KABANATA 20
Rae's POV
Sa lahat ng favor na hiningi sakin ni Naomi ito ang pinakamahirap sa lahat. Hindi dahil mahirap yung pinapagawa nya kundi dahil natatakot ako sa magiging resulta ng gagawin ko.
Away ko man gawin pero mahal ko ang kaibigan ko. Lahat ginagawa nya para sakin. Noong nalaman nya na may asthma ako todo ingat sya para lang di umatake ang sakit ko. At sa isang taong lumipas nagpasalamat ako dahil hindi na ulit ako inatake ng sakit na'to. Napaka maalaga nyang kaibigan. Kaya hindi ko inaakala na may ganung pang yayari sa kabataan life nya. She's so adorable. Makulit at masayahin. Kaya sa paraang ito ko lang sya matutulungan. Hindi madali, hindi magandang pakinggan pero para sa kanya gagawin ko.
Tutulungan ko sya kay Blue.
Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa room. Nagpaiwan kase si Naomi sa cafeteria kaya mag isa akong pabalik sa room namin. Napatigil ako nang makitang makakasalubong ko si Blue.
"Hey Blue!"
Masiglang bati ko sa kanya kaya agad syang napa angat ang tingin sakin.
Naka tungo kase ito at seryosong nakatingin lang sa dinaraanan. At prenteng naka pamulsa.
Tinaasan nya ako ng kilay na ikinairap ko. Amputss talaga.
"What's up!"
"Sky?"
Napatulala ako sa kanyang sagot. At ilang sandali akong nag isip. Sky? Anong connect nun? Ahhh! Ang slow mo talaga self noh?
Napaka bwesit talaga ng lalaking ito. Bakit kaya sya nagustuhan ng kaibigan ko? Amp!!
Nagulat ako noong pinitik nya ang noo ko.
"Aray! Bakit ba nang pipitik ka sa noo?"
"Nasaktan ka sa ginawa ko? Ang sensitive mo naman. Ang hina kaya nun. Tsk!"
Napairap ako sa sinabi nyang yun.
"Slow na nga, sensitive pa. Psh!"
Iiling na panlalait nya sakin. Ang sama talaga. Sensitive agad? Okay lang yung slow dahil medyo true yun pero yung sensitive. Aist!
"Ewan ko sayong lalaki ka. Dyan ka na nga!"
Sumimangot ako at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Napaka yelo naman ng lalaking yun. Ni hindi marunong ngumiti o kahit anong face expression wala.
"Wait!"
Rinig kong pigil nya sakin. Agad naman akong napatigil pero hindi lumilingon sa kanya.
"Problema mo?"
Nakarinig ako ng malalim na buntong hininga.
"Where's Naomi?"
"Pake mo ba kung nasan kaibigan ko?"
"Aistt. Im just asking, where is she? Mahirap bang sagutin ang tinatanong ko? Just answer na lang it pwede?"
Humarap ako sa kanyang gawi saka nag cross arm.
"Alam mo napaka mo. Matapos mong saktan at ipagtanuyan ang kaibigan ko nung game nyo may gana ka pa ngayong itanong kung nasan sya? Nandoon sa cafeteria nagpaiwan susunod na lang daw sya sa room."
I flipped my hair before turn my back at him. Pero bago ako makatalikod ay nakita ko pa ang pag iling nya.
Nagtataray ako pero sinabi ko din naman kung nasaan si Naomi. Hahaha. Baliw talaga ako. He's just asking lang naman eh at isa pa baka mag sosorry sya kaya sinabi ko na lang kung nasaan.
I'm just helping the both of them.
Makabalik na nga lang sa room baka nandoon na sina Jake.
Naomi's POV
Pinauna ko na si Rae na bumalik sa room. Alam kong nandoon na sina Jake kaya dito muna ako. Gusto ko munang mapag isa sa malaking cafeteria na 'to. May 30 minutes pa naman bago mag time. Tahimik na sumisimsim ako ng aking milk tea nang mapansin kong may lalaking papasok sa pinto ng cafeteria. Muntik na nga akong masamid dahil sa kanya. Sht!
He's really one damn gorgeous male species that God created.
Bakit nilalang pa sya kung di rin naman sya sakin mapupunta? Why it so unfair?
Nakapamulsa itong pumasok sa loob nitong cafeteria. Palinga linga na tila ba'y may hinahanap. Nang mapunta ang tingin nya sa aking pwesto ay saglit itong natigilan. Na para bang ayaw nyang naririto ako. Sabi ko nga aalis na lang ako. Aist!
Akmang tatayo na sana ako nang may biglang umupo sa upuang nasa aking harapan. Nangunot tuloy ang aking noo.
