KABANATA 18

We don't meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason.

At si Asul ay dumating sa buhay ko para pasayahin at samahan ako sa panandaliang panahon lamang. Pinakilala sya sakin para matutunan kong maging matatag sa lahat ng pagkakataon dahil hindi sa lahat ng oras ay may taong mananatiling nandyan para sakin. Napamahal sya sakin para ipakita na hindi lahat ng pagmamahal ay nasusuklian. Minahal ko sya sa ilang taon na dumaan na walang hinihintay na kapalit. Kaya nararapat lamang na huwag akong mamilit ng tao para lang mahalin dun ako pabalik.

Tama ang stranger na iyon. Kapag nagmahal ka mahalin mo lang at huwag kang mag iexpect ng loveback mula sa taong iyon. Dahil masarap sa feeling ang mahalin ng walang sapilitan.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon sa locker room ng gym ay agad din akong lumabas at nagtungo sa pwesto ng team. Naabutan ko sina Jake na ready nang umalis. Wala si Asul. Siguro nauna nang lumabas.

"Besh ang tagal mo naman. Ano bang ginawa mo sa loob?"

Agad na bungad sakin ni Rae pagkalapit ko.

"Ahhhmmm.... ano.. kase.. ahhh wala! Hehehe!"

Kinunutan nya ako ng noo.

"Wala nga! Ang mahalaga nandito na ako diba?"

"Oo na lang!"

Natawa naman ako. Tinulak ko ang kanyang noo gamit ang hintuturo ko kaya na out of balance sya. Dahil sa nasa likod nya lang ang pinsan ko ay napaatras sya dito. Agad naman syang nakapitan ni Jake sa balikat para hindi ito matumba.

"Ooppsssiieee!"

Nag peace sign ako kay Rae na namumula na ngayon dahil sa hindi inaasahang nangyari. Tumingin sakin ang pinsan ko na nakakunot ang noo.

"Naomi!"

May pagbabanta sa boses neto na ikinatawa ko.

"Sarriiee! I didn't mean it," sagot ko na nakangisi.

Umayos naman ng tayo si Rae saka ako tiningnan ng masama. Lumapit ito sakin saka ako hinampas sa balikat.

"Nakakainis ka! Kinilig tuloy ako dahil doon."

Pabulong na asik nya sakin. Natawa ako dahil akala ko ay maiinis sya pero kabaliktaran ang naging reaction nya. Iba talaga ang tama neto sa pinsan ko!

"May gimik kami ng team at hindi kayo pwedeng sumama dahil its boys night out. Bukas na lang namin kayo ititreat, okay ba?"

Napasimangot naman ako dahil sa sinabing iyon ni Jake.

"Ang daya naman!"

Pagdadabog ko.

"Huwag pasaway baby Naomi. Isusumbong kita kina Tita at Tito sige ka."

"Aaiisstt!"

Dabog na hinila ko si Rae palabas ng gym. Nagpunta muna kami sa locker bago kami tuluyang maghiwalay. Sinundo sya ng kanilang driver samantalang ako ay nandito pa rin sa labas ng school. Nasa Batanggas sila mommy kaya malamang ay kasama nila ang driver namin kaya wala talagang magsusundo sakin.

"Its commute time!"

Usal ko saka ako nagsimulang maglakad papunta sa kabilang bahagi para pumunta sa sakayan.

Nagulat ako nang biglang may bumusinang kotse di kalayuan sa pwesto ko. Nang makalapit ang sasakyan sakin at ibinaba neto ang wind shield ay agad nanlaki ang aking mga mata.

"Ikaw?"

"Do you expect someone?"

Umiling ako.

"Nagulat lang ako."

Marahan syang tumango saka binuksan ang pinto ng kotse.

"Hop in! Ihahatid na kita sa inyo."

Hindi naman ako nag alinlangan pa at agad na sumakay sa kotse. No choice! Walang maghahatid sakin pauwi kaya wala na akong karapatan na tumanggi at mag inarte pa.

Nagtaka ako nang hindi pa nya pinapaandar ang sasakyan. Nakatingin lang ito sa akin.

"Hindi pa ba tayo aalis? Paandarin mo na nga yan." pagsusungit ko saka sinuot ang seatbelt.

I heard him chuckled kaya napatingin ako sa kanya. Tumaas ang kanyang kilay saka ipinatong ang siko sa manubela. Hinagod ng kanyang daliri ang kanyang baba na para bang may iniisip.

"What?"

