KABANATA 27

🍁I dedicate this chapter to chrystalgem🍁
My kyut na pamangkd sa rp Thank you for supporting me and my stories.
Goodluck din sayo at sa story mo.
More power✊💪😘

••••

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Masaya akong natulog kagabi kaya masaya din akong nagising ngayon. Naligo muna ako bago bumaba para fresh na fresh. Ayoko namang magmukhang basahan sa paningin nila noh. Duh! Nandyan kaya si Asul. Nakakahiya naman kung mukha akong bagong gising.

Nakangiti akong bumaba at naabutan ko yung apat sa salas. Nandun din si Mom at Dad.

"Good morning Mom, Dad!" Bati ko sa parents ko sabay kiss sa cheeks nila.

"Morning pinsan, Josh at panget. Good morning Asul." Bati ko dun sa apat. Binati din nila ako pabalik maliban kay Dave na nakasimangot. Diko na lang pinansin at tumingin kay Asul saka sya nginitian ng matamis. He smiled back. Yiiieeeee!

"Good morning baby. Maganda yata gising mo ahh," nakangiting tanong ni Mom. Kumindat ako sa kanya.

"Syempre naman Mom. Dapat goodvibes lang every morning."

"That's great baby."

"Halina kayo sa dining area para makakain na ng umagahan," Dad said.

Nauna sila ni Mom sa kusina saka kami sumunod na lima.

Napansin kong wala sa mood si Dave kaya nilapitan ko sya.

"Hoy! Ano namang mukha iyan? Kaya lalo kang pumapanget eh," asar ko sa kanya.

Pero dinedma lang ang beauty ko ng mokong. Nauna itong naglakad papasok sa kitchen kung nasan ang aming dining area.

Lumapit ako kay Jake.

"Anong nangyari sa kaibigan mo? Di ako pinansin eh. Ano may dalaw ba sya? Moodswing ganurn?"

Jake laughed. "Hayaan mo na lang yung mokong na yun. Nagpapasuyo lang yan. Tinawag mo kaseng panget eh kaaga aga."

"Ayyy ganun? Hindi ako nanunuyo kaya sorry na lang sya."

Pagtataray ko. "Ang taray mo talaga." "Naman. Kailangan yan noh." Ngumisi na lang sya saka umiling.

Matapos naming kumain ay nagpaalam na din sila. Kaya pag alis nila ay ang boring na naman ng life. Si Rae naman ay may lakad together with her family. At dahil sunday ngayon nagpasya akong yayain sina mom at dad na pumunta sa church.

Dumating ang hapon hanggang sa gumabi. Maaga akong natulog para maaga din akong mawake bukas dahil may pasok na naman.

Kinabukasan si Daddy ang naghatid sakin sa school dahil umuwi sa province ang family driver namin.

Nakangiting pumasok ako sa room. Naabutan kong tulala si Rae kaya hindi nya ako napansin.

"HEY BRUHA! GISING NAAAA!"

"Ay palakang nadapa."

"AHAHAHAHAHAHA! WHAHAHAHAHA! Ano? Palakang nadapa? AHAHAHAHA!"

"Bakla naman ehh. Nanggugulat kase eh."

"Tulala ka po kase. Di mo nga ako napansin na nandito na. Ano ba kaseng iniisip mo? Sobrang lalim naman yata nyan at di ka makaahon."

"Sorry na! May iniisip lang kase ako eh."

Umupo ako sa aking upuan.

"Ano naman daw yang iniisip mo? Share share naman dyan."

"Nalimutan ko na nga. Iniisip ko kung totoo ba sya o napanaginipan ko lang. Pero bakit parang real. Saka bakit sya pa?"

Naguluhan naman ako sa pinagsasabi ni Rae.

"Huh? Sinong sya?"

"Ahh ehh wala. Hehe wala lang to baka nanaginip lang ako. AHAHAHAHA!"

Sagot nya. And I know yung tawa nya is fake one. Alam kong ayaw nya lang sabihin sakin kaya hinayaan ko na lang.

Maya maya pa'y nagsidatingan na din ang iba naming classmates kasama doon si Jake at Josh. Wala yung dalawa. Asan kaya yun?

