KABANATA 30
The second day is so tiring!
Lahat ng water sports maging ang mga rides ay sinakyan at triny namin. Nag snorkling din kaming lahat.
At ngayon ay magbobon fire kami sa tabing dagat. Seven na din naman ng gabi eh. Naka ayos na ang lahat. May apoy na sa gitna na napalilibutan naming lahat. We even have a snacks and drinks para kung gusto mong kumain may kakainin ka. Pati na din ang bote na gagamitin namin sa pag T or D ay ready na.
"Ako na ang mauuna ah."
Jana said then she spin the bottle at saktong sa tapat ni Dave himinto ang pinakang dulo ng bottle.
"So, Truth or Drink Mr. Easton?" Jana asked Dave.
Yup! You read it right guys. Hindi ito Truth or Dare sa inaakala nyo kundi Truth or Drink. If hindi mo or ayaw mong sagutin yung itatanong sayo you need to drink 2 shot glass of alcoholic drinks.
Gosh! Wag naman sana ako noh. Cross finger!
"Truth!" Seryosong sagot ni Dave.
"Atapang atao adi atakbo AHAHAHAHAHA!" Pangasar ni Joshua sa kaibigan.
"Ogag bro!"
"Eto na ang itatanong ko. Ammm, kung may isang bagay na gagawin mo ng paulit ulit kahit masaktan kana, ano iyon?"
"Hindi ba yan masyadong personal?" Jake uttered.
"Pareng Jake ang ganda nung tanong eh. At isa pa di ako tumatanggi sa hamon. Kaya sige I'll answer that."
Huminga muna sya ng malalim bago muling nagsalita.
"Kung may bagay man ako na gagawin ng paulit ulit kahit masaktan na ako, yun ay ang pasayahin sya at samahan sya sa mga oras na nasasaktan sya dahil ang kalungkutan ng mga mata nya ang nagpapahirap sakin. Kaya kung yun lang ang tanging paraan para sumaya sya gagawin ko lahat kahit ako naman ang masaktan."
Napatingin ako kay Dave na nasa tabi ni Asul. Sobrang lalim naman ng hugot nya. May pinagdadaanan ba sya? Problem sa lovelife? Bakit we don't know?
"Awwww! Ang sweet mo naman. Swerte ni girl."
"No! Ang swerte ko sa kanya, kung sakali." Mahinang sagot nya kaya diko naintindihan ang sinabi nyang iyon.
Muling nagpatuloy ang laro. At si Dave na ang nagspin niyon. Tumapat ito sa pwesto ni Rae.
"Hoy mokong ayusin mo tanong mo ah."
"Matino ako ngayon kaya sige. AHAHA!"
Rae pout. "Rae if you gonna choose one, Love or Friendship? Then why?"
Napatingin ako kay Dave. Why naman yun? Personalan na ba this?
Napatingin ako kay Rae. Saglit na natigilan ito at nag isip ng isasagot. Nagdadalawang isip sya sa isasagot nya. She's trembling a lil'bit and it makes me nervous.
"Frienship. Why? Dahil para sakin mas mahalaga ang friendship kesa sa Love. Dahil ang pagmamahal nakapaghihintay yan, pero ang pagmamahal at friendship na matatagpuan sa isang tunay na kaibigan ay napakahirap mahanap. Swerte mo na lang kung meron ka nun kaya I won't sacrifice our friendship sa kahit anuman o kaninoman."
Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. At muling nagpatuloy ang laro. Rae spin the bottle then tumapat ito sa isa naming girl na kaklase. Ilang students pa ang natanong bago si Jake na.
"Truth or Drink?" Ashley asked. "Drink." Agarang sagot ng pinsan ko.
"Ang kj naman bro," panunuya ng mokong na si Dabe.
"Tsk! Fine fine. What's the question ba?"
"Kung sakaling magkagusto ang isa sa mga kaibigan mo kay Naomi papayagan mo ba?"
Napatingin ako sa kanila. Why me? Again, why ganun question naman? Anuvah!
Natawa si Jake. "Bakit naman hindi. In the first place mas gugustuhin ko pang kaibigan ko na lang ang makatuluyan ng pinsan ko dahil kilala ko na sila. He will never hurt Naomi like the other fckng guy out there."
