KABANATA 40

Tatlong araw na ang lumipas nang madischarge na sa ospital si Rae. Mabilis naman ang pag recover nito basta huwag lamang magpapa stress para maiwasan na ang ganung pangyayari.

Kasalukuyan silang nasa school. Sina Jake, Blue at Joshua lamang ang kasama nya dahil ang iba nilang kaklase ay nasa labas ng room para maglibang dahil vacant naman nila. Si Dave ay busy dahil may ipinapagawa dito ang tiyahin nya na syang Dean.

Nagulat na lang sila ng bigla na lang may marahas na nagbukas ng pinto. Pumasok si Dave na masama ang awra. Diretso itong nakatingin sa kaibigang si Jake.

"Why you didn't tell us huh? Kelan mo sasabihin? After one week, months or year? O baka naman wala kang balak na sabihin samin?"

Naguguluhan sila Rae sa inasta ng kaibigan. Ngunit prente lang na nakaupo si Jake na para bang wala itong naririnig.

"Are you deaf? Nagkajowa ka lang naging ganyan ka na?"

"Hey! Watch your words bro. Ano bang problema?"

Pag aawat ni Joshua dito.

"Yah! Neo micheosseo?" (Hey! Are you crazy?")

Sinipa neto ang upuang malapit sa kanya na ikinagulat ni Rae. Kalmado pa rin si Jake. Kunot noong nakamasid lamang si Blue at si Joshua na hindi alam kung ano bang gagawin.

"Teka nga! Sandali lang Dave. Awat na ano bang nangyayari? Bakit galit ka kay Honeybunch? Inaano ka ba nyan? Ha?"

"Tsk! Why don't you ask that Honeybunch of yours?"

Inilipat ni Rae ang tingin sa boyfriend neto. Yup! You guys read it right. Rae and Jake is in a relationship na. Wala ng patumpiktumpik pa kung araw araw ka namang liligawan eh magpapakipot ka pa ba?

"JAKE?"

May pagbabantang ani Rae.

"Fine! Fine! Ano bang gusto mong malaman? Na umalis na si Naomi? Na tinanggap nya ang offer ng school ninyo sa Korea na maging exchange student? Yun ba? Ayan nasabi ko na ah. Ang ingay mo!"

"WHAT?"

Sabay na tanong ni Rae at Joshua. Natigilan naman si Blue sa narinig.

"The heck bro? Alam mo? Pero bakit dimo ipinaalam manlang samin? Kaibigan din namin si Naomi."

"Huli na ng malaman ko na nakaalis na pala sya. At isa pa sinabi nya sakin na wag na daw muna natin syang kontakin. Let's just respect her decision. Kahit ako nga ay hindi na sya macontact. She even deacc her social media accounts."

"Sht talaga! Ang pasaway talaga ng panget na yun. Nagpapamiss lang yun eh."

Napansin nila ang pagka lungkot ng matalik na kaibigan ni Naomi na si Rae.

"Honeybunch? I'm sorry okay. Hindi ko din naman alam na aalis na lang syang bigla ni walang paalam. I'm sorry don't be sad please."

Nilapitan ni Jake si Rae para aloin. Niyakap nya ito.

"K-Kaya pala ganun na lang yung iniwan nyang sulat. Nagpapaalam na pala sya. Nakakainis naman eh di nya muna ako hinintay na magising bago sya umalis. Sana nakapag paalam manlang ako sa kanya ng maayos."

Umiiyak na ito ngayon.

"Magiging okay din ang lahat don't worry. She's safe naman kaya wala tayong dapat na ikabahala. Mabilis lang lumipas ang panahon hindi natin mamalayan na ayan na pala sya. Na nagbabalik na sya. Kaya tahan na wag ka ng umiyak."

"Baka galit pa rin sya sakin kaya sya umalis. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya."

"Ssshhhh! Hindi galit si Naomi. Hindi sya magagalit sayo o kung kanino man. Tahan na!"

Blue's P.O.V

Hindi ko alam kung ano bang irereact ko sa balitang iyon. Kaya pala wala sya. Kaya pala ilang araw na syang di pumapasok. Dahil may offer sa kanya ang E&S na tinanggap naman nya.

Fck this life! Fck me!

Kasalanan ko talaga kung bakit mas pinili nyang tanggapin iyon kesa ang manatili dito. Ang pag deacc at ang di nya pag contact samin ay isa lamang na patunay na ayaw nyang magkaroon ng communication sa isa sa amin even her cousin and her bestfriend Rae.

Nakatingin ako ngayon sa dalawang taong naglalambingan sa harap namin. Kitang kita ko sa mga ngiti, tawa at mata ni Rae na mahal nya ang kaibigan ko. Noong una ay hindi ko talaga matanggap na hindi nya ako gusto but in the end parang nawala na lang sakin ang bagay na iyon. Okay lang sakin ni hindi ako nagalit o nau pa man. Siguro dahil sa I'm not that mad and deeply inlove with her.