"Morning pinsan. Morning Raepots," bati ni Jake samin ni Rae. Nagwave lang ako. Natawa naman ako sa cs ni Jake sa kaibigan ko. Nakasimangot naman si Rae ng tingnan ko sya.

"Cheee! Keaga aga eh nang aasar ka na naman," pagsusungit neto.

"Sus! Namiss kita."

"Ay shuta-"

Mas lalo akong natawa dahil muntik ng malaglag si Rae sa pagkakaupo dahil sa sinabi ng pinsan ko.

"AHAHAHAHAHAHAHA! Joke lang!" dugtong pa ni Jake na ikinasimangot ni Rae.

"Tawa tawa ka dyan. Alis na nga bwesit ka."

"Sunget!"

"Cheee!"

Tumatawang pumunta sina Jake sa kanilang seats.

"Ayyyyiiieee! Naol," panunukso ko sa kanya nang makaalis ang dalawa.

"Beshy ahh wag ganyan. Kinikilig ako AAAAHHHHH! Kahit bwesit sya kinikilig talaga ako sa namiss kita. WWHHHAAAAA!" kilig na aniya na tama lang para kaming dalawa lang ang magkarinigan.

Ohhh! China oil diba? AHAHAHAHA! Nga pala hindi ko pa nasasabi sa kanyang okay na kami ni Asul.

"Nga pala beshy may sasabihin ako sayo. Emegedddd!"

"Ano yun? Ano yun? Dali tell me na. Make kwento na anong nangyari pagkaalis ko. Daliiii excited nako malaman."

Hinawakan nya ako sa dalawang braso at niyugyog nya.

"Ahhh besh wait lang nahihilo ako sa ginagawa mo. Mygad!"

"Hehehe! Sorry excited lang ako anuba."

"So, ganito nga yu-"

"Good morning world! Good morning everyone! Good morning Boss panget!"

Ani Dave na kararating lang kasama si Asul. Pagkatapat sa pwesto ko ay tumingin ito sakin at kumindat. Langyang mokong.

Siniko ako ni Rae. Tumingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo. Tumaas baba ang kilay nya habang nakangisi pa.

"Nang aasar lang yan. Noh kaba?" bulong ko.

"Good morning Rae at Nami!" Nakangiting bati ni Asul.

"Morning Blue!"

"Good morning Asul! Hehe."

"Ayy may good morning si RK tapos ako wala? Ang unfair samantalang ako ang unang bumati sa kanya. Ang unfair talaga. Sobra! Grabe talaga."

Pagpaparinig ni Dave na ikinairap ko.

Kinapitan ni Asul si Dave sa kwelyo neto saka hinila patungo sa seat nila.

"Tama na nga yan. Nagdadrama ka na naman eh. Para kang bata."

"Ang UNFAIR talaga. Sobrang UNFAIR mo earth," tuloy pa neto.

Inimpasize pa yung word na UNFAIR at dinamay pa si mother earth. Grabe talaga!

"Woi besh anong meron. Ahh wait did I heared it right diba? He call you Nami. So, okay na ba kayo? Yiiieee tell me okay na ba?"

Tumango ako sabay ngiti ng malawak.

"WWWHHHHHAAAA! Jinjja? When pa? Kwento naman dyan."

At iyon nga ikwenento ko sa kanya kung panu kami nagka ayos ni Asul. Pati na rin bakit Boss ang tawag sakin ni Dave na trip nya lang. Pero bwesit talaga ako sa "panget" eh.

"AAAAHHHHHHHHH! Beshy kinikilig ako WWHHHAAAAA mygad. So kahit di na natin ituloy yung plano diba? Kase okay naman na kayong dalawa."

Tumango ako bilang sagot. "Oum! Salamat nga pala sayo beshy."

"Don't mention it. Wala naman akong ginawa ikaw kaya ang nag effort lahat ng yun. Yung pagluluto mo at kung anu anu pa. Siguro natauhan sya nung natikman nya yung foods na binibigay ko sa kanya na ikaw naman talagaang nagluto nun."

Nagkibit balikat na lang ako saka ngumiti sa kanya. Ilang tukso pa ang natanggap ko sa kanya bago sya tumigil.

Dumating na ang aming prof. para sa unang subject sa umaga.

