KABANATA 22

Two Months Later~~~

Mabilis na lumipas ang mga araw at dalawang buwan na din simula nung sinimulan namin ni Rae ang planong tutulungan nya ako kay Asul.

Actually, nagiging maayos na ang lahat. Yung closeness namin noon ni Asul ay unti unti ng bumabalik. Kinakausap na nya ako at para bang bumalik kami sa dati at para bang hindi nangyari yung mga nangyari nung nakalipas na buwan at taon.

Masaya ako dahil kahit papano ay nagkakaroon ng improvement ang ginagawa namin ni Rae.

Sobra akong nagpapasalamat sa kanya dahil she's really helping me. At katulad ng napag usapan ilalakad ko sya sa pinsang kong si Jake.

Nandito kami ngayon sa bahay. Saturday kase kaya naisipan nilang dito na lang samin tumambay. At dahil wala si Mom and Dad kase may business trip silang dapat puntahan, ayan nagkakalat sila.

"Pengeng popcorn Jake," ani Rae.

"Ohhh!"

Iniabot ni Jake ang hawak na bucket na may lamang popcorn kay Rae. Nang akma ng aabutin iyon ni Rae ay agad itong inilayo sa kanya ni Jake. Muntik na nga akong matawa ng malakas pero pinigilan ko.

"Luh! Asa ka bumili ka ng sayo," mapang asar na sabi neto saka ngumisi.

Tiningnan naman sya ng masama ni Rae na para bang mangangain na anytime.

"Alam mo Jake.... AAARRRGGGGHHHHHH! Bwesit ka talaga kahit kaylan. Nakaka asar ka! Mabulunan ka sana bwesit."

"I'm scared! Whhhaaaaa," sarkastikong tugon ni Jake. Kaya mas lalo pang naasar ang bruha.

AHAHAHAHA! Para silang aso't pusang dalawa.

"Kayong dalawa ang ingay nyo. May nanonood dito oh," iritang sumbat naman ni Joshua na nakaupo sa floor habang busy sa paninitig sa Tv.

"Paki loud na lang ang volume dre!" sagot naman ni Jake na bakas pa rin ang pagiging sarkastiko sa boses neto.

"Gago ka talaga."

"Tsk! Ako ba ikaw?"

Napa pikit si Joshua sabay taas ng dalawang kamay na para bang sunusuko na.

Siraulo talaga ang Jake nato. Lahat na lang binabara kapag sasagot. Tsk! Tsk! Tsk!

"Pareng Jake paabot naman ng isang bottle ng coke oh," pakiusap na utos ni Dave kay Jake.

Nasa single sofa kase si Dave at dahil malapit kay Jake ang mini table eh sya ang napag uutusan.

"Why me ba? Do you have kamay naman ahh. Im your yaya ba?"

Nagpipigil ako ng tawa dahil sa kalokohan ng pinsan ko. Mygad! Why ba nagkaroon si me ng pinsang kalike nya? Amp!

"Gago pareng Jake. Mag aabot lang ng coke nagconyo talk kapa."

"Pake find nga my pake."

At katulad din ni Joshua napatigil na lang si Dave habang nagpipigil ng pagka bwesit. Gagiii talaga Jake. AHAHAHA!

"Sabi ko nga I'll make tigil tigil na lang. Di na lang me magtalk. Why ba kase self you make utos pa sa tamad na yan eh tamad yan eh. Haist!"

Asar na ginulo neto ang buhok.

"Yaya Rae can you please make abot the coke to that mokong," utos ni Jake sa kaibigan ko.

Agad namang nagpantig ang tenga ni Rae sa sinabing iyon ni Jake. Masamang tingin agad ang ipinukol neto sa pinsan ko na naka sitting pretty lang habang kumakain.

"Langhiya kang hayuf ka. Ginawa mo pa akong yaya."

Asar na sabi neto sabay hampas sa braso ni Jake dahilan para magulat ito at magkalaglagan ang ibang laman ng bucket.

"Maouch ahh. Are you babae ba talaga o dati kang guy na nagkatawang babae? Umamin ka!"

"Huwag mo ngang ibahin ang usapang hayuf ka. Bwesit ka."

Pinaghahampas pa ito lalo ni Rae.

