KABANATA 24
✨ i dedicated this chapter to SheilaEstil ✨
Alam kong naghintay ka talaga sa update ko bhe sawry natagalan, masyado kaseng busy eh
Btw, thank you for supporting me & my story wabyu
••••
We're here now sa living room at nag kukwentuhan lang. Malapit na maghapon kaya wala kaming ginagawa.
Nag scroll up scroll down kami ni Rae sa ig naghahanap ng pogi AHAHAHAHA. Yung apatna boys naman ay nasa floor at nag lalaro ng online games.
So boring ng life!
"Nga pala anong sabi ni Tita kanina nung tumawag sya?" Rae asked me while playing a song on her phone.
🎶🎶It's her hair and her eyes today
That just simply take me away
And the feeling that I'm falling further in love
Makes me shiver but in a good way🎶🎶
Ayt- Out of my league pa talaga ang plinay na song noh.
"Kinamusta lang tayo. Saka hindi sila makakauwi agad ngayon dahil matatagalan ang business trip nila. Baka daw mamayang madaling araw pa sila makakarating."
Natigilan si Jake sa ginagawa.
"What? So, iiwan ka namin here na magisa? No way Naomi. Paano kung may masamang tao na pumasok dito edi walang magtatanggol sayo. Paano kung may mangyaring masama sayo hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari iyon," mala dramatic na sabi ni Jake.
"Ay wow! Jake masyadong oa ahh. Madami namang guards na naglilibot sa buong subdi kapag gabi saka lock naman lahat ng doors and windows. Kaya walang mangyayaring masama."
"Pero kahit na Besh. May point si Jake paano nga kung may mangyaring hindi natin inaasahan diba? Di natin alam ang mga mangyayari kaya dapat may kasama ka here," nag aalalang suhestyon ni Rae.
"Ako! Ako na lang sasama kay Naomi here. Right baby?"
Naibato ko kay Dave ang throw pillow na nasa lap ko. Bwesit kase. Nangaasar na naman sya.
"Seryoso kase Dave," asar na suway ni Rae.
"Why? Im serious naman here ah. Do I look like Im nagbibiro ba?"
"Aist! Ewan ko sayo. Ayan ka na naman sa conyo language mo. Kausapin nyo nga yan masasapak ko yan ng wala sa oras."
Tumingin sakin ng seryoso si Dave kaya napaiwas ako ng tingin pero binalik ko rin agad ang tingin sa kanya dahil sa bigla nyang pagtawa na akala mo'y sobrang nakakatawang pinanonood nya.
"Joke lang ulit. Pero huwag na lang kaya tayong umuwi sa condo para masamahan natin si Naomi? Ano sa tingin nyo?" suhestyon nya.
"Sige dito na lang muna kami matutulog na apat para sigurado na walang mangyayaring masama sayo hanggat di pa dumadating sina Tita at Tito. Ikaw Rae?" anunsyo ni Jake.
"Besh sorry ah hindi ako pwedeng mag over night ngayon kase may lakad ang family bukas ng madaling araw eh. Sila na lang muna ang sasama sayo here."
"Okay lang noh kaba?"
"Oo nga Rae okay lang nandito naman ako. Babantayan ko sya," sabat ni Dave sa usapan namin ni Rae.
"Hinihingi ko ba opinyon mo?" Masungit na tanong ni Rae.
"Share ko lang!" dugtong ni Dave na nagpapula ng pisnge ni Rae.
"Kalma bruha. Si mokong lang yan. AHAHAHAHA!"
Wala na diko na napigilan ang tawa ko. Bwct!
"Yoko na nga. Uuwi nako ahhh."
"Dito kana mag dinner besh. Si Jake ang magluluto. Diba pinsan?"
Tumingin ako kay Jake saka ngumiti at pinanlakihan sya ng mata. Senyales na he need to answer matino. Kaya agad naman itong nag nod bilang sagot. Good!
"Ayyy! Sayang naman kaso next time na lang need ko na talagang umuwi eh. Paalam ko is until 4:30 lang ako here pero inabot ako ng 6pm."
Agad akong napatingin sa wall clock. Ayyy ang bilis ng oras. Kapag talaga wala kang ginagawa mapapansin mo na lang na ang bilis lumipas ng oras. Nakakagigil.
"Ohh panu una na ako." Paalam nya samin.
"Jake pakihatid naman si Rae sa kanila ohh."
Akmang tatayo na sana si Jake ng nauna ng tumayo si Asul.
"Ako na ang maghahatid sa kanya. May kukunin din ako sa condo bago bumalik dito. Kayong tatlo may ipakukuha ba kayo?"
"Ahh! Damit bro. Ikaw ng bahala kung anong dadalhin mo. Basta wag mong kalilimutan yung boxer ko," sabi ni Joshua.
Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Sh*ta! Talagang binanggit ehh.
"Gago bro may babae ohh," ani Dave sabay sapak sa nakaupong si Joshua.
"Ayyy sorry! Hehehehe."
"Damit lang RK," anas ni Dave.
"Me too," sunod ni Jake.
