KABANATA 13

After two dyas na pagiwas kay Asul ay nagpasya na ulit akong ituloy ang nasimulan. Hindi ko susundin kung anong gusto nya at ang gusto at nararamdaman ko lang ang susundin ko.

Nakangiting pumasok ako sa room namin.

"Wow! Blooming!" nakangiting puna ni Rae pagkaupo ko.

"Syempre! Dapat lang na always blooming para iwas negative vibes sa katawan no."

"Yan! Tama yan."

Tumingin ako sa seat nung tatlo pero wala pa sila doon.

"Nasan yung tatlo?"

"Umalis may pag uusapan daw silang mahalaga. Hindi ko nga alam kung ano bang meron at ang wiweird ng tatlong itlog na yun."

"Tsk! Hayaan mo na nga sila. Malalaki na sila at kaya na nila ang kanilang mga sarili.

"Maiba nga tayo. Nakapag isip isip ka na ba about kay Blue? Anong gagawin mo this time? Sa dalawang araw na dumaan napapansin kong umiiwas ka."

Napasimangot ako saka nag cross arms.

"Tama na yung dalawang araw na pag iwas. Malamig na ang ulo ko at wala na ang inis ko sa pagiging pakipot nya. This time i will make him mine by hook or by crook."

Desididong sagot ko saka ngumisi.

Pumalakpak naman si Rae. "Ang fierce beshy. I like it!"

Nagsipasukan na ang iba pa naming classmate kasama na doon yung tatlo na animo'y may ginawang masama dahil sa mga nakangisi ito.

Binati kami ni Rae nung dalawa maliban kay Asul na seryoso lang nang dumaan sila sa gilid namin. Napasimangot naman ako.

Tahimik ang lahat. Ni walang gumagawa ng ingay na para bang kasalanan kapag nagsalita o makagawa ka ng ingay. Kakaiba ang atmosphere ngayon sa loob ng klase. Ano bang meron? May naglilista ba ng maingay tsaka pagbabayadin ng twenty pesos? Ano 'to highschool days?

Napatingin sila lalo na ako sa pintuan nang may pumasok. Nanlaki ang aking mga mata saka ako napatingin kay Rae na ganun din ang expression.

Sya yung guy sa Restau na anak ng may ari ng school na ito. John Dave, right? Classmate namin sya?

Ngumiti ito saka nagpakilala.

"Hi guys! John Dave Mckinley Easton is finally back. Namiss nyo ba ako?"

Walang umimik. Walang nangahas na magsalita.

"Paano kita mamimiss? Eh hindi naman kita kilala?"

Napatingin ang lahat sa akin dahil sa sinabi ko. Kahit si Rae eh pinaningkitan ako ng mata.

What?

"Owwww!! Its you! Tingnan mo nga naman classmates pala ta----"

Hindi na neto natuloy ang dapat na sasabihin dahil sa biglaang pagtama ng kamao sa mukha na ikinatumba nito. Napakabilis ng pangyayari. Nakita na lang namin na sinuntok ng pinsan ko si John Dave.

Napasinghap ang lahat sa nasaksihan. Napaawang naman ang bibig ko sa nakita. Bakit yun ginawa ni Jake? Talagang nakakabigla.

Pinagpagan ni Jake ang kamay. "Welcome back Bro!"

Napakagandang pa welcome naman nun? At saka Bro? Ano ba talaga ang nangyayari? Wala akong maintindihan? Anong bro? Magkakakilala sila?

May sumilay na ngisi sa mga labi ni Dave. "Yeah! Welcome back to me! Buddy!"

Agad itong tumayo at binigyan ng isang suntok sa panga si Jake na ikinasinghap ko. WHAT THE???!

Lalapit na sana ako nang makita kong tumawa si Jake habang nakahawak sa panga neto.

"Hanggang ngayon mahina ka pa ding sumuntok. Psh!" panunuya ni Jake.

"Mahina pala ah! Gusto mong makatikim ulit ng isa?"

Aamba na ulit si Dave sa pagsuntok nang iharang ni Jake ang dala nitong kamay sabay iling.

"Tama na yung isa masakit na eh."

Napailing naman ako.

Inakbayan ni Jake si Dave saka hinila papunta sa dalawang nakahalukipkip habang nanonood sa kanila na nakangisi.

Its all an act. Now I know! Tsk! Tsk!

