KABANATA 25

Blue's P.O.V

Tahimik lang kami ni Rae buong byahe. Ni walang nagsasalita saming dalawa. Ako naman'y gusto syang kausapin pero natatameme ako at walang lumalabas na salita mula sa bibig ko. Ganito pala ang feeling kapag kinakabahan ka. Ngayon ko na lang ulit kase ito naramdaman mula noong nangyari iyon. At masasabi kong nalilimutan ko na lahat ng nangyare noon.

"Kamusta kayo ni beshy Naomi?" pagbasag nya sa katahimikang bumabalot samin.

"Ayos lang. Bumabalik na yung dating closeness na meron kami noon. Ahh no, hindi bumalik gumagawa pa lang ng panibago. Ayaw ko ng ibalik yung noon, mas ganda kong sisimulan na lang ulit sa ganito."

Tumango tango sya.

"Mabuti yan. Alam mo sinasabi ko sayo sayang yung friendship nyo noon. If hindi man nga maibalik yung dati magsimula na lang ng panibago diba?"

"Tama ka!"

Ngumiti sya. I felt my heart beat fast. Ang nakikita ko lang ngayon is yung ngiti nya. Yung magaganda at totoong ngiti na ipinapakita nya. Fck! What's happening to me?

"Sa unahan ka tumingin baka mabangga tayo."

Napakamot ako sa batok.

"Sorry! Naiilang ka ba sakin?"

Lumingon sya sakin saglit at muling tumingin sa labas.

"Huh? Hindi naman bakit?" sagot nya.

"Mabuti naman akala ko kase naiilang ka sakin."

"Hehehe. Hindi anu ka ba? Saka anu ayusin mo pag dadrive mo baka mabangga tayo."

"Okay lang atleast magkasama tayo." Bulong ko sa aking sarili.

"Huh? May sinasabi ka ba?"

Umiling ako.

"Akala ko kase meron. Parang may narinig ako eh. Ahh sisguro guniguni ko lang iyon. Sige magdrive ka na lang. Idlip lang ako. Pakigising na lang kapag malapit na tayo."

"Sige sige."

Umupo sya ng maayos para umidlip.

Habang nagdadrive ako ay diko mapigilang tumingin sa kanya.

The heck Blue! Ano bang iniisip mo?

Kaibigan yan ng babaeng minsan ng naging mahalaga sayo. Ang gago mo self don't tell me nahuhulog ka na?

I know na Naomi has feelings for me. Ilang beses na nya iyong sinabi at ipinakita. Pero pagtataboy ko lang ang naisukli ko sa kanya. Pagsusungit at kawalang pakealam lang ang palagi kong ipinapakita. Dahil iyon lang ang pwede kong gawin para iwasan nya ako at para mawala na ang feelings nya sakin. And I know she's in the middle of moving on right now at hindi magandang sabihin na gusto ko ang kaibigan nya. Mas lalo ko syang masasaktan at baka pati pagkakaibigan nila ay masira because of this fckng feelings.

Everytime na inaasar ko si Rae ay ang asaran namin noon ni Naomi ang nakikita ko. Sa tuwing tumatawa sya ay ang mga masasayang araw namin ni Naomi ang naaalala ko. Kapag naiinis sya sakin ay ang naka busangot na mukha ni Naomi ang nakikita ko.

But this time iba na si Rae na ang nakikita ko.

Sisguro namimiss ko lang si Naomi, ang Nami ko kaya sya ang nakikita ko kay Rae. Should I renew our friendship? Pwede naman magsimulang muli diba? Parang noong unang beses na nakita ko sya. Oo, simula bukas aayusin ko na ang pagkakaibigan namin ni Nami at simula bukas din ay ipapakita ko na kung anong tunay kong feelings kay Rae.

Turtle from now on you can't escaped me. I will pursue you by hook or by crook. You can't say no to Johnwayne Blue Greyson.

Pagkarating namin sa tapat ng bahay nila ay hindi ko muna agad sya ginising. Lumapit ako sa kanya at tinanggal ko ang kanyang seatbelt. Saglit ko pa syang pinagmasdan at hinawi ang iilang hibla ng kanyang buhok na tumatabing sa kanyang maamong mukha.

Napangisi ako.

Akalain mong napaka amo ng kanyang mukha kapag tulog.

May sariling utak ang aking katawan at ginawa ang gusto netong gawin.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa kanyang noo. Hindi ko na sya ginising pa dahil nakapa himbing ng kanyang tulog. Lumabas ako at pumuta sa kabila para buhatin sya papasok sa loob ng bahay. Nag doorbell muna ako at pinagbuksan naman ako ng mga kasambahay.