"Make stop na babae. You make my food laglag na to the floor so make tigil na."

"Aist! Nakakabwesit salita mong hayuf ka. Bakla ka noh!" pang asar ni Rae.

"Kapag eto nahalikan ko tigil to."

Mahinang sabi ni Jake na narinig ko naman. Katabi ko kase sya kaya rinig ko kahit bulong lang. Naiiling iling na lang ako habang nakikinig sa kanila. Bakit ba kase nauso ang conyo talk kay Dave the Mokong ayan tuloy nahawa na pati si Jake. Para tuloy silang bakla kung pakikinggan mo. Pero ang angas nilang bakla pramis. Ahahahaha!

Napatingin naman ako sa kabila kung saan nakapwesto si Asul. Ang tahimik nya sobra. Para bang nakikiramdam lang sya kung kelan pwedeng magsalita.

Kami lang yata ni Asul ang tahimik.

Napatingin ako sa wall clock na nasa may cabinet at nagulat akong mag tatanghalian na pala.

"Guys its almost lunch na. Wala pa tayong food dahil hindi pa nakakapagluto. Huwag na tayong magpadeliver dahil gagastos pa. May mga ingredients naman sa kitchen."

"Rae diba ipagluluto mo kami?" paalala ni Joshua.

"Oo nga noh. Sabi mo ikaw ang magluluto ngayon diba Rae?"

"Ahhh! Ehhh! Kase-"

Napakamot sya sa ulo dahil sa pag aalala. Ang kyut nya tuloy. At ako naman ay ang kaibigang to the rescue.

"Oo! Ipagluluto kayo ni Rae. Bakla tara na sa kusina. I'll help you na para mabilis tayo," suggestion ko sabay ngiti.

"Ayyy! Bet ko yarn tara na."

Agad ako netong hinila patungong kusina. Pagkarating namin doon ay agad syang napahawak sa kanyang dibdib na para bang sobrang kabang naramdaman.

"Hooohhhhh! Besh akala ko aatakihin nako sa puso dahil doon. Mygad! Di ko alam ang sasabihin ko buti na lang nandyan ka. Whhhhaaaaa!"

"Anu ka ba, I'm always here okay! Ahahahaha. Arat na simulan na natin para makakain na us."

"Okayyyy!!! So, anong lulutuin mo? Ahahahaha!"

Umiling iling na lang ako at nagsimula ng kumuha ng mga kakailanganin.

"Menudo po ang lulutuin natin. Isa yun sa mga fave ni Asul kapag si Mom ang magluluto at dahil wala si Mom ako na lang."

"Sana lahat. Whahahahaha!"

"Kaya ikaw mag aral ka na talaga magluto para maipagluto mo din ang pinsan ko. Isa pa naman sa ideal nya magaling sa kusina."

"Ayt- parang may iba akong naiisip sa sinabi mong magaling sa kusina. Whhhhaaaa bakla pakihugasan utak ko."

"Hugasan mo later ang dumi eh. Ahahahaha!"

Kahit ako may iba din naiisip sa sinabi ko. Langhiya talaga. Maglilinis din ako ng utak mamaya.

"Besh paki hugasan yung patatas at carrot."

"Hugas well to me. Whahahahaha! Ito bang lahat?"

"Yup!"

Kinuha ko naman ang karne sa rep at nilagay sa isang lagayan para matanggal ang yelo at lumambot. Naka ready na ang kawali at iba pang rekado para sa menudo na lulutuin namin. Habang naghuhugas si Rae ay naghiwa na ang ng sibuyas at bawang.

"Done na!"

"Hiwain mo na. Yung tamang laki lang ahhh."

"Besh baka masugatan ako."

"Hindi yan. Dahan dahan lang kase. Saka iiwas mo yung kamay mo sa kutsilyo."

"Ehhhhh?"

"Wait tapusin ko lang to."

Dali dali kong tinapos ang paghihiwa ng sibuyas at lumapit sa kanya.

"Ganito lang kase ohhhh. Panoorin mong mabuti. Susko Bruha!"

Napakamot naman ito sa ulo.

"Sawry! Ehehehe."