"Owwww! Yiiieeeee!" Tilian ng iba naming classmates na girls. Luh!
"But, its still my cousin's choice and not mine. Kung sino ang magugustuhan nya support na lang. Basta hindi sya masasaktan. Kung Oo, ako na mismo ang maglalayo sa kanya sa taong iyon."
Seryosong dugtong pa neto na para bang may pinariringgan sya.
"Want ko ng ganyang pinsan. Huhuhu! May katulad mo pa ba sa mundo Jake?"
"Sorry but nagiisa lang ako." Pashy na sagot neto sabay kamot sa batok.
Meganon???
"Jake akin ka na lang!" Sigaw ni Freya.
"Hoist! Gusto mong malunod sa dagat ng maaga?"
"Hmp!"
"Hmp ka rin."
"Awat na! Baka may magsabunutan pa. Pinsan ang gwapo mo po."
"Ako pa ba."
"Hoy! Mas gwapo naman ako."
Sabat ng mokong na si Jake. Tumingin ako sa kanya saka sya inismiran.
"Asa ka naman. Panget!"
"Nagsalita ang hindi. Mas panget ka."
"Tama na nga! Baka kayong dalawa naman ang magkatuluyan dyan. Dyan sina lola at lolo nagsimula remember Naomi?"
"Dyan? Sa panget na mokong na yan? Maiinlove ako? Yak ha!"
"Wag pangunahan. Hindi natin alam ang mga bagay bagay."
Napairap ako.
"Stop na nga. Game na ulit sino na. Gusto ko ng mag sleep eh."
Jake spin the bottle at tumapat ito sa naka blank face na si Asul.
"RK Truth or Drink?" "Truth! No choice I don't want to drink."
"Okay! So ammm, is there a girl that you alreading like? Is she's here?"
Jake langhiya ka!
"Like? I don't think I still like her. This past few days I feeling something strange when I'm with her. Gusto kong lagi syang nakikita at nakakausap. I don't like seeing her with other guy even if he's my friend. So, I think I'm already falling. And yes she's here."
Nang banggitin nya ang mga huling katagang iyon ay tumingin sya sa pwesto ni Rae. Tiningnan ko si Rae ngunit nakatungo na ito at pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.
Natawa ako sa sarili kong isipan.
Bakit nga ba ako umaasa gayong alam ko namang malabo talaga?
Bakit nga ba pinahihirapan ko ang sarili ko kahit may choice naman na lumayo at pigilan na lang?
Bakit ako nasasaktan kahit wala naman akong karapatan?
Dahil una pa lang wala namang kami at wala naman syang sinabing umasa ako. Pagkakaibigan lang ang maibibigay nya at yun ang totoo.
At ngayon, nahuhulog na sya sa kaibigan ko. Sobrang sakit dahil hindi ako ang babaeng iyon.
Ito na pala yung consequences ng ginawa namin noon ni Rae. Sana pala di ko na lang tinuloy. Pero wala na, huli na ang lahat.
Ngumiti ako.
Ngumiti ako ngunit yung luha ko gusto ng umalpas. Pinipigilan ko lang dahil baka magtaka sila.
Tumawa ng mapang insulto ang pinsan ko bago maging cold ang kanyang reaction.
"Really? Then get her!"
Walang kaemo emosyon na makikita sa mukha ng pinsan ko. Pagkasabi nyang iyon ay tumayo na sya at umalis. At ginawa ko ang pagkakataong iyon para umalis dahil lahat sila ay nakatuon ang atensyon sa dalawa.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang gusto ko lamang ay ang makalayo sa lugar na iyon. Habang tumatakbo ay sya ring pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Kaylan ka ba titigil sa ginagawa mo self. Nasasaktan ka na sa mga naririnig at nakikita mo pero patuloyka pa rin. Napaka martir mo!"
Mahinang bulalas ko habang tumatakbo papalayo.
Sobrang dilim na ng paligid hanggang sa makita ko ang cave na pinagdalhan sakin kahapon ni Dave. Kitang kita ito dahil may mga ilaw ang paligid maging ang daanan neto papasok sa loob.
Pinalis ko ang mga luhang nagkalatsa aking pisnge saka pumasok sa loob ng cave.
