KABANATA 23

🥀im gonna dedicate this chapter to ShammahApaga🥀
Thank you Lab! Mwuahh! Sana magustuhan mo ang chapter na'to. Yiet-

****

Pagkarating namin ni Jake sa garden ay agad ako netong kinunutan ng noo.

"What now?" matamlay na tanong ko sa kanya.

"Tell me Naomi, anong nangyayari?"

"Ano bang pinagsasabi mo dyan? Wala namang nangyayari ah," inosenteng sagot ko sabay iwas ng tingin.

"Tsk! I know you very well Naomi. At alam ko kapag may tinatago ka sakin. You can't look me in the eye. So, anong pinaplano nyo ni Rae?"

Wala na talaga akong ligtas. Haist!

"Humingi ako sa kanya ng favor na sya ang gumawa ng mga dapat ako ang gagawa. Like ipagluto si Asul ng favorite nyang foods. Sya ang pinagbibigay ko. Pinapalabas namin na sya ang nagluto nun pero ako talaga. Tapos yung niyaya nya na manood ng sine si Asul pero ako talaga dapat yun. Yung mga ginagawa ko sya na ang pinapagawa ko. Ayaw kase ni Asul na lumalapit ako sa kanya. Ayaw kong baka mas lalo nya akong layuan kapag ako ang mangungulit sa kanya kaya kay Rae ako humingi ng pabor."

Napabuntong hininga sya dahil sa kweninto ko.

"So, tama ang hinala ko na ikaw ang gumawa ng bakemac na ibinigay nya kay RK? Tama ako diba?"

Tumango ako.

"Haist! Naomi ano ba tong pinasok mo, nyo?"

"Nasimulan na namin kaya itutuloy na namin to. Tsaka nagiging okay naman na kami ni Asul diba. Hindi tulad noon na sobrang cold at sungit nya sakin."

"Eh yung kanina?"

"Tinuturuan ko si Rae kanina para sa susunod maipagluto ka naman nya ng paborito mo. Tapos tumawag si Mom right? So iniwan ko sa kanya ang paghihiwa ng patatas sabi ko naman mag iingat sya. Then pagbalik ko ayun na. She got a wound."

"Tsk! Alam mo namang baguhan pa si Rae sa mga ganyang bagay diba? Alam mong makulit ang babaeng yun kaya palaging nasusugatan hindi marunong mag ingat panu na lang nga kung walang nakakita sa kanya. Pababayaan nyang nagdudugo iyon."

Pareho sila ng iniisip ni Asul. Hahayaan nga ni Rae na nagdudugo ang sugat nya imbes na humingi o kumuha ng ipang gagamot roon.

Pareho silang dalawa na nag aalala kay Rae. Sana lahat!

"Sorry kung nangyari yun kay Rae hindi ko naman kase alam eh. Sorry if nag alala ka sa kanya."

Nakayukong hingi ko ng paumanhin.

"Ano ka ba!"

Hinawakan nya ang dalawa kong balikat saka ako pinaharap sa kanya.

"Syempre kahit sino naman mag aalala kapag nangyari yun katulad sayo pero alam ko na hindi yung mangyayari dahil magaling kana sa kusina."

"Kahit na sorry pa din."

"Bakit ba sorry ka ng sorry? Ikaw kamusta? Kamusta ang puso mo?"

Nagtatakang aapa angat ang tingin ko sa kanya.

"Ohhh! Huwag mo akong tingnan na para bang wala akong alam. Alam ko na hindi kapa nakaka pag move on. At ngayon masakit para sayo na makita silang ganun."

Nag iwas sya ng tingin sakin.

"Kahit ako nainis din kanina hindi ko lang pinahalata sayo. Kaya kong maging cold na para bang wala lang sakin yun pero deep inside naiinis ako."

Napahawak naman ako sa aking bibig dahil sa narinig.

"Oh my goshie! Totoo ba yan? May gusto ka sa kaibigan ko? Whhhaaaaaa Jake anuvahhhhh!"

Hinampas ko sya sa braso dahil sa kilig ko.

"Stop it Naomi. Please satin lang muna itong dalawa. Gusto ko pang i confirm kong tama ba talaga ang nararamdaman ko, okay?"

"Oookaayyy! Awiiieee yiieh!"