Itunuro ko sa kanya ang tamang hawak ng kutsilyo at kung panu magbalat. Pagkatapos ay ako na lang ang naghiwa at nanood lang sya.

Hindi pa ako natatapos ng biglang sumigaw si Jake mula sa salas.

"Naomi Tita is calling! You make sagot it baka important."

Napatingin ako kay Rae at nag kibit balikat.

"Yang pinsan mo nahawa na nga conyo virus ni Dave. Para syang bakla. Gwapong bakla yiiieeeee."

Natawa na lang ako.

"Oh! Panu ikaw na magtapos neto pagbalik ko magluluto na ako."

"Sige beshy!"

"Mag iingat ka sa kutsilyo."

Tumango naman sya. Dali dali akong nagtungo sa salas saka kinuha ang phone ko sa ibabaw ng table. Saglit akong pumunta sa terrace para sagutin ang tawag.

"Hello Mom?"

"Hi baby! How's your bonding with your cousin and friends?"

"Okay lang naman Mom. Nagluluto kami ngayon ni Rae. Tinuturuan ko sya para maipagluto din nya si Jake," sagot ko sabay hagikhik.

"Owww. That's good baby. How so sweet of you naman. Sana matuto na si Rae magluto para maipagluto na nya din ang pinsan mo. Kamusta naman ang dalawa?"

"Ang mommy chismosa. Ahahaha charing lang. Ayun always nagbabangayan like aso't pusa."

"Ahahaha! Ganyan din kami ng dad mo noon then ang ending edi ito we're together na. Baka ang sunod nyan magkagustuhan na sila."

Natawa ako sa sinabi ni Mom. Alam nya kaseng may gusto si Rae sa pinsan kong si Jake. Minsan na nga nyang tinukso ang dalawa pero si Jake dedma ang peg. Langhiya diba.

"Sige na baby! Kinamusta ko lang talaga kayo dyan. Amm baka mamayang midnight pa kami makabalik ng dad mo okay lang ba sayong mag isa dyan sa house? O pwede mo namang dyan na lang patulugin si Rae para may kasama ka."

"Sasabihin ko sa kanya Mom."

"Alright baby! Bye! Love you."

"Love you din Mom, pakisabi na din kay Dad. Ingat kayo dyan pati na din sa byahe."

"Yeah baby."

Then nag end na ang call. Agad akong bumalik sa kusina para ituloy na ang ginagawa ko ng bigla akong mapahinto bago pa lang pumasok sa pinto ng kitchen.

I saw Asul holding Rae's hand. Nag dudugo iyon. Sabi ko ng mag ingat eh ayan tuloy nasugatan pa sya. Dapat kase di ko na lang sa kanya pinagawa iyon.

Diko na natuloy ang pagpasok at dagli akong nagtago sa gilid para pagmasdan silang dalawa.

Itinapat ni Asul ang daliring may dugo ni Rae sa tumutulong tubig para hugasan iyon. Pagkatapos ay may kinuha itong bandaid sa kanyang bulsa at ibinalot sa sugat.

"Bakit kase hindi nag iingat. Next time please be careful okay? Panu na lang kung di ko naisipang pumunta dito edi hahayaan mo na lang na nagdudugo yan," concerned na paalala ni Asul kay Rae.

"Sorry!"

Nakayukong tugon naman neto.

Napabuntong hininga si Asul saka ginulo ang buhok ni Rae na ikinabigla ko.

Ngayon ko lang ulit syang nakitang gawin iyon sa isang babae at sa kaibigan ko pa. Its his mannerism noon pa man kapag natutuwa sya or nang iinis. Sa tuwing ginugulo nya ang buhok ko noon naiinis ako dahil ayoko talagang ginugulo ang buhok ko pero nakasanayan ko na rin. Then now, ginulo nya ang buhok ni Rae dahil natutuwa syang nag aalala dito.

"Ako na ang magluluto neto. Ano bang lulutuin mo?"

"Ammm.. wala pa si Naomi eh. Hintayin na lang muna natin sya."

"Tsk! Hindi ka ba nagugutom ha? Bawal kang malipasan ng gutom kaya ako na ang magluluto neto. She's busy kaya ako na lang at huwag ka ng umangal."

Tiningnan nya ang nasa counter na lulutuin.

