KABANATA 12
Nakarating ako sa garden kahahabol kay Asul.
"Asul!"
Patuloy pa din ito sa paglakad.
"Blue!"
Hindi pa rin ako neto pinakinggan.
Nakakainis ang lalaking ito. Napapagod na ako sa paghabol sa kanya pero patuloy pa rin sya. Kapag talaga nabaligtad ang sitwasyon magpapahabol din ako sayo. Bwesit ka!
Tumigil ako sa pagtakbo dahil hinihingal na ako. Buti n lamang at wala akong sakit na hika kung hindi nakabulagta na ako sa damuhan.
"Johnwayne Blue Greyson! Pwede bang huwag mo na akong paghabulin? Pagod na pagod na ako sa pagtakbo."
Sigaw ko habang nakahawak ang dalawang kamay sa magkabila kong tuhod. Pero patuloy hindi ako neto pinansin.
"Isusumbong kita kay Daddy kapag hindi ka pa tumigil."
Napatigil naman ito saka ako inis na hinarap.
"Sino ba kaseng nagsabi na habulin mo ako?" sigaw nya.
Napatayo naman ako ng tuwid.
"Eh bakit ba kase tumatakbo ka?" Tanong ko pabalik.
Napasabunot naman sya sa kanyang buhok dahil sa inis.
Ang gwapo nya kapag nagagalit. Kainis!
"Bakit ba sinasagot mo ang tanong ko ng tanong din?Nakakainis ka! Alam mo ba yun?"
Tumango ako. "Alam ko!"
"Aaarrrggghhh! Bakit ba hindi ka marunog makinig? Bakit ba yung gusto mo lang ang sinusunod mo?"
"Follow your heart nga kase. Eh ikaw yung nasa puso ko anong magagawa ko."
Nangunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ko. Agad ko namang natampal ang sariling bibig dahil sa kadaldalan ko.
Kainis ka self. Bakit ba hindi ka muna nagiisip bago ka magsalita?!
"What? What the hell did you say?"
Napaiwas naman ako ng tingin at tumikhim.
"Huh? Anong sinabi ko? Ewan nalimutan ko na."
"Don't play with me woman," he said in cold voice.
Ang kanyang asul na mga mata sa mas lumamig pa kung iyong titingnan.
Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanya, sa mga asul na matang nakakakilabot kung titingnan.
"I like you Johnwayne Blue Greyson! Oo, tama ka ng narinig gusto nga kita matagal na."
Wala nang rason pa para itago ko ang feelings ko para sa kanya. Ngayong nasabi ko na hindi ko na itatago pa kung ano ba talaga sya para sakin.
"How did you like someone who isn't with you all this years?"
Ngumiti ako na mas ikina kunot ng noo nya.
"I like you since we were in gradeschool. You were the first person who talk to me, offer me friendship, always there for me. You were my hero, my strenght, my bestbuddy, my happiness that time and until now. Hindi ko aakalain na mahuhulog ako sa bestfriend Sinong hindi mafa-fall sayo kung lagi kang nandyan para sakin?"
Nakatingin lang sya sakin na para bang hindi makapanilawa na nagconfess ako, na all the years na magkasama kami at kahit umalis sya gusto ko pa rin sya.
"Y-You w-what? Like me? Ever since gradeschool? You're lying right? Tell me you're just joking."
"Sana nga joke na lang lahat pero hindi eh. I like you Asul. I really do. So, please bati na tayo."
"Paano ko gagawin yun ngayong nalaman ko ang totoo? Tell me paano tayo magkakaayos kung may gusto ka pala sakin. Naomi, i'm not the guy for you kaya please lang din layuan mo na lang ako. Itapon mo na lang yang nararamdaman mo para sakin dahil hindi na ulit ako susugal. Tama na yung nangyari noon dahil lang sa bullsht na pagmamahal na yan. Naiintinfihan mo ba ako? Leave.me.alone.will you?"
May diin ang pagkakasabi nya ng mga katagang iyon.
Tumalikod na syang muli at nagpatuloy na ulit sa paglakad papalayo sakin. Nakatingin lang ako sa kanyang likod habang nakatulala.
Nang makalayo sya ay agad akong napaupo sa damuhan dahil sa panghihina. Unti-onting nagsilabasan ang mga luha ko.
"Paano ko itatapon? Basura lang ba talaga para sayo 'tong nararamdaman ko para ipatapon mo na lang ng ganun? You're not the same Blue that i know. Nagbago ka na nga talaga. Dahil sa nangyari sayo noon you build a wall around you. Nagiging pusong bato kana. Ano pa bang pwede kong gawin para mapalambot ang puso mo?"
Patuloy pa rin sa pagtulo ang aking mga luha hanggang sa hindi ko na sya makita.
"Naomi!!!!"