Tinukso tukso ko pa sya.

"Isa pa Naomi sasabihin ko lahat kay RK ang nalaman ko. Ano titigil ka o ibubulgar kita?"

Pananakot neto sakin kaya napa pout na lang ako pero agad din napalitan iyon ng ngiti dahil naalala ko na naman ang pag amin nya.

WHHHAAAAAAA! OH MY GOSHIEEE! Kinikilig ako nyems. Whaaaa!

"Isa pa! Kinikilabotan ako sa ngiti mo."

"Ayyy grabe ka ah."

"Joke lang eto naman. Tara na nga gutom nako."

Tumango ako saka ngumiti ulit. Nawalang bigla yung iniisip ko kanina. Kahit papaano napangiti ako ng mokong nato.

Pagpasok namin sa loob ng bahay ay agad na bumungad samin si Rae na nakangiti.

Anong meron?

"Oh! Nandyan na pala kayong dalawa. Papunta pa lang sana ako para tawagin kayo. Halina kakain na."

Napatingin ako kay Jake saktong tumingin din ito sakin kaya diko napigilang matawa. Agad naman nya akong siniko.

"Anong meron?" naguguluhang tanong ni Rae sakin.

Umiling ako na nagpipigil ng ngiti.

"Sorry! Sorry diko lang talaga mapigilan. Mukha kaseng clown si Jake. Pfttt."

"Oh-kay! Tara na alam kong gutom na kayo."

"Ayyy trooooo bruha gutom na talaga si pinsan. Diba Jake?"

Tiningnan ko sya ng nanlalaki ang mata. Napakamot naman to sa kanyang batok.

"Yeah! Right!"

Napipilitang sagot nya sabay irap. Amp! Ang bakla nya talaga AHAHAHAHA!

"Alam nyo ang cute nyong dalawa."

Namumulang mukha na puri ni Rae.

Aysussss! Alam kong si Jake lang cute sa paningin nya eh.. awiiieeee!

"Ammm.. Rae? Y-Yung s-sugat mo sa kamay okay na ba?"

Nagulat si Rae sa tanong na iyon ni Jake kaya napatingin sya sa kamay nyang may band aid ang daliri.

"Ahh! Ehh! O-Oo! o-okay na sya hindi na mahapdi," nahihiyang sagot ni Rae.

"Ahhh anuuu next time mag iingat ka na ahh!"

Ngumiti si Rae ng pagkalawak lawak.

Eheeemmmm! Keleg yern! Ehe!

"Ahhhmm! Oo mag iingat nako sa susunod. S-Salamat nga pala sa concern."

I can't take it anymore. Inggit ako AHAHAHAHA! Kaya inisturbo ko na silang dalawa sa kanilang moment.

"Aheeemmm! Gutom nako. Una na ko sa loob ahh. Sige tuloy na kayo dyan."

Agad na akong pumasok sa loob. Narinig ko oang tinawag ako ni Rae pero moment nila yun kaya out na ko. Ohhh divah sana lahat.

Pagpasok ko sa loob ng kitchen ay nag aayos na yung dalawa ng mesa samantalang si Asul naman ay nag sasandok ng ulam.

"Oyyy! Naomi nandyan ka na pala. Yung dalawa nasan na kakain na tayo," ani Joshua.

Umupo naman ako sa upuan.

"Nandun pa. Wag ka ngang anu nag momoment yung dalawa eh."

Napatingin sakin yung dalawa, napatigil naman si Asul sa ginagawa.

"Ahhhh! Gets AHAHAHA," natatawang sabi ni Dave the mokong.

"Hoy anu yun? Share share naman."

"Alam mo bro ang chismoso mo. Umupo ka na nga lang jan."

"Alam nyong dalawa ang daya nyo."

Natawa na lang ako.

Napatingin ako sa papalapit na si Asul. May dala itong isang mangkok ng menudo. Nilapag nya sa gitna ng table ang dala saka umupo sa tabi ni Joshua. Si Dave naman ay umupo sa tabi ko. Bale ang natitirang seat na lang ay ang nasa tabi ko at tabi ni Asul.

Narinig naman namin ang dalawang nagtatawanan na papasok ng kusina.

"Hoy! Kayong dalawa dalian nyo na nga dyan dahil gutom na kami," rekalamo ni Joshua.

