KABANATA 11
Sunday ngayon at nagyaya si Rae na magmall. Nasa Makati sina mom at dad dahil may meeting sila doon, boring dito sa bahay kaya pumayag na ako sa gusto ni Rae. Nagkaroon tuloy ako ng idea kung paano ako magkakaroon ng chance na kasama ni Asul. Pinapunta ko sya dito sa bahay para sabihin sa kanya ang plano ko.
"Grabe Naomi. Lahat talaga gagawin mo para lang kay Blue."
Sabi nya pagkatapos kong ikwento sa kanya ang plano ko.
Ngumisi naman ako.
"Ganun talaga kapag gusto mong magka ayos ulit kayo ng lalaking gusto mo."
"Sana magkaroon na din ako ng lovelife para sumaya saya naman ang boring kong buhay."
"Ang lapit lang ng pinsan ko naghahanap ka pa ng iba."
"Gusto mo bang tulungan kita?"
"Hehehe! Joke lang naman beshy."
Tinawagan ko din si Jake at Joshua para sabihin ang plano ko.
Ilang minuto pa ay dumating na din yung tatlo.
"Buti napilit mo na sumama si Asul," bulong ko kay Jake pagkalapit nya.
"Muntik na ngang hindi buti na lang nakaisip si pareng Joshua ng paraan."
Nagsalute naman si Joshua pagkatingin ko sa kanya.
May kotseng dala si Jake at Asul.
Syempre sa kotse ni Asul ako sumakay. Nagulat pa nga sya nang makita nyang ako ang pumasok. Agad namang pinaandar ni Jake ang kotse nya sakay sina Joshua at Rae.
Nang makita yun ni Asul ay agad itong tumingin sakin na para bang hindi sya makapaniwala sa nangyayari. Ngumiti naman ako na nag aalinlangan.
Pinaandar nya ang kotse na hindi manlang ako kinakausap. Sobrang tahimik ng byahe. Hanggang makarating kami sa mall ay hindi pa din sya kumikibo.
"Bakit hindi mo ako sinamahan dun?"
Agad kong hinila si Rae ng makalabas ako ng kotse.
"Ayaw ko ngang maging third wheel noh!"
"Kahit na. Nakakainis ka!"
"Sus! Ayaw mo nun kayo lang ni Asul ang magkasama."
Sobrang tahimik nga eh. Hindi manlang nya ako kinakausap. Kapag magsasalita naman ako napapaurong dahil sa cold aura na nakapaligid sa kanya.
"Saan ba tayo pupunta?"
Agad kong tanong nang makalapit sila samin ni Rae.
"Manonood ng sine," sagot ni Jake.
"Sa Time Zone tayo!" suggest naman ni Joshua.
Tumingin ako kay Asul.
"Asul saan mo gustong mamasyal?" tanong ko sa kanya.
"Anywhere!" walang emosyong sagot nya sabay iwas ng tingin.
"Manood na lang muna tayo ng sine guys!"
Sabi ko saka lumingon sa pwesto nung tatlo na nawawala na.
"Hoy! Saan kayo pupunta? Hintayin nyo kami!" sigaw ko dun sa tatlo na papalayo na samin ni Asul.
Dahil madami na ang tao sa mall ay agad silang nawala sa paningin namin. Hahabol pa sana si Asul nang pigilan ko sya. Masamang tingin ang ipinukol nya sakin.
"Fck! Sinasabi ko na nga ba. This is all your plan, right?"
Galit na hinawakan nya ako sa braso na ikina daing ko.
"Aray Asul nasasaktan ako."
"Bakit ba ang kulit mo? Sinabi ko na sayong huwag mo na ulit akong kakausapin diba? Mahirap bang gawin yun?"
Pabalya nyang binitawan ang braso ko. Agad ko naman yun hinawakan dahil sa hapdi ng pagkakahawak nya.
"Please Naomi tigilan mo na kung ano man 'tong ginagawa mo."
Pagmamakaawa nya sakin.
"Ano bang masama sa ginagawa ko Asul? Ang gusto ko lamang naman ay magkaayos tayo. Kung may galit ka pa sa nakaraan kalimutan na natin yun. Nakalimutan ko na yun. Kaya please lang, kausapin mo na ako. Balik na tayo sa dati."
Gustuhin ko mang pigilan ang mga luhang gustong lumabas sa aking mga mata ay hindi pa rin sila magpapigil. Pumatak pa rin kahit anong gawin ko.
