KABANATA 36

Dedicated to ItStyx
Kafatid k yarn😊 paki support na din po story nya. Lovelots!😘💜

••••••

Dalawang araw na akong hindi pumapasok sa klase. At nasa school sina Mom at Dad para ayusin ang mga papeles ko pati na rin ang mga kakailanganin sa pag alis.

Yeah! Y'all read it right aalis ako. Tinanggap ko yung offer ng school na maging exchange student ako sa Korea.

Naisip ko kaseng napaka gandang oppurtunity neto para sa akin. Minsan lang ito dumating kaya let's grab it na lang diba? New adventure din ito sa life. Even though kaya naman naming mag travel abroad pero mas exciting lang kase yung ganito. Ang maramdaman may kaya din pala akong marating at i achieve in my college life.

Hindi ito para sa kanila o para makalimot ako kundi para ito sa sarili ko. I want to improve myself. Sa pagiging independent.

Papunta ako ngayon sa ospital kung saan naka confine si Rae. Gusto kong humingi ng tawad dahil hindi ko sya binalikan nung time na umuulan na. Hindi ko kase kayang humarap sa kanya. And its my fault. Kasalanan ko kung bakit sya nandito ngayon.

"Nurse saan po ang room ni Rae Shanelle Jimenez?"

"Room 209 po."

"Thank you!" "Welcome Maam!"

Ngumiti ako saka hinanap ang room ni Rae.

Nang mahanap ang kwarto ay papasok na sana ako nang may maaninag akong tao sa loob.

"Papasok na muna ako Turtle kaya magpagaling ka na. Pag gising mo ititreat kita sa favorite mong seafood restaurant. Pupunta dito ang parents mo mamaya kaya may magbabantay na sayo. Sana gumising ka na. Tama na ang tulog."

Turtle? It means nandito si Asul? Nakakatuwa naman. He really like my bestfriend ha! Ah no he loves her.

"See you later! I love you!"

That three words that confirm his love for my bestfriend. Ang sarap niyon pakinggan mula sa kanya pero masakit din at the same time dahil hindi iyon para sakin.

He kiss her in the forehead bago ito lumapit sa pinto para lumabas ng kwarto. Agad naman akong nagtago sa katabing kwarto saktong walang tao. Pinaalis ko muna ito bago ako lumabas at pumasok sa kwarto ni Rae.

Nakita kong may bulaklak at prutas sa ibabaw ng mesa.

Hinila ko ang upuan na nasa gilid saka dinala sa tabi ng kama para upuan ko. Hinawakan ko ang kamay nya.

"Besh! Bruha! Nandito na ako. Sorry ah! I'm so sorry dahil iniwan kita, dahil hindi kita binalikan. Kung sana bumalik lang ako hindi sana mangyayari ito sayo. Bakit kase ang kulit kulit mo hindi mo ako sinusunod. Hindi mo iniisip ang sarili mo eh. Sana this time sarili mo naman ang isipin mo huwag na ako kase makakaya ko naman tiisin ang sakit. Pero ikaw mahihirapan ka dahil alam mo namang may hika ka. Paano kung umatake na naman iyan at wala nang makakita sayo? Paano na? Maraming nagmamahal sayo pamilya mo, sina Jake, at si Asul at pati na rin ako. Kaya huwag mo ng uulitin ito Rae. Sasabunutan na talaga kitang bruha ka."

Pinunasan ko ang luhang lumabas mula sa aking mga mata.

