KABANATA 29

Matapos naming mag almusal ay nagbalik muna kami sa rooms namin para magpahinga. Dahil later mag eexplore na kami sa isla.

And that's what I'm waiting for! Yiieee!

"Let's go na beshy. Ang bagal mo talaga," reklamo sakin ni Rae na ready to go na.

"Tsk! Ang sabihin mo excited ka lang talaga kaya ang bilis bilis mong kumilos ngayon. Eto na nga malapit na. Okay done na."

Pagkalabas ko ng cr ay natigilan sya.

"Beshy? Panu magkaroon ng magandang hinaharap?"

"Huh?"

"AHAHAHAHAHA! Gagi ang slow mo talaga kahit kaylan. Dapat ikaw si Turtle eh at hindi ako."

"Cheee! Nagloading lang saglit anuba."

Tinawanan pa ako ng loka.

"Magpadagdag kaya ako ng boobs?"

"Sira ka talaga. Love what God give you!"

"Oo na! Oo na! Nagbibiro lang eh."

"Isa pa di ka naman flat. Medyo lang. AHAHAHAHA!"

"Alam ko wag mo ng ipangalandakan sa mundo. Balang araw lalaki din to kaya wag kang anu dyan."

Natawa naman ako. "Tara na nga!" Kumapit sya sa braso ko tsaka kami lumabas ng hotel.

Naka swim suit ako na kulay blue na tinatali sa may leeg. Then nagsuot muna ako ng maong shot na white. Nakakahiya naman if may nakapanty na agad ako diba? Wishi! Hindi na ako nag abala pang magsuot ng pang itaas kaya naka bra lang ako. Ganun din si Rae. Ang pagkakaiba lang namin is naka black sya at faded maong na shorts. Then flat na slipper.

Pagkalabas na pagkalabas namin ay napapatingin samin ang mga tao. Mygad! Anuba AHAHAHAHA!

"Feeling ko hollywood actress tayo dahil sa mga tingin nilang iyan. WHHHAAAA!" Bulong ni Rae sakin.

Nakita namin ang iba naming mga kaklase na nagkakasayahan na. May naglalaro ng beach ball, may sumasakay sa banana boat at iba ka. Marami ding mga turista na naririto. May ibang foreigners na nagkalat.

"Tingnan mo yung iba nating classmates na kulang na lang ilabas ang lahat lahat dahil sa mga suot nila. Bakit nag damit pa sila kung kita din naman. Mygosh!" Reklamo si Rae na ikinatawa ko.

"Yan ang gusto nila eh kaya hayaan mo na lang. Hanapin na lang natin sina Jake."

"Ayun sila oh sa may cottage." Turo nya.

Mga nakapang beach attire sila. Summer shorts then polo na hindi nakabutones kaya nasisilayan ng lahat ang maganda nilang katawan.

Napatingin ako kay Asul. Sht! I felt my heart beat fast when our eyes met for a second pagkalingon nya sa pwesto namin. Ako ang unang nag iwas ng tingin dahil nakakapanghina ng mga asul nyang mga mata.

Hinila na ako ni Rae palapit sa kanila.

"Heyow there mga boys."

Agad na naningkit ang mata ni Jake pagkakita kay Rae.

"Amp! Yang tingin na yan nakakapang insulto sa totoo lang. Alam kong I don't have a big you know but maganda naman ang body ko. I'm so sizzling hot kaya kahit diko na kailanganin ang malaking anu. Get's mo?"

Dinuro pa nya si Jake na mas lalong nangunot ang noo.

"You know Raepotskie. Wala akong pake kung maliit ang anu mo ang ayaw ko lang sa lahat ay ipinapakita mo yan sa ibang lalaki. Kita mo yan?" ituro pa neto ang ibang mga lalaki sa paligidna kung makatingin sa amin ay akala mo kakainin kami ng buhay. Langhiya!

"They're like a fox who wants to attack there target."

Nagulat kami ng maghubad si Jake sa harap namin. Ayy, No! Sa Rae lang pala dahil sanay na akong makitang nakahubad si Jake kahit noong mga bata pa lang kami. At si Asul?

Oh em gheee! Wag nyo na tanungin. Emeged AHAHAHA!

Si Asul? Nakita ko na din naman but still mga bata pa kami noon. Siguro naman may mga nagbago na lalo't nag gigym silang magkakaibigan.

Nang mapatingin ako kay Rae ay nakanganga na ito.