May iilang tao ang napapatingin samin dahil nasa gitna kami ng mall. Para bang yung mga nasa dramas.
"Gustong gusto kong maging maayos tayo Naomi, Oo. Pero sa tuwing nakikita kita naaalala ko yung panahong hindi kita pinakinggan. Yung mga panahon nandyan ka para sakin pero ipinagtabuyan lang kita palayo. At sobra akong nagagalit sa sarili ko dahil iniwan kita ng walang paalam. Iniwan ko yung bestfriend ko na pinangakuan ko na hindi ko sya iiwan. Wala akong kwentang kaibigan Naomi. Hindi ako nararapat na maging kaibigan mo. Kaya please nakikiusap na ako sayo layuan mo na lang ako."
Tumalikod na sya saka naglakad paalis.
Agad akong tumakbo para maabutan sya. Umiiyak na niyakap ko sya mula sa likod na ikinatigil nya sa paglalakad.
"Naiintindihan naman kita kung bakit mo yun nagawa. Hindi naman ako galit sayo at kailan man hindi ko kayang magalit sayo. Please kalimutan na natin yun lahat pwede naman tayong magsimula muli diba? At mali ka nang iniisip dahil hindi totoo ang sinasabi mo. Kahit kaylan hindi ka naging walang kwentang kaibigan Asul. Naaalala mo pa ba? Ikaw yung laging nandyan para sakin kaya hindi ko kaya yung pinapagawa mo sakin. Hindi kita lalayuan."
Pinagtitinginan na kami ng maga dumadaan dahil gumagawa na kami ng scene sa gitna ng mall.
Walang tigil sa pagbagsak ang mga luha ko nang pilitin nyang tanggalin ang pagkakayakap ko sa bewang nya.
"Stop it Naomi. J-Just.... Just give me time. Huwag mo muna akong lalapitan o kakausapin. Gusto ko munang makalimot ng tuluyan ng walang tulong mula s-sayo."
Binitawan nya ang kamay ko saka tuluyang umalis papalayo sakin.
Papalayo ng tuluyan sa buhay ko.
Mas minabuti ko na lamang na umuwi dahil sobrang bigat nang nararamdaman ko. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay humiga, matulog at umiyak ng umiyak dahil sa sakit.
Mas masakit yung ipinagtabuyan nya ako ngayon, kesa noon. Dahil noon binabalewala ko lang pero ngayon ramdam na ramdam ko na yung sakit sa bawat salitang binabagsak nya.
Nagtext na lamang ako kina Rae na sumama ang pakiramdam ko kaya umuwi na lang kami. At sinabi ko na lang din na ayos naman ang pamamasyal namin ni Asul kahit saglit lang dahil nga sumama ang pakiramdam ko para hindi na sila magtanong pa.
Kinabukasan ay walang gana akong pumasok. Para bang sobrang bigat ng katawan ko.
"Naomi!" nakangiting bati ni Rae sakin.
"Badmood yata ang baby Naomi naman ah," puna ni Jake.
"Kulang lang yan ng vitamins. Pareng RK isang hi naman dyan oh. Wala kase sa mood si Naomi."
Naghiyawan naman ang iba namin classmate dahil sa pang aasar ni Joshua.
Gustuhin ko mang ngumiti pero hindi ko magawa. Kahit sabayan manlang ang trip nila ay hindi ko kaya.
Umupo ako saaking seat nang hindi pinapansin si Asul. Dahilan para magtaka sila.
"Naomi? May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo? Gusto mo bang dun na lang muna sa clinic? Ipagpapaalam ka namin sa prof."
Umiling naman ako.
"Okay lang ako. Wala lang talaga sa mood. Pero babalik din ako sa dati kong sigla kaya huwag na kayong mag alala sakin."
"Sure ka ba talaga Naomi? Tatawagan ko na sina Tita para sunduin ka dito kung masama ang pakiramdam mo."
Pinigilan ko si Jake.
"Tumigil ka nga. Okay lang talaga ako ang o-oa nyo ah."
Pinilit kong pasiglahin ang boses ko.
"Hindi lang kase kami sanay na ganyan ka," sabi naman ni Joshua.
"Sus! Okay lang talaga ako."
Napaniwala ko naman sila kaya hindi na nagtanong pa.
Inhale! Exhale! Inhale! Exhale! Naomi kaya mo yan, okay? Malakas ka diba? Papasaan ba't magkakaayos din kayo ni Asul kaya laban lang.
Pinalakