KABANATA 3

"Naomi asan na ba yung pinsan mo?"

Pangungulit sakin ni Rae. Nandito kase kami ngayon sa cafeteria at hinihintay na dumating sina Jake.

Kaninang umaga sinabi ko na sa kanya na may ipapakilala akong friend at ngayon nga ay hinihintay namin sila.

"Baby Naomi!"

Napasapo naman ako sa noo ko nang marining ko ang sinigaw ng paparating na si Jake.

Jusmeyo Marimar! Ano ba naman yan? Nasa public kami at school pa namin tapos tatawagin nya akong baby? Ano na lang ang sasabihin ng mga chismosang kapitbahay? Nakakahiya!

"Baby? Tinawag ka ng pinsan mo na baby? Kkyyyyaaahhhh! Ang cute naman!" tili pa ni Rae sa mahinang boses.

Mas lalo ko pang tinabunan ng kamay ang mukha ko dahil.sa kahihiyan.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Ang baby Naomi ko nahihiya. Don't be shy baby Naomi ako lang 'to ang pogi mong pinsan." pang asar pa neto lalo sakin.

Nakarinig naman ako ng mahinang hagikhik mula kay Rae kaya napatunghay ako. Sinamaan ko sya ng tingin pero nginisihan nya lang ako pabalik.

Narinig kong tumikhim si Joshua na nasa tabi ngayon ni Rae. Ahhhh! Alam ko na kung bakit humagikhik ang bruha dahil may tumabi sa kanyang POGI. Tsk!

"Ahhmm... Hi miss I'm Haxxon Joshua Carter, you can call me what ever you want."

"Hi! Ako naman si Rae Shannelle Jimenez. Can I call you mine?" may halong landi sa boses neto na ikinairap ko.

Yuck! Mga galawang hokage!

Napatawa naman si Joshua sa sinabing iyon ng kaibigan ko.

"Hi Rae! Zackary Jake Parker ang gwapong pinsan ng kaibigan mo."

Nagpuso puso naman ang mga mata ni Rae ng ngumiti sa kanya ang pinsan ko. Pinitik ko naman ang noo nya ng matauhan na sa kanyang kahibangan. Nakasimangot na sapo sapo nya ang pinitik ko.

"Anong gusto nyo girls? Libre ko!"

Mas lalong naexcite naman si Rae sa anunsyong iyon ni Jake.

"Ako rin bro libre mo?"

"Bakit girl ka ba? Sabi ko girls diba? So, hindi ka kasama."

Natawa naman ako ni Rae. Dinilaan ko pa si Joshua ng mapatingin sakin.

"Cheesecake and apple juice lang sakin. Diet ako eh!" sabi ni Rae.

"Chocolate muffin, chicken nuggets, apple and coke sakin," sabi ko naman.

Tumingin sakin si Jake.

"Hindi ka diet?"

Umiling ako saka ngumisi sa kanya.

"Tsk! Ang takaw mo pa rin parang di ka nacontious sa figure mo ah."

"Eh bakit ba food is lifer!"

Kinurot naman nya ang pisngi ko bago nya hinila si Joshua papunta sa counter.

"Swerte ng magiging girlfriend ng pinsan mo. May boyfriend na sya may brother pa. Whole package!"

Bulong sakin ni Rae pagka alis nung dalawa.

"Bakit may balak ka bang mag apply?" may halong pang asar na tanong ko sa kanya.

"Wala noh? Hhhmmmpp! Si Joshua ang type ko."

"Owwsss?"

Inismiran nya ako saka ibinato sakin ang hawak nyang tissue na nasalo ko naman.

Tinawanan ko na lang sya.

"Teka! Akala ko ba tatlo sila eh bat dalawa lang ngayon? Nasan yung isa?"

Ngayon lang din pumasok sa isipan ko yung isa nilang kabarkada. Kahapon wala din sa condo nila tapos ngayon hindi naman nila kasama?

"Hindi ko din alam eh."

Napapaisip tuloy ako nasan kaya yun? Tapos naisip ko na naman yung kagabi. Blue? Blue ang totoong name nya yun ang sabi ni Jake sakin. Bakit kaya hindi nila kasama?

"Here's your food!"

Inilapag ni Jake sa harap ko ang pinabili ko sa kanya. Si Joshua naman ang may dala ng kay Rae.

"Thank you Josh!" magiliw na sabi ni Rae.

Wow! Naka Josh ang bruha. Level up agad?

"You're welcome!" nakangiting sagot naman ni Josh.

Nagkwentuhan lang silang tatlo habang ako ay tahimik na kumakain ng muffin ko.

"Ahhmm! Pinsan yun palang isa nyong kabarkada nasaan? Bakit di nyo kasama?" pagtatanong ko.

"Wag mo nang hanapin yun takot yun sa tao," seryosong sagot neto.

Natawa naman si Joshua. Nagkatinginan naman kami ni Rae na nawiweirduhan sa kanila.

Pagkatapos namin kumain ay sabay sabay na nagtungo na kami sa room dahil may klase na.

