KABANATA 16

Dalawang araw na ang lumipas simula nang mangyari yung nangyari sa condo nina Asul. At dalawang araw na din syang dumidistansya sa akin. Kahit hindi nahahalata ng iba pero ako ramdam na ramadam ko ang pag iwas nya sakin.

Last day na ng Intramurals kaya pa easy easy na ang mga estudyante. Campionship na lang ng basketball ang hinihintay ng lahat at mamayang 10:00am iyon magsisimula.

Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa gym. Nauna na kase si Rae sa gym kasama sina Jake kaya mag-isa akong naglalakad ngayon papunta doon nang makita ko si Asul. Naka jersey na ito at ready nang maglaro. Katulad ko tinatahak nya din ang daan papuntang gym.

"Asul!" tawag ko sa kanya pero hindi ako neto nilingon.

"Yah! Asul hintayin mo ako. Sabay na tayo!"

Dedma pa din.

"Greyson!"

Pero wala pa din.

Luminga linga muna ako sa paligid para makita kung wala bang ibang tao dito sa hallway. Nang masiguradong wala ay agad akong tumakbo para mahabol sya. Nang makalapit ako ay agad akong kumawit sa braso nya na kanyang ikinagulat.

"Fck! You scared the hell out of me woman!" inis na anas neto kaya napasimangot naman ako.

Ganun ba talaga kalalim ang iniisip nya at gulat na gulat sya sa ginawa ko?

"Ano ba kaseng iniisip mo? Kanina pa kaya kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin kaya lumapit na lang ako sayo," nakangiting sagot ko.

"Tsk! Don't touch me!"

Tinanggal nya ang pagkakahawak ko sa kanyang braso pero dahil makulit ako binalik ko ulit.

"Aiisstt! Why so stubborn, woman? Get away from me will you?"

"Eh paano kung ayaw ko?"

"I don't care if ayaw mo basta lumayo ka lang sakin pwede?" galit na singhal nya sakin.

Muli nyang kinalas ang pagkakahawak ko sa kanya.

Ang arte ha! Malinis kaya kamay ko at 101% germs free!

"Humahawak lang eh. Arte arte nito. Hhmmpp!! Malinis yan. Kahit tikman mo pa. Oh!"

Pinakita ko sa kanya ang palad ko tsaka tinapat sa kanyang bibig.

"Ano ba? Ilayo mo nga yan sakin. Parang hindi ka babae ah."

"Hindi naman talaga. Dati akong lalaki, you know."

Agad itong napatingin sakin.

"What?"

Ngumisi ako saka nag peace sign.

"Joke lang! Tara na nga. Baka malate ka pa sa game."

Muli ko syang kinapitan sa braso saka hinila papuntang gym.

"Bitaw nga!"

Tumigil sya at kinalas ang pagkakahawak ko sa kanyang braso bago pabalyang binitiwan ang aking kamay.

"Aray ha! Grabe ka na sakin Asul. Hindi kita ichicheer mamaya sa game nyo."

"Psh! Whatever and I don't even care."

Masungit na sagot neto saka ako tinalikudan. Hinabol ko sya saka muling kumapit sa kanyang braso.

Clingy na kung clingy eh sa gusto ko bakit ba?!

Napahinto ako nang tumigil sya sa paglalakad. Takang tumingin ako sa kanya.

"Bakit ka tumigil? Tara na magsisimula na yung gam---"

Hihilahin ko na sana sya ng pigilan nya ang kamay ko saka inilayo iyon sa kanya.

"Pagod na akong umiwas sayo Naomi kaya please lang just stay away from me. If ginagawa mo'to dahil akala mo may gusto na ako sayo dahil lang sa hinalikan kita pwes sinasabi ko sayo ng harapan i don't like you and i will never like you the way you do. Yung nangyari sa condo wala lang yun, isang pagkakamali at hinding hindi na mauulit kaya nakikiusap ako sayo Naomi kung may respeto ka pa sa sarili mo tigilan mo na ang paghabol sakin. Wala kang mapapala sa ginagawa mo."

Mahina pero klarong ani nya. May bahid ng kapaguran at panghihina sa kanyang boses nang banggitin nya ang bawat salitang iyon na nakapagpatigil sa akin.

"Hindi na tayo tulad noong mga bata pa tayo na kapag nagkatampuhan ay agad ding magbabati. Iba na ngayon Naomi. Marami nang nagbago sakin at hindi mo na maibabalik pa yung dating ako dahil yung Asul na nakilala mo noon ay matagal nang wala."

Huminga sya ng malalim bago muling nagsalita.