"Hey!"
Nakangiting bati neto sakin. Agad ko syang tinaasan ng kilay.
"Kailangan mo lalake?" masungit na tanong ko sa kanya.
Nakahinga ako ng maluwag dahil natatabunan nya si Asul na nakatayo pa din sa may pinto ng cafeteria. Yeah, tama kayo ng basa. Si Asul nga yung lalaking pumasok. Sino pa bang iba, diba? Sa kanya lang naman ako baliw.
"Ang gandang pambungad nyan babae. Kailangan agad? Di ba pwedeng miss lang kita?" he said then chuckled.
"Huwag ako lalake. Magkasama lang tayo sa iisang classroom para kang tanga."
"Ouch! Ang sakit naman nun babae. Maka tanga ka naman. Ouch talaga. Ouch."
Nag act pa ito na parang nasasaktan talaga.
"What ba kaseng need mo lalake?"
"I need you, babe."
Tinaasan ko sya ng kilay sabay irap.
"Sabi ko nga aayusin ko na sagot ko. Why ba kase conyo ka?"
"Why ba? Is it bad ba? I think hindi naman right? So what ba you need ha?"
Ngumiwi ito na para bang napakasama sa pandinig ng sagot ko. I just want to asar lang him. Why ba? Is it masama ba? Ahahaha!
"Aist wala lang. Nakita ko kaseng nati tense ka na jan sa kinauupuan mo kaya lumapit nako."
Nangunot ang noo ko.
"Paano mo naman sabi lalake?"
"I have my way babae. So, tell me anong meron sa inyo ni RK? Hah?"
Ngumisi sya nang mapang asar na may pataas taas pa ng kilay sakin.
Bwesit talaga ang Dave na ito. YEAH! JOHN DAVE EASTON THE BWESIT.
"Wala! Chismoso kang bwesit ka. Umalis ka na nga jan. Diba nasa room ka? Saan ka dumaan? Eh di naman kita nakitang pumasok sa pinto. Alien ka?"
"Grabe kana sakin Naomi ah. So bad girl ka na. Alien agad? Sabagay poging alien pwede na."
"Tsk! Ang yabang talaga bwesit pa. Alis nako. Dyan kana."
Tumayo nako at naglakad papunta sa pinto. Nandoon pa din si Asul. Wala yatang balak na umalis sa kinatatayuan nya.
"Hintay me babae. Don't make lakad so fast. Aistt!"
Natatawa ako dahil sa conyo nya. Sht! Para syang lalake na hindi malaman kung lalake ba talaga o babaeng maarte lang. AHAHAHA!
Natigilan ako nang biglang humarang si Asul sa daraanan ko. Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka.
"B-Bakit? M-May kailangan ka ba?"
Imbes na sagutin ako ay tumitig lang ito sakin ng magy pagtataka, na para bang hindi sya makapaniwala sa nakikita nya.
Bakit? Ano bang meron? Ang wierd nya ha!
"Hey babae. Why ba your so mabilis mag walk? Why don't you hintay me ba muna? Sabay na us to balik sa room."
Napatingin ako kay Dave na nasa tabi ko na pala. Hindi ko alam kung tatawa ba ako dahil sa kaconyohan ni Dave o naiilang dahil sa paninitig ni Asul.
"Oh! Hi bro! Nandito ka pala? Anong ginagawa mo dito? Nasa room ka kanina diba? May kikitain kaba dito sa cafeteria? Chix ba? Ahaha! Biro lang kumukunot agad noo mo eh."
Napailing na lang ako dahil sa pagiging feeling inosente ni Dave kahit hindi naman. Alam ko namang kanina pa nya alam na nandito ang kaibigan. Mapang asar talaga. Amp!
Umiling si Asul.
"Nothing! May tiningnan lang ako. May kasama na pala kaya aalis din ako. Sige mauuna na ako sa inyong dalawa may gagawin pa ako."
Tumalikod na ito at lumabas na ulit ng cafeteria.
"Nangyari dun?"
"Ewan ko! Bakit ako tatanungin mo ha! Alam ko ba?"
"Eh bat nagagalit ka? Nagtatanong lang naman ako ah. Ang sungit mo babae. Babae ka ba talaga?"
"Eh ikaw lalake ka ba talaga? Bakit ang parang sanay ka mag conyo ha?"
"Ikaw kaya anuna sinabayan ko lang trip mo."
"Eh bakit ang panget mo mag conyo?"
"Hoy babae feeling mo bagay sayo? Aba, asa ka."
Napasimangot ako saka sinamaan sya ng tingin. Ngumisi naman sya saka dali daling tumakbo palabas ng cafeteria.
