KABANATA 2

"Papasok ka bang babae ka? Anong oras na bakit wala ka pa rin dito sa school?"

Sigaw ni Rae sakin sa kabilang linya.

"Sorry Rae. Hindi ko ba nasabi sayong absent ako today dahil susunduin namin ni Daddy yung pinsan ko sa airport?"

"Grabe ha! Bakit ngayon mo lang sinabi? Edi umabsent na rin sana ako. Ang boring kaya dito wala akong makausap. Nakakainis ka talagang babae ka."

"Sorry na okay? Libre na lang kita ng ice cream bukas. Saka ipapakilala kita sa pinsan ko. Okay ba?"

"Gwapo ba?"

Natawa naman ako. Basta talaga gwapo ang lakas nya.

"Oo. Sobrang gwapo."

"Alright! Alright! I'll hang up na. Basta ireto mo ko dyan sa pinsan mong made in korea ah."

Humahagikhik na sabi nya.

"Oo na. Oo na. Bye!"

"Bye! Bye! Keep safe!"

Binaba na nya ang tawag. Napansin ko namang natatawa si Dad habang nagdadrive.

"Ang batang iyan talaga oh. Dalaga na talaga mahilig na sa gwapo eh. Pati pinsan mo pinagkaka interesan na din."

"Hayaan nyo na Dad. Mabait naman si Jake eh."

"Sabagay!" natatawang sagot ni Daddy.

Nakarating kami sa airport ng around 10:00am dahil sa traffic.

Ilang minuto lang ang hinintay at dumating na din ang pinsan ko.

"JAKEEEE! YOHHHOOOO!"

Nakangiting sigaw ko habang kumakaway. He smiled back saka mabilis na lumakad palapit samin.

He open his arms widely in my front kaya agad akong lumapit sa kanya para yakapin sya ng mahigpit.

"Tangkad namiss kita."

He pat my head.

"I also missed you Pandak."

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya saka sumimangot.

Pinitik naman nya ang noo ko.

"You're not cute you know that."

"Yeah! I'm not cute because I'm gorgeous."

Nagkibit balikat lang sya bago tumingin kay Daddy.

"Tito Nash!"

"You really changed a lot iho. Binatang binata ka na talaga."

"Thanks Tito!"

"Oh panu halika na kayo."

Ngumiti ako at agad na kumawit sa braso ni Jake. Kinuha naman ni Dad yung maleta nito at saka kami naglakad papunta sa kotse.

Si Jake ay bunsong anak ni Tito Justin at Tita Louisse. Ang Mommy ni Jake at Daddy ko ay magkapatid. Hindi kami parehas ng apelyedo kaya di halata na magpinsan kami. Parker sya at Montero ako. Half korean ang father nya kaya nasa korea sila ngayon. So, cousin ko si Jake sa father side. Tatlong magkakapatid sina Daddy at sya ang pangalawa. Si Tita Louisse ang panganay at si Tita Janice ang bunso. Lahat ng kapatid ni Dad ay nasa ibang bansa at sya lang ang nandito sa Pinas. Syempre nandito si Mommy eh pati na din mga business nila kaya stay sya dito.

May dalawang kapatid pa si Jake. Ang panganay ay si Ate Jamica at sumunod si Kuya Shawn at syempre si Jake ang gwapong bunso nila. Chhhaaarrr! Lahat sila dito pinanganak pero sa Korea nag high school. Every vacation lang sila pumupunta dito kaya nakapagtatakang nagdisesyon ang pinsan kong ito na dito na mag stay at mag aral ng college.

"Nandito na kami!"

Lumabas si Mommy galing sa kusina. Nagluluto yata sya ng lunch namin.

"Tita Fatima!" bati ni Jake kay Mommy.

"Naku! Ang gwapong pamangkin ko. Halika pasok! Pasok!"

Gwapo daw? Yack!

"Saktong sakto katatapos ko lang magluto ng ulam. Halina kayo sa kusina at kakain na."

"Sakto Tita gutom na din ako. Alam mo bang namiss ko ang luto nyo lalo na yung favorite namin na Naomi na adobo."

"Sabi ko na nga ba't mamimiss mo ang luto ko."

Sabay sabay kaming pumunta sa dining area para mananghalian.