"Aalis na nga pala ako sa isang araw. Tinanggap ko yung offer na maging exchange student. Sorry dahil ngayon ko lang pinaalam sayo ang tungkol dito. Wala naman kase akong balak tanggapin eh pero naisip ko na sayang naman if sasayangin ko lang diba? Huwag kang mag alala kahit na malayo ako ikaw parin ang nag iisang bestfriend ko. Ikaw parin si bruhang Rae at hindi na magbabago iyon. Hindi ako galit sayo nagtatampo lang. At sana sa pagbabalik ko masaya ka na kasama ang lalaking mahal mo. Kung sino man ang pipiliin mo support kita. Bruha mahal na mahal kita. Kokontakin naman kita kapag okay na ako. Pero ngayon, papahilumin ko muna yung sugat. Palagi kang mag iingat ah. Alam kong naririnig mo ako bruha kaya magpagaling ka na. Magiging maayos din ang lahat. Paalam hanggang sa muli! Magpagaling ka dahil hinihintay ka na nyang magising."

I kiss her in the cheeks. Tumayo na ako pero bago ako umalis ay may sulat akong iniwan sa ibabaw ng table. Muli ko syang sinulyapan bago ako tuluyan lumabas at umalis ng kwartong iyon.

Dumaan muna ako sa comfort room para mag ayos ng sarili. Puno ng luha ang buong mukha ko dahil sa pag iyak. Medyo namumugto din ang mata ko at namumula pa ang mga ito. Marahan kong pinalis ang mga luhang nagbabadya na namang umalpas mula saking mga mata at inayos na ang aking sarili. Nakakahiya namang maglakad sa labas if ganito ang itsura ko diba.

Jake's P.O.V

(a/n: yiiieeee may pov na sya AHAHAHAHAHAHA)

Two days nang hindi pumapasok si Naomi. Gustuhin ko mang dumalaw sa kanila ngunit ang dami kong inaasikasong projects. Si Raepots naman nasa ospital pa at sa isang araw or bukas pa sya makakalabas. Hindi pa rin kase sya nagigising until now. Si RK ang palaging nagbabantay sa kanya doon. Pinakiusapan ako ng Dad nya na bantayan sya pero hinayaan ko na lang na ang kaibigan ko ang nandoon. Wala naman kase akong magagawa eh kaya hahayaan ko na lang. Ayaw kong makipag away kay RK.

Nagkukwentuhan kaming tatlo ng makita ko sina Tita Fatima napatungong office. Hindi naman iyon napansin ng dalawa.

"Just a second. May kakausapin lang ako."

Tumango lang sila. Nagtungo ako sa office kakatok na sana ako ng bukas iyon kaya sumilip na lamang ako para makinig sa pag uusapan nila.

"Good day Mr. and Mrs. Montero. Maupo po kayo. Ano pong maipag lilingkod ko sa inyo?"

"Mrs. Principal about sa exchange student. May sakit kase si Naomi kaya hindi sya makapasok. Kaya kami na lang ng Dad nya ang pumarito."

"Hindi po ba nya tinanggap?"

"She accept it. Nandito nga kami para ayusin ang mga kakailanganin nya sa pag alis."

"Great! Well ------"

Hindi ko na inintindi ang iba pa nilang pinag uusapan dahil sa nalaman ko.

Exchange student? Aalis? Sino si Naomi? Bakit hindi namin ito alam?

Hinintay kong lumabas ang mga magulang ni Naomi para kausapin sila.

"Oh Jake iho anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Tita pagkalabas nila sa office.

"Nandito po ako para kausapin kayo."

Nagkatinginan silang mag asawa.

"Halika doon tayo sa may pavilion."

Nagtungo kami doon dahil walang masyadong taong nagpupunta sa lugar na iyon.

"Tungkol ba ito sa pinsan mo?" Tanong ni Tito kaya tumango naman ako.

"Hindi ba nya sinabi sa iyo? Sa inyo? Ang tungkol sa offer ng school?"

"Hindi po. Wala po syang sinasabi sa amin na kahit anu," sagot ko.

"Nung una wala talaga syang balak na tanggapin ang offer na iyon. But yesterday bigla na lang syang lumapit samin dalawa ng Tito mo at sinabi nyang tatanggapin na nya ang offer. Ang sabi pang nya maganda iyon na panimula para sa kanya. At kami namang parents nya ay hindi na nagtanong pa. Basta para sa kanya support kami ng daddy nya."