"Good morning class. So ngayon wala munang class dahil may announcement ako sa inyong lahat. Tomorrow we will having a summer camp trip sa isang island. Sikat na island ito kaya gusto namin na magkaroon kayo ng bonding together. Kung noon sa bundok tayo nag camp ngayon sa isla naman. At isa pa minsan lang ito mangyari sa isang taon, right? So, grab the oppurtunity na makasama kayong lahat."

Samu't saring reaction ang namutawi sa buong klase namin. Excited kaming lahat dahil sa narinig.

"Oh my gosh besh! Island daw ohh. Diba matagal na nating hinihiling na sana magkaroon ng trip sa isla. Tapos ngayon nagkakulay na. WWHHHHAAAA!"

"Oo nga eh. Island means......"

"Makakapag suot tayo ng swim suit at madaming hot guyssssss. KYAAAHHHHH!"

Sabay na sabi at tili namin ni Rae dahil sa isiping pupunta kami sa isla at makakapag suot na din kami ng swim suit. Oh my gad! Maipapakita ko na ang alindog ko. KYYYAAAHHH! At saka madaming tourist dun so it means madaming hot guys lalo na at papalapit na ang summer.

"Baka dahil dyan mainlove sayo si Blue kapag nakita ka nyang naka swim suit. KYYYAAHHHH!"

Hinampas ko sya ng mahina sa braso. Gagi talaga.

"Noh kaba. Kung anu anung pinagsasabi mo dyan."

"Totoo naman kase. Ayyiiieee kilig yun."

"Cheee!"

Tinawanan lang ako neto.

Naiisip ko din yun pero kase nandyan ang pinsan ko baka di ako payagan na magsuot nun napaka over protective pa naman nyan. Pero wala pa ring makakapigil sakin. Awwwiiiieeee! AHAHAHAHAHA!

"So, maaga kayong pauuwian later para makapag paalam sa parents nyo at para makapag impake na din kayo ng dapat nyong dalhin. Don't worry sagot ng university lahat ng expenses. Pero syempre magdala din kayo ng allowance nyo baka may gusto kayong bilhin. Souvenir kumbaga. 5:30 ang alis ng bus na sasakyan natin kaya dapat 5 lampas eh nandito na kayo sa campus. Maliwanag ba?"

"Yes prof!" Sagot namin lahat.

"Kahit sobrang aga gigising pa rin ako dahil may rason na ako kung bakit ako bumabangon."

Natawa kami sa sinabing iyon ni Margaux. Kahit si prof Jane eh natawa rin. Akala ko gagayahin nya yung nasa commercial na nescafe eh. AHAHAHAHA!

"Prof. Jane matanong ko lang po ilang days po kami mag istay doon?"

Tanong ni Aki, isa sa mga officers ng department namin.

"Oh buti natanong mo yan. Its a good news class. 3 days and a half tayong malalagi sa isla. Madami namang water sports doon kaya sulit ang 3 days/nights nyo. Dahil pagdating ng friday na afternoon babalik na tayo dito then start na ng summer vacation nyo. But syempre kailangan nyo din mag review ng last topics nyo every subjects dahil pagbalik nyo exam na."

"Whhhhhaaaaaa! Ganun prof? Ang daya naman."

"Oo nga prof. ang daya dapat mga two days muna ang palipasin bago simuoan ang exam."

Reklamo ng iba naming kaklase.

"Grabe kayo class. Two weeks na nga ang vacation nyo nagrereklamo pa kayo sa exam. Hala sige aalis muna ako. Mag usap usap na muna kayo riyan."

"Bye prof."

Paglabas ng prof namin ay nagkanya kanya na sila ng kwentuhan. Ingay dito, ingay doon. Kwento dito, kwento doon.

Lumapit naman samin ni Rae yung apat na boys. Nagkanya kanya sila ng hila ng mauupuan. Nagulat ako ng tumabi sakin si Asul na dapat si Dave iyon kaso naunahan sya. Kaya sa tabi na lang sya ni Jake umupo. Kilig na kilig naman ang bruha dahil nasa gilid nya si Jake.

"So, anong pagmimeetingan natin ngayon?" Natatawang saad ni Joshua.

"Kahit kaylan talaga panira yang mga banat mong bulok eh," Jake said.

"Asus! Porket kayong dalawa ni RK may babae ganyan ka na magsalita ah. Kami na lang si pareng Dabe (as in Da-be talaga ang basa) and magkapartner. Diba Dabe?"