"Bruha laway mo tumutulo na," bulong ko sa kanya.

"Huh? Meron ba? Wait lang pupunusan ko lang."

Pinunasan neto ang bibig na ani mo'y may saliva talaga na tumulo. Mygad Rae!

"Gagi! Bruha!"

Natawa kami sa pinag gagawa nya.

"Oh suotin mo iyan. Kung ayaw mong mapaaway ako ng maaga."

"Owwwww!"

Sabay sabay naming tukso maliban kay Asul.

Akmang susuotin na sana iyon ni Rae nang bigla syang hilahin ni Asul na ikinataas ng kilay ko.

"Tsk! Let's go!"

"Uy! Uy wait lang. Saan ba tayo? Bakit ka ba nanghihila."

Bago sila makalayong dalawa ay agad na nahawakan ni Jake sa kaliwang braso ang kaibigan ko.

"The fck, RK! At anu sa tingin mo ang ginagawa mo?"

Napatigil si Asul sa paglakad at paghila kay Rae.

He smirked. "And what do you think your doing? Sino ka para magtanong?"

"Woi woi teka lang. Mag aaway ba kayong dalawa?" Joshua asked. "Then kung Oo, sige lang pero huwag dito. At isa pa, hindi si Rae bagay na pinag aagawan. Bitawan nyo na nga."

"No! Sasama sya sakin."

Hindi iyon napaghandaan ni Jake kaya nabitawan nya ang braso ni Rae dahil sa malakas na pag hila ni Asul dito.

Natawa ako ng pagak.

Wow! Para kaming nasa isang korean drama. Pinag aagawan ng Lead Man at ng Second Lead ang bida which is ang kaibigan ko. Ang masakit nga lang isa dun yung taong mahal ko.

Asul don't tell me nagkakagusto ka na sa kaibigan ko? Ang bilis naman yata. Wala na ba talaga tayong pag asa? Bakit kaibigan ko pa? Rae, diba you promise me na you won't fall? You promise me. Sana wag mong baliin yun.

Parang sinaksak ng sampung punyal ang dibdib ko sa nakikita. Ni hindi sya pumalag sa paghila sa kanya ni Asul. And its hurt me more.

Lumapit ako kay Jake na nakamasid lang sa papalayong bulto ng dalawa.

"Bakit di mo pinigilan?" Mahinang tanong ko.

"Ang tanong magpapapigil ba? Nakikita mo naman gusto din nyang sumama kaya hayaan mo na lang," cold na sagot nya.

"Panu naman ako?"

Tumingin sya sakin.

"Tigilan mo na. Alam natin pareho na may nagiiba na sa kanya. Huwag mo nang saktan ang sarili mo Naomi. Huwag ka nang umasa na mangyayari pa ang gusto mo."

Natigilan ako sa kanyang sinabi. Tumalikod na sya at umalis pabalik sa hotel. Muli akong lumingon sa pinagdaanan ng dalawa na nakalayo na ngayon.

Should I?

No! Hindi ako susuko. Hanggat wala akong nakikitang rason para bitiwan sya di ako titigil na umasa. Umasa na magugustuhan nya din ako higit pa sa kaibigan.

Napapitlag ako nang may biglang humawak sa kamay ko.

"Dave."

Tiningnan nya ako sa mga mata.

"Pwede mo ba akong samahan uminom? Parang ang sarap uminom ng soju ngayon."

"No! I won't allow that. Hindi magandang uminom kahit sabihin na nating nasasaktan ka. Mas dadagdagan mo lang yung sakit na nararamdaman mo. Tara may pupuntahan tayo. At alam kong mababawasan yan hindi man mawala atleast mapapalitan ng tuwa."

"Dave? Salamat! Salamat dahil nandyan ka."

"Anytime basta para sayo. Oh tara na?"

Tumango ako saka ngumiti sa kanya.

Ano na lang ang gagawin ko kung walang Dave sa paligid? Kahit na nakakaasar sya at bwesit sya sa buhay sa mga ganitong sitwasyon maasahan din naman sya.

"WOW! Ang ganda naman here," manghang bulalas ko habang nililibot ang tingin sa buong kapaligiran.

Nasa loob kami ng isang kweba. Puno ito ng mga ilaw. At meron ding parang lagoon doon na pwedeng pagliguan. Para syang mini swimming pool at meron ding dumadaloy na tubig mula sa itaas pababa sa lagoon. Napansin kong meron din medyo mainit na water dahil may lumalabas na usok sa tubig neto. Wow! Para syang hot spring. WHHHHAAAA! May bridge din here tas umaagos doon yung water palabas papunta sa dagat.
Ang cool neto.