Paliwanag ni Tita.

Parang alam ko na kung bakit sya aalis, kung bakit tinanggap nya ang offer. Kung ako lang gugustuhin ko pang lumayo muna sya dito para na rin maghilom ang sugat. Para din naman sa kanya iyon eh.

Haaayyyy! Naomi my cousin kelan ka kaya mawawalan ng mabigat na problema sa lovelife mo?

Eto na yata ang kapalaran nating dalawa, ang magparaya para sa ikakasaya ng taong mahal natin.

Naomi's P.OV

Naghintay muna ako ng ilang oras sa isang coffee shop bago ko naisipang pumunta sa condo unit nina Asul. Hapon na din naman kaya malamang ay nandoon na sya. Sana lamang ay wala doon sina Jake. Pagkapasok na pagkapasok ko ng elevator ay nakatanggap ako ng message galing sa pinsan ko.

From: Jakey

On the way to your house couz. Kasama namin sina Tita at Tito. Kasama ko nga pala yung dalawang ugok. RK's not here don't worry.

Nakahinga ako ng maayos saktong nagbukas na ang pinto ng elevator. Nasa pinakang last na floor sila kaya sakot ng buong kwarto nila ang floor na ito. Sabagay RK nga si Asul. Huminga ako ng malalim bago kumatok. Ilang beses akong kumatok bago nya binuksan ang pinto. Gulat, inis at galit ang nakikita ko sa kanyang mga mata nang magtama ang aming mga tingin. Mas lalong lumamig ang kanyang asul na mga mata. Pakiwari ko'y gusto na nya akong itaboy paalis kaya nagsalita na ako bago pa nya ako pagsarhan ng pinto.

"Asul pwede ba tayong mag usap? Kahit sandali lamang?"

"I don't want to. May pupuntahan pa ako kaya wala akong panahon para makipag usap sayo."

Akmang isasara na nya ang pinto ng agad akong humarang.

"Please! Please just this once."

"Tsk! Ano bang gusto mo? Ano pa bang pag uusapan natin? Can't you see, I don't like you either love you Naomi. Magkaibigan lang talaga tayo pero dahil sa nangyaring ito...."

Ang sakit! Sobrang sakit pa rin marinig ang mga katagang iyon mula sa mismong bibig nya. Akala ko okay na. Akala ko kaya ko na pero masakit pa rin pala.

Saglit syang huminto at tumingin sa mga mata ko saka umiwas din agad.

"Hindi ko alam kung kaya ko pa bang tumingin sayo, makasama o makausap ka at ituring kang kaibigan. Hindi ko na alam Naomi. Galit ako oo, dahil sa ginawa mo sa babaeng gusto ko na bestfriend mo. Pero naisip kung huwag nalang. Naging mahalaga ka din naman sa akin."

Napayuko ako dahil sa sinabi nya.

Wala akong kasalanan. Hindi ko ginustong mangyari ito. Pero bakit ako ang palagi nyang sinisisi sa nangyari kay Rae? Sobrang sama na ba ang tingin nya sa akin. Pakiramdam ko kinasusuklaman na nya ako.

Lihim kong pinunasan ang mga luhang bahagyang tumulo mula sa mga mata ko saka pilit na ngumiti sa kanya.

Saglit syang natigilan dahil sa pagngiti ko. Hindi nya siguro inaasahan ito.

"Hindi ako pumunta dito para ipagpilitan ang sarili ko sa taong kahit kaylan di magiging akin."

Tumingin ako sa mga mata nyang may bahid ng kalituhan sa nangyayari.

"Huwag kang mag alala, pagod nako wala nang mangungulit sayo."

Bahagya akong ngumiti sa kanya.

