KABANATA 32
Kinabukasan ay masakit ang ulong bumangon ako mula sa kama. Tatayo na sana ako nang bigla akong mahilo.
"Sht naman. Bakit ngayon pa?"
Muli akong humiga dahil hindi ko talaga kayang tumayo. Kinuha ko ang aking cellphone para itext si Mom na hindi ako makakapasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. Umalis kase sila ni Dad kagabi dahil nagkaproblema sa mga designs ng building na gagawin nila sa susunod na linggo. Nagtext din ako kay Jake at Rae na di muna ako papasok. Di ko na lang sinabi ang reason ko.
Yep! You read it right. Business man/women na silang dalawa nag dedesign pa sila ng mga building then syepmre gagawin yun ng engineer at archi. Mahirap din naman syempreng mag draw or gumawa ng miniature ng differents building diba. So yun aayusin pa nila yun kaya wala silang ngayon dito at mag isa lang ako. Wala sina Manang kase pinauwi muna sila sa province.
At ngayon, di ko alam kung anong gagawin ko.
Bakit ba kase ako nilagnat ngayon? Di naman ako nagpaulan or whatsoever.
Nakakainis tuloy. Hindi pako makakapasok.
🎶mianhae ireon mareul haneun naega
namjadapji moshaedo da nae jalmosin geol ara
ije geuman halge neoui geu du nundongjae
heureun nunmul deo isang mot dakkajul
geot gataseo geurae I’m so sad oh🎶
"Hello?" Nanghihinang sagot ko sa tawag. Ni hindi nako nag abalang tingnan kong sino iyon.
"Where are you Nami?"
Saglit na tiningnan ko ang caller I.d.
My Asul <3
Oo na! Inangkin ko na talaga. Bakit ba?
Napasapo ako sa aking noo. Anong isasagot ko? Naman. Bakit ba kase sya ang tumawag?
"Hah? Nasa school. Bakit?"
Pilit kong pasiglahin ang aking boses. Hindi nya pwedeng malaman. Ay buang bakit school ang sinabi ko? Paano kung nasa room din sya diba tapos wala naman ako doon. Ano ba naman kaseng excuse yan Naomi?
"Ow really? Okay then see you!"
Nagtaka ako sa sinabi nyang see you. Wala ba sya sa school? At saka para saan ang see you na yun? Aist! Lalong sumasakit ang ulo ko kakaisip.
"Itutulog ko na lamang ito baka mamaya ay mawala na din."
Naalimpungatan ako ng may marinig akong nagbukas ng pintuan. Dahan dahan akong nagmulat ng mata.
Asul? Anong ginagawa nya dito?
Humarap ito sakin kaya agad akong pumikit at nagkunwaring tulog pa.
May inilapag ito sa side table. Naramdaman kong umupo sya sa gild ng kama ko. At naramdaman ko na lamang na may maligamgam na towel ang dumampi sa braso ko.
"Palagi ka na lang di nag iingat ng sarili mo. Ano pababayaan mo na lang na may lagnat ka? Paano na lang kung diko nalaman edi maghapon kang ganito. Hindi ka kakain? Paano ka gagaling? Ang tigas talaga ng ulo mo Nami."
Panenermon neto sakin na akala mo'y gising ang kausap nya kahit ang totoo ay gising naman na talaga ako.
"I'm sorry! I'm really sorry for hurting you since that day until now. I don't deserve your love. I'm not the guy for you dahil ang alam ko lang gawin ay ang saktan ka. Sana kalimutan mo na ako Nami."
Naramdaman kong may luhang tumulo mula sa mga mata kong nakapikit. Sana hindi nya nakita.
"Dave is a nice guy. And I know he likes you. Kung sya ang magiging paraan para makalimutan mo ko please sya na lang. Huwag na ako. I like Rae. I don't know but when she's with me masaya ako kahit di kami mag usap basta alam kong nandyan sya masaya ako."