Muling bumalik sa dati ang lahat dahil tapos na ang palabas. May kanya kanya na ulit mundo ang iba naming classmates. Ang iba naman ay chismis dito chismis doon. Umingay ulit ang classroom.

"Alam mo kung anong tawag dun?" bulong ni Rae sakin. Umiling naman ako.

"Batian ng mga siraulo. That's how they welcome each other. Mga siraulo diba? Tsk!"

Natawa naman ako sa sinabing iyon ni Rae.

Nang mapadaan sa tapat namin yung dalawa ay babatiin sana ako ni Dave nang bigla syang inupakan ng pinsan ko saka hinila gamit ang braso na nakayakap sa leeg niyo.

Iiling iling ako. Kawawang Dave!

Humarap sakin si Rae na umiiling.

"Akala ko ba tatlo lang sila?"

"Akala ko din. Wala naman kaseng kinukwento si Jake about sa mga kabarkada nya."

"Surprise? Ganern?"

Nagkibit balikat naman ko.

"Tara!"

Tumayo ako saka hinila si Rae papunta sa pwesto nung apat.

I cross my arms infront of them saka sila tiningnan na ng masama. Napatigil naman ang mga ito sa pagtatawanan at pagkakamustahan.

"What a nice scene by the way. Bilib na talaga ako sa mga pasabog nyo at sa acting skills nyo. Bravo!" panunuya ko.

"You're being sarcastic and mean young lady. Alam mo bang hindi yan maganda sa babae?" sagot naman ni Dave sabay ngisi.

"Akala mo ba ay maniniwala ako sayong sinasabi? I'm beautiful even if i'm sarcastic or mean, gorgeous pa nga eh."

Sagot ko sabay flip ng hair.

"Oh! Anong say mo?" pang asar ni Rae. Tiningnan naman sya ni Dave.

"Did I say that you can interrupt someone's conversation, Miss?" may bahid ng pangasar at kasarkatikohan sa boses nito na ikinainis ni Rae.

"Alam mo nung isang araw ka pa eh. Nabubwesit na ako sayong lalaki ka. Makakatikim kana sakin subukan mo."

Aabang sasapakin ni Rae si Dave ng pigilan ko sya.

"Bitiwan mo ako Naomi. Ginagalit ako ng bwesit na lalaking yan," pagpupumiglas neto.

Tumayo naman si Jake para patigilin si Rae.

"Wait! Anong noong isang araw? Anong meron noong isang araw?" naguguluhang tanong ni Joshua.

"Eh paano noong nakaraang araw na pumunta kami ni Naomi sa Almond Desire Restau para maglunch eh bigla na lang yan umupo sa table namin. Eh hindi naman namin sya kilala tapos tinatanong ko sya akalain mo ba namang sagutin ako ng 'I don't want to talk to you so just shut the fck up, Miss'. Huh?! Sinong hindi maiinis doon. Tapos nung kinausap nya si Naomi nakangiti? May problema ka ba sakin Mr. Easton? Ha?"

Hawak hawak ni Jake sa dalawang braso si Rae dahilan para hindi ito makalapit kay Dave para sapakin o hampasin.

"Bakit ngayon nyo lang sinabi edi sana binungaran naming tatlo ng tig-iisang suntok yan kanina. Tatlo ang pawelcome sa kanya at tig iisa lang samin," pagmamayabang ni Joshua.

"Huwag nyo nga akong isama sa mga kalokohan nyong tatlo."

Napalingon ako sa lalaking nakahalumbaba sa desk neto. Tamad itong tumingin sa mga kaibigan bago ibinaling ang tingin sakin at kapagkuwan ay umiwas din agad.

Nagpatuloy si Rae sa pagpupumiglas sa hawak ni Jake habang si Dave naman ay patuloy sa pang aasar dito.

Dahil walang nakatingin ay agad akong lumapit kay Asul saka umupo sa armchair ng seat neto. Napaangat naman ang kanyang tingin sakin at gulat sa ginawa ko. Ngumiti ako saka hinaplos ang kanyang mukha at dahan dahang lumapit. Isang inch na lang ang agwat ng aming mga katawan at mukha sa isa't isa. Amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga. Amoy mint flavor.

Nakatingin lang ako sa kanyang asul na mga mata na walang pagtutol sa ginagawa ko ngayon. Napangisi ako saka inilapit ang bibig sa kanyang tenga.

