KABANATA 4
"Kkyyyaaahhh! Ang gagwapo nilang tatlo no?"
"My Prince Charming!"
"Prince Jake marry me please!"
"Tayo na lang Joshua. Anakan mo ko ngayon na. Ahhhh!"
"I love you Blue!"
Sa loob ng dalawang linggo ay mas nakilala pa ang tatlo. Nanging heartthrob na nga sila sa buong school eh.
Ilang lang yan sa mga sigawan at tilian ng mga kababaihan dito sa campus kapag paparating na sila. At ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang pangalang iyon.
Dalawang linggo ko na syang hinahanap pero hindi ko sya matagpuan. Hindi rin sya sumasama kina Jake kapag lunch o break.
Feeling ko tuloy ayaw nyang magpakita sakin. Ayaw kong maging assuming pero yun talaga ang pakiramdam ko eh.
"Papasok na daw si Blue ah. Yun ang naririnig kong chismis sa hallway kanina," bungad sakin ni Rae pagkapasok nya sa room.
"Alam mo ba ang buong pangalan nya?" tanong ko.
"Pinsan mo si Jake diba?" tumango ako.
"At bestfriend ng pinsan mo si Blue. Am I right?" tumango ulit ako.
"So, bakit ka sakin nagtatanong? Anong malay ko dun?"
Umupo sya sa tabi ko. Nakahalumbaba naman akong nakatingin sa pinto.
Biglang nagtilian ang mga kaklase naming girls kaya agad kong inihanda ang sarili sa pagpasok nung tatlo.
Magkasabay na pumasok sina Jake at Joshua kasunod nila ang walang kaemo emosyong si Blue.
Asul??
Agad nanlaki ang aking mga mata at napatakip ako ng kamay sa bibig ng mapatingin ako sa kanya.
Sya nga! Si Johnwayne Blue Greyson nga! Ang Asul ko.
Yung lalaking matagal ko ng hinihintay na bumalik ay nandito na. Finally bumalik na sya.
Gusto kong tumakbo papalapit sa kanya para yakapin sya ng mahigpit pero kinakabahan ako. Natatakot ako na baka ipagtabuyan na naman nya ako papalayo tulad nag huli naming pagkikita. Ngayon lang ulit kami magkikita kaya hindi ko sya bibiglain dahil mga bata pa kami nung umalis sya.
Dahan dahan akong tumayo. Napansin kong nakatingin sakin si Rae nang tumayo ako.
"Blue!" nakangitng tawag ko sa kanya.
"Naomi anong ginagawa mo? Umupo ka nga!" bulong ni Rae saka ako hinawakan sa braso at pilit na pinapaupo.
Tumingin ako sa kanya.
"Rae sya si Asul. Sya yung beatfriend ko. Sya yung kinukwento ko sayo dati. Sya yun! Sya yung lalaking matagal ko nang hinihintay na bumalik."
"Naomi baka namamalikmata ka lang."
"Hindi. Alam kong sya yan."
Muli akong tumingin sa kanya at nakatingin na din sya sakin ngayon.
"Blue ako 'to si Nami. Natatandaan mo pa ba? Ako yung bestfriend mo."
Natahimik ang buong silid at mataman lang na nakatingin samin. Pati si Jake at Joshua ay napatigil din. Pabalik balik ang tingin saming dalawa ni Blue.
Napansin kong kumunot ang noo nya.
"Asul ako 'to!"
Pinipigilan kong kumawala ang mga luhang kanina pa gustong lumabas. Hawak hawak ko ang kamay ko na kanina pa gustong yakapin sya.
"Naomi ano bang sinasabi mo dyan? Nahihibang ka na ba? Ano bang nangyayari sayo?"
Sunod sunod na tanong ni Jake at dagli akong dinaluhan.
"Jake sya yung bestfriend ko na kinukwento ko sayo dati. Sya yun at hindi ako pwedeng magkamali."
"Naomi baka nagkakamali ka lang. Paano magiging si Blue ang sinasabi mong Blue na bestfriend mo. Oo nga at pareho sila ng pangalan pero imposible talaga Naomi eh. Marami namang Blue sa mundo kaya baka hindi sya yun."
Umiling iling ako.
"Alam kong sya yan. Hinding hindi ko malilimutan ang kanyang mukha kahit na sabihin pang mga bata pa lang kami noon at maaari pang magbago pero alam ko sa sarili ko na sya yung Asul na bestfriend ko."
Tumingin ako sa kanya at nahalata kong napaatras sya nang tumingin ako sa kanya.
"Johnwayne Blue Greyson!"
Napasinghap ang mga nasa paligid. Pati si Jake at Joshua ay napatingin sakin tapos kay Blue.
"Bakit alam mo ang pangalan nya?"