"Damit lang? Walang br-"
Agad na tinakpan ni Dave ang bibig ng langhiyang si Joshua. Jusko po marimar. Ang kakalat nila.
Pilit na tinaboy ni Dave si Asul dahil baka kung anu na naman ang sabihin ni Joshua.
"Tayo na," yakag ni Asul kay Rae. Tumango naman si Rae saka nag paalam samin.
Pag alis nung dalawa ay hindi ako mapakali. May feeling ako na may hindi magandang mangyayari ngayon. I don't know kung anu yun basta kinakabahan ako.
May kukunin ba talaga sya sa condo o palusot nya lang iyon para makasama ang kaibigan ko?
Alam kong hindi ko dapat bigyan ng kahulugan ang lahat pero i can't help it. Nafifeel ko sya. Sa ilang buwan na naging close sila habang ginagawa ni Rae ang plano namin napapansin ko ang malaking pagbabago kay Asul. Palagi na syang ngumingiti at tumatawa ngunit hindi dahil sakin o kung anu pa man kundi dahil iyon kay Rae. Ayaw ko mang magduda pero diko mapigilan. At humihingi na agad ako ng sorry kay Rae dahil sa mga naiisip ko na hindi dapat.
"Pwedeng gumamit ng swimming pool Naomi? Naiinitan ako gusto kong magbabad sa tubig," usal ni Joshua.
"Pwedeng pwede. Sige lang feel at home," wala sa sariling sagot ko.
"Tangek bro wala tayong pamalit nakay RK pa," sabi naman ni Dave.
"Edi hanggang di dumadating si RK huwag tayong magbihis. AHAHAHA!"
"Gunggong malamig kaya pagabi na oh."
"Para namang di ka naghuhubad noon sa Korea kapag nag nanight swimming tayo. Sus, nagpapa impress ka lang yata noon sa mga chixs eh."
"Mukha mo gunggong. Manahimik ka na ahh."
Naiintindihan ko lang now is yung asaran ng dalawa. Ano bang meron?
"Mga walang isip may mga extrang tuwalya at wardrobe sina Tita dito na pwede nyong gamitin habang hinihintay ang damit nyo," sabat naman ni Jake.
"Eh panu hindi agad sinabi ni Naomi ayan tuloy nasabihan pa kaming walang isip ni pareng Jake. Naomi lutang kaba?"
"Huh?"
Anong pinagsasabi ba nila? Sawry may iniisip lang.
"Sabi ko nga lutang ka. Arat na Dave the mokong."
"Mauna kana. Kukunin ko pa yung tuwalya. Naomi samahan mo nga ako."
"Okay sabi mo eh. Pool here I comeeeeeee!!!" Parang batang tumakbo si Joshua sa pool area na nasa likod bahay malapit sa garden.
Nagulat naman ako ng hawakan ako ni Dave sa braso saka hinila paakyat sa second floor.
"Hoy Dave sinasabi ko sayo ahh. Kapag tama iniisip at hinala ko sasapakin talaga kita," pagbabanta ni Jake kay Dave.
Ano bang meron? AHHH! Lutang nga talaga ako.
"Pakisapak nako ngayon pareng Jake. Tatanggapin ko ng buong puso ang masakit mong suntok."
Imbes na matakot si Dave ay mapang asar pa itong sumagot na akala mo'y natutuwa.
Ano ba talagang nangyayari? WHHAAAA! Ako na ang walang alam. Bakit ba kase di mawala wala sa isip ko yung dalawa ayan tuloy nawala ako sa sarili at diko na alam kung anong pinag uusapan nung tatlong lalaki.
"Ang bagal naman neto. Ano bang iniisip mo at parang napakalalim nyan? Baka ka malunod hoy," biro nya pero diko magawang tumawa.
Diko feel ang mga jokes at banat nya now.
"Aist! Earth to Naomi."
Winagayway nya ang kanyang dalawang palad sa harap ng mukha ko. Pinisil nya din ang magkabila kong pisnge.
"Arayyy! Ano ba? Sasapakin kitang mokong ka."
"Ang lalim kase ng iniisip mo eh. Baka mamaya nyang malunod na si RK dyan sa isip mo. Hindi yan makaka ahon sige ka."
Tinaasan ko sya ng kilay.
"Pinagsasabi mo dyan? Bakit pati yung tao ay nadamay?"
"Aysus! I know you Naomi! I know you higit pa sa inaakala mo. Wag ka ng magtanong kung bakit ko nasabing i know you, coz I have my ways babae."
"Ang dami mong alam lalaki. Tsk!"
Ngumisi sya. Pumasok kaming dalawa sa guest room para kumuha ng towel na gagamitin nilang dalawa ni Joshua.
Habang naghahanap ako ng pwedeng ipagamit sa kanila ay nagsalita si Dave.
"Iniisip mo sya diba? Silang dalawa ni Rae. Alam mo ba kung bakit nagawa ko yung nangyari sa lunch kanina? Yung sinabi kong "Nami gusto kita" dahil I want to know what will be his reaction. Kung nakita mo lang kung anong reaction nya matatawa ka. Para bang ayaw nyang may ibang tumatawag sayo ng Nami. Nawalan din sya ng ganang kumain kanina. Di mo ba nakita kokonte pa lang ang nakakain nya. At isa pa hindi sya umaalis ng dining area hanggat di natatapos kumain ang mga kasama nya. Gusto kong isipin na nagseselos si RK but we can't say that also kase ang hirap nyang basahin mula nang magbalik kami dito."