Naramdaman kong tumigil sya sa pagpupunas ng pisnge ko. Kaya bahagya akong nagmulat ng isang mata. He's looking at the open window habang naka ngiti.
"Alam mo ba noong kinausap nya ako akala ko ang sungit nya but no, she's makulit pala. Ang sarap nyang asarin at di sya nakakasawang kulitin o kahit awayin. Yun ang nararamdaman ko. And I think habang tumatagal pahulog ako ng pahulog. But, she likes your cousin. And wala akong balak na ibigay sya sa pinsan mo kahit kaibigan ko pa sya. Hindi naman sya gusto ni Jake diba?"
Tama na please! Tama na ang sakit sakit na eh. Nagmamakaawa ako Asul tama na. Kung gusto mo akong saktan kahit yung maging cold ka na lang ulit sakin hindi yung ganitong sakit. Para akong dinudurog. Mas gugustuhin ko pang ipagtabuyan mo na lang ako kesa ipagduldulan sakin na sya yung gusto mo at hindi ako. Ang masakit pa idinamay nya pa ang kaibigan nyang si Dave.
Inayos na nyang muli ang ginamit sa pagpunas sakin.
"Ipagluluto lamang kita ng makakain mo para makainom ka ng gamot."
Pagkalabas nya ng kwarto ay doon na lumabas ang hikbi at mga luhang kanina ko pa gustong pakawalan.
Bibitaw naba ako? Ang sakit na kase. Sobrang sakit! Ako lang naman kase ang nagpapahirap sa sarili ko eh. Ako lang yung umaasa. Ako lang yung nagpapakatanga dito kahit alam kong una pa lang wala na kong maasahan.
Mahal ko kase eh! Ano bang magagawa ko?
Ilang minuto pa ay muli syang bumalik. Dahan dahan akong nagmulat ng mata.
"Gising ka na. Kamusta ang pakiramdam mo?"
Agad na tanong nya saka inilapag ang dalang tray na may lamang sopas, tubig at gamot sa gilid ng kama.
"Medyo okay na."
Tinulungan nya akong bumangon at sumandal sa headboard ng kama.
"Mabuti naman kung ganun. Kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot. Alam kong di ka nag almusal. Subuan na lang kita."
Tumango ako saka nya hinipan ang sopas at itinapat sa bibig ko. Hinigop ko naman ang sabaw.
"Bakit ka nga pala nandito?"
Napatingin sya sakin ng nagtataka.
"Inaalagaan ka."
"I mean how did you know? Na may sakit ako."
Muli nya akong sinubuan.
"Narinig kong nagriring ang cp ng pinsan mo saktong papalabas pa lamang ako ng condo. Naiwan nya pala iyon sa ibabaw ng sofa. Then nakita kong may missed call ang mommy mo at may text ka din. So, binasa ko. Ang sabi mo nga dika makakapasok today. Ilalagay ko na sana sa bag ang cellphone ng may tumawag. And its you mom. Sinagot ko. Nalaman ko na you're sick. Hindi na ako pumasok para puntahan ka lang."
"Salamat!"
Dahil kahit papaano nag aalala ka pa rin sakin.
"You're my Nami remember? Kaya aalagaan kita. Tulad ng pag alaga mo sakin nung nagkasakit din ako."
Yes! I'm your Nami but, You're not my Asul. Hindi ka akin. Napakasakit diba?
Pagkatapos kong kumain ay pinainom nya ako ng gamot.
"Magpahinga ka muna para mamaya ay magaling ka na ng tuluyan."
Tumango ako. Kumuha sya ng upuan saka doon umupo.
"Hindi ka pa ba aalis?"
"Babantayan muna kita."
Ngumiti ako.
Kahit sa ganitong paraan lamang ay maramdaman kong mahal nya din ako. Kahit kaibigan lang. Susulitin ko na ang mga pagkakataong malapit sya sakin. Dahil hindi ko alam kung mauulit pa ito.