"Dahil ako si Faith Naomi Montero. Ako si Nami!"
May iilan akong narinig na bulong bulungan sa paligid pero hindi ko na lang pinansin.
"You're making a scene young lady. Hindi ko alam ang sinasabi mo at wala akong kilalang Nami. I'm sorry to burst your bubble pero...... hindi kita kilala."
Seryoso pero may diing sabi nya bago umupo sa pinaka dulong upuan malayo sa pwesto ko.
Mas lalong dumami ang mga bulungan dahil sa sinagot nyang iyon.
At ang mga luhang kanina pa gustong lumabas ay unti onti nang nagsisilabasan.
Bakit ganun? Bakit hindi nya ako kilala? Tuluyan na nga ba talagang nyang kinalimutan ako simula nung umalis sya?
"Rae, pakisamahan muna si Naomi sa clinic oh. Kailangan muna nyang magpahinga saglit. Pabigla bigla kase eh."
"Sige!"
Inalalayan naman ako ni Rae papunta sa clinic.
Pagdating doon ay agad akong humagulhol ng iyak. Buti na lamang at walang duty na nurse. Hinagod ni Rae ang likod ko para patahanin.
"Ano ba kase yung ginawa mo kanina? Naaaning ka na ba? At napagkamalan mong si Blue ay ang Blue na bestfriend mo?"
"Bestfriend ko sya at kilala ko sya kaya alam kong sya yun. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi nya ako kilala?"
"Baka mali lang talaga yang hinala mo. Na baka hindi talaga sya yun."
"Pareho sila ng pangalan. Marami akong alam tungkol sa kanya. Kahit itanong nya pa sakin lahat ay masasagot ko dahil sya yun. Sya si Asul."
"May point ka naman pero bakit hindi ka nya kilala. Sa bibig nya mismo nanggaling yun diba?"
"Yun ang kailangan kong malaman."
Pinahid ko ang mga luhang lumalabas sa mata ko.
"Ngayong nagbalik na sya. Ngayon nandito na sya sisiguraduhin kong hindi na sya aalis pang muli. Pipilitin kong maalala nya ako. At aayusin ko problemang nangyari samin noong mga bata pa kami."
Disedidong bulalas ko.
Tama! Aayusin ko ang lahat. Magkaka ayos pa kami ulit tulad ng dati. Ibabalik ko yung dating sya na masayahin at laging nakangiti. Ibabalik ko yung Asul na nakilala ko.
Pagkatapos na ng break ako bumalik sa klase. Habang papasok ay ramdam na ramdam ko ang tingin sakin ng mga kaklase ko.
Dahan dahan akong umupo sa aking bangko habang naka yuko.
"Bakla pinapapunta ka ng pinsan mo sa rooftop. Kakausapin ka daw."
Bigla akong kinabahan.
"Bakit sa rooftop pa?"
"Bagong tambayan nung tatlo. Halika na! Nakaramdam ako ng matinding enerhiya sa rooftop nung pumunta ako doon kanina. Nakakakilabot bakla."
"Wag mo nga akong takutin."
"Eh kasalanan mo naman eh. Bakit kase pabigla bigla ka kanina? Yan tuloy!"
Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng rooftop. Bumungad sakin ang malinis na paligid at maayos na pagkakasalansan sa gilid ng mga sirang gamit. May mga bangko at isang mahabang mesa sa gitna.
Nakita kong prenteng nakaupo yung tatlo doon. Biglang napatingin sakin si Blue na may blankong tingin.
Ibang iba na talaga sya. Noong bata pa kami matangkad na sya pero ngayon mas tumangkad pa. Siguro nga hangang dibdib nya lang ako. Noon maputi na sya ngayon maputi pa rin sya. Noon payat lang sya ngayon may mga muscles na at halatang babad sa gym ang pangangatawan. Alagang alaga nya siguro. Pati buhok nya nagbago na din. Yung dating itim ngayon kulay asul na.
Humigpit ang kapit ko sa braso ni Rae dahil kinakabahan ako. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig.
"Goodluck baby Naomi!"
Pinaupo ako ni Joshua sa tapat ni Blue.
Kung tumingin sya sakin ay para bang hinihigop nya ang lakas ko. Nakakapanghina ang mga tingin nya.
Yung mga asul nyang mata ay mas naging malamig pa ngayon. Dati rati gustong gusto kong titigan ang mga matang yan pero ngayon ay nakakailang na.
"Paano mo nasabing ako talaga ang bestfriend na sinasabi mo?"
Pati ang boses nya ay naging malamig na rin.
Tahimik lang na nakamasid si jake at Joshua sa gilid namin. Hindi agad ako nakasagot dahil sa kaba.