"Aarrrgghhh! Bwesit ka talaga Easton."
Asar na sumunod ako sa kanya pabalik sa classroom. Pagdating ko doon ay si Asul agad ang hinanap ng mata ko pero wala sya. So, umalis pala sya pagkalabas nya sa cafeteria? Saan naman kaya yung nagpunta?
Umupo ako sa tabi ni Rae.
"Hinahanap ka ni Blue kanina eh. Nakasalubong ko sya nung pabalik nako dito. Sinabi kong nasa cafeteria ka. Pinuntahan ka ba nya?"
Natigilan ako sa sinabing iyon ni Rae. Bigla kong naalala yung huling sinabi ni Asul bago sya umalis.
"May tiningnan lang ako. May kasama na pala kaya aalis din ako."
"May tiningnan lang ako. May kasama na pala kaya aalis din ako."
Sht! Hindi kaya ako yung sinasabi nya kanina? Aisttt hala ka naman.
"Seryosos ka ba?"
"Oum!"
"Sht na malagkit."
"Why? May nangyari ba na hindi ko alam?"
Sumimangot ako saglit bago tumingin sa kay Rae na nakangisi na ngayon. I just rolled my eyes on her.
"Nakita ko sya na pumasok kanina sa cafeteria na para bang may hinahanap sya. Tiningnan pa nga nya ako na para bang ayaw na ayaw nya akong nakikita kaya aalis na sana ako kaso biglang dumating ang bwesit na si Dave. Pero nagpapasalamat din naman ako sa kanya dahil natabunan nya si Asul na wagas kung makatitig na akala mo kakainin ako ng buhay. Tapos nung palabas nako humarang sya bigla. Tinanong ko naman kung may kailangan ba sya pero imbes na sumagot tinitigan lang ako na para bang may kakaiba sakin. Tapos sumunod si Dave tinanong kung anong ginagawa doon ni Asul."
"Anong sinagot ni Blue? Curious ako!"
"May tinitingnan lang daw sya. May kasama naman na daw pala kaya aalis na din sya agad. Tapos yung bigla na lang nag walk out."
Biglang tumili si Rae pero mahina lang para walang ibang makarinig kundi kami lang dalawa.
"Ayyyiiieeeeee! Mygash! Mygash! Hindi kaya nagseselos na si Blue sa inyong dalawa? Kase diba noong naginoman ang team noon kay Dave ka nagpahatid eh nagalit na lang din sya bigla. Awiiieettt.. Hindi kayaaaa?"
Hinampas ko sya sa braso.
"Hindi kaya! Hindi! Malabong mangyari yun Rae. Kay tumigil ka dyan. Umiiwad na nga ako kaya paninindigan ko na to."
Sinundot nya ko sa tagiliran.
"Rae! Isa pa. Sasapakin na kita."
"Ayyy.. ang sungit mo Naomi. Ahahaha! Pero teka nga sure na ba yan?"
Tumango ako.
"Sure na. At ikaw ang magiging tulay ko para makarating sa kanya yung mga gusto kung gawin pero di ko magawa dahil alam kong magagalit na sya lalo sakin."
Tinapik ako ni Rae sa balikat.
"Akong bahala sayo Naomi. Gagawin ko ang lahat para mabalik kung anong meron sa inyo noon ni Blue, yung closeness at friendship nyo. Ilalakad kita nang hindi nya nalalaman."
Ngumiti na lang ako sa mga naiisip ni Rae. Ibang klaseng babae talaga ang isang ito. Ahahahaha! Kaya mahal na mahal ko yan eh.
"At akong bahala sa pinsan ko. Ilalakad din kita sa kanya. Okay ba?"
"Ayyy bet ko yan. Ahahaha!"
Mahinang humagikhik kaming dalawa ni Rae na para bang may masamang binabalak sa isa't isa.
"Puro ka kalokohan Rae!" natatawang sita ko sa kanya.
"Ikaw din naman. Kaya nga bestfriend tayo eh. Ahahaha!"
"Pakners in crime tayo eh. Ahahaha!"
Then nag apir kaming dalawa na animo'y nakagawa ng kalokohan na kami lang ang nakaka alam.
Masarap magkaroon ng kaibigan/bestfriend na kayang sabayan ang trip mo sa buhay. Mapamabuti man yan o kahit kalokohan pa. Yung laging nandyan para damayan at tulungan ka. She's one of the treasures na pinagpapasalamat ko na nakilala at dumating sa buhay ko. She's like my own sister na. Kaya hinding hindi ko ipagpapalit sa anumang bagay ang pagkakaibigan naming dalawa. At alam kong ganun din sya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top