I looked at him with an amazed reaction all over my face. Sobrang laki ng ngiti ko dahil sa tuwa. Ang ganda kase talaga eh.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito Dabe?"

"Nag research ako syempre." "Eyyyy!"

"Charot lang! Nag tanong tanong ako sa mga kakilala ni Dad and then viola nalaman kong kaibigan ni Dad ang isa sa mga investors ng Del Tiero Corp. So yun. Charan!"

Natawa ako sa kanya.

"Isa pa nga. Ulitin mo nga yun ang cute mo sa parteng iyon Dabe."

"Huh? Ang alin?" Naguguluhang tanong nya sakin.

"Yung charot mo. AHAHAHAHAHA! Ang cute mo sa parteng yun promise. AHAHAHAHAHA!"

"Grabe ka na sakin ah. Ganyan ka na." Nakasimangot na asik nya na mas ikinatawa ko.

"AHAHAHAHAHA! Why ba? Wala naman akong ginagawa diba? Sabi ko pa nga ang cute mo eh."

"Eh bakit may tawa pang kasama. Nakakainsulto ka ah. At isa pa ang meaning ng cute sayo is panget."

"AHAHAHAHAHA! Luh di naman ang nega mo. Isang charot pa nga kase."

"Charot!"

"AHAHAHAHAHAHA! Ang panget mo Dabe. Mukha kang vakla dyan."

"Mas panget ka kaya."

"Di ah maganda ako."

"Saang banda?"

Parang ang sarap manapak ngayon. Pansin nyo? Gusto kong manapak eh.

"Cheee! Ang panget mo."

"Luh! Ikaw kaya ang panget."

"ARGGHHHH! BWCT!"

This time sya naman ang tawa ng tawa. ARGH! Langhiya talaga.

"Pikon Panget. Pikon na nga panget pa."

"Shut up Dabe!"

"AHAHAHAHAHA! Ang sarap mong asarin kase pikon ka. AHAHAHA! From now on panget na ang itatawag ko sayo."

Sumimangot ako saka humalukipkip sa harap nya. "Asar ka!"

"Panget ka!"

"Panira ka ng mood."

"Sorry na. Picturan na lang kita. Dali pose na panget."

"Panget ka dyan. Mas panget ka kaya."

"Oo na lang!"

Imbes na mainis ako lalo ay natawa pa ako sa kanya.

"Sige na nga. Gandahan mo ng kuha ah kung hindi ihuhulog kita dyan sa lagoon na nasa behind mo."

"Tsk! Kahit anong anggulo at pose ang gawin mo maganda ka pa rin," pambobola nya sakin.

"Akala ko panget ang sasabihin mo eh."

"Nakakahiya naman kase sayo. AHAHAHAHAHA!"

"Aba marunong ka palang mahiya. Dalian mo na nga picturan mo na ako. Damihan mo ah tsaka gandahan mo ng shots."

"Maguutos na nga lang demanding pa."

"Dalian mo na wag nang maraming angal."

Nakailang shots din ang nakuha nya. May solo, may magkasama kaming dalawa sa picture.

"Ang cute ko here. WHHHHAAAA! Papasa ako ah. Myday ko lang later."

"Copy that panget."

Aangal pa sana ako pero wag na lang happy ako eh.

Naka pout ako sa picture samantalang sya naman ay naka simangot na nakatingin sakin. Sa isang kuha naman is naka smile ako at naka peace sign ang kaliwang kamay, sya naman ay naka smile din saka naka peace sign din sa kanang kamay naman. Then medyo magkadikit ang aming head kaya mukha kaming twins. Uwu ang cute lang.

Pagtapos ng ilang minuto ng pananatili roon ay napagpasyahan naming bumalik na. Tanghali na rin kaya mag lalunch muna kami.

"Hoy! Kayong dalawa saan kayo nagpunta? Di nyo manlang ako isinama. Nakakabagot kaya mag isa," reklamo ni Joshua.

"Mag isa? Asan si Jake?" Takang tanong ko.

"Ewan! Siguro nagpapalamig ng init ng ulo."

"Ulo saan?"

Sinapak ko naman si Dave dahil sa tanong nya.

"Ayan ka na naman ah."

