KABANATA 7
Nasa rooftop kami ngayon dahil wala na kaming klase. Hinihintay namin ni Rae yung tatlo dahil nasa cafeteria pa para bumili ng foods namin.
"Ang tibay nyo talagang dalawa puro kayo libre."
Natawa naman kami ni Rae sa pagrereklamo ni Joshua. Pabagsak netong inilapag sa mesa ang drinks at snacks na binili nila.
"Nagdadabog ka ba?" mataray na tanong ni Rae.
"Hindi ah! Nabitawan ko kay bumagsak bigla," pagpapalusot neto.
"Nagdadabog ka eh. Bakit nagrereklamo ka ba sa panlilibre samin ni Naomi? Ha?"
"Hindi ah!"
"Kuya Jake oh! Yung kaibigan mo inaaway ako."
Sumbong ni Rae kay Jake na nakangisi na ngayon dahil sa kakulitan ng dalawa.
"Bro hindi ko inaaway yan. Sinungaling yan!"
"Manahimik na nga kayong dalawa sakit nyo sa tenga eh."
Natatawang suway ni Jake sa mga ito saka ako inakbayan.
"Baby Naomi kamusta naman si heart? Kaya pa ba?"
May bahid ng panunuya sa boses neto.
"Sample lang yun. Hindi pa ako nagsisimula kaya kering keri yan. Saka si Faith Noami Montero kaya 'to. And a Montero's never quit."
"Yan ang Naomi namin. Hindi umaatras sa ano mang laban," nakangiting sabi ni Rae saka sila sabay na pumalakpak ni Joshua.
"Pero magdamag kang umiyak."
Katahimikan...
Katahimikan...
"Hahahaha! Yun lang. Umiiyak din."
Malakas na tawanan ang narinig ko mula sa tatlo.
Pinagpapalo ko naman si Jake dahil sa sinabi nya.
"Himdi kaya ako umiyak kagabi."
"Si Tita ang nagsabi sakin kanina pagdating ko sa inyo na umiiyak ka daw kagabi nung puntahan ka nya. Hindi ka pa kumain ng dinner. Ayaw ka naman daw nyang istorbohin at baka umiyak ka lalo dahil nakita ka nyang umiiyak."
Napasimangot ako.
"Akala ko ba okay ka lang? Yun pala magdamag kang umiyak kagabi. Ngiting ngiti ka pa kanina. Ano yun acting lang?"
Nakangising sabi pa ni Rae. Inirapan ko naman sya.
"Bakit ba? Atleast nakangiti," pagdipensa ko sa sarili.
"At hindi lahat ng nakangiti ay masaya."
Sabay sabay na sagot nilang tatlo.
Nakakainis naman.
Kumuha na lang ako ng chips saka kinain iyon. Saglit akong sumulyap kay Asul na nasa dulo habang may nakasaksak na earphone sa tenga kaya hindi nya kami naririnig.
Paano ba kita mapapaamo, Asul?
Tanong ko sa sarili habang nakatitig sa kanya. Haiiisst!
Pagkatapos naming tumambay sa rooftop ay agadna kaming bumalik sa room para sa susunod na subject.
"Naomi sinong partner mo?"
"Si Asul."
Nakangiting sagot ko.
"Sure kang papayag yun?"
Tumango ako.
"Papayag yun akong bahala."
May thesis kase kaming dapat gawin ng by partners, 1 girl and 1 boy. At syempre si Asul ang napili ko.
Tumayo ako para lapitan sya. Tinarayan ko pa yung dalawa na nakangisi sakin pagdaan ko.
"Ahhmmm.. Asul may partner kana ba? Tayo na lang ang magpartner wala pa rin kase ako eh."
"I don't want you to be my partner," cold nitong sagot.
"Pero Asul....."
Biglang lumapit si Jake.
"Bro kayo na lang ni Baby Naomi ang magpartner. Parang wala naman kayong pinagsamahan nyan eh. Hindi ka ba naaawa sa kanya? Panu na lang kung tamad pala yung makapartner nya edi sya lang gagawa mag isa ng thesis?"
Tiningnan ako ni Asul saka nag cross arms. Nag puppy eyes naman ako sa kanya.
Sana tumalab....
"Oo nga naman bro. Pagbigyan mo na. Baka umiyak pa yan nakakahiya sa mga classmates natin. Sige ka aawayin ka nila dahil nagpapaiyak ka ng babae."
Pagpilit nung dalawa sa kanilang kaibigan.
"Tsk! Let's start by tomorrow. You need to be with me every vacant so we can finish this project within two weeks. Got that?" seryosong sagot ni Asul.
Tumango naman ako saka ngumiti.
Dahan dahan akong tumalikod saka humarap dun sa dalawa sabay sabi ng "Yes!" in patagong paraan na may hand gesture pa yan.
Ngumiti naman ng sabay yung dalawa sakin saka nakipag apir.
Success ang pang gagatong sakin ng dalawang mokong. Pati na rin ang puppy eyes ko tumatalab pa rin.
Masaya akong bumalik sa seat ko.
"Hulaan ko. Pumayag no?"
Tumango ako saka tumili ng mahina.
"Landi mo bakla. Pero happy ako para sayo. Goodluck bibi."
"Tengkyu tengkyu bruha!"
Kinabukasan.....
Maaga akong pumasok dahil magkikita kami ni Asul sa coffee shop na malapit sa school. May two hours kaming free dahil thursday ngayon kaya dito nya naisip na magkita para pag usapan ang una naming gagawin sa project bago kami pumasok sa first subject namin sa umaga. Sabi ko nga sa kanya pwede namang sa library na lang o di kaya'y sa rooftop kaso sabi nya dito na lang kaya yun ang susundin. Baka magalit tsaka makipagpalit ng partner edi kawawa ako.
Exactly at 7:00 am nandito na ako sa coffee shop. 10:00 am naman ang first subject namin.
Sa may glass wall ang napili kong pwesto dahil relaxing ang view sa labas.
"Kuya!"
Tawag ko sa waiter.
"Coffee mocha isa."
"Yun lang po ba ma'am?"
Tumango ako saka ngumiti.
Umalis na ito at ilang minuto lang ay bumalik na ito dala ang inorder ko.
"Here's your coffee mocha ma'am."
"Thank you kuya."
Ilang minuto pa ang hinintay ko pero wala pang Asul na pumapasok sa pinto ng coffee shop.
"I-indian-in na naman yata ako ng lalaking asul na yun ah. Pero hindi yan sabi nya dito kami magkikita eh kaya maghihintay ako."
Bulong ko sa sarili.
Sanay naman kase akong maghintay kaya keribels lang.
7:30am
8:00am
Palinga linga ako sa pinto ng coffee shop pero wala pa ring Asul na dumadating.
8:45am
Hala! Bakit kaya wala pa sya? May nangyari kayang masama? Dapat kanina pa yun nandito eh.
9:35am
Its a sign na dapat na akong umalis dahil baka malate pa ako. Dismayado akong lumabas ng coffee shop dahil di na naman sya sumipot.
Okay lang di naman masyadong masakit dahil hindi ako full percent na umasa siguro onte lang pero keri pa naman.
Wala sa mood na pumasok ako sa room. Dala-dala yung binili kong coffee na nangangalahati pa lang ng nababawas. Dinala ko na sayang naman kung iiwan ko eh ang mahal kaya. At isa pa bawal magsayang ng inumin maraming nauuhaw.
"Naomi!"
Tawag sakin ni Rae. Nang mapatingin ako kay Asul ay agad itong umiwas ng tingin.
Nandito na pala sya. Pinag isip pa ako kung may nagyari bang masama sa kanya dahil hindi pa sya dumadating, yun pala prente lang syang nakaupo dyan.
Kinunutan naman ako ng noo ni Jake at sinenyasan na mag uusap kami mamaya.
Nang makalapit ay agad akong umupo sa seat ko.
"Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa kaya namin hinihintay akala ko nga hindi ka papasok pero sabi ni Jake maaga kang umalis sa inyo. Saan ka ba galing? Ha?" nag aalalang sunod sunod na tanong ni Rae.
"Traffic eh kaya ngayon lang ako nakadating," sagot ko na lang.
"Traffic? Sa pagkakaalam ko walang traffic sa subdivision nyo papunta dito sa school kaya paano ka matatraffic?"
Ay oo nga pala. Bakit ba kase yun pa ang ginawa kong palusot??
"Nagawa mo pang bumili ng coffee eh malelate ka na nga."