Napapairap na lamang ako kapag they both doing cheesy things in our fcking damn face. Tsk! Nagiging badoy at corny na din ni Jake. Ganyan ba talaga ang nagagawang pag ibig?

Nagkaroon naman ako ng relationship before alam nyo naman yun, right!? But never ako naging cheesy sa girlfriend ko na si Nathalie i mean ex-girlfriend.

AHHH! Hayaan na nga lang natin sila. They have there own world whenever they're always together.

Mabilis lumipas ang panahon. Hindi nga namin namalayan na natapos na naman ang isang taon. At hanggang ngayon walang Nami na nagpaparamdam. Ipinahanap ko sya sa hinire kong investigator but no sign of her. Ang galing nyang magtago. Kahit account nya pinahack ko ngunit walang balita sa kanya. At lahat ng yan ginawa ko ng hindi nila alam. Oo na. Tanga na. Sobra! Dahil pinakawalan ko yung babaeng handang mahalin ako kahit gaano pa man ako kasama sa kanya. At ngayon wala na sya doon ko lang malalaman ang halaga nya. Nakakapagsisi na sinaktan ko sya at ipinagtabuyan palayo hindi ko naman aakalain na hahanap hanapin ko pala. Yung babaeng minsan nang naging parte ng buong buhay ko. Yung babaeng nagpasaya sakin noon at nagpapabaliw sakin ngayon.

Nag aayos ako ng sarili ngayon dahil pupunta kami sa bahay nina Tita Fatima which is Nami's mom. Birthday kase ni Tito Nash. I even brought gift to him. Sabi nya huwag ng gift basta nandun kami pero bumili pa din ako. Actually its for a marriage couple kaya okay lang.

Ilang minuto lang ang byahe from condo papunta sa Montero Residence. Nauna na yung tatlo doon kaya nag iisa lang ako ngayon. Siguro nandoon na din si Rae. Expected na yun para sa babaeng excited kapag may handaan. Shanghai daw eh. Tsk!

Pagdating ko sa tapat ng bahay nila ay nakita kong nagparada na sa labas ang mga kotse ng mga bisita. Malamang ay mga business partners ng mga ito. Bumaba naman na ako dala ang regalo ko pinagbuksan naman ako ni Mang Carding ng gate ang care taker ng bahay nila.

"Iho kanina ka pa hinihintay nina Nash at Fatima sa loob. Nandoon na din ang mga kaibigan mo nagkakasayahan na."

Natawa naman ako ng mahina.

"Hi Mang Carding. Hayaan mo po sila. Sige po pupuntahan ko na sina Tito."

"Sige iho!"

Napatingin ako sa may garden marami na ang mga bisitang nandoon. Nagtungo na ako sa may pinto para pumasok nang bigla akong nagulat sa nakita.

Naomi?!

Nakaharang ito sa may pinto habang nakangiti sa akin ng matamis. Agad akong napangiti dahil she's here. Finally here.

"Nam-"

But before ko pa sya matawag sa buo nyang pangalan at malapitan para yakapin ay agad itong nawala. Luminga linga ako sa paligid ngunit wala talaga. Walang Naomi. Wala!

Fck! Ano bang nangyayari sayo? Nasisiraan ka na ba? Wala nga sya diba? Wala! Ni hindi sya nagpaparamdam magpakita pa kaya. Argh!

Pumikit ako ng mariin bago bumuntong hininga. */sign

Pagmulat ko ay nagdiretso na ako sa loob at iwinaksi sa isipan ang nangyari kani-kanina lang. Nang makita ang mag asawa ay agad akong ngumiti at lumapit.

"Good evening po Tita, Tito! Happy birthday nga po pala." Magalang bati ko sabay abot ng paper bag.

"Iho magandang gabi din." Tita answered.

"Good eve iho! Naku maraming salamat. Nagabala ka pa dito."

"Okay lang po iyon Tito. Para po talaga sa inyoiyan ni Tita."

"Ikaw talaga na bata ka napaka sweet mo. Hala sige huwag kang mahihiya ahh feel at home."

"Sige po Tita. Puntahan ko lamang po sina Jake."

Tumango lamang ang mag asawa. May kumausap naman na sa kanilang diko kilala. About business or something. Businessman/woman thingy.

Umakyat naman ako sa second floor kung saan nandoon ang kanilang malawak na living room. May parang terrace ito sa gitna na pwede mong silipin kung anong nangyayari sa ibaba. Ang wall din nito ay gawa sa glass kaya kitang kita sa labas kung ano ang nangyayari sa loob. Ang third floor naman ay kwarto nila at mga guest room at master's bedroom. Ang kabilang bahay naman ay para sa mga maids, care taker at driver nila. Sa labas naman ay nandoon pa rin ang garden na iniingatan ni Tita Fatima. Ang lugar kung saan napagmasdan naming magkasama ni Naomi ang malawak at magandang kalangitan na puno ng mga bituin. Katabi neto ay ang swimming pool.