"Fine! Sorry na! Hayaan mo muna yung pinsan mong yun. Parang di mo naman kilalaya yun maya maya lang din okay na sila ni RK."

"Pero its different case na."

"Alam mo panget. Mas matindi pa ang pinag awayan nila noon sa Korea kung alam mo lang. Pero look at them now, mas tumatag pa ang pagkakaibigan nila."

"Hope so."

Sana nga ganun lang yun. Sana nga!

"Tara na nga. Nagugutomna ako eh."

"Sa Restau daw tayo sabi ni Prof. Jane."

Pagdating namin sa Restau na sinasabi ni Joshua ay naabutan namin sina Rae at Asul doon at maging si Jake ay nandoon na din at nakikipag kwentuhan kay Asul.

"Told you! Let's go."

Hinila nya ako sa braso palapit sa table nina Jake na sakto lang para sa aming anim.

"Bakit ngayon lang kayo?" Sugid agad ng pinsan ko.

"May ipinakita lang ako sa pinsan mo ganyan agad ang tingin mo sakin. Para mo na kong isasalvage ng maaga ah."

"Tsk! Mabuti na yung nagkakaunawaan tayo."

"Oo na po Manong Jake!"

"Tsk!"

At sakto lang ang dating namin dahil dumating na din ang foods.

"WHHHHAAAA! My fave!" masayang ani Rae.

Yeah! Its her favorite. Sa aming dalawa sya ang may favorite ng seafoods pero kumakain din naman ako. But I hate shrimp coz I'm allergic to it.

Jake put more foods on Rae's plate.

"Ubusin mo yan ah ng magkalaman ka naman."

"Aywow! Napaka anu mo. Concern ka ba o nangaasar ka? Konte na lang iisipin ko nang may crush ka sakin eh."

I cough! Muntik nako mabulunan doon kaya agad akong aabutan sana ni Asul ng tubig pero naunahan sya ni Dave.

"Thanks!" Bulong ko.

Tumingin ako kay Asul na naghihiwa na ng yung octupos na nilagyan ng harina. Kalamaris ba yun? Oum yata eh. Basta yuon na yun.

"Tsk! Dami mong alam."

"Naman! Smart ako eh."

"Akala ko globe eh."

"Cheee!"

"Kumain ka na ngalang Raepots."

Patuloy na asaran pa rin ng dalawa.

"Ohh tikman mo to panget. Masarap ito!" Nilagyan nya ako ng hipon sa aking plate. Aangal na sana ako at sasabihin sa kanyang allergic ako doon nang tanggalin iyon ni Asul at pinalitan ng hinihiwa nyang kalamaris at laman ng crab.

"RK?"

"Tsk! Moron! Gusto mo bang mahirapan syang huminga. She's allegic in shrimp."

Napanganga sya sa nalaman. He looked at me.

"Sorry! I-I didn't mean to. H-Hindi ko alam. Sorry panget."

Pinat ko sya sa balikat.

"Noh kaba wag ka ngang humingi ng sorry diko pa naman nakakain eh. At isa pa tatanggihan ko naman talaga at sasabihin sayo na allergic ako dyan but naunahan ako ni Asul. I know naman na gusto mo lang talagang ipatikim sakin iyon kaya okay lang." Ngumiti ako sa kanya para mawala ang guilty nya sa nangyari.

"Next time mag iingat nako. Sabihin mo kase sakin lahat ng bawal at pwede sayo eh para sa susunod di na ako masabihan ng MORON."

He said. He even emphasize the word 'MORON' na sinabi ni Asul sa kanya.

"Oh kayo na naman bang dalawa ang mag aaway ngayon? Luh! Wag dito ang sarap ng foods eh wag nyong ganyanin ang grasya sa harapan nyo." Ani Joshua.

"Tsk! Eat!" Ani Asul sa akin.

Tumango na lang ako tsaka kumain na din.

"Huwag mo ng patulan," bulong ko sa aking katabi na si Dave.

"Bwesit eh! Konte na lang papatulan ko na talaga yan kahit kaibigan ko pa."

"Stop na! Kumain ka na lang."

"Sabi mo eh!"

Pagtapos naming kumain nagpahinga lang kami saglit saka kami sama samang namasyal sa buong isla.

At isa ang napansin ko, ang pagiging madistansya ni Rae kay Asul. Palagi itong nakadikit kay Jake kaya di magawang lumapit ni Asul.

Ano kayang nangyari nung umalis silang magkasama? Nakucurious tuloy ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top