KABANATA 14
Today is Intramurals Day!
One week din kaming walang klase dahil sa event na ito. Madaming mga estudyante ang nagkalat sa buong university para maglaro at manood ng laro. Ang iba naman ay mga outsiders na nandito para manood din. Bukas kase para sa lahat ng ibang students ng iba't ibang schools ang university kapag may mga ganitong event. The more the merrier nga daw kase. Iba din itong si Mrs. Easton eh. Kahit wala ang mag-asawa para magmanage ng university may mga inilagay naman sila sa posisyon para magtingin at magpatakbo ng school na ito. Tulad ni Dean, mga Board of Directors at syempre ng mga school counsils officers. Wala tayong maaasahan sa anak nina Mr. and Mrs. Easton na si Dave puro kalayawan at sakit sa ulo lang dala nyang lalaking yan. Hahaha joke lang. Huwag kayo maingay!!!
"Go E.U Tigers! Ipanalo nyo ang laban!"
"Blue ang pogi mo!"
"Whhhhaaaaa! I-three points po yan Fafa Blue!"
"Pakasalan mo ako Jake! Kkyyyaaaaa!"
"I love you my Mr. Easton ng buhay ko!!!"
"Joshua saranghae! Paranas naman ng loveback dyan!"
"Blue marry me please!"
Napapadabog na lang ako sa aking mga naririnig. Ang sarap balatan ng buhay nung nagsabi ng marry me kay Asul.
Nandito kami ngayon sa gym para manood ng laro nina Asul. E.U laban sa Thyron West University. Every year ang dalang university ang laging nagkakatapat sa larong basketball. Magkaaway ang dalawang unibersidad sa larangan ng sports lagi kaseng nananalo ang E.U laban sa kanila. Magagaling naman tagala kase ang E.U eh. Noong nakaraang taon sina Kuya Ervin ang nagpanalo ng laro pero dahil sa grumaduate na sila noong taong ding yun kailangan ng humanap ng ibang manlalaro si Coach Mike na naging team nga nila Asul.
"Whhhaaaa! Naomi ang hot talaga ng pinsan mo kapag naka jersey. Sana palagi na lang syang nakajersey no?"
Tumitig ako kay Rae. Nakakahalata na talaga ako eh.
"Umamin ka nga saking babae ka. Crush mo pinsan ko no?"
Kinagat nya ang kanyang kuko dahil para makomperma kong totoo nga. That's one of her mannerism kapag kinakabahan.
Nagulat ako nang hampasin nya ako sa hita.
"I can't stop it. Ang sweet nya kase tapos sobrang bait pa. Sobrang caring nya sa mga taong mahal nya tulad mong pinsan nya. Nakakainggit nga eh! Sana may mag trato din sakin tulad ng pagtrato ni Jake sayo. Hhhmmm! Nakakainlove sya!"
Confirmed! Hindi lang crush... she really likes my cousin. Kitang kita ko yun sa mga mata nyang kumikislap kapag tumitingin kay Jake.
Napangiti naman ako.
"Gusto mo bang umamin?"
Sumimangot sya.
"Eh ang manhid manhid ng mokong na yan eh. Paano kung pagtawanan lang nya ako? Paano kung ireject nya ako? Edi maha hurt ako ng wagas!"
"Hindi yan! Trust me okay? Akong bahala sayo. Take your time muna kapag handa ka nang sabihin sa kanya magsabi ka lang tutulungan kita. Hhhmmm!"
Ngumiti sya.
"Sige! Thank you Naomi ah. Pero huwag mo munang sasabihin sa kanya 'tong nalaman mo."
Tumango ako. Saka kami muling nanood ng game.
Pumito ang referee para mag break muna. Nagsitakbuhan naman ang team sa bleachers para magpahinga.
Nasa team na nga pala si Dave dahil nagkaroon ng injury ang isang member ng team habang nagpapractice. Matatagalan pa bago ito makapaglaro ulit kaya ipinasok ni Asul si Dave sa team. At masasabi kong magaling si Dave.
Nang makita kong papalapit si Asul ay agad kong kinuha ang biniling gatorade saka tumayo para ibigay sa kanya.
"Asul para sayo!"