Nakahalumbaba ako sa aking desk habang nakikinig sa prof na nasa harapan. Saglit akong napatingin sa pwesto nina Jake sa likod, may vacant seat sa tabi nya na siguro ay para dun sa isa nilang kasama na hanggang ngayon ay wala pa rin.

"Ang boring ng life!"

Rinig kong bulong ni Rae na naka ub-ob na ngayon sa desk neto.

"Yeah! Ang boring talaga. Kelan kaya magiging exciting ang buhay ko?" bulalas ko.

"Alam ko na!"

Gulat akong napatingin kay Rae nang bigla nyang hawakan ang braso ko pagkasabi nya nun.

"Mag boy haunting tayo mamaya. Maraming boys sa labas dahil tapos na ang school hours. Ano game ka?"

Napangisi naman ako sa suggestion nya.

"Sige! Game ako dyan."

"Yowwwnnn!"

Ngumiti ako ng malawak. Excited na'ko. Hahahaha!

"Takas tayo sa pinsan ko. Kapag nalaman nun baka i-sabotage pa ang plano natin."

"Tama!" tumango sya saka tumawa kami ng patago.

Third Person's POV

Sa kabilang banda naman ay tahimik na nakatingin si Jake sa dalawang nagbubulungan sa bandang unahan nila.

Kilala nya ang pinsan at ang mga galawan neto. Wala itong maitatago sa kanya kahit na minsan lang sya bumisita sa Pilipinas noon. At ngayong nandito na sya ay mababantayan na nya ang pinsan. Kahit nga childhoon days neto ay alam nya.

At ang pagkakaroon neto ng lalaking bestfriend noon ay alam din nya. Napapaisip lang sya kung bakit masyadong dinamdam ng pinsan ang pag alis ng lalaking iyon. Sobra ba netong mahal ang kaibigan o higit pa sa pagiging kaibigan ang nararamdaman neto sa lalaki. Nagpapasalamat sya dahil paglipas ng ilang taon ay hindi na madalas mabanggit ng pinsan ang dati nitong kaibigan. Hindi na rin ito umiiyak sa cellphone kapag kausap sya at ikinukwento ang pag alis niyon at ang di pagpaalam sa kanya.

Nakakunot noo at nanliliit ang matang nakatingin sya sa pinsan dahil alam nyang may pinaplano na naman ito kasama ang kaibgan na si Rae at hindi neto iyon sasabihin sa kanya dahil alam netong hindi sya papayag.

Nang mapansing ngumisi ang pinsan ay nakomperma na nga nyang may gagawin na naman itong hindi maganda.

Kailangan nyang mahuli ito agad agad.

"Wala kang gagawin mamaya diba?"

Tanong nya sa kaibigan.

"Wala. Bakit?"

"Samahan mo ako. May huhulihin tayong kuting sa labas mamaya."

"Kuting? Kelan ka pa naging mahilig sa pusa? Dadalhin mo ba sa condo? Naku! Wag mo ng ituloy magagalit si RK allergy yun sa balahibo diba?"

"Dami mong sinasabi basta samahan mo na lang ako at wag na wag kang mag iingay baka makatakas pa."

"Okay boss!"

Ngumisi sya sa isiping mahuhuli nya sa aktong gumagawa ng kalokohan ang pinsan.

Pagkatapos na pagkatapos ng last subject nila ay agad na nagligpit ng gamit sina Naomi para tumakas sa pinsan.

"Ms. Faith Naomi Montero!"

Rinig ni Naomi na tinawag sya ng pinsan gamit ang buong pangalan nya kaya agad nyang hinila si Rae at patakbong lumabas ng classroom.

"Watch out Miss! Wala kayo sa kalye."

Sita sa kanya ng lalaking papasok pa lang sa loob ng room nila na muntik na nyang mabangga buti na lamang at nahila agad sya ni Rae palayo sa pinto.

"Naomi bumalik ka dito!"

Galit na sigaw ng pinsan. Nakita nyang nakatayo na ito at handa nang habulin sila kaya agad silang tumalima para makalayo.

"Sorry kuya! Di ko sinasadya."

Hingi nya ng paumanhin na hindi tumitingin sa lalaking munting na nyang mabunggo.

"NAOMI!!!!!"

"AAHHHHHHHHHH!!!"

Napasigaw sya ng marinig ang galit na sigaw ng pinsan. Agad syang hinila ni Rae at tumakbo sila papalayo.

"Nandyan na pinsan mo. Dali Baklaaaaa!"

Takbo lang sila ng takbo hanggang sa makalabas sila ng school campus. Pumara agad si Rae ng taxi para makaalis doon at nang di sila maabutan.

"Hahahaha! Napagod ako dun ah!"

"Nakakatakot pala ang pinsan mo? Buti nakakaakas ka pa sa lagay na yun? Hahahaha!"

"Paraparaan lang yan!"

Hindi nila mapigilang matawa habang nasa byahe papunta sa mall.

Habang nasa byahe ay biglang naalala ni Naomi yung lalaki kanina na muntik na naman nyang mabunggo. Ni itsura neto ay hindi nya rin nakita dahil sa taranta at pagmamadali.