"Ohh. Anong nangyari sa alaga ko iho?"

"Nakatulog lang po sya. Hindi kona po gising dahil ang himbing ng tulog nya."

"Ay ganun ba iho. Halika pasok ka. Pakipasok na lang sya sa kanyang kwarto. Yellowgreen na pinto sa bandang kaliwa."

Tumango ako.

"Sige po!"

Umakyat na ako sa itaas. Agad ko namang nakita ang kwarto nya. Binuksan ko iyon at inihiga sya sa kanyang kama at saka kinumutan. Saglit kong nilibot ang buong silid. Napaka aliwalas. Isang picture frame ang pumukaw ng atensyon ko. Nilapitan ko iyon at kinuha.
  
Its a picture of her and Nami. Siguro first year sila ng kinuha ang picture nato. Napatingin ako sa naka ngiting si Naomi. I haven't seen her with that simple but pure and genuine smile again. Yung ngiting kapag nasilayan mo mapapangiti na din dahil nakakahawa sya. Simula kase noong bumalik ako laging lungkot at sakit na lang ang dinudulot ko sa kanya. Kung ngingiti man sya ay palaging ngisi o di kaya'y pilit na ngiti ang ibinibigay nya.

I know its my fault kaya simula bukas itatama ko na lahat ng nagawa kong masama.

Ibinalik ko ang frame sa ibabaw ng table saka pumunta sa katabi ni Rae para buksan ang lamp shade na nasa beside table neto.

"Good night Turtle. Sweet dreams!"

Bago ako lumabas ng kwarto ay pinatay ko muna ang ilaw saka sinara ang pinto.

Pagbaba ko ay nag paalam na ako saka sumakay na sa kotse papunta sa condo.

Hindi din naman ako nagtagal doon dahil kumuha lamang ako ng damit naming pampalit. At muli na akong nagbyahe pabalik sa bahay ni Naomi.

Ilang minuto pa ay nakarating na agad ako. Ipinarada ko muna ang sasakyan at bumaba na dala ang mga pinapakuha nila.

Nakarinig ako ng tawanan sa may pool area kaya doon ako nag diretso. I thought nandito silang lahat but I was wrong. Si Jake lang at si Josh lang ang nandirito.

"Hey!"

"Oyyy RK! Nandyan kana pala? Sali ka samin mag swimming? Ang sarap sa pakiramdam at katawan ng malamig na tubig. Try mo!" Joshua said.

"No, thanks. Ayokong mabasa."

"Yak dude. Ayaw mong mabasa? Ano ka goat takot sa water?" ani Jake.

"Gago!"

Nagtawanan naman silang dalawa. Mga sira ulo talaga.

"Kamusta si Rae? Anu inuwi mo ba sya ng safe? Walang labis, walang kulang?" Seryosong tanong ulit ni Jake sakin na nagpakunot ng noo ko.

"Inuwi ko sya ng safe sa kanila."

Sagot ko na lamang at hindi na lang inintindi kung anong gusto nyang iparating sakin.

"Good!"

"Hindi ka ba talaga mag suswimming RK? Sayang naman kung itatago mo lang yang mala adonis mong katawan. AHAHAHAHA!"

"Hoy Josh bakla ka ba? Pinagnanasaan mo ba ako?"

"Ay ang kapal ng face mo bro. Kadiri ka ah mas gwapo pa kaya ako sayo saka hindi ako bakla gago."

Natawa kaming tatlo. Its our way of making asaran.

"I'm not gago, I'm gwapo." Asik ko.

"Dalhin ko na sa loob mga pinapakuha nyong damit. Gusto ko ng umupo dahil I'm tired," I said.

"Ghe lang RK."

"Nga pala asan yung dalawa?" Tanong ko.

"Siguro nasa loob nag lalandian na. I mean nilalandi na ni Dave si Naomi. AHAHAHAHA!" sagot ni Joshua na ikinataas ng kilay ko.

"Siraulo. Pati pinsan ko pinagtitripan mo."

"Pareng Jake di mo ba pansin? AHAHAHAHA! Yung sinabi ni Dave kanina nung lunch its not a dare wala akong pinapagawang ganun sa kanya. Dinamay nya lang ako."

"Bakit di ka umangal?"

Nagkibit balikat lang si Joshua sa tanong ni Jake.