Akma ko nang iaabot kay Asul ang hawak nang bigla itong kuhain sakin ni Dave. Gulat na napatingin ako sa kanya nang buksan nya yun at inumin.
Sa inis ko sa kanya ay sinuntok ko sya sa dibdib dahilan para maubo ito at maitapon ang iniinom. Dahil.sa pagkabigla sa nangyari ay agad ko syang dinaluhan para hagudin ang likod neto para mapatigil ang pag ubo.
"Ikaw kase eh. Kasalanan mo yan!"
"B-Bakit a-ako?" nahihirapan tanong nya dahil sa pagubo.
"Kung hindi mo kinuha ang hindi para sayo hindi sana kita susuntukin. Nakakainis ka alam mo yun?"
"Malay ko bang hindi pala para sakin yun?"
"Hindi mo ba narinig na sinabi kong Asul? Si Asul ka ba?"
"Ah pangalan pala yung Asul? Akala ko kase yung kulay nung gatorade eh."
Mas nainis ako sa kanya kaya dinagukan ko sya. Naubo naman ito ulit na nagpakaba sakin. Kaya hinagod ko ulit ang likod nya. Baka kase mapaano pa ang bwesit na ito edi ako pa may kasalanan.
Napatingin naman ako kay Asul na nakatingin din pala sa amin. Umiwas lang ito ng tingin nang may babaeng lumapit at nag abot sa kanya ng tubig. Tiningnan lang ito ni Asul. Napangisi ako dahil alam kong hindi nya iyon tatanggapin pero agad ding nawala ang ngisi ko nang kunin nya iyon sa kamay ng babae saka ngumiti. Nakangangang nakatingin lang ako kay Asul nang umalis ito sa pwesto at naglakad papunta sa pwesto nina Jake saka nito binuksana ng bote ng tubig saka ininom. Inis na ibinaling ko ang tingin sa babaeng nagabot ng tubig kay Asul habang kilig na kilig.
Chura ng babaitang ito. Kapal ng mukha! Isupalpal ko sayo ang limang kahon ng mineral water eh. Ggrrrr! Nakakainis!
Napatingin naman ako sa lalaking prenteng nakaupo sa harap ko.
Bwesit kang Dave ka. Dahil sayo hindi ko naibigay kay Asul ang gatorade na para sa kanya. Bwesit ka!
Dinagukan ko ulit sya dahil sa inis.
"Ang sakit ah!" reklamo nya saka mag uubo ubuhan pa sana ulit nang sinamaan ko sya ng tingin.
"Subukan mong umubo ulit ibubuhos ko na sayo ang hawak mong gatorade. Bwesit ka alam mo yun?"
Singhal ko sa kanya saka nagpapapadyak na bumalik sa upuan namin ni Rae. Humalukipkip ako saka inis na tumingin sa pwesto nina Asul. Nakangiti ito habang nakikipagtawanan sa pinsan ko.
Paano sya nakakangiti ng ganyan sa ibang tao? Samantalang kapag sakin na palaging inis ang ipinapakita nya. Nagawa pa nyang ngumiti sa babaeng bwesit na yun? Huh! Bwesit talaga.....
"Ang landi nung girl na yun?! Hayaan mo Naomi hindi na makakaulit ang babaing yun," ani Rae saka tinapik ang balikat ko.
Talagang hindi na makakaulit ang babaeng yun dahil hahadlangan ko sya. Aaarrrggghhh! Nakakainis talaga!
In the end, team E.U pa rin ang nanalo. Dahil sa nanalo ang team nila Asul manlilibre ang pinsan ko ng samgyupsal na ipinagbunyi ang buong team. Syempre kasama kami ni Rae dahil kung hindi malilintekan talaga sakin si Jake.
On the way na kami papunta sa isang Korean Restau House na malapit sa condo nila. Tanghali naman na kaya wala nang gagawin sa school. Magiinuman pa daw kase sila kaya umalis na agad kami.
Sa kotse ako ni Asul sumakay. Umangal pa nga sya pero wala na ding nagawa sa huli. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang hindi magsalita dahil sa sobrang katahimikang bumabalot sa loob ng sasakyan.
"Ahhhmmm... congrats nga pala sa pagkapanalo nyo."
Hindi sya umimik sa sinabi ko.