Alam kong pilit na ngiti ang ipinapakita ko pero alam kong hindi nya iyon mahahalata. Pinilit ko ang sarili kong huwag umiyak. Ayaw kong umiyak sa harap nya. Ayaw kong makita nyang mahina ako. Sya ang kalakasan ko maging ang kahinaan ko. Pero nakakapagod din pala.

Nakakapagod din maging tanga. Sobra!

Na halos di ko na naiisip ang sarili ko para lang maging maayos kami at mangyari yung gusto ko na kahit kaylan ay di naman mangyayari dahil ang katotohanan ay di magiging kami dahil hindi ako ang gusto nya. Masakit yun sobra dahil una pa lang mahal ko na sya. Mahal na mahal. Pero wala eh hanggang dito na lang. Hindi pa nga naguumpisa tapos na agad.

"Sorry sa pagiging makasarili ko. Na sarili kong kagustuhan na lang ang nais kong mangyari. I'm so sorry! Hindi na kita guguluhin pa. Talo na ako simula pa lang eh at ngayon wala na talaga akong laban pa. Maraming salamat dahil nakilala kita, na naging mag bestfriend tayo dati. Hindi man naging maganda ang naging istorya nating dalawa nagpapasalamat pa rin ako dahil naging parte din ako ng buhay mo. Alam kong hindi sya tulad ng ibang babae she's kind, pure at lahat na ng magagandang katangian nasa kaibigan ko na. And I know hindi ka nya sasaktan. Kaya sana huwag mo din syang paluluhain ah, kahit alam kong hindi mo naman iyon gagawin."

Hinawakan ko ang mga kamay nya kahit ayaw nya, sa huli wala din syang nagawa.

"Jake loves Rae. At dahil kaibigan ka nya handa nyang isugal ang kanyang kaligayahan para sayo. Para hindi masira ang pagkakaibigan na meron kayo kahit na ikawawasak pa nya ito. Mahal na mahal kita simula nung mga bata pa lamang tayo. Hindi ko inamin sayo dahil ayaw kong masira ang kaligayahan mo kasama sya. Nung sinaktan ka nya i was there, i always there for you, baka sakaling matuon din sakin ang atensyon mo handa naman kitang saluhin eh but i was wrong coz you push me away. You even left me saying nothing. Naghintay ako. Kaso pagbalik mo hindi pa rin pala ako. Pilit kong tinatanggap at until now pinipilit ko pa din. Sana lang kayanin ko. Huwag kang mag alala I've never been feel angry to you or whatever you say that dahil wala naman akong karapatan eh. Kung anong makapagpapasaya sayo yun ang gagawin ko."

Binitawan ko na ang kanyang kamay saka pinilit na tumawa kahit naluluha na ako.

"For the last time I want to say I love you Asul. Heto na siguro yung last na tatawagin kitang Asul dahil hindi ko na alam kung kelan ulit tayo magkikitang dalawa. Wish you the best and happiness to the both of you!"

Bahagya akong tumingkayad para halikan sya sa labi. Isa lamang iyong magaan na halik na agad din akong lumayo sa kanya. Tumalikod na ako at pumasok na sa loon ng elevator na tumutulo ang mga luha.

Bago magsara ang pinto at nakita ko pang tumingin sya sa aking gawi.

Goodbye My Asul!
Even if it makes my heart shattered into pieces I need to let you go. Dahil ito lang ang paraan para palayain na ang sarili ko sa sakit. Kakayanin kong kalimutan ka, kakayanin ko.

Dahil iyon ang gusto mo.

Sana sa muli nating pagkikita wala na ang nararamdaman ko para sayo at sana totoong ngiti na ang maipakita ko. Ngiting nakalaya sa sa kalungkutan, sakit at pagkabigo.

Nang makasara ang pinto ay doon na ako napahagulhol ng iyak. My knees felt weaker and weaker na naging dahilan para mapaupo ang sa sahig.

Masakit palayain ang taong kahit kaylan hindi naging iyo, pero mas masakit ipilit ang sarili sa taong kahit kaylan hindi magiging sayo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top