"Bakit nga pala wala ka kahapon. Nagpunta kaming restau pero wala ka."
"Pinatawag kase ako ni Dean kaya di na ako nakasama."
"Bakit?"
Nagkibit balikat na lamang ako. Hindi naman na sya nagtanong pa at hinayaan na lamang akong magpahinga.
Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang tungkol sa pagiging exchange student ko. Wala pa akong balak sabihin sa kanila dahil wala naman akong balak na umalis.
Dumating ang hapon at medyo okay na ako. Masakit pa rin ang ulo ko pero konti na lang iinom na lang ulit ako ng gamot later. Pagkagising ko ay wala akong naabutang Asul sa kwarto. Umuwi na kaya sya? Bakit hindi nya ako ginising?
Bumaba ako sa sala at doon naabutan ko si Asul na naka upo.
"Asul." Tawag ko sa kanya.
Ngumiti sya sakin. "Okay ka na?" Tumango ako.
"Good!" "Magaling kase ang doctor ko. Salamat pala sa pag aalaga mo sakin ngayon."
Ginulo nya ang buhok kona ngayon nya na lamang ulit ginawa. Sakin.
"Basta para sayo. Oh papanu uuwi na muna ako. Tumawag nga pala si Tita na dadating na sila maya maya."
Tumango ako.
"Sige! Mag iingat ka sa pagdadrive."
Ngumiti sya saka tumango. Tumalikod na sya sakin at naglakad palabas.
Pumikit ako saka huminga ng malalim bago nagmulat muli ng mga mata.
"Asul sandale!"
Nasa may pintuan na sya ng pigilan ko sya.
"Hhmmm?"
Bahagya syang lumingon sakin.
Inilang hakbang ko ang pagitan naming dalawa. Paglapit ko ay agad ko syang hinawakan sa collar ng kanyang damit at hinila pababa palapit sakin at agad ko syang hinalikan sa labi.
Ramdam kong natigilan sya dahil sa ginawa kong iyon. Pagbitaw ko.
"I-I I'm s-sorry! Na-Nadala lang ako. Ahmm sorry talaga sorry."
Tumalikod ako at agad na tumakbo paakyat sa kwarto. Agad akong napasandal sa pinto ng kwarto pagkapasok na pagkapasok ko sa loob. Nanginginig ang kamay na napahawak ako sa aking labi.
"Sht!"
Ngayon ko lang naramdaman ang panginginig ng kamay ko pati na rin ang buo kong katawan.
"WHHHHAAAAA! Ginawa ko ba talaga yun? Hinalikan ko ba talaga sya? Nakakahiyaaaaaaa ka Naomi."
Napaupo ako saka ko mahinang pinukpok ang aking ulo.
"Ano ba kasing pumasok sa kokote ko at ginawa ko ang bagay na yun? AAAHHHHH! Ano na lang sasabihin nya sakin. Jusko kang Naomi ka."
Pero nang maalala ko kung gaano kalambot ang labi nya sa labi ko ay napangiti ako ng wala sa oras.
"ANUVAHHHHHH! AHHHHH! Bakit ako kinikilig? Nakakainis naman. Ang lande ko pramis nakakaiyak."
Ilang minuto pa ang pinalipas ko bago ako muling bumaba para tingnan kung naka alis na ba sya.
"Hoooo!"
Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala na sya sa salas.
Rae's P.O.V
Gabi na ng makita ko ang text ni beshy na hindi sya makakapasok. Naiwan ko kase ang cellphone ko sa bahay.
Bago ako matulog ay kinamusta ko muna sya kung bakit di sya nakapasok kanina. At ilang minuto pa ay nakatanggap na ako message from her.
Tamad akong magtype kaya tinawagan kona lamang sya.
"Hello beshy!"
"Rae napatawag ka?"