"Ang galing galing mo talaga sa pagbasketball noh? Alam mo bang dahil dyan mas lalo akong naiinlove sayo?"
Hindi pa din sya nagrereact. Fucos lang sya sa pagdadrive habang naka kunot ang noo.
"Alam mo Asul dapat hindi mo tinanggap yung tubig na binigay nung girl kanina. Nakakainis sya! Ang landi landi nya. Kilig na kilig pa sya grabe. Alam ko ang galawang ganun. Type ka nya kaya mag aasume yun na type mo din sy----"
Hindi ko na natuloy ang dapat na sasabihin dahil itinigil nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada saka galit na tumingin sa akin.
"Will you please stop it??? Nakakairita sa pandinig yung mga salitang binibitiwan mo tungkol dun sa babae kanina. What's wrong if she gave me water? Its just a fcking bottled of water, Naomi! Anong ikinagagalit mo sa kanya? You even insult her for pete's sake. Ano naman sayo kung gusto nya ako? What if i also like her, what will you do? Malalaman ko na lang inaaway mo na sya? Pinagsasalitaan ng masama? Ha?"
Napatigil ako dahil sa ginawa nyang pagsigaw sakin.
"Hindi! Hindi naman ako ganun kasama para gawan sya ng ganun."
"Hindi ganun kasama? But base on what I heared earlier ganun ka kasama! Pwede ba Naomi tumigil ka na sa mga ginagawa mo dahil sinasabi ko sayo wala kang maaasahan mula sakin. Kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka na lang dahil nagdadrive ako."
Nagpatuloy na ulit sya sa pag drive. Napayuko ako dahil sa kanyang sinabi at nanahimik. Tagos hanggang puso yung sinabi nya na nagparamdam sakin ng sakit. Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko. Siguro nga ganun ako kasama. Siguro nga!
Nang makarating kami sa aming destinasyon at pagkapark ni Asul sa kotse ay agad akong lumabas at naunang pumasok sa loob. Naabutan ko si Rae na katabi ni Jake kasama ang buong team.
"Bakit ang tagal nyo?" tanong agad ni Rae pagkapasok ko.
Imbes na sagutin ay agad akong sumalampak sa sahig na may mat para umupo. Napatingin ako sa hawak ni Dave na bote ng soju. Para bang may nagtutilak sakin para kunin yun saka inumin kaya agad kong ginawa. Walang pasabing hinablot ko iyon sa kamay nya na kanyang ikinagulat saka mabilis na ininom.
"H-Hoooyyy! Bawal sayo ya----"
Pipigilan pa sana nya ako pero huli na ang lahat dahil nainom ko na.
Shockkksss! Ang sakit sa lalamunan!
Napadaing agad ako dahil sa sakit na naramdaman sa aking lalamunan pagkainom ko.
"Ang pait! Pweee!" pagrereklamo ko.
Tinawanan naman ako ng bwesit kong katabi na si Dave.
"Bakit kase tutunggain? Tubig ba yan?"
"Pake mo ba? Psh!"
Napatingin naman ako kay Jake saka nag peace sign.
"Naomi??? Bawal kayong uminom ni Rae. Bitawan mo ang hawak mong soju. Ngayon na!" may pagbabanta sa boses neto.
Napasimangot naman ako. "Ngayon lang Jake. Please???!! Gusto ko lang uminom, just this once please??" pagmamakaawa ko.
He sighed before he nod at me.
Napangiti naman ako. "Thanks Jake! You're the best!"
"Siguraduhin mo lang na hindi ka iinom ng marami dahil malalagot ako kina Tito."
I salute at him. "Yes, Sir!"
Napatawa naman ito saka umiling iling. Napaangat ang tingin ko sa kapapasok lang na si Asul. Napairap naman ako na alam kong nakita ni Rae kaya agad itong lumipat sa tabi ko.
"Anong nangyari sa inyo ni Blue? Bakit para yatang may war sa pagitan nyo?" agad na tanong neto pagkaupo.
"Wala!" maikling sagot ko saka kumuha ng meat sa plato ni Dave na ikinatingin neto sakin.
"Sus! Kilala kita kaya huwag ka nang magdeny pa. Bakit gusto mong uminom ngayon eh hindi ka naman talaga umiinom?"