"Hindi ka talaga nagdalawang isip na sumakay no?"

"Eh sabi mo ihahatid mo ako diba? Oh edi sumakay na ako. Wala akong sundo tapos dumating ka at nagoffer na ihatid ako. Bakit pa ako tatanggi diba?"

"Paano kung sabihin ko sayong kidnapper ako at ikaw ang target ko? Hindi kita iuuwi sa inyo at dadalhin kita sa malayong lugar. Sasakay ka pa ba?"

Natawa ako sa mga pinag sasabi nya.

"Diba sabi mo kidnapper ka. Eh hindi naman na ako kid eh kaya sibat na. Gusto ko nang umuwi."

Tumawa ito na para bang may kalokohan akong sinabi. Pinaandar na nya ang sasakyan umayos na ako ng upo.

"Ang dali mong maniwala sa ibang tao na hindi mo naman kilala. Paano pala kung masamang tao ako? Edi napahamak ka."

"Eh hindi ka naman masamang tao kaya no worries."

"You're unbelievable!"

"I'll take that as a compliment. Thank you!"

Iiling itong nagpatuloy sa pagdadrive. Itinuro ko naman ang daan papunta sa amin at napagalaman kong nasa kabilang subdivision lang ang kanila. Wow ha! Small world.

Nalaman ko din na sya ang captain ng team na nakalaban nina Asul sa Championship kanila. Hindi ko sya nakilala dahil hindi ko naman priority ang team nila kaya hindi ko din sya kilala. Hahaha. Sorry naman I'm just saying the truth. Uwwu

"Thank you sa paghatid. Ingat sa paguwi!"

Hindi nya ako sinagot kaya kibit balikat na lumabas na ako ng kotse nya. Bago pa man ako makapsok ng gate ay narinig ko syang magsalita.

"Sana sa susunod na magkita ulit tayo tunay na yung ngiti na ipinapakita mo. Kung ayaw sayo ni Greyson sya ang nawalan at hindi ikaw. Don't waste your tears on someone who's not worth it. Pero kung talagang mahal mo huwag mong pilitin. At kung kayo talaga ang para sa isa't isa tadhana na ang gagawa ng paraan para maging kayong dalawa."

Napatigil ako dahil sa mga sinabi nyang iyon. Napakalalim. Para bang may pinagdadaanan sya dahil na rin sa paraan ng kanyang pananalita at mga malalalim na paniniwala.

"Bye Faith!"

Narinig kong pinaandar na nya ang sasakyan paalis. Muli ko syang tiningnan pero wala na ito sa paningin ko.

Natigilan ako saglit.

How did he know my first name???

That guy is something! Napakalalim ng kanyang hugot. O baka sadyang ganun lang talaga sya.

Ipinagsawalang bahala ko na lang yun at pumasok na ako sa loob ng bahay. Nagpalit ng damit at nagmukmok sa kwarto. Kumain ng dinner mag isa dahil nasa business trip sina mommy. Pagkatapos nun tamad na dumapa sa kama at bored na tumingin sa harap ng laptop. Nasa harap ko din ang aking mga workbooks pero wala akong ganang magsagot. Para akong lutang ngayon na ewan.

Naalala ko na naman yung nangyari sa locker room. Bumabalik yung sakit dahil sa mga sinabi nya. Tanga? Ako? Siguro nga! Nagiging tanga at pathetic namam ang isang tao kapag nagmahal. Nakagagawa ang isang tao ng mga bagay na malayo sa kanyang nakasanayan para lang sa pagmamahal. Is that a bad thing? Nagmamahal lang naman kami.

Napatingin ako sa wall clock!

"Oh emm! Gabi na pala?"

Hindi ko napansin ang oras. Mag aalas dyes na pala ng gabi at apat na oras na pala akong nakikipagtitigan sa laptop at notes ko. Ayyy grabe! Lutang talaga ako ngayon.

Napatingin ako sa cellphone ko na nasa ibabaw ng sidetable nang tumunog ito. Agad ko itong sinagot na hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello? Gabi na! Kung sino ka mang tukmol ka anong problema mo? Matutulog na ako. Goodnight!"

"Baby Naomi!"

Agad kong tiningnan kung sino ang caller. At ang dakila kong pinsana ang tumatawag. Anong problema ng mokong na ito?

"Napatawag ka?"

"Lashing na lashing si RK! Lashing din kaming tachlo. Walang mag aalaga kay RK. Wala lang shinashabi ko lang hahaha. Wag ka nang pupunta dito sha condo nakauwi naman kami ng ligtash. Hahaha! Good night Baby Naomi."