"Dito muna ako magnanatili. Babalik na lamang ako pagsikat ng araw bukas."
Umupo ako sa bridge at inilawit ang mga paa para maramdaman ko ang maligamgam na tubig na dumadaloy sa ilalim ng tulay na ito. Isinandal ko ang aking likod sa hamba ng bridge saka pumikit.
Nalimpungatan ako nang may marinig akong tumatawag sakin.
"Naka idlip pala ako?"
Agad akong nagtago para di nila makita.
Third Person's P.O.V
Nang makaalis si Jake ay hindi na nila itinuloy ang laro dahil sa medyo nagkaroon na ng awkward. Ang iba naman ay inaantok na din kaya nagkanya kanya na sila ng balik sa hotel.
"Nakita nyo si beshy?" Nag aalalang tanong ni Rae pagkalapit nya sa tatlong lalaki. Silang apat na lamang ang naiwan dahil nauna ng umalis si Jake kanina.
"What? Nandito pa sya kanina ah hindi ko rin naman napansin dahil napatingin ako kay Pareng Jake," anas ni Dave.
"Nawawala si beshy."
"Baka naman. Baka naman sinundan lang yung pinsan nya. Alam nyo na baka nahalata nya din yung pag iiba ng mood ni Jake kanina."
"Tara! Bumalik na muna tayo sa hotel. Baka nga kasama sya ni Pareng Jake."
Aalis na sana si Rae para sundan yung dalawa na nauna na ng kapitan sya ni Asul sa kaliwang wrist.
"Turtle we need to talk. Iniiwasan mo ba ako?"
"Wag ngayon Blue please. Kaibigan ko yung pinag uusapan ngayon. Hindi ka manlang ba nag aalala sa kanya?"
"Malaki na sya at kaya na nya ang sarili nya. Gusto nyang umalis kaya bakit nyo pa sya hahanapin?"
"What? Hah! Ang sama mo. Sarili mo lang ang iniisip mo sa ganitong sitwasyon. Makakaya ba ng konsensya mo kung may mangyari sa kanyang masama lalo na't lumalalim na ang gabi."
"But-"
"Shut up Blue. Akala mo ba magugustuhan kita? Sa ipinakita at sinabi mo pa lang nakaka walang gana na. Wala ka ba talagang pake sa kanya? Kung ganun bakit nakipag ayos ka pa kung sasaktan mo lang din naman ang kaibigan ko. Alam mong mahal ka nya bakit kailangan mo pang sabihin iyon ng harap harapan?"
"Kung iyon lamang ang tanging paraan para ayawan nya ako ay gagawin ko. Hindi ko kayang pilitin ang sarili ko na mahalin sya higit pa sa pagkakaibigan. Dahil alam kong iba ang gusto ko."
"Hindi kita gusto."
"Alam ko dahil si Jake ang gusto mo."
"Bakit pinipilit mo pa din?"
"Why don't you ask Nami instead. Bakit pinipilit nya pa rin? Bakit umaasa pa rin sya kahit alam nyang imposible na? Itanong mo sa kanya kapag nalaman mo kung anong sagot nya baka sakaling maiintindihan mo."
Tumalikod na ito. "Let's talk kapag nakita na si Nami."
At iniwan sya neto.
"Pareng Jake kasama mo ba si Naomi?"
Agad na tanong ni Dave pagkarating nila sa kanilang room. Agad na napatayo si Jake dahil sa narinig.
"What do you mean?"
"Wala sya here? Hindi ka nya sinundan nung umalis ka kanina?"
"Hindi. Bakit ba- The fck! Where is she?"
Saktong dating ni Asul na kasunod si Rae. Agad na umiwas ng tingin si Jake nang mapatingin sa kanya si Rae.
"Nawawala si beshy. I-I t-think may kasalanan ako dito. Hindi ko sya nabantayan kanina kahit alam kong masasaktan sya sa narinig nya."
Marahas na humarap sa kanya si Asul.
"Hindi mo kasalanan. Bakit ba sisisihin mo ang sarili mo sa mararamdaman ng iba ha?"