"I miss you Blue! Namiss mo din ba ako?" mapang akit na bulong ko.

Narinig ko ang kanyang mahinang pagmura bago ko maramdaman ang pagkapit nya sa dalawa kong balikat para ilayo ang katawan ko sa kanya. Nasa ganun kaming posisyon nang mapatingin samin yung apat.

"Hoy! Anong karumaldumal ang ginagawa nyong dalawa?" sigaw ni Jake.

Agad naman akong napatayo sabay peace sign sa kanila. Bago pa maging oa ang dakila kong pinsan ay agad ko nang hinila si Rae papalayo sa kanila.

Nakarating kami sa field saka umupo sa bench na nasa may lilim ng puno para magpahinga dahil sa ginawang pagtakbo. Mabagal lang naman, alam ko kaseng mapapagod si Rae eh.

"Grabe Naomi. Ang gandang scene naman nun. Ikaw na. Ikaw na talaga!"

"Grabe hindi ko nga aakalain na magagawa ko yun? Hahaha! Sa mga kdrama at cdrama lang naman ako nakakakita ng ganun eh."

"Dalaga ka na talaga!"

"Hey! Matagal na akong dalaga."

Natawa kaming dalawa dahil sa mga kalokohan. Nanood muna kaming dalawa ng naglalaro ng soccer bago kami bumalik sa room. Hindi ko mapigilang ngumisa nang maalala ko yung ginawa ko kanina. Naramdaman kong namula ang aking pisnge ng makasalubong namin si Asul sa hallway papunta sa room. Nakapamulsa ito na para bang hot men model na naglalakad dahil sa maganda nitong tindig.

Kyyyaaahhh! Why so handsome Asul?

Seryoso lang itong nakatingin sakin. Nang makalapit sya ay agad akong nag flying kiss sa kanya sabay wink. Tumikhim naman ito saka umiwas ng tingin sakin saka mabilis ang ginawang paglalakad.

Humagikhik naman ako nang makapasok kami ni Rae sa room.

"Ang lande Naomi!"

"Sshhhhh! Ingay mo."

Hinampas ko sya sa braso na ikinatawa lang neto. Hindi naman na ipinaalala nina Jake yung nakita nila kanina kaya wala akong dapat na ikakaba.

Nasa rooftop kami ngayon dahil walang kalse pagkatapos ng lunch. Ang susunod na class namin ay 4 to 6 kaya gabi na kami makakauwi. Okay pang naman dahil may kani-kanila silang sundo o sasakyan. May sundo si Rae kaya walang dapat na ikabahala. May kotse si Jake na syang maghahatid sakin. Sabi ko nga si Asul na lang pero tinanggihan ako. Nakakainis diba?

Pinakilala nila samin ni Rae si Dave. Matagal na pala silang magkakakilala. Nakilala nilang tatlo si Dave sa isang camping site noong nagkayayaan silang tatlo na umakyat ng bundok. May mga similarities silang apat kaya agad silang nagkalagayan ng loob hanggang sa maging kabarkada nila ito. Magkaka kaklase din sila sa University sa Korea kaya yun nabuo ang barkadahan nilang apat.

Sa kanilang apat si Dave at Asul ang may cold aura. Pero ang pagkakaiba lang nila mabilis magbago ang expression ni Dave kesa kay Asul. Kung blank expression ang makikita mo kay Asul yun na talaga yun samantalang si Dave naman ay cold to soft aura. Gets nyo ba? Ako kase hindi eh. Hahaha. Basta yun na yun. Si Jake naman ay parang kuya nilang apat kahit sya ang pinakabata. At si Joshua? Isip bata! Hahaha.

"Bakit hindi nyo sinabing may isa pa kayong kabarkada? Itinatanggi nyo ba sya?"  tanong ko sabay turo kay Dave.

Napakamot naman si Joshua sa batok neto at napaiwas naman si Jake ng tingin. Habang si Asul naman ay tahimik lang na nakikinig.

"Ganun? Hindi nyo ako binanggit sa kanila? Kaya pala hindi ako kilala ng pinsan mo nung lumapit ako sa kanila? Ang unfair ah," pagtatampo ni Dave.

"Tsk! Huwag ka na ngang maginarte dyan kalalaki mong tao eh. Pinakilala ka naman na namin ngayon diba?"

"Kahit na! Hhhmmmpp!"

"Parang bata! Ano ka 5 years old?" pang asar ni Rae.