Dati ay hindi naman ganito ang ayos ng bahay nila pero dahil ilang buwan na ang lumipas mag iisang taon na nga ay marami ng nagbago.

"Hey!"

"Uy! RK buti naman at nandito ka na. Sali ka samin minsan lang naman ito." Agad na bungad sakin ni Dave.

Tsk! Ang lalaking ito araw araw feeling broken.

"Minsan lang? Aba Dave parang tubig na nga sayo ang alak dahil sa inaaraw araw mo na ang pag inom. Kawawa naman ang liver mo uyyy."

Pambubunyag ni Joshua.

"Yeah! Yeah! Whatever dude."

Umupo naman ako sa sofa na katabi ng inuupuan ni Jake. Nakipag apir naman ako sa kanya. Nag hi lang si Rae na nakayakap sa braso neto. Kumuha ako ng beer in can na nasa ibabaw ng mesa sa gitna.

Inilibot ko ang paningin sa kabuoan ng living room. May iilang bisita na mga kaedaran din naman namin na nagkalat at busy sa pakikipag kwentuhan habang may mga hawak din kopita ng alak. Tumungga ako ng hawak kong beer nang mapatingin ako sa may isang table sa gilid. Agad akong nasamid nang mapagtanto kung sino iyon.

Sht Naomi!?

"Hoy RK ayos ka lang? AHAHAHAHA! Grabe wag mo naman masyadong pakadibdibin ang pag inom. Hindi ka mauubusan."

Pang aasar pa ni Dave na halatang may tama na. Napailing na lamang ako. Kung alam nyo lang kung ano ang nakikita ko.

Muli akong tumingin sa table na pinag uupuan ni Naomi ng makita ko sya ngunit wala na ito doon.

Pinaglalaruan ba ako ng tadhana at kung anu anong ilusyon ang nakikita ko? O baka naman may nangkukulam na sakin? Tang*na naman ito oh. Nababaliw na yata talaga ako dahil kung anu ano na ang nakikita ko. Minumulto yata ako ni Naomi. Argh!

"Anong nangyari sayo? Bakit para kang nakakita ng multo dyan?"

Nabalik lang ako sa reyalidad ng magsalita si Jake sa tabi ko.

"Nothing! Don't mind me bro. May naalala lang ako."

"Namimiss mo noh?"

Tumingin ako sa kanya na nakakunot ang noo.

"Sino?"

"Pinsan ko."

Ngumisi na lang ako saka umiling bilang sagot.  Tiningnan naman ako neto ng hindi naniniwala sa pag iling ko.

Hinayaan ko na lang sya at nagpatuloy na lang ulit sa pag inom ng beer.

Pagdating ng alas onse ng gabi ay nagpaalam na din kami kina Tita. Lasing na din kase si Dave at may tama na si Joshua. Kami na lamang ni Jake ang matino pa ang pag iisip.

Inihatid ni Jake ang girlfriend kaya ako na lang ang nagsakay sa dalawang lasing. Habang nasa byahe ay hindi mawala sa isip ko yung nangyari kanina.

Why is that? Bakit ko sya nakikita? Miss na nya ba ako o ako ang nakakamiss sa kanya?

"RK kamusta ka naman? Balita ko pinahanap mo daw si Naomi ah. AHAHAHAHA! Nahanap mo naman ba?"

Nagulat ako sa sinabing iyon ni Joshua. Nakapikit ito ngunit makikita mo ang malawak na ngisi nito.

Sht! Bakit nya alam ang bagay na iyon?

"Chalaga ba? Pinahanap ni RK shi pangech? HA. HA. HA. Nakokonchencha kaba dahil sha chinawa mo o namimish mo? Di ka mish nun shinashabe ko shayo."

Kahit lasing na ang mokong na ito ay nagagawa nya pang mambwesit. Nakakainis! Oo alam ko naman eh wag nang ipamukha sakin yung katangahan kong nagawa.

"Tsk! Shut up both of you kung ayaw nyong itapon ko kayo sa labas at hayaan sa kalye."

"AHAHAHAHAHA! Ayaw mo lang pag usapan eh. Paano ko nalaman simple lang pinsan ko yung kinuha mong imbestigador. Akala mo ah. Madaldal pa naman ang isang iyon ayan nadulas sakin. WHAHAHAHAHA! Next time kase kung gagawa ka yung walang maiiwang bakas para dika nabubunyag."

"Yeah whatever."

Asar na sagot ko.

Nang makarating ay akay ko ang dalawa paakyat sa condo.