"Gusto ko lang itry para maiba naman. Saka soju lang yan di yan nakakalasing."
"Hindi daw nakakalasing? Sus!! Daming excuses eh."
Umupo si Asul sa dating pwesto ni Rae dahil yun na lang ang bakante kaya natahimik kaming dalawa.
Tumayo si Jake.
"Para sa pagkapanalo ng team! Cheerssss!"
"Cheerssss!"
"Cheers for our Victory!"
Nagcheers ang buong team syempre hindi kami sumali ni Rae. Patuloy lang ako sa pagkain.
"Dapat ipanalo din natin ang Championship!" ani Marcus, isa sa mga members.
"Dapat lang noh! Walang makakatalo sa E.U Tigers!" pagsang-ayon naman ni Kev.
Nagkwentuhan at tawanan lang sila samantalang ako ay tahimik lang na kumakain ng mga iniihaw ni Dave na karne. Si Rae naman ay masayang nakikipagkwentuhan sa pinsan ko. Sana all diba???
Nilapag ni Dave ang hawak na thong sa mesa saka humarap sa akin na nakakunot ang noo.
"Nakakahalata na ako Faith ah. Inuubos mo ang mga niluluto ko. Magluto ka kaya ng iyo noh?"
I pout at him.
"Ehhhhh! Ikaw na lang ang magluto ng para sa akin. Pluuullleeeaassseee!"
Nagpuppy eyes pa ako malay mo effective.
"Hhaaiisstt! Sige na nag! Akin na yang kamay mo."
Inabot ko naman sa kanya ang kamay ko. Hinawakan nya ito saka nilagyan ng lettuce ang palad ko bago nilagyan ng lutong karne.
"Kainin mo."
Nagpatuloy na ulit ito sa pagluluto. Kinain ko naman ang ibinigay nya sakin.
Hhhmmmm... Yummy!!!
Kawawa naman ang mokong sya lang ang nagiihaw sa table namin. Kumuha ako ng dahon ng lettuce saka ko nilagyan ng karne bago ko binalot. Kinublit ko si Dave para humarap sakin.
"Bakit?"
"Nganga."
"Ha?"
"Ha? Ha? Hakdog! Sabi ko nganga. Tsk! Bilis!"
Kahit naguguluhan ay ibinuka naman neto agad ang bibig saka ko sinubo ang hawak ko. Napatitig naman ito dahil sa ginawa ko.
"Yung karne mo sunog na." ani ko sabay turo na niluluto nya. Agad naman itong napatingin sa ginagawa habang nginunguya ang nasa bibig neto.
"Wow! Ang sweet naman pala."
Pagpaparinig ni Joshua habang nakangising nakatingin sa aming dalawa ni Dave. Masamang tingin naman ang ipinukol ko sa kanya na ikinatahimik neto.
"Ahehe! Sabi ko nga tatahimik na lang ako."
Tinapik naman sya sa balikat ni Jake saka mapang asar na tinawanan.
Naramdaman kong siniko ako ni Rae kaya kunot noong napalingon ako sa kanya.
"What?"
Nginuso neto ang taong nasa tapat nya na kung saan naka upo si Asul. Napatingin naman ako doon. Agad napataas ang isa kung kilay nang mapatingin sa lalaking umiinom ng alak na akala mo'y tubig lang ito dahil sa sunod sunod na pag buttoms up. Nakaka apat na bote na ito ng soju at beer. Namumula na din ang magkabila nitong pisnge dahil sa dami ng nainom.
"Jake sawayin mo nga yang nasa tabi mo. May balak atang sya lang mag-isa ang umubos ng soju at beer na inorder nyo."
"Baby Naomi hayaan mo na lang si RK. Ngayon na lang ulit kase yan nag-inom kaya sinusulit na nya. Hahaha!" sagot ni Jake sabay tawa.
Tumingin ako kay Joshua at umiling lang ito na para bang takot na sawayin ang kaibigan sa pag-inom.
Wala yatang may balak na pumigil sa isang 'to kaya tumayo na ako at inagaw ang bote ng beer na iinumin na sana.
"Tama na nga yan. Namumula ka na eh!"
Tumingin ito sakin bago ngumisi.
Ano bang problema nya?????
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top