"Bakit nga ba Rae? Samantalang kasalanan naman iyon ng iba dyan. Hindi muna nag isip kung may masasaktan ba syang iba bago sya magsalita."
Sabat ni Dave na prenteng nakasandal sa wall habang nakasiksik ang dalawang kamay sa magkabilang pocket.
"Mas mabuting saktan sya sa katotohanan kes-"
Hindi na natuloy ni Asul ang dapat nyang sabihin nang bigla na lang syang suntukin ni Dave.
"Wala kang kwenta. Bakit nga ba nagustuhan ka pa nya?"
Pinahid ni Asul ang dugong lumabas sa maliit na sugat sa labi dahil sa ginawang pagsuntok ng kaibigan sa kanya.
"And do you think na magugustuhan ka nya kung gayong inlove sya sakin?" Nag smirk ito kaya mas nainis pa si Dave.
Muling sinuntok ni Dave ang nakahandusay na si Asul. Agad na inawat ito ng dalawa.
"Anu ba kayong dalawa. Hindi ito oras ng away pwede ba? We need to find my cousin."
"Pwe!"
"Kapag may nangyaring masama kay Naomi hindi ako magdadalawang isip na saktan ka kahit kaibigan pa kita. Tandaan mo yan."
At nauna nang lumabas si Dave.
"Hindi ko maintindihan. May gusto ba si Dave kay Beshy?"
Napatigil si Jake. "Huwag mo na lamang intindihin ang dalawang iyon." malamig na sagot neto bago tuluyan makalabas.
"Jake." Mahinang bulalas ni Rae.
Naomi's P.O.V
"Nami! Naomi! Nasan ka!"
"Beshy!"
"Panget magpakita kana. Huwag namang ganito ohh!"
"Naomi please. Nag aalala na kami sayo. Malalagot ako kina Tito kapag nawala ka."
Nanatili akong tahimik. Ayokong malaman nila na naririto ako.
"Mauna na kayo sa hotel. May titingnan lang ako saglit."
"Sige! Kapag nahanap mo sya tawagan mo kami agad."
At nawala na ang ingay. Lalabas na sana ako sa aking pinagtataguan ng makita kong pumasok si Dave.
Sht Dabe! Anong ginagawa mo dito?
"Alam kong nandito ka. Wala na sila kaya lumabas ka na."
I signed.
"Bakit ka umalis?"
"Gusto ko lang magpahangin sandali tapos napadpad ako dito."
"Hindi ako naniniwala."
Nagulat ako nang yakapin nya akong bigla. Doon na ako napahaguhol ng iyak.
"Masakit pala. Akala ko okay lang. Akala ko mababalewa ko yung mga hinala at nakikita ko pero ngayon diko napigilan."
Hinagod nya ang likod ko para patahanin.
"Ilabas mo lang. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan."
I hug him so tight staka ko binaon ang aking mukha sa kanyang dibdib.
Ilang oras bago ako nahimasmasan.
"Gusto mong maligo?" Tanong nya sakin.
Para ngang gusto kong magbabad sa tubig ngayon.
"Huwag kang titingin maghuhubad ako."
"Panget naman wag kang ganyan. Mga bata pa tayo."
"Gagi ka amp! Ayokong mabasa ang damit ko kaya maghuhubad ako sa pagligo. Utak mo ah itatapon ko yan sa labas."
"Hehehe! Akala ko kase. Hehehe."
Tumalikod na sya saka lang ako nagtanggal ng damit at shorts then lumusong ako sa medyo may maligamgam na tubig ng lagoon.
"Pwede ka na humarap."
"Panget let's have a deal."
Agad na sabi nya pagkaharap nya sakin. I raise my left eyebrow at him.
"Anong deal naman yan aber?"
"Gamitin mo ako para maitago mo yung sakit na nararamdaman mo."
Natigilan ako. The heck Dabe! Ano bang iniisip nya. Gago ba sya?
"What? No way Dave. I will never do that to you. Hindi ako ganung tao."
"Alam ko. Pero ako ang may gusto neto kaya sige na gamitin mo na ako."
Inis na umahon ako mula sa lagoon. Hindi alintana na tanging bra at panty lang ang suot ko.
"Fck you Dave!" singhal ko sa kanya.
"Yeah! I'm fcked up."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top