"Traffic sa coffee shop yun ang ibig kong sabihin. Mahaba pila."
"Sus! Palusot mo kinakalawang na. Tsaka bakit bumili ka ng kape? Unless...... hindi ka kumain ng breakfast."
Napakagat ako sa labi saka umiwas ng tingin.
Paktay!
Paano ba naman ako kakain ng breakfast eh nagmamadali nga ako. Saka balak ko sanang sa coffee shop na lang mag umagahan dahil magkikita naman kami doon ni Asul. Tsaka iniisip ko din na baka ilibre ako ni Asul ng breakfast tapos kumain na ako sa bahay edi wala din dahil busog ako kaya di na lang ako kumain. Kaso di naman sya dumating.
"AHA! Sinasabi ko na nga ba. JAKE! JAKE! Yung pinsan mo 10:00am na pero hindi pa kumakain ng breakfast."
Sigaw na sumbong ni Rae sa pinsan ko.
"WHAT???"
Napatakip naman ako ng kamay sa mukha ko.
Paktay ka talaga Naomi. Galit na si Master Jake!
Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala sya.
"Totoo ba? Hindi ka kumain? Ang aga mong umalis sa bahay tapos di ka pa pala kumakain? Paano kung may nangyari sayo sa daan? Paano kung nahilo ka na lang bigla habang naglalakad ka?" sermon sakin ni Jake.
Kapag kase hindi ako kumain ng umagahan nahihilo ako kaya ganyan na lang sya magreact.
Hinawakan ko sya sa braso para patigilin. Napatingin ako sa paligid at sa amin na ang tingin ng lahat. Nakakahiya sa mga classmates namin.
"Okay lang ako okay? Nakarating naman ako ng safe diba? Kaya wag ka ng magalit dyan."
"Tsk! Isusumbong kita kay Tita at Tito."
Sumimangot naman ako.
"Hindi ka ba nadala noong namasyal tayo sa park dati? Umalis ka sa inyo na hindi ka kumakain tapos bigla ka na lang nahimatay? Ha? Two weeks ka sa ospital diba? Paano kung ganun din ang nangyari sayo tapos hindi namin alam. Ano na lang mangyayari sayo? Malalaman na lang namin na naospital ka na pala. Naomi naman!"
Tumungo ako para pigilan ang pagiyak.
Nagagalit talaga sya kapag nalaman na may ginawa akong di maganda at mahirap talaga syang patigilan maliba na lang kung iiyak ako sa harap nya. Pero this time hindi ako iiyak. Ayaw kong maging mahina sa harap nilang lahat lalo na sa harap ni Asul.
"Huwag ka ng magalit hindi ko na uulitin."
Malumanay na sabi ko.
Napabuntong hininga sya saka hinilot ang sentido dahil sa inis.
"Saan ka ba kase nang galing Naomi? Akala nga namin may nangyari na syaong masama dahil sabi naman ng mommy mo maaga kang umalis sa inyo kaya iniexpect namin na nandito kana pero pagdating namin ni pareng Jake wala ka pa. Muntik ka pa ngang ipahanap ng pinsan mo sa mga pulis kung hindi ka lang dumating ngayon," mahabang salaysay ni Joshua.
Hindi ba sinabi sa kanila ni Asul na may usapan kaming magkikita sa coffee shop?
Ayyyy. Sira ka talaga Naomi. Kung sinabi ni Asul na nasa coffee shop ka edi sana hindi na sila nag alala kung nasaan ka. Kampante sila dahil nasa coffee shop ka lang naman at walang nangyari sayong masama.
Ngumiti ako ng pilit.
"Naglakad lakad lang ako. Naghanap ng inspiration para sa gagawin namin ni Asul na project."
"Sa susunod matitext ka sakin o di kaya ay kay Rae para alam namin kung saan ka pupunta. Kuha mo ba?"
"Opo tatay!"
Ginulo nya ang buhok ko bago sila bumalik ni Joshua sa seat nila.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi na sila nagtanong pa.
Napatingin naman ako kay Asul ng bigla na lang itong tumayo at lumabas ng room.
Anong nangyari dun? San yun pupunta eh magsisimula na ang klase.
Napatingin ako kay Rae at nagkibit balikat lang ito. Tumingin ako dun sa dalawa pero nagkibit balikat lang din ang mga ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top