Napasapo ako sa aking noo dahil sa mga pinag gagawa nila. Nagpapakalasing tapos kinabukasan hindi kaya ang sarili? Tsk!

"Bakit hindi nyo pinigilan? Alam nyo namang nilalagnat yan kapag naglalasing ng sobra diba? Tsk!"

"Ayaw magpapigil eh! Hahaha. Nambubugbog yun kapag shinuway ang gushto. Takot kame!"

"Tsk! Ewan ko sa inyo."

Pinatay ko ang tawag at dali daling kumuha ng jacket. Cellphone at wallet lang ang dinala ko at nagmadaling lumabas ng bahay. Ginamit ko na ang isang kotse sa garahe dahil emergency ang pupuntahan ko. Inilock ko ang buong bahay tsaka ko pinaandar ang sasakyan papunta sa condo nina Jake.

Nag aalala ako kay Asul dahil alam kong aapuyin na naman sa lagnat ang pasaway na yun. This is the last na lalapit ako sa kanya at pagkatapos neto ay iiwas na ako para hindi na sya mas lalong magalit sakin. Pero hindi ko maipapangako na itatapon ko na lang ang nararamdaman ko para sa kanya. I will love and care for him from afar.

Nang makarating ay agad kong pinark ang sasakyan at dali-daling sumakay sa elevatot paakyat sa pent house ng condominium building. Agad naman akong nakarating sa tapat ng pinto. Hindi na ako kumatok dahil alam ko naman ang passcode ng pinto nila. Naabutan kong nakahalumpasay sa sahig si Joshua samantalang ang pinsan ko ay nakahiga sa sofa. Nasa sariling condo na neto siguro si Dave. Agad kong nilapitan ang pinsan at mahinang tinampal ito sa pisnge.

"Hhhmmmm! Ano ka bang lamok ka umalis ka nga," nakapikit na hinampas neto ang kamay ko.

"Huh! Pinagkamalan pa akong lamok? Ibang klase."

Muli ko itong tinampal sa pisnge pero this time medyo malakas na.

"Magandang pinsan mo'to. Gumising ka nga dyan!"

Tumawa ito nang nakapikit.

"Pinsan? Hindi yun pupunta dito dahil gabi na. Naghihilik na yun sa kama nya. Hahaha."

Napanganga ako. Hindi makapaniwala sa narinig. Ako? Naghihilik? Ang salbahe!

"Hoy gising. May sunog!"

Malakas na sigaw ko sa tenga nya. Agad naman itong napabalikwas ng bangon.

"Asan? Asan ang sunog? Tubig! Tulong! May sunog!"

Sinapak ko sya. Agad naman itong napahawak sa parteng sinapak ko.

"Aray! Ang saki--- Naomi? Anong ginagawa mo dito?"

Gulat na tumingin ito sakin bago tumingin sa wall clock. Parang nawala ang pagkalasing nya at nahimasmasan sa nakita. Gulat pa rin na bumaling saking muli ang tingin nya.

"Gabing gabi na ah. Bakit ka pa pumunta dito? Paano kung may nangyari sayo habang bumabyahe ka?" Sunod sunod na tanong nya sakin.

"Easy cousin! Ligtas naman na nakarating ako dito diba kaya wag ka ngang oa dyan! At isa pa, gusto ko ding icheck si Asul. Nawala naman na ang lasing mo kaya ikaw na lang magdala kay Joshua sa kwarto ha! Pupuntahan ko lang si Asul."

Dagli nya akong pinigilan sa braso. Tiningnan nya ako na para bang may malaking sekreto akong hindi sinasabi sa kanya.

"Pinsan mo ako. Kilala na kita noon pa man at hindi mo ako mapagtataguan. Tell me anong meron sa inyo ni RK?"

Nabigla ako sa kanyang tanong. Napaatras ako dahil hindi ko iyon inaasahan na itatanong nya sakin agad.

"Huh? Anong pinagsasabi mo dyan? Wala ah. Alam mo lasing ka lang kaya kung anu ano ang pinagsasab---"

"Naomi!"

Napatigil ako dahil sa may pagbabanta nyang boses. Napayuko ako at napakagat sa ibabang labi. Alam kong darating din ang araw na magtatanong sya. Na maghihinala sila. At hindi ko napaghandaan na ngayon na ang araw na yun.

Dahan dahan akong tumunghay at timingin sa pinsan kong batid ang pag aalala sa kanyang mukha.