"Napag usapan na namin ni Kuya Justin na dito ka na lang tumira samin kung gusto mo. Pero its up to you iho kung anong choice mo."

"Thanks Tito pero may nabili na po kase kami ng mga barkada ko na condo malapit sa school. Pero bibisita pa rin naman po ako dito tsaka ipapakilala ko na din po sa inyo ang barkada ko. Tsaka pwede pong ako na rin ang maghatid sundo kay Naomi minsan."

"Naku iho wag ka ng mag abala pa. Malaki na yang batang iyan tsaka may driver naman kami."

Ngumiti lang si Jake sa sinabi ni Mommy.

"May kotse ka? May license kana ba? Ha?" sunod sunod na tanong ko.

"Silly! Of course meron."

Kuminang naman ang mga mata ko sa narinig.

"Sosyal. Richkid!"

Natawa naman sya sa sinabi ko.

"Mom! Dad! Si Jake na lang gagawin kong driver. Batang bata yan kaya di mapapagurin. Para na din makapagpahinga si Mang George pagkatapos maghatid kay Mom sa boutique."

Nagkatinginan si Mom at Dad. Kumindat naman ako ng palihim kay Jake na ikinatawa nito ng mahina.

"Oh sya sige! Jake iho ikaw na ang bahala dyan sa pinsan mo ah. Dalaga na yan pero isip bata pa minsan."

Natawa naman sila habang ako ay nakasimangot.

Isip bata? Hhmmpp!!!

"No worries Tita. Akong bahala sa pinsan kong 'to."

Sabi nito saka ako inakbayan. Siniko ko naman sya na ikinatawa nya.

Pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan at kamustahan muna sila sa sala habang ako naman ay nag aayos ng sarili.

"Sasama ka ba talaga sa pinsan mo? Puro boys sila dun."

"Dad i'm one of the boys kaya."

Pinitik naman ako ni Jake sa noo.

"Don't worry Tito harmless ang mga kaibigan ko."

"Oh basta before 10 ay ihatid mo na nag pinsan mo dito sa bahay ah."

Tumango naman si Jake.

"Sure po."

"Jake ingat sa pagdadrive ah."

Tumango naman sya saka kami nagpaalam.

Yung kotse ni Daddy ang gamit namin dahil nasa parking lot ng condo nila ang kanyang kotse.

Habang nasa byahe kami ay di ko maiwasang magtanong.

"Paano kayo nakabili ng condo?" curious na tanong ko.

"May pera kaya nakabayad?"

Napairap naman ako. "Pilosopo!"

Natawa naman sya.

"Yung Dad ng kaibigan ko ay may condo na hindi pa nagagamit kaya we decide na bilhin na lang yun with our own money may discount pa kami."

"Wow! Own money talaga ah?" pang asar ko.

"Tumutugtog kami sa Korea every weekends kaya may pera kaming masasabing amin talaga."

Tumango tango ako bilang pag sang ayon.

"By the way classmates nga pala tayo. Sa E.U din kami mag aaral."

"Talaga?" manghang tanong ko.

Tumango naman sya saka ngumiti.

"So it means may tagalibre na ako ng recess at lunch? Yeyyyy!" tuwang tuwa ako sa nalaman. Nagawa ko pang magsayaw habang nakaupo dahil sa excitement.

"Wag kang abusado ah. May driver kana nga may tagalibre ka pa? Aba naman!"

"Ayaw mo? Ayaw mo?" makasimangot na maktol ko. Nagkunwari pa akong maiiyak.

"Joke lang! Joke lang! Ililibre na kita ng lunch araw araw. Pero lunch lang ah."

Tumango ako habang nagpupunas kunwari ng luha sa mata.

"Psh! Actress ka talaga. Galing mong umarte eh."

Natawa naman ako sa sinabi nya.

Ilang minuto pa ay nakarating na din kami sa condo nila. Nasa 30th floor kami so it means pent house ang binili nila.

Ang sosyal naman. Yayamanin!

"Pasok!"

Nilibot ko ng tingin ang buong condo. Malaki! Triple ang laki sa normal na condominium. Malawak ang living room. May isang mahabang sofa at tatlong single na sofa. May mini table sa gitna at may 42" inch na flat TV sa harap may mga dvds at albums din doon.