"Pake mo ba? Kababae mong tao sadista ka."

Akmang sasapakin na naman ni Rae si Dave kaya inawat na naman sya ng pinsan ko. Sweet diba? Haha. Yyiiee!

"Ano ba kayong dalawa away kayo ng away. Aso't pusa lang?" ani Joshua.

"Eh panu yan nakakaasar! Hhhmmppp."

"Rae awat na. Okay?" malumanay na saway ni Jake sa kaibigan ko.

Dahan dahan namang tumango si Rae bago umupo sa tabi ko. Pero bago ito makaupo ay kinurot muna nya sa braso si Dave.

"Aray ha! Ang salbahe salbahe mong babae ka."

Binelatan lang sya ni Rae bago inirapan.

Bumaling ang tingin sakin ni Dave saka ngumiti.

"Faith may boyfriend ka na ba?"

Nanlaki naman ang mata ko sa tanong nya. Agad naman syang nakatikim ng sapak mula sa pinsan ko.

"Ang sakit bro! Nagtatanong lang naman ako eh. Masama ba?" pagrereklamo ni Dave habang sapo-sapo ang ulo na sinapak ni Jake.

"Huh! Buti nga sayo!" bulong ni Rae sa tabi ko kaya natawa ako ng mahina. Asar na asar talaga sya kay Dave eh.

"Its obvious naman kase na you're hitting on my cousin. Si Rae na lang huwag lang yang si Naomi. Bata pa yan," seryosong sagot ni Jake.

"Bakit ako?" reklamo ni Rae sabay tayo.

"Oo nga! Bakit sya?"

Napailing naman ako dahil nagsisimula na naman silang dalawa.

"The more you hate, the more you love nga kase," panunukso ni Jake.

"Yuck!" "Eww. Kadiri ha!" Sabay na sagot ng dalawa.

Yeah! The more you hate, the more you love daw Asul tamaan ka sana. Hahaha!

Ipinatong ko sa aking hita ang aking siko saka humalumbaba paharap sa pwesto ni Asul. Pinakatitigan ko sya. Ibang iba na talaga ang itsura nya. Mas naging matured ang kanyang features. Maputi pa din. Matangos ang ilong at ang kilay na makapal ay mas bumagay sa kanyang masungit na aura. Mahahaba ang pilik-mata na nakakainggit. Natural na mapupulang labi na nakakatakam tikman.... oppsss! Ano bang pinagsasasabi ko? Nevermind! Nevermind! Bumalik ang tingin ko sa mga mata nya nang bigla itong tumingin sakin na ikinabigla ko. Agad naman akong umiwas ng tingin at mahinang tumikhim.

Nakakahiya! Baka isipin nya pinagpi fiestahan ko ang gwapo nyang mukha... na totoo naman.. ayyy.. basta nakakahiya!

Kinalma ko ang sarili saka muling tumingin kay Asul na nakatingin pa rin pala sa akin pero this time nakakunot na ang noo na akala mo'y inis na inis na makita ako.

Nagkatitigan kami na para bang walang may gustong sumuko sa aming dalawa. Umangat ng bahagya ang gilid nang labi ko nang may maisip. Muli akong humalumbaba saka kumindat sa kanya na agad netong ikinaiwas ng tingin. Umupo ito ng maayos saka kinuha ang coke in can sa ibabaw ng mesa para uminom. Umayos naman ako ng upo saka ngumiti ng malawak.

Am I that attractive when I'm doing my signature wink??? *smirk*

Buti na lamang at walang ibang nakakita maliban sa aming dalawa. Nakisali ako sa tawanan nina Rae na para bang walang nagyari. Na para bang wala akong ginawang kalokohan.



***

A/N: May new cast?

Meron po. Hindi ko po talaga nilagay sa mga naunang chapters na may iba pang kabarkada sina Jake na si Dave nga. Planado po kase lahat dahil.... Its a surprise cast po talaga sya. Hahaha.. sana huwag kayong maguluhan dahil ako? Nagugulauhan po talaga. Haha joke lang!

So ayun nga kilala nyo na po kung sino nga ba si Dave diba?

Enjoy Reading ebriwan! Hope you all like it!😊

Vote
Comment
Share
is highly appreciated!

Lovelots!😘😘

#SayoPaRinBabalik
#Ms.Daydreamer
#heyitsmejesika

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top