"I like him, no, I love him. I love Asul, Jake! Matagal na. Simula pa nung magkaibigan pa kami. Inilihim ko dahil alam kong magagalit ka sa kanya. Kilala kita at alam kong hindi mo ito malalampasin kaya itinago ko. Ayaw kong magkaaway kayong dalawa. He's your bestfriend. At para na din kayong magkapatid at ayaw kong masira yun dahil lang sakin. Jake I'm sorry kung hindi ko agad sinabi."

Naiiyak na ako.

Naramdaman kong lumapit sya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Don't be sorry Naomi. Don't be! Huwag na huwag kang magsosorry dahil lang sa nagmahal ka. Alam kong nasasaktan kana nya pero wala akong karapatan na magalit sa kanya dahil problema nyo itong dalawa at labas ako sa usapan. Sana lamang ay hindi humantong sa sobrang nasasaktan kana dahil hindi ko na iyon palalampasin. Naiintindihan mo ba ako?"

Tumango ako. Ngumiti sya at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa pisnge ko.

"Huwag ka ngang umiyak dahil pumapanget ka. Smile ka na! Hindi naman ako galit dahil sa hindi mo pagsabi ng totoo. I understand you okay? Sige na puntahan mo na si RK paniguradong nilalagnat na naman ang gagong yun. Ako nang bahala kay Joshua."

Ngumiti ako bago tuluyang pumasok sa room ni Asul. Hinipo ko ang kanyang noo at mainit nga ito. Saglit akong lumabas ng kwarto para kumuha ng plangganita na nilagyan ng maligamgam na tubig saka malinis na bimpo. Pinunasan ko ang kanya ng mukha pababa sa leeg neto at sa mga braso. Pagkatapos ay tinawag ko si Jake para palitan ng malinis na damit si Asul dahil amoy alak ito. Lumabas muna ako saglit.

Napatingin ako nang bumukas na ang pinto ng kwarto.

"Tapos na!"

"Sige! Magpahinga ka na din. Goodnight couz!"

Tumango ito. "Sa kwarto ko na lang ikaw matulog kapag tapos kana, okay? Share na muna kami ni Joshua. Matulog kana maya-maya ah. Magmimidnight na."

Tumango ako. "Sige!"

Pumasok na sya sa kabilang kwarto na kwarto ni Joshua. Agad naman akong pumasok sa kwarto ni Asul. Umupo ako sa bangko na nasa gild ng kama nya. Muli kong binasa at pinigaan ang bimpo at ipinatong sa noo ni Asul.

Itinungkod ko ang dalawang siko sa gilid nya at pinagmasdan sya.

"Heto na ang huling beses na makakalapit ako sayo ng ganito kalapit. At ito na rin ang huling beses na mapagmamasdan at mahahawakan kita ng ganito. Sayang nga lang at tulog ka at hindi mo malalaman na ako ito."

Marahang hinaplos ko ang kanyang asul na buhok.

"Mahal na mahal kita Asul. At kahit kaylan hindi ko iyong itatapon at iwawaglit na lang. I will keep my love for you in the deepest of my heart. Masakit man na lumayo sayo pero gagawin ko dahil iyon ang gusto mo."

Tumayo ako at dahan dahang tumunghay palapit sa kanya para mahalikan sya sa noo at sa labi.

"Good mornight, Asul! I love you!"

Bulong ko sa kanyang tenga bago ako lumabas ng kwarto at pumunta sa kwarto ni Jake para magpahinga na din.

May mga bagay tayong kailangang gawin hindi dahil sa gusto natin kundi dahil yun ang makapagpapasaya sa taong mahal natin.

At kahit na lumayo ako sa kanya at hindi maipakita at maiparamdam sa kanya na mahal ko sya hindi ibig sabihin nun ay ititigil ko na ang nararamdaman ko. Magpapahinga lang ako saglit at magpapatuloy ding muli.

A/n: Hallow Daydreamers😊😊
Kamusta kayo? Sana okay lang kayong lahat!

Hanggang dito po muna ang update. Kitakits sa susunod na KABANATA hehehe. Sana huwag kayong magsawang mag hintay. Always keep safe and be happy lang! Ms. Author loves you all. Mwuahps🤗😘

Annyeong~~~~

Vote
Comments
Share
are highly appreciated! Be my fan! Kamsahamnida~

#SayoPaRinBabalik
#heyitsmejesika
#Ms.Daydreamer
xoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top