Kumapit pa si Josh sa braso ni Dave na parang ahas na nakalingkis sa kanya.

"Yak! Yak! Yak! Lumayo ka nga saking hayop ka. Kadiri ka ah."

"Ang arte mo po. Kung maka yak ka ah may ambag ka ba sa lipunan? Ha?"

"Meron! Kagwapuhan ko. Eh ikaw may ambag ka ba?"

"Kapalmuks ka talaga."

Nag ambang uupakan ni Dave si Joshua kaya lumayo na ito sa kanya na tumatawa.

"Naomi magpapahatid kaba sa driver nyo bukas?" my cousin asked me. At naalala kong wala palakaming driver ngayon dahil nasa probinsya nila.

"Wala si Mang Karding eh, yung driver ni Dad. Nasa province nila. Si Dad naman hindi makakapaghatid yun sakin dahil paniguradong tulog pa yun. 2 kase ng madaling arawang uwi nya kaya ayaw ko namang gisingin pa sya," paliwanag ko.

"Sunduin na lang kita," suhestyon ng pinsan ko.

"Hmm! Sige mabuti pa nga."

Tumango sya. "Ikaw Raepotskie?"

"Ano? Tatanunginmo ba ako kung magpapasundo din ako sayo? Luh kahiya naman wag na."

"Luh! Feelingera ka AHAHAHAHA."

"Aist bwesit ka. Umasa ako noh."

"Joke lang!"

"Joke lang lang din na medyo half meant chos! Magpapahatid na lang ako sa pinsan ko kay kuya Ran."

"Okay! Nga pala isla ito ah madaming isdang nagkalat sa dagat na handang mangagat kaya mag iingat kayo. Bawal ang swim suit!"

Nagkatinginan kami ni Rae. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Alam ko kung anong tumatakbo sa isip mo Naomi. Basta dagat swim suit agad."

Napakamot ako sa ulo.

"Grabe pinsan ang anu mo. Hindi naman kami magsusuot ng masyadong revealing eh."

"Tsk! Bahala kayo. Basta umiwas sa isdang nangangagat ah."

Tumango naman kami ni Rae saka ngumisi sa isa't isa na para bang may iniisip na kademonyohan. WHAHAHAHAHA!

"Pareng Jake ano yung isdang nangangagat?" inosenteng tanong ni Dave.

"Gago edi ikaw."

Imbes na si Jake ang sumagot si Joshua na ang nauna.

"Huh? Kelan pa ako naging isda?"

"Kapag nakakakita ng mga chixs na nagkalat sa tabing dagat. AHAHAHAHAHA!"

"Medyo nag loading ako dun. Siraulo mo bro. Wag mokong siraan ah."

Nagtawanan silang apat. Ako na loading pa rin until now. Ano bang isdang nangangagat? Si Dave? Isda ba si Dave? AHHHH! Wait a minute.....

WWHHHHHAAAAAAAA! Walanghiya talaga. Bakit ba ang slow ko masyado. Ganito kase yun kapag nakakakita si Dave ng mga chixs na nagkalat sa seashore ayun nagiging isda sya na handang mangagat anytime anywhere. Mga bwesit na lalaki na to. Wala silang matinong ambag sa lipunan.

"Ano Boss panget loading ka pa din? Wag mo ng isipin kung ano yun di yun totoo. Gusto lang nioang siraan ako sayo."

"Siraan sa akin? At bakit naman aber?"

"Malay ko, Malay mo, Malaysia!" nagboses bakla pa ito habang binabanggit ang mga katagang iyon.

"Bwiset!"

••••••

A/N: Hey hey hey wazup Purples! How's your day?

Sandaling puputulin ko po muna. Dont worry may update din naman kinabukasan. Itatry ko pong magupdated everyday ehehehe! Alam ko kaseng naghihintay kayo eh.😊😊😊

Crdts sa rp name ng pamangkin kong kyut sa rpw. (Margaux) Hehehe! Supporter ko po yan.😊😘

Hope y'll enjoy reading this chapter! Abang abang lang!😆😁

#SayoPaRinBabalik
#Ms.Daydreamer
#heyitsmejesika
#Purples💜
xoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top