"Kumain ka para mabusog ka. Ayan sa harap mo ohh nasa amin ba yung kanin at ulam ha?" pag susungit ni Jake.

Palibhasa nabitin sa usapan at tawanan nila ni Rae kaya nagsusungit. Aysus!

"Tara na nga. Nagugutom na din ako," sabi ni Rae.

Akala ko sa tabi ko uupo si Jake pero sa tabi sya ni Asul umupo kaya napangisi ako. I know he won't like it if Rae will sit besides Asul. Pinsan ko dumadamoves na. Umupo naman si Rae sa tabi ko.

"Kamusta?"

Bulong ko pagkaupo nya.

She bite her lips to prevent her smile.

Alam na disssss!

"Its your plan right? Bakit di mo ko ininform agad muntik nakong mahimatay sa kilig bakla ka," mahinang sagot nya na may diin.

"You like it naman diba? Wag na magreklamo. Ngiting ngiti ka nga eh."

"Oo na! Oo na! Anuvahhhhhhhh besh keleg eke."

Pigil na natawa ako dahil sa reaction nya. Para syang naiihing ewan dahil sa pagpipigil na tumili. Kung kami lang dalawa ang nandito siguradong nagtatalon na yan sa tuwa baka nga magkang ihi pa eh. AHAHAHAHA!

Nagulat kami nang lagyan sya ng kanin ni Jake.

"Kumain na kayong dalawa tama na ang kwentuhan mamaya na yan," sabi ni Jake habang naglalagay sya ng kanin sa plate ni Rae.

Napakapit ng mahigpit si Rae sa braso ko. Amp!

"Ahh wait lang ah. Sige kain na kayo."

Paalam ko saka dali daling hinila si Rae patungong cr. Pagkadating na pagkadating namin sa loob ay agad syang nagsisigaw with matching talon at hampas pa. Whhhaa. Mygash ganito talaga sya pag kinikilig langhiya sinong nakakarelate sa inyo?

"Anu ba bruha hoy tama na nga. Buti na lang sound proof ang bahay kung hindi rinig na nila ang tili mo dahil sa sobrang lakas. Nakakabingi besh."

"Sorry naman. Excited lang ako. Anuvahhhhhhh! AHHHH! Mygosh!"

Napangisi ako sabay iling.

"Kalma pinsan ko lang yun!"

"Yun na nga eh. How to calm kung sya si Jake? WHAAAAAA! Besh how to calm?"

"Pigilan mo yang kilig mo ahhh. Tara na nailabas mo naman na yung 1/4 ng kilig mo diba? So mamaya naman yung iba."

Natawa sya sa sinabi ko kaya natawa na din ako. Lumabas na kami pagkatapos naming mag ayos ng sarili dahil sa kalokohan namin.

"Ang tagal nyo namang dalawa sa cr? Anong ginawa nyo dun?" tanong ni Dave pagka upo namin.

"Usto mong malaman? Luh! Ano ka sinuswerte? Kumain kana nga lang dyan chismoso ka din eh," pagsusungit ko sa aking katabi.

"Sungit neto. Ayan ohh nilagyan na nga kita ng kanin at ulam eh nagsusungit ka pa sakin?"

Tinaasan ko sya ng kilay.

"Sabi ko nga si RK ang naglagay nyan," sabi neto sabay kamot sa batok.

RK? Weyt RK ba kamo?? Whhhhhhhaaaaaaa what the efff? Is this kind of a joke? Kung oo sasapakin ko talaga ang katabi ko.

Napatingin naman ako kay Asul na patuloy lang sa pagkain nya.

Para syang walang pake pero kinikilig pa rin ako whhhhhhaaaaa seryoso ba talaga?

Tinikman ko ang niluto nya. Sht! Ang sarap, para bang mas lalo akong naiinlove sa kanya ngayon!

"Anu masarap ba besh?" Tanong ni Rae sakin kaya tumango naman ako.

"Alam mo bang si Blue ang nagluto nyan. Nasugatan kase ako nung kutsilyo habang naghihiwa ako pagka alis mo buti na lang bigla syang pumasok ayun nakita nya kaya sya na lang nagpresintang magluto."

"Ahhhh! Kaya pala masarap. By the way, Asul sorry sa abala ahh si mom kase biglang napatawag."