Nakarinig ako ng tinig na tinatawag ang pangalan ko. Kaya agad kong pinunasan ang aking mga luha pero huli na din dahil nakita na nila.
Agad akong dinaluhan ni Joshua para itayo.
"Ayos ka lang ba?" may pag aalalang tinig nya.
Tumango naman ako.
"Ayos lang!" nakangiting sagot ko.
"Huwag kami Naomi! Anong nangyari tell us," seryosong sabi ni Jake.
Napayuko naman ako.
Ayaw kong sabihin sa kanya yung feelings ko para sa kaibigan nila dahil I know Jake. Kahit kaibigan nya pa basta may ginawang di maganda alam kong di nya palalampasin. Ayaw kong magalit sya kay Asul. Ayaw kong magkagalit silang dalawa dahil lang sa akin kaya hangga't maaari hindi ko muna sasabihin.
Umiling ako saka ngumiti sa kanila.
"Walang problema Jake. Ayos lang talaga ako. Napaupo lang ako dahil sa pagod sa pagtakbo pero hindi ko naman naabutan si Asul."
Lumapit ito sakin saka ako pinitik sa noo.
"Awts!"
"Bakit mo kase hinabol? Aso ka ba para maghabol? Ha?"
Singhal neto sakin na ikinasimangot ko. Maka aso naman! Grabe lang!
"Wow! May pinagdadaanan Bro?" pang asar ni Joshua. Binalingan naman sya neto ng masamang tingin.
"Tumahimik ka nga! Baka ikaw ang ipahabol ko sa aso."
"I'm scared! Hahaha." sarkatikong sagot ni Joshua na nakangisi.
"Tsk!"
Ibinalik ulit neto sakin ang tingin.
"Siguradohin mo lang na hindi ka nya sinabihan ng masasamang salita ah. Kase kung oo, kahit kaibigan ko pa sya sasapakin ko pa din sya."
"Sure ako Kuya Jake!"
Lihim na napakagat ako sa aking labi.
Tingnan mo na! Tsk! Kaya ayaw kong ipaalam eh. He's being so over protective.
Inakbayan nya ako saka hinilang pabalik sa room.
"Trending sa buong campus yung ginawa mo kanina beshy!"
Napatingin ako kay Rae nang sabihin nya yun pagkadating namin sa room. Tiningnan ko sya na para bang napakalaking kasalanan yung ginawa ko.
Natawa ito. "Hahaha! Ang priceless ng reaction mo Naomi. Hahaha! Don't worry walang negative comments akong narinig lahat positive."
"Tulad ng?"
Hindi pa din nagbabago ang reaction ko. Kinakabahan pa rin ako na baka maissue ako o baka bigla na lang magdatingan yung mga fangirls ni Asul saka ako pagsasampalin dahil sa ginawa ko kanina. Ang oa self ha!
"Like you have a beautiful voice, nakakakilig daw yung ginawa mo kanina, ang swerte naman daw nung guy at nageffort ka pa ng ganun at marami pang iba."
Nang marinig ko iyon ay agad akong nakahinga ng maluwag. Akala ko may bashers na agad ako. Hoooo!
Inakbayan nya ako saka tiningnan na para bang may nililihim ako.
"Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan."
"Bakit? Ano bang meron sa tingin ko?" natatawang sagot nya.
"Tsk! Ewan ko sayo."
"Alam mo beshy Naomi, hindi ka magaling magtago eh ang dali-dali mong basahin. Alam kong may hindi ka sinasabi sa amin. Sige na. Tell me, i won't tell it to your cousin or kay Joshua man kung yun ang gusto mo. Your secret is safe with me."
I sighed.
"Umamin na ako sa kanya. Pero hindi ko naman intensyon na umamin talaga nadulas lang ako."
"Then?"
"Sabi nya paano daw kami magkakaayos ngayong nalaman na nya na may gusto pala ako sa kanya?! Tapos.... tapos...."
"Tapos? Nakakabitin ka naman eh."
"Huwag ka muna kaseng sumabat."
Sinamaan ko sya ng tingin. Nag peace sign naman ito sakin.
"Tapos sinabi nya pa na hindi daw sya ang lalaki para sakin. Itapon ko na lang daw yung feelings ko sa kanya."
Malungkot na tumingin ako kaya Rae.
"Nang dahil sa nangyari noon isinarado na nya ang puso nya para sa iba, kahit sa akin na naging parte din ng buhay nya noon. Ayaw na nyang may makapumasok pang muli sa puso nya, Rae. Ano nang gagawin ko?"
Niyakap nya ako saka hinagod ang likod para pagaanin ang loob.
"Show him that you're really sincere. Na hindi ka katulad ng iba. Na kakaiba ka sa kanila. Sa paraang yun mapagbabago mo kung anong paniniwala nya."
Kumalas ako sa pagkakayakap nya saka ngumiti.
"Thank you Rae! Kung wala ka hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Thank you for being my beshy, sister and my bestfriend."
Hinampas nya ako ng mahina sa braso.
"Nakakainis ka! Naiiyak tuloy ako. Hindi ako sanay na ganyan ka. Tama na nga ang kadramahan."
Natawa naman ako.
Pansin ko rin na simula noong bumalik sya nag iba ako. Palagi na akong malungkot at umiiyak. Hindi tulad noon na always lang akong nakangiti at tumatawa kahit may problema. Pero ngayon? Kahit may problema hirap akong ngumiti palaging pilit.
Hindi kami sumabay ni Rae sa pag lunch kina Jake. Lumabas kami ng school at sa Almond Desire Restau kami pumunta para mag lunch. Gusto ko munang magpalamig, ayaw ko munang makita o makasama si Asul sa iisang lugar dahil naiinis pa ako sa kanya.
Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay may isang guy na lumapit at para bang close na close sya samin dahil wala itong pasabing umupo sa tabi ni Rae.
He's wearing a white shirt at black pants na tinernohan ng white rubber shoes. Simple lang pero malakas ang dating. Maputi ito at matangkad. Halatang maganda ang pangangatawan dahil halata ito sa syot na t-shirt. He even wearing a sunglass and a black cap.
Taas ng sikat ng araw sa loob ng restau kuya?
Siguro fave neto ang color black and white.
Taas kilay na nagkatinginan kami ni Rae dahil sa pagkabigla sa estrangherong ito.
"Who are you Mister? What are you doing in our table? Do you have our permission to sit here?" mataray na tanong ni Rae.
Hindi sya neto sinagot bagkus ay tinanggal neto ang suot na sunglass saka tumingin sakin bago ngumisi.
kakakilabot!
"Mister I'm talking to you!" inis na singhal neto.
Bumaling sa kanya ang tingin ng estranghero.
"I don't want to talk to you so please shut the fck up, Miss!"
Napaatras naman si Rae dahil sa lamig ng boses neto. Nakakatakot!
May mas lalamig pa pala kay Asul? Napangisi ako.
Tumingin ito sa akin saka ngumiti. Nagulat naman ako doon. Kahit si Rae ay napatulala dahil sa mabilis na pagbabago ng expression nito. Kanina lang ay masungit itong tingnan pero ngayon ay para bang ang soft na ng features neto.
"Are you Naomi Montero?"
Napatango naman agad ako. Mas lalong lumawak ang ngiti nya dahil sa sagot ko.
Ang creepy ni kuya! Brrrr.
"Anong kailangan mo sakin kuya? May atraso ba ako sa girlfriend mo? Nandito ka ba para gantihan ako? Grabe sya ah ikaw pa talaga ang pinapunta dito para makaganti sakin? Ang unfair naman nun?"
Yung ngiti nya kanina ay napalitan ng malakas na tawa. Napatingin ako sa paligid at nakatingin na sa amin lahat dahil sa pagtawa nya.
Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?
"Ang oa mo beshy!" bulong ni Rae.
"Malay mo naman diba?"
Hindi pa din tumitigil sa pagtawa ang eatrangherong ito.
Nababaliw na ba sya? Sya kaya ang oa at hindi ako. Makatawa wagas?
"Kuya? Nababaliw kana ba?" inosenteng tanong ko na ikinatawa ni Rae.
Tumigil naman ito sa pagtawa at tiningnan ako ng seryoso.
Sasaktan nya ba ako dahil.sa pagtawag ko sa kanya ng baliw?
"Ang unfair nga! Gwapo naman ako pero bakit wala pa din akong girlfriend? Tsk!" iiling iling na sabi neto.
Nagkatinginan naman kami ni Rae. She even mouthed 'baliw yan'.
"Ahhh... kuya sino ka ba? Bakit nandito ka sa table namin marami namang ibang table dyan eh."
Napatigil naman si kuyang estranghero.
"Sorry to interupt you girls. By the way, I'm John Dave Earl Easton. Nice to meet you Naomi and you, Miss Rae Jimenez."
Nakangising tumayo ito at saka umalis.
Nakatulala pa din kami ni Rae dahil sa narinig.
How did he know our names? Its really creepy for strangers that know who you are.
At isa pa, anong apelyedo nya????
Nagkatinginan kami ni Rae.
"EASTON?"
Sabay na sigaw namin nang mapagtanto kung sino ba talaga ang lalaking iyon.
"Oh my gosh Naomi. The son of the owner of E.U is now back!"
Napanganga ako narinig.
Hindi ko sya kilala pero nung unang pagpasok ko sa E.U ay sya ang usap usapan dahil nga sikat ito sa sariling school at maging sa iba pa. Kaso that time pumunta na ito ng Korea para doon ipagpatuloy ang pagaaral at ngayon nagbabalik na ulit ito.
Pero ang nakakabigla, bakit nya kami kilala?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top