"May mga tanong ako sayo, kung masasagot mo lahat lahat may posibility na paniwalaan kita."
Dahan dahan akong tumango.
"Saan mo ako nakilala?"
I sign deeply before answering his question.
"Nung bata ako walang may gustong kumaibigan sakin. Walang gustong lumapit o kumausap sakin. Kaya lagi akong nag iisa. Kapag walang klase lagi akong pumupunta sa malaking puno sa may likod ng school namin at tahimik lang na nanonood sa mga batang naglalaro. Talagang alone ako. Tapos isang araw nagulat na lang ako nang may lumapit saking bata. Tinanong nya ako kung ayaw ko ba daw na makipaglaro dahil nag iisa lang ako sa tabi. Sinabi kong walang gustong makipagkaibigan sakin kaya nag iisa ako. Nagulat ako ng sabihin nyang sya na lang ang friend ko. Sinabi nya pang hindi na ako nag iisa. At ikaw iyon. Sabi mo pa nga itatawag mo sakin ay Nami tapos itatawag ko sayo ay Asul. Simula nun lagi ka ng nandyan para sakin. We become bestfriends."
Tumango tango sya.
"Kilala mo ba ang parents ko?"
"Ang mommy mo ay si Tita Alena Madrigal Greyson at ang daddy mo ay si Tito Willfred Greyson."
Nahalata kong nagulat sya doon pero hindi nya pinahalata.
Marami pa syang tinanong sakin about sa childhood namin. Nasagot kong lahat iyon.
"Last. B-Bakit kita iniwan?"
Napatungo ako. Naalala ko na naman iyon.
"Nakita kong naghahalikan si Cheska na girlfriend mo at si Thom na kabarkada mo. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano ka nila traydorin. At dahil sa inis ko sa babaeng yun ay sinabi ko sayo ang totoo dahil ayaw kong patagalin pa ang kalokohan ng dalawa. Pero.... pero hindi mo ako pinaniwalaan."
Napahikbi ako.
"Pinagtabuyan mo ako dahil si Cheska ang pinaniniwalaan mo. Na hindi nya yun magagawa dahil mahal ka nya. Nang malaman mo ang totoo nagalit ka. Ilang linggo ka nung di pumasok at di makausap. Pati mga magulang mo pinag alala mo. Hindi mo ako kinakausap ni ayaw mo akong makita. Siguro galit ka sakin nun kaya hindi mo ako hinaharap. Pinilit ako ni ng mommy mo na kausapin ka. Ayaw mong kaawaan kita noon pero beatfriend mo ako akong gusto mong maramdaman ko? Pagtawanan kita? Alam mong hindi ako ganun diba? Bestfriend kita kaya mahal kita at hindi ko yun kayang gawin sayo. Ang gusto ko ay ang makakabuti sayo. Pinaalis mo ako. Pinagtabuyan mo ako. Umalis ako dahil yun ang gusto mo pero sinabi kong hindi ako mawawala sa tabi mo kapag kaylangan mo ako. Kausapin mo ako kapag okay kana."
Saglit akong pumikit para pigilang ang luhang gustong lumabas sa mga mata ko.
"I gave you time to heal. Tiniis kong huwag kang kausapin at lapitan dahil alam kong yun ang kailangan mo. Pero hindi ko alam na yun na din pala ang huli nating pagkikita at pag uusap. Pumunta ako sa inyo pero wala kana. Nakita ako ng mga magulang mo at sinabing inihatid ka nila sa airport. At sinabi pa nilang sabi mo hindi ko na kailangang malaman na umalis kana kaya hindi nila sakin sinabi kahit gustong gusto nila."
Pinaglaruan ko ang kamay ko. Hindi ako makatingin sa kanya dahila alam kong kapag tumingin ako sa mga mata nya ay maiiyak akong bigla.
"Naisip ko nga kung bestfriend ba talaga ang turing mo sakin noon o wala lang. Dahil hindi ka manlang nagpaalam sakin. Di naman kita pipigilan kung yun ang gusto mo eh dahil para din naman sayo ang gagawin mo kaya bakit hindi ka man lang nagpakita sakin? Bakit iniwan mo na lang ako ng ganun? Sabi mo hindi na ako mag iisa? Ikaw nagsabi nun eh pero bakit ikaw din ang sumira ng pangako mo?"
Umiiyak na tumunghay ako para tingnan sya. Nagkatinginan kami at may munting butil ng luhang umalpas sa asul nyang mga mata.
"I'm sorry!"
Usal nya bago mabilis na tumayo at lumabas ng pinto.
Agad naman akong dinaluhan ni Rae pati na din nina Jake para patahanin.
Nasagot kong lahat ng mga katanungan na gusto nyang malaman. Sana sa paraang iyon ay maalala na nya ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top