"Kayong dalawa ah kapag talaga nalaman ko na pinagtitripan nyo ang pinsan ko mayayari kayo sakin. Wag si Naomi sinasabi ko sa inyo," seryosong banta ni Jake.

Hinayaan ko na silang dalawa doon at pumasok na ako sa loob ng bahay. Pagpasok ko wala akong naabutan doon ni kahit anino ng dalawa.

"Where did they fckng go?"

Bulalas ko. Asan ba kase sila? Inilapag ko sa sofa ang aking dala saka aakyat na sana sa taas ng may marinig akong nagtatawanan mula sa kusina. Naningkit ang mga mata ko at wala sa sariling tumungo roon.

"Gagi wag ka ngang makulit dyan. Gusto mo itapon ko sayo tong ice cream na ginagawa ko?"

"Sige itapon mo sakin. Tapos ako yung kakainin mo kase napunta sakin lahat ng ice cream na ginawa mo."

"Yak! No way! I will never eat you noh. Baka kung ano pang lason meron dyan sa katawan mo edi namatay ako."

"Ahh! Babae kung hindi mo naitatanong masarap ako. Matamis pa kase matamis yung ice cream. Mamamatay ka sa sarap."

"Hoy panget na mokong dinudumihan mo utak ko."

"Hoy panget na babae anong utak meron ka ah. Grabe pakilinisan yan."

"Kasalanan mo yan. Tumahimik ka na nga lang. Wag ka ng mag salita tatamaan ka sakin."

"Kung yang labi mo ang tatama sakin sige mag iingay pa ako."

"Siraulo ka! Isusumbong kita sa pinsan ko. Saka sa parents ko hinaharash moko."

"Anong harash ka dyan. Tumatawa ka pa nga eh."

"Ang panget mo kase. Kakatwa itsura mo."

"Walang preno yang bibig mo noh? Isa pang panget patatahimikin ko yan."

"Ikaw ang manahimik dyan may ginagawa ako."

"Sige! Tatahimik na ako dahil may gagawin tayo."

"AAAAHHHHH! Dave shut up!"

Sinilip ko kung anu ang nangyayari sa loob mula sa kinatatayuan ko. And I saw them laughing and smiling like there's no tomorrow because of their damn topic. T*ngna! Kung hindi lang ako open minded iba na ang maiisip ko dahil sa pinag uusapan nila. But in the other way parang ganun na nga.

They didn't bother na baka may ibang makarinig sa kanilang dalawa. Para bang may sarili silang mundo na tanging silang dalawa lang ang nagkakaintindihan.

Fck this!

If I know lang na ganito pala ang maaabutan ko here hindi ko na lang sinunod ang curiousity ko. Damn! Damn you bro. Damn you Easton!

Naomi's P.O.V

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ay biglang may nag patay at bukas ng ilaw here sa kitchen.

"AHHHH! Not now please. If sino ka mang dalipandas na walang magawa sa buhay nya sinasabi ko sayo malilintikan ka sakin. Lumabas ka sa lunggang pinagtataguan mo."

Wangya! Ayoko ng takutan bwct. Gabi ngayon baka di si me makasleep later.

Pero walang lumalabas na kung sino man ang gustong manakot sakin. WHHHAAA! Multo ba talaga ang gumagawa nyan? Why naman now lang? Ang tagal ko ng nakatira dito ngayon lang sya nagparamdam? AHHHH!

"Woooooo! Awoooooo! Hoooooo! Awoooooo!"

Pananakot neto. Yung parang sa horror movie nga kapag may nagpapakitang multo. Yung sound dun. Shta! I can't take it anymore. Kumuha ako ng sandok saka dahan dahang lumapit sa pinto ng kusina.

"Yah! You make labas na. Don't ever make me takot again kundi masasapak kita ng hawak ko."

Muling nagpatay sindi ang ilaw na ikinakaba ko.

"WHHHAAAA! BULAGAAAAAA!"

"AAAHHHHHH! WALANG HIYA KANG HAYUF KA! PAPATAYIN KITAAAAA! AAAAAHHHHH!"

Nagsisigaw ako sa gulat dahil sa biglang may humawak sa balikat ko at ginulat ako.

"WALANGHIYA KANG BWESIT KA. GUSTO MO BANG PATAYIN AKO HA? LANGHIYA KAAAAAAA!"

Pinaghahampas ko sya gamit ang sandok na hawak ko at sinabayan ko pa ng kabila kong kamay.

"Araaaayyy! Aray! Aray tama na Naomi. Masaket naaa. OUCH! ARAY! STOP!"

Napatigil ako sa ginagawang paghampas ng mapagkung sino ang nananakot sakin.