"Feel at home baby! Maliligo lang ako ah," sabi nya na ikinatango ko bilang sagot.

Ganyan talaga yan kapag wala ang parents namin. Baby ang tawag sakin. Mukha daw kase akong baby. Baby bilot. Tsk!!!

Minsan nga napagkakamalan kaming mag jowa dahil sa closeness namin at sa pagtawag na nga nya sakn ng 'baby'.

Pumasok ako sa isang pinto. Pagbukas ko may tatlong pinto pa. Siguro ito ang rooms nila. May mga paintings na nakasabit sa dingding.

Binuksan ko ang first door at tumambad sakin ang kulay black & white na kwarto.

Kwarto nga!

Isinarado ko na saka ako lumabas.

May library din at pati na din gym. Meron ding play room at mini bar.

Tsk! Boys are boys!

Malawak ang kitchen. Lahat yata ng gamit sa pagluluto at pagbi bake ay nagdito na.

Binuksan ko ang double glass door at tumambad sakin ang magandang view. Nakakamangha! Kitang kita ang malawak sa syudad sa ibaba. Mataas ang building at nasa pent house kami kaya kitang kita talaga kung anong meron sa ibaba. Meron pang swimming pool sa gilid at may upuan sa tabi neto.

Muli akong bumalik sa loob sakto namang tapos na si Jake ng pagligo. Nagpupunas na ito ng basang buhok.

"Nasan na mga kasama mo dito?" pagtatanong ko.

"Paparating na yung mga yun."

May narinig kaming nagbukas at sara ng pinto.

"Parker? Nandito ka na ba?"

Sigaw na tanong ng bagong dating.

Parker? Last name bases?

"Kararating ko lang bro! Behave ka may bisita tayo," sagot naman ng pinsan ko.

"Aso ba ako para magbehave ha? Tsaka sino ba yang bisita na sinab--- oh? Hi miss! I'm Haxxon Joshua Carter at your service."

Lumapit ito sakin at hahalikan na sana nito ang kamay ko ng hilahin sya ni Jake papalayo.

"Back off Carter pinsan ko yan," sabi ni Jake ng may pagbabanta.

Napanganga naman ang kaibigan neto saka tumingin sakin ng may pagdududa.

"Weee?? Pinsan mo? Miss pinsan mo ang kumag na'to?" tumingin ito sakin saka ako tumango.

"Magpinsan kayo? Akala ko babae mo eh."

Binatukan naman sya ni Jake na ikinatawa ko.

"Hi! I'm Faith Naomi Montero. My Dad and his Mom are siblings kaya we're cousins," pakilala ko ng nakangiti.

"Cousins ba talaga? Baka naman cousin-tahan?"

Nakatikim na naman ito ng batok mula sa pinsan ko.

"Nakakarami ka na Parker ah. Pasalamat ka may pinsan kang maganda kaya di na kita gagantihan."

Napangiti naman ako ng lihim.

Ang kulit lang!

"Asan si RK?" tanong ni Jake sa kaibigan.

RK? Who's RK? Siguro yung isa nilang friend.

"Mamaya pa daw sya babalik. May pupuntahan daw saglit sa luma nilang bahay."

"Okay!"

Pero di talaga mapigilan ng bibig kong magtanong. Daldal eh!

"Sinong RK? At bakit RK?"

Napatingin naman sakin ang dalawa.

"Chismosa din pala 'tong pinsan mo noh? Maganda nga chismosa naman."

Napasimangot naman ako dahil sa sinabi neto. At pinagtawanan lang ako ng magaling kong pinsan.

"RK short for Richkid. Sa family nila ang building na ito," sagot ni Jake.

"Eh bakit nagbayad pa kayo kung sila naman ang may ari ng building na'to? Dapat libre na yun anak naman nila ang titira eh."

"Chismosa ka nga talaga. Kase nga po gusto naming magbayad. At isa pa business is business," sagot ng pinsan ko saka ginulo ang aking buhok.

"Magluluto lang ako ng dinner. Dahil wala si RK ako muna ang magluluto ngayon. Dito ka lang ah at wag kang magpapauto sa isang yan."

Tiningnan ng masama ni Jake ang kaibigan at ngumisi lang ito sa kanya.