Hindi ako nakasagot. Ang alam ko kase tapos na talaga syang kumain nun kaya umalis na sya. Ano bang pinagsasabi ng mokong nato? May alam ba sya?
"At yung kanina, hindi ba tinulungan ka nya sa paghuhugas?"
"H-How did you know that?"
"Simple lang, nakita ko. May mata ako Naomi."
Napairap naman ako. Kahit sa mga ganitong seryosong usapan nakakapagbiro pa sya ng ganyan ahh. Ibang klase talaga.
"Kidding aside. Napansin ko kaseng nagpunta syang kusina mga ilang segundo mula ng lumabas kami. Kaya naisip ko na ano kayang gagawin nya sa kusina? So, sumunod ako and then viola! Nakita ko kayong dalawa."
Paliwanag nya.
WHHHHAAAA! Kanina lang iniisip ko kung bakit ginawa yun ni Asul kung dahil ba yun sa kalokohan ni Dave tapos ngayon para bang nakuha ko ang sagot na gusto kong malaman.
Argh! Pinag iisip ako ng mokong nato.
"Bakit mo yan sinasabi sakin?"
"Para mabawasan ang mga iniisip mo."
"Yun na nga Dave mas lalo mo akong pinag iisip sa mga sinabi mo."
"Gotcha!"
Nakangiti na sya nga malawak na para bang may nalaman syang hindi dapat. Ayyy sht na malagkit.
"Nilalaglag ka na ng sarili mo Naomi. I know your thingking of him kaya wala ka sa sarili mo kanina."
"Aist! Just stop na lang muna Dave."
"Okay! okay! Now let me help you."
Tumayo sya saka lumapit sakin. So ganito ang pwesto namin ngayon. Ako ay kumukuha ng towel at wardrobe sa loob ng closet then sya ay naka likod ko. He help me to get the towel from above kaya parang nasa gitna ako ng dalawa nyang braso at nararamdaman ko ngayon ang kanyang dibdib sa likod ko. Mygad! What the heck!
Dahil sa medyo naiilang ako sa pwesto namin now ay nabitawan ko ang hawak na towel kaya malalaglagan ako neto. Agad akong napayuko at napakapit sa ulo dahil sa kaba na baka mabagsakan ako ng mga tuwalya mula sa itaas. Nagawa ko din pumikit kaya di ko nakita kung anong nangyari.
Ilang minuto pa'y walang bumagsak na mga tuwalya sakin. Kaya agad akong tumingala at doon nga'y naabutan ko si Dave na nakayuko at naka hawak sa taas ng closet ang isang kamay na para bang sinangga nya ang papahulog na mga tuwalya. Nagkatinginan kaming dalawa.
Nakaupo ako at nakatingala sa kanya samantalang sya ay nakatayo habang nakayuko sa harap ko. So, nakakulong ako sa gitna nya at ng closet. Nahalata ko ang pagbilis ng kanyang paghinga na para bang pagod na pagod sya. Dali dali akong tumayo na sana diko na lang ginawa dahil sa pagtayo ko ay muntik na kaming magkahalikan dahil sa lapit ng aming mga mukha sa isa't isa.
"F*ck!"
Rinig kong mahinang mura nya. Umayos na sya ng tayo saka tumikhim.
"Ahhh anoooo... sorry. Nabagsakan ka pa ng mga towel."
Hingi ko ng paumanhin sa kanya.
"Ayos lang. Hindi naman sya masakit. At isa pa ginawa ko talaga yun para dika mabagsakan kaya sinalag ko na lang."
"Ahh ehh... Salamat pala." Tumango lang sya.
"Halika na."
Pinulot nya ang ilang nahulog na towel saka nya sinara ang closet. Lumabas na kami at dumiretso sa pool area. Naabutan namin doon yung dalawa.
Inilapag ko sa table ang dala naming towel na gagamitin nila. Paglingon ko sa may pwesto ni Dave ay sakto namang naghuhubad ito ng pang itaas.
OH MY GOSHIEEEE!
Yung abs at muscles mygad. Nag piflex ang biseps nya habang nag huhubad sya ng damit.
Emeged enebe weg genyen!!!! Nagkakasala ako huhuhuhu.
Agad akong tumalikod at baka mahuli nila akong tinitingnan si Dave. Nakarinig ako ng para bang may nagdive sa tubig. Siguro si Dave yun. Aist need ko na talagang umalis here mygad my inosent eyes WHHHHAAAA!
"Ahh! Ako na lang ang magluluto ng dinner natin. Sige enjoy the pool."
Sinabi ko iyan ng hindi tumitingin sa kanila. Saka dali daling tumakbo papasok ng bahay.
In-erase ko kung anu man ang mga nangyari at nakita ko kani-kanina lang at naghanda na lang ng dapat na lutuin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top