"DAVE?"

"Hehehehe! Hi?"

Naikuyom ko ang aking dalawang kamay dahil sa inis.

"AAAHHHHH! Nakakainis kang mokong ka. You scared the hell out of me. You wanna die early?"

"Sorry na! Gusto lang kitang asarin. I didn't know na matatakutin ka pala. Ang tapang tapang mo tapos sa ganito ang bilis mong matakot?"

"Eh pake mo ba? Lumayas ka nga dyan at baka magka World War III pa dahil sa inis ko sayo."

"Sorry na nga kase. Diko na uulitin. Sorry na! Don't make galit na to me. Fleeecceee!"

Hinawakan nya ako sa magkabilang braso saka hinarap sa kanya at nag pa pretty eyes sabay pout pa.

AAAHHHH! So gay!

"Sige na please. Sorry na!"

Unulit nya pang muli ang pag pout sa harap ko.

"Stop! Just stop!"

"Sorry naaaaaa!"

"Oo na! Oo na. Basta don't make ulit na yun ahh. You scared me. I hate ghost especially the ghosters."

Natawa sya sa sinabi ko.

"Opo! Diko na uulitin. Sorry ulit."

Pinisil nya ang magkabila kong pisnge. Sinapak ko ang kamay nya saka sinamaan sya ng tingin.

"Anubaaa!"

"Ang cute mo kase."

"Puppy lang ang cute and I'm not a puppy so, I'm maganda."

"Oo na lang!"

Sinamaan ko sya ng tingin at tinawanan lang ako ng bwesit. Bumalik ako sa aking ginagawa. Pagkatapos maluto ng sinabawang hipon ay gumawa ako ng homemade ice cream. Mango graham ang flavor. Habang gumagawa ako sya namang pagkaingay at kulit ng kasama ko.

"Alam mo ba yung movie na Fifthy Shades of Grey? May scene dun na gumamit sila ng ice cream eh."

Mygad! Ano bang bibig meron ang isang ito? Shocks! Naomi focus lang! Don't pansin that mokong.

"Tapos alam mo ban-"

Hindi ko na sya pinatapos. Tatapusin ko ang mokong nato ngayon din. Bwesit sya!!

"Gagi wag ka ngang makulit dyan. Gusto mo itapon ko sayo tong ice cream na ginagawa ko?"

"Sige itapon mo sakin. Tapos ako yung kakainin mo kase napunta sakin lahat ng ice cream na ginawa mo."

"Yak! No way! I will never eat you noh. Baka kung ano pang lason meron dyan sa katawan mo edi namatay ako."

"Ahh! Babae kung hindi mo naitatanong masarap ako. Matamis pa kase matamis yung ice cream. Mamamatay ka sa sarap."

"Hoy panget na mokong dinudumihan mo utak ko."

"Hoy panget na babae anong utak meron ka ah. Grabe pakilinisan yan."

"Kasalanan mo yan. Tumahimik ka na nga lang. Wag ka ng mag salita tatamaan ka sakin."

"Kung yang labi mo ang tatama sakin sige mag iingay pa ako."

Ang bastos nya po. Nakaka asar!

"Siraulo ka! Isusumbong kita sa pinsan ko. Saka sa parents ko hinaharash moko."

"Anong harash ka dyan. Tumatawa ka pa nga eh."

"Ang panget mo kase. Kakatwa itsura mo."

"Walang preno yang bibig mo noh? Isa pang panget patatahimikin ko yan."

"Ikaw ang manahimik dyan may ginagawa ako."

"Sige! Tatahimik na ako dahil may gagawin tayo."

"AAAAHHHHH! Dave shut up!"

Inis na sigaw ko. Kalmado pa ako nyan ahhh pero konte na lang masasagad na pasensya ko.

"Sabi mo itatapon mo sakin yung ice cream diba? Sige na I'm waiting and willing to magpakain sayo. Gayahin natin yung nasa fifthy shad-"

"AAAAHHHHHHH! JUST SHUT UP FOR A MINUTE DAVE. PLEASE!"

Diko na mapigilang di sumigaw sa inis dahil sa mga pinagsasabi nya. Kalalaking tao neto ang landeeeeeeee. Mygash!

"Okay! Okay! I'm just teasing you. Kalma ako lang to."

"AMP!"

Inirapan ko sya. Nginisihan lang ako ng bwesit. Tinapos ko na ang pag gawa ng ice cream at inilagay na sa rep. Para pagtapos naming kumain may dessert kami.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top