Pumunta na si Jake sa kusina kaya kami na lang ni Joshua ang naiwan sa sala. Lumapit ito sakin para makipag kwentuhan.

"Taga Davao ang ina ko at taga Cebu naman ang ama ko. Pero ngayon pareho silang nasa U.S dahil doon sila nakahanap ng magandang opportunity at dahil sa awa ng diyos nakapagtayo na sila doon ng business."

"Nagiisa akong anak kaya naging tambay ako sa computer shop at basketball court at yun nga natagpuan ako ng pinsan mo. Nagkasundo kami sa mga bagay bagay kaya naging magkabarkada kami."

"Si RK naman two months simula ng makilala ko si Parker sya naman ang nakilala namin. Naligaw sya sa subdivision namin kaya tinulungan namin sya. Bago lang kase sila sa Korea. Ewan ko nga dun eh kalaki laki na naliligaw pa. Napaka sungit din nun samin nung una pero dahil makulit kami at gusto namin syang maging kaibigan ayun in the end nagkasundo sundo din kaming tatlo."

"Sa aming tatlo si RK ang pinakamayaman kaya nga RK diba? Alam mo wag ka dun masungit yun at cold. May thrust issue din yung taong yun. Simula nung kakilala namin sya ganun na yun buti nga ngayon hindi na eh. Marunong na ulit syang magtiwala sa iba at hindi na din sya nagsusungit. Naisip ko nga baka may naging problema sya dito sa pinas bago sila lumipat sa Korea eh. Di naman kase yun palakwento."

"Pero may naging kaibigan na sya nung bata pa isang batang babae daw. Tapos nung naging elementary sila may naging kaibigan sya na trinaydor daw sya tapos wala na. Wala na kaming alam tungkol sa childhood nya. Kapag nababanggit yun hindi na lang sya makikipag usap kaya pinabayaan na lang namin."

Ang dami nyang kwento at parang hindi nawawalan ng topic kaya hindi ka maboboring.

May mga jokes din sya na waley pero mapapatawa ka talaga.

"Gabi na pala. Masyado ata akong napakwento ah."

"Okay lang. Hindi ako nabored."

"Buti naman kung ganun. Tingnan na natin pinsan mo sa kusina baka nasunog na nun ang pagkain."

Natawa naman ako bago kami nagtungo sa kitchen.

"Wow! Ang dami naman. Yummy!"

"Bro may fiesta ba?"

"Tsk! Kumain ka na lang pwede? Daldal mo eh."

Umupo na kami para makakain.

Pagkatapos kumain ay nagpasya akong maghugas pero di ako pinayagan ni Jake kaya walang nagawa si Joshua kaya ayun nagdadabog sa kusina. Sya kase ang pinaghuhugas ni Jake.

"Ihahatid ko lang si Naomi sa kanila. Babalik ako before 11:30 wag mong ilalock ang pinto dahil di ko dala ang susi."

Sigaw ni Jake mula sa sala.

"Copy that boss!" sigaw naman pabalik ng kaibigan.

"Tara!"

Habang nasa bayahe kami di ko mapigilang itanong kay Jake yung isa nilang kabarkada.

Curious talaga ako.

"Yung RK mabait din ba? Base kase sa kwento ni Joshua masungit daw at cold yun. Totoo ba?"

"Alam mo nagiging matanong ka na ah. Just wait and see okay? Ipapakilala ko na lang sya sayo. Saka itigil mo na nga yang RK na yan. Kami lang pwedeng tumawag sa kanya nun baka magalit pa kapag timawag mong RK matakot ka pa. Just call him Blue! Blue na lang okay?"

Tumango ako ng dahan dahan.

Blue?? Blue?!

That name! Sya kaya? Ahhhh hindi, hindi! Madami namang Blue sa mundo kaya baka hindi sila iisa.

Pero???? Aahhhhhhhh ewan ko!

Hanggang sa makauwi ako ay naiisip ko pa rin iyon. Hindi din ako makatulog dahil naiisip ko talaga kung iisa ba sila o magkaiba. Nakucurious talaga ako lalo na ngayong narinig ko na naman ang pangalang iyon.

Blue!

Sino ka nga ba talaga? Iisa nga lang ba kayo o magkaiba?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top