"Mga bwesit kayo. Pahirap kayo sa buhay."

Nang makapasok sa loob ay agad ko silang ibinagsak sa sofa. Ni hindi na sila makatayo para pumunta sa kanilang kwarto dahil sa antok.

Pinabayaan ko nalamang sila sa sofang dalawa. Inikot ikot ko ang aking magkabilang braso dahil sa ngalay at pagod. Magtutungo na sana ako sa kwarto ko ng makita ko na naman syang muli malapit sa may pinto ng room ni Jake.

Pumikit ako ng mariin at pagmulat ko inaasahang kong wala na sya doon pero nagkamali ako. Nandoon pa sya nakatayo at nakangiti sa akin. Nandito sya? Totoo ba ito o isa na naman itong ilusyon?

"Nami!"

Mahinang usal ko na may bahid ng pananabik at pagkamiss sa kanya.

I want to hug her right now pero nanginginig ako dahil sa kaba. Bakit naman ngayon pa? Nakakabakla naman oh.

Ngunit ang kaninang matamis na ngiti nya na ipinupukol sa akin ay napalitan ng isang ngisi. Ngising isang tao lamang ang alam kong may ganung ngisi. At tama nga ako.

Ang kaninang imahe na nakikita kong kay Nami ay agad ding nawala at ang pinsan na nyang si Jake ang nakikita ko. May ngisi ito sa labi na nagpakilabot sa akin.

"Ngayon lamang ba ito nangyari RK? Tell me, ang pinsan ko ang nakikita mo minsan diba? Yung kanina sya din ang nakita mo right? Kaya para kang nakakita ng multo akala mo nagpaparamdam sya sayo."

"Psh! Shut up Jake! Hindi ako baliw, okay? Kung iyon ang ipinupunto mo."

Tumawa ito ng mahina. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Damn this fcking damnbass!

"Patawa ka RK. AHAHAHAHA! Ofcourse your not crazy ammm I think a little bit. AHAHAHA just kidding. Yeah hindi ka nga baliw. Ang totoo nyan namimiss mo lang talaga sya. Kaya kapag naiisip mo sya, sya mismo yung nakikita mo kahit na ibang tao naman ang nasa harapan mo. Damn you bro! Your damn wasted. Pinakawalan mo pa kase tapos ngayon hahanapan hanapin mo. Tsk!"

Iiling iling na turan neto bago pumasok sa kusina.

"Kelan ka pa dumating? Bakit nauna ka pa samin?"

Pasigaw na tanong ko sa kanya. Sumilip naman sya sa pinto na may hawak na baso ng tubig.

"Nagteleport ako RK. AHAHAHAHAHA!"

Umiling na lang ako sa kanya bago pumasok ng kwarto. Sa lagay nyang yan wala akong makukuhang matinong sagot mula sa kanya.

Alam kong inis na inis na kayo sakin. Syempre yung babaeng handa akong ptawarin sa kasalanan ko sa kanya at yung babaeng mahal na mahal ako simula pa lang. Pero anong ginawa ko? Sinaktan ko sya. Ipinagtabuyan. Dahil pa sa akin nagkagalit sila ng bestfriend nya. I'm asshole. Fcking asshole! Tapos ngayon mamimiss ko, nagawa ko pang ipahanap.

Namimiss ko ba talaga sya?

Yeah! I'm fcking miss her!

Tama nga ang kasabihang "kung kelang wala na sya saka mo lang makikita ang halaga nya". Coz its fcking true for fck sake. Kase ngayong wala na sya, umalis na sya, wala nang gumugulo sakin saka ko lang makikita kung anu ba talaga sya para sakin. And hurting her and letting her go is my biggest mistake for the second time.

Naomi please comeback now. I will never push you away from me. I will make it right this time. Just please comeback to me.

••••••

A/N: ohh ayan na nga ba ang sinasabi ko eh.... sa huli ang pagsisisi Asul.

"Kung kelan wala na sya saka mo lang makikita ang halaga nya."

bwct ka Blue galit talaga kami sayo AHAHAHAHA dejokelang... siguro naman maayos din yang problema mo. Let's see! Whehehehe!

Nami uwi ka na di na galit si Blue. He's mad and deeply inlove with you na daw kase ohhh. Miss na miss ka na nya, sobra. To the highest level! Chour

So eto muna sa ngayon. Pinaghahandaan ko pa yung susunod na mga Kabanata. Dahil masyado syang anuuu matured Dejokelang hehehe.

Aahhmmm.... Enjoy Reading Purles! Huhuhuhu...

Votes, Comments are highly appreciated... pwede nyo din po syang irecommend sa iba nyo pang pwends hihihi gumawo💜

#SayoPaRinBabalik
#heyitsmejesika
#Ms.Daydreamer🌠
#purples

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top