"Gusto ko lamang kamustahin ka. Ano bang nangyari at hindi ka nakapasok kanina. Pinag alala mo kami. Pupuntahan ka na sana ni Jake at Dave dyan sa inyo kaso di sila nakaalis dahil may inutos sa kanya si Prof. Jacob."
"Okay na ako bakla. Sumama lang pakiramdam ko kaninang umaga pero uminom naman na ako ng gamot."
I signed because of relief. Akala ko may masama nang nangyari sa kanya. Buti naman at okay na sya.
"Magsabi ka lang kung may masakit pa o nararamdaman ka pa ah. Nag aalala ako."
"Oum!"
"Good! Btw. Alam mo bang absent din si Blue?"
Saglit syang natigilan.
"Beshy? Nandyan ka pa ba? Naomi?"
"Oww sorry may ginawa lang ako. Amm actually nandito sya kanina. Tumawag daw kase si mommy kay Jake kaso he left his phone kaya si Asul ang nakasagot nun."
Napangiti ako dahil sa nalaman.
"He cared for you beshy. Mas inuna ka pa nya kesa pumasok dahilalam nyang may sakit ka. Nag aalala sya sayo."
"I know but.... kung alam mo lang!"
Hindi ko naintindihan ang huli nyang sinabi dahil pabulong lamang iyon.
"Ano yun besh?"
"Huh? Ahh wala wala. Sige na magpapahinga na ako para makapasok bukas. Matulog ka na din huwag ka ng magpuyat ah."
"Sige sige! Goodnight! Pagaling ka."
"Yeah! Thanks besh. Goodnight din!"
At binaba na nya ang line. Pagkatapos ng tawag ay natulog na din ako.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa malakas na katok mula sa labas ng kwarto ko.
"Sandali! Sandali lamang anuba. Keaga aga pa maawa ka sa pinto ng kwarto ko," sigaw ko saka dali daling bumangon para tingnan kong sino iyon.
"ANO YU- Hehehe! Good morning Dad! Bakit? May problema ba?"
"May bisita ka. Mag ayos ka na dahil kanina pa sya sa baba."
"Huh? Bisita? Sino Dad?"
"Johnwayne daw. Dalian mo na nga huwag mong paghintayin."
Umalis na si Dad. Naligo naman na ako saka nag ayos ng sarili.
Johnwayne? Sinong Johnwayne iyon? May kakilala ba akong ganun ang name?
"Johnwayne? Johnway- WHAT? Johnwayne Blue? Si Blue nasa ibaba? What the heck? Anong ginagawa nya dito?"
Dali dali akong tumakbo pababa at naabutan ko nga sya sa salas na kausap si mom at dad.
"Blue!"
Nakangiting humarap sya sakin. Gwapo sya oo, pero mas gwapo pa rin si Jake para sakin.
"Good morning Turtle!" Lumapit ako sa kanila. Humalik muna ako sa cheeks ni Mom bago muling humarap kay Blue.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Humingi lamang ako ng permiso sa mga magulang mo if pwede ka ba sa Saturday night."
"Anong meron sa sabado?" "Its a secret!" "Ehhh?"
Ngumiti syang muli. Napapikit ako.
Beshy pramis wala akong alam dito huhuhuhu.
Nagpaalam na kaming dalawa sa parents ko dahil baka malate pa kami sa klase. Pagkaparada nya ng kotse sa parking lot ng University ay agad akong bumaba sumunod naman sya sakin.
"Turtle wait. Turtle!"
"Ano?"
"Gusto lang naman kitang yayaing mag dinner sa Saturday parang friendly date na din. Sana pumunta ka, hihintayin kita."
Natigilan ako.
Ano nang gagawin ko? Ayaw ko namang magtampo sya or magalit sya sakin kapag nalaman nya ito. Ayaw kong mangyari iyon. Ano ba dapat kong gawin?
Send help!
Blue pinapahirapan mo ako. Mas ginagawa mong komplikado ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top