"Okay, gets! Hindi mo naman agad sinabi na favorite ko pala ang lulutuin mo. At dahil natikman ko na ang bakemac na ginawa mo. Ako naman ngayon ang magluluto para sayo. So, just chill and relax ka lang dyan turtle."

Pinaupo nya si Rae sa isang stool na nandoon at saka sya nag simulang magluto.

This is the first time na magluluto sya para sa ibang tao. Nakaka inggit isipin na hindi ako yung nasa pwesto ngayon ni Rae. Sana ako yung nandoon ngayon. Pero hindi iyon ipinagkaloob ng tadhana.

Pinanood ko ang bawat kilos nya. Mula sa paglalagay ng mga sangkap sa kawali hanggang sa paghahalo neto. Nakita din ng dalawang mata ko kung panu nya patikimin si Rae ng niluto nya.

"Anong masasabi mo?"

"Ammm.. masarap! Oo nga ang sarap mo magluto. Whhhhaaa."

Tumawa ng mahina si Asul.

"Parang bata. But your cute by the way."

"Huh?"

"Tsk! Turtle talaga."

Nakangiting bumalik si Asul sa ginagawa. Nagtatakang napatingin na lang si Rae sa naglulutong si Asul.

Saglit akong napahawak sa dibdib ko dahil sa kirot na naramdaman sa isang magandang tagpong nasaksihan ko ngayon lang.

Kung hindi ko ba iniwan si Rae mangyayari ba to? Haist!

Nagulat ako nang may mag salita sa tabi ko. Hindi ko aya napansin dahil busy ako sa panonood sa dalawa.

"Bakit patuloy mo pa rin silang pinapanood kahit alam mong nasasaktan ka? Bakit hindi ka na lang pumasok sa loob na parang hindi mo narinig at nakita yung nangyari? O pwede ka namang umalis na lang? Pero bakit nandito ka pa rin?"

Mahabang tanong ng pinsan ko habang may binabasa syang libro. Seryoso lang syang nakatingin doon. Hindi ko tuloy alam kung ako ba yung tinatanong nya o binabasa lang nya yung nakasulat doon.

Napakamot ako sa ulo ko.

"Huh?"

Napa angat ang tingin sakin ni Jake. Oum si Jake nga. Sya lang naman ang pinsan ko here diba. Anubaaa ahahahaha!

"Tsk! Nagiging slow kana rin ba katulad ng kaibigan mo? O alam mo kung anong ibig kong sabihin pero ayaw mo lang sagutin?"

Natameme naman ako dahil sa sinabi nyang iyon.

Siguro nga alam ko kung anong ibig nyang tukuyin sa tanong na yun pero ayaw ko lang aminin na alam ko talaga.

Napayuko ako. "Minsan may mga bagay na hindi na kaylangan pang malaman ang kasagutan Jake. Minsan ang mas mabuti mo na lang gawin ay ang manahimik na lang para maiwasan ang masaktan."

"Pero minsan dahil sa pagiging kawalan natin ng kibo sa mga bagay bagay ito pa ang nagiging dahilan kung bakit tayo nasasaktan. Kung bakit nagsisisi tayo bandang huli na bakit hindi natin inalam ang kasagutan."

Minsan may matino pa rin palang lumalabas sa bibig ng pinsan kong ito lalo na pagdating sa mga ganitong sitwasyon yung sitwasyong kailangan mo ng taong masasandalan dahil papabigat na yung sakit na nararamdaman mo.

Hindi na ako kumibo pang muli at nanahimik na lang ako.

Masaket lang kase na makitang ang sweet nya sa iba at sa kaibigan ko pa.

Narinig kong nagbungtong hininga si Jake bago ako hinila papuntang garden.

Alam kong kakausapin na nya ako. Alam kong naghihinala na sya kaya ihahanda ko na lahat ng dapat kong isagot sa kanya.



******

A/N: Bitin? Sawry ganun talaga para nakakapanabik basahin AHAHAHAHA... chourrrrr

Btw... tingnan ko pa if may sususnod tomorrow😊😊 so, make abang abang lang po kayo. Love y'll purples😘💜

#Ms.Daydreamer
#heyitsmejesika
#SayoPaRinBabalik
#Purples💜🤘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top