin si Jake ay agad itong nagulat.

"Naomi? Anong ginagawa mo dito?"

Doon lang din napatingin sa akin si Asul na halatang gulat din na nandito ako.

"Ano ba sa tingin mo?"

Nilibot nya ang tingin sa mesa. Nakangangang tumingin ulit ito sa akin.

"Upo na. Upo na. Lalamig ang pagkain."

Masiglang sabi ni Joshua saka tinulak si Asul para umupo. Umupo na rin si Jake na halatang gulat pa rin. Minsan lang talaga kase ako magluto dahil nga may tagaluto sa bahay.

"Si Naomi lahat ang gumawa nyan kaya kainin nyo lahat ah. Baka kase umiyak," natatawang sabi ni Joshua sabay subo ng kanin at hotdog.

Sinamaan ko sya ng tingin. "May sinabi ba akong kumain ka? Unggoy na'to," sabi ko sabay irap.

Nakangiting ibinaling ko ang tingin kay Asul bago tumayo saka lumapit sa pwesto nito.

"Asul kape mo."

Nilapag ko sa harap nya ang tinimpla kong kape saka bumalik sa upuan ko. Napangiti naman ako ng inumin nya yun.

2. Make him a coffee. Check✅

May paminsan minsan akong pagsulyap sa kanya dahil tanging kape lang ang iniinom nya.

"I'm done. Mauuna na ako," blangkong sabi neto bago tumayo.

Aalis na sana sya nang pigilan ko sya.

"Kape lang ang ininom mo. Hindi ka ba kakain manlang? Sayang naman dahil madami pa ang tira oh. Kumain ka mu-----"

"Ibigay mo sa mga street children kung nanghihinayang ka sa matitira," sabi neto saka tuluyan nang lumabas ng pinto.

Nangilabot naman ako sa sobrang lamig ng pananalita nya.

Bagsak ang balikat na umupo ulit ako.

"Kami na lang ang mag uubos ng niluto mo Baby Naomi. Huwag ka nang madown dyan, okay? May next time pa naman."

Pagpapalakas ni Jake ng loob ko.

Tama! May next time pa Naomi. May nagawa ka ng isa at may siyam pang natitira kaya cheer up!

Ngumiti ako bago tumango. Ngumiti naman silang dalawa pabalik.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top