"Its okay lang. Don't need to say sorry," naka ngiting sagot neto.

Tumango na lang ako dahil wala akong maisagot.

Saglit na katahimikan ang bumalot sa buong dining area ngunit agad din iyong nawala dahil sa bwesit na katabi ko.

"Nami gusto kita."

Muntik na akong mabulunan dahil sa narinig ko. The fck? Agad naman akong dinaluhan ni Rae at binigyan ng tubig. Langhiya talaga ang mokong na'to. Gusto nya ba akong patayin?

Nakatikim naman sya ng batok mula sa pinsan ko.

"Bro wag ka nga kumakain kami oh."

"Bakit? Anong masama sa sinabi ko?" inosenteng sagot ni Dave.

Nang mahimasmasan ay agad ko syang sinapak.

"Siraulo ka talagang mokong ka. Pasmado yata bibig mo kaya manahimik ka na lang ahhh."

But wait, anong tinawag nya sakin? Na-Nami? What the?!

"Nami?"
"Nami?"

Sabay na tanong namin ni Asul kaya nagkatinginan kaming dalawa sa isa't isa. Agad naman akong nag iwas ng tingin dahil sa tense na nararamdaman ko. Mygosh!!!! Kalma self!

"Eheeemmm! Sorry na agad si Josh kase kung anu anong naiisipan. Its a dare lang naman kayo wag kayong mag alala."

Nahihiyang ani Dave na napapakamot sa batok nya. Ang cute! Para syang bata. Amp!

"Sa susunod na uulitin mo yan hindi lang sapak ang matitikman mo," pagbabanta ko sa kanya.

"Ano? Anong ipapatikim mo sakin sa susunod? Sana huwag na yang kamay mo ang lumapat sa mukha ko ah, hoping that its your lips na next time."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Hoy gagi nasa hapag tayo wag kang bastos ahhh baka nakakalimutan mong pinsan ko yan. Kamao ko ang matitikman mo sa susunod," umuusok ang ilong na banta ni Jake at may pa taas taas pa ito ng sleeve ng kanyang damit.

"Joke lang. Kayo naman nagbibiro lang eh kumain na nga lang kayo."

"I'm done. I'll go in the living room first," Asul said.

Ni walang makikitang emotion sa kanya mukha na nilisan ang dining area at nagdiretso sa salas.

"Anyare dun?" takang tanong ni Joshua the walang alam sa mundo.

Jake and Dave just shrugged their shoulder. Iiling iling naman si Rae. Ako? Wag nyo na tanungin dahil lutang ako.

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagpresintang maghugas.

Nagsasabon ako ng mga kutsara ng agawin iyon sakin ni Asul. Dahil sa gulat ko muntik na akong ma out of balance buti na lamang at agad nya akong nahawakan sa bewang.

Dugdug...dugdug...dugdug..dugdug...

Tanging tibok lang ng puso ko ang aking naririnig sa pagkakataong iyon. Nyetang heart ayaw paawat. Ilang minuto pa kaming nasa ganung posisyon nang ako na ang naunang kumilos dahil wala yata syang balak na bitawan ako.

AAAAAHHHHHHHHHH! Panu kumalma? Yung puso ko lalong nahuhulog.

"Ahhh anuuu s-salamat. At s-sorry na din nakakagulat ka kase bigla bigla ka na lang lilitaw dyan."

Napakamot sya sa kanyang ulo.

"I'm sorry! Ang lalim yata ng iniisip mo at di mo napansin na kanina pa ako nandito."

"Ahhh! Hehe lutang lang talaga ako. Ammm may kailangan ka ba?"

"Ako na lang magsasabon at magbabanlaw nyan ikaw na lang ang magpunas."

"Huh?"

Tumawa sya ng mahina.

Ahhhh wait! Tumawa sya? Yahhh tumawa syaaaaaaaaaa. I make him laugh bwesit whhhhaaaa. It makes my heart flutter mygashhhhh!

"Lutang ka nga."

Kinuha nya sa kamay ko ang sponge at sya na ang nagpatuloy sa pag sasabon niyon.

Epekto ba'to ng kalokohan ni Dave? Kung Oo, hahayaan kong araw arawin nya ang mga kalokohan nila sa buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top