"Masasabi kong sa paglipas ng araw simula ng makabalik ako dito unti unti ko nang natatanggap at nalilimutan ang lahat. I'm so sorry Naomi. I'm so sorry dahil hindi kita pinakinggan noon. Ipinaramdam ko sayong wala lang para sakin ang pagkakaibigan natin. Ipinagtabuyan kita. Kaya humihingi ako ng sorry sa pananakit ko sayo noon. Patawarin mo sana ako. Pero ang suklian ang nararamdaman mo para sakin ay hindi ko magagawa. Kung magmamahal man akong muli ay hindi sayo. Hindi ikaw! Tanging pagkakaibigan lamang ang maibibigay ko sayo. Sana'y maintindihan mo."

Napayuko ako.

"Hindi ako ang nararapat para sayo. May iba ka pang makikilala at mamahalin mo nang higit pa sa pagmamahal mo sa akin. Kalimutan mo na lang ang nararamdaman mo para sakin dahil wala din yang patutunguhan."

"Paano mo nasasabi ang lahat ng yan kahit hindi mo pa nasusubukan?" nakayukong tanong ko sa kanya. Pilit pinapasigla ang boses.

Ayaw ko syang tingnan dahil alam kong sa oras na tumingin ako sa kanyang mga matang may bahid ng pagkainis ay hindi ko na mapipigilan pang magbagsakan ang aking mga luha.

"Hindi lahat ng babae ay katulad ng ex-girlfriend mo. Hindi lahat ng kaibigan ay nagtatraydoy sa kaibigan. At hindi ako katulad nya. Alam mo yan. Bakit ba napakahirap na sayong magtiwalang muli? Bakit ka ba nagkaganyan Asul? Bakit ba lah---"

"Shut up Naomi. Wala kang alam! Hindi mo alam yung sakit dahil hindi mo pa naranasang masaktan. Manahimik ka na lang dahil wala kang alam at wala kang karapatang magtanong kung bakit. Wala!"

Galit na sigaw nya sakin kaya mas napayuko ako at napapikit.

"Huwag ka na ulit lalapit sakin. Kahit na may gawin ka man wala akong pake alam," malamig na ani neto saka tuluyan ng naglakad paalis.

Naiwan naman akong nakayuko. Dahil sa sakit na naramdaman ay hindi ko maiwasan panlambutin ng tuhod dahilan para mapaupo ako sa hallway. Umangat ang tingin ko sa daan kung saan hindi ko na sya makita pa. At doon na nga nagsibagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang huwag lumabas.

Sobrang sakit! Para bang konting sigaw na lang nya ay mag gigive-up na ako. Ang bawat salitang kanyang ibinagsak ay tagos hanggang puso na nagpabasag dito.

Pinunasan ko ang mga luha gamit ang aking palad.

Itigil mo ang pag-iyak self. Hindi ka iyakin diba? You're also not a quitter. Hindi ka madaling gumive up diba? Kaya tumigil kana sa pag-iyak. Be strong self!

Tumayo ako saka pinagpagan ang aking suot na palda. Huminga muna ako nga malalim bago maglakad. Bago ako tuluyang dumiretso sa gym ay pumunta muna ako sa comfort room para mag ayos ng sarili. Hindi nila ako pwedeng makita na ganito dahil alam kong magtatanong sila. Naghilamos ako saka naglagay ng light make-up saka lip tint para hindi mukhang galing sa pag-iyak. Inayos ko din ang buhok ko para hindi masyadong hagard. Nang matapos ay agad akong tumalima papunta sa gym. Siguradong nagsisimula na ang laro kaya nagmadali na ako.

Sa pintuan pa lang ng gym ay dinig na dinig na ang mga sigawan at cheer ng bawat estudyante sa team na sinusuportahan nila.

Dahil sa sobrang daming nanonood at siksikan ay hirap akong makapunta sa unahan kung saan nakapagreserve si Rae ng upuan namin. Malapit lang yun sa bleachers na inuukupa ng team.

"Naomi!!! Dito!"

Hinanap ko kung saan nanggaling ang sigaw at natagpuan ko si Rae na kumakaway sakin kaya agad akong pumunta doon.

"Ang tagal mo. Saan ka ba nagpunta? Buti na lang kasisimula pa lang ng laban. Pero lamang na agad ang E.U."

Sigaw nya agad sakin pagkaupo ko.

"May nalimutan lang ako sa locker kaya kinuha ko pa. Umabot naman ako," sigaw din na sagot ko.

Hindi talaga kami magkakaintindihan kung hindi pasigaw ang usapan namin dahil sa sobrang ingay.

Pareho kaming tumingin at nagfucos sa game. Cheer doon cheer dito. Tili doon tili dito. Sigaw doon sigaw dito. Palakpakan doon palakpakan dito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top