De ja vu???

Para bang nangyari na ang ganung scene. Tsaka lang nagpop sa isipan nya ang nangyari sa tea shop, na may nabunggo din syang lalaki na hindi din nya nakita ang itsura.

Napapadalas ang ganung pangyayari sa kanya. Pati na rin ang kakaibang feeling na kanyang naramdaman nung marinig nya ang boses nito.

Lalaking lalaki. Nakakakilabot!

"Tsk! Nakatakas pa."

Mahinang bulalas ni Jake nang makita nyang kumaripas ng takbo ang dalawa papalayo.

"Bakit mo ba tinatawag ang pinsan mo?" naguguluhang tanong sa kanya ng kaibigan.

"Ihahatid ko sya sa kanila kaya tinatawag ko pero ayun nakatakas."

Sakto namang pumasok ang lalaking muntik nang mabunggo ng pinsan kanina dahil sa pagmamadali.

Kunot noo itong bumungad sa kanila.

"Bro! Ang aga mo para sa kinabukasang klase."

"Tsk! Don't care!"

Maikling sagot neto bago bumaling ng tingin kay Jake. Halatang nagulat naman sya nang makita ang inis nitong tingin.

"Anong ginawa ko sayo? Bakit ganyan ka makatingin sakin?"

"Yung babae kanina kilala mo ba?"

Tumango sya bilang sagot.

"What's wrong with her? Childish brat! Tsk!"

Alam nyang inis ang kaibigan sa pinsan nya dahil sa ginawa neto kanina. Ayaw na ayaw kase neto ng makulit. He hates immature act.

"Blue may pupuntahan pa kami ni Joshua sasama ka ba o mauuna kana sa condo?"

"Lead the way!"

Napangiti naman sila ni Joshua dahil this time sasama na ito sa paglabas nila.

Lagi lang kase itong libro at laptop kapag nasa bahay. Kapag may gig lang yata sila sumasama ito sa paglabas at sa pagbar hoping.

May kanya kanya silang kotseng dala kaya magkikita na lang silang tatlo sa pinakamalapit na mall.

"Ano ba kaseng gagawin natin dito sa mall? Akala ko pa naman sa bar tayo pupunta yun pala dito lang? Ang cheap mo naman bro!"

"Sino ba kaseng may sabi na sa bar tayo pupunta? Ang sabi ko may huhulihin tayong kuting diba?"

"A cat? Fck bro!"

"Oa?! Hindi naman kase literal na pusa."

"Tsk! Quit talking. Just caught that fckng cat will you?"

Walang nagawa ang dalawa dahil galit na ang kanilang Master RK.

Sa ilang minutong paglilibot ay nahanap agad nila ang hinahanap.

"Kelan pa naging kuting ang pinsan mo Parker?" Natatawang tanong ng kaibigan.

"Matagal na."

Nasa isang tea shop ang dalawa at parang may pinagkukwentuhan dahil may paminsan minsan pagtatawanan.

Napansin nyang may tatlong lalaking lumapit sa magkaibigan kaya agad nyang hinila si Joshua para makalapit doon.

Habang si Blue naman ay hindi agad nakagalaw at nakasunod nang makita nya ang mukha ng babaeng lalapitan ng dalawang kaibigan.

"That girl!"

Naramdaman na naman nya yung feeling na para bang kilala nya ito. He wants to go there and pull her then hug her so tight. Pero hindi nya alam kung bakit. Kilala nya ba ito? Sino ba talaga ang babae sa buhay nya noon? Bakit hindi nya ito kilala at matandaan? Bakit ganun na lang ang pagkasabik na nararamdaman nya sa tuwing makikita ito?

Dahil naguguluhan at hindi maintindhana ng sarili ay nagpasya syang umuwi na lang.

Kailangan nyang malaman kung bakit? Bakit namimiss nya ang babaeng iyon?

Nakasimangot na nakaupo si Naomi sa front seat ng kotse ng pinsan. Inis pa rin sya dito dahil bigla bigla na lang itong susulpot at hihilahin sya pauwi.

Si Rae ay inihatid ni Joshua sa bahay nila kaya hindi sya mag aalalang naiwan ito sa shop.

Padabog na lumabas si Naomi sa kotse at pabalyang pumasok sa kabahayan. Tahimik na nakasunod lang sa kanya ang pinsan.

"Baby Naomi sorry na. Alam ko kaseng may kalokohan kana namang gagawin kaya sinundan kita. Sorry na okay? Kung boyfriend lang din naman ang hanap mo ako na ang magrereto sayo."

"Di ko need ng boyfriend okay?!"

Tinalikudan nya ang pinsan at akmang aakyat na sa kwarto ng....

"Libre kita ng ice cream!"

Nakangiti syang bumaling sa pinsan.

"Call!"

Dali dali syang tumakbo at kumawit sa braso ng pinsan.

Basta ice cream happy na sya.

"Ice cream lang pala katapat mo eh."

"Inis pa rin ako sayo no? Mga 5%."

Nginisihan lang sya ng pinsan at muli silang lumabas para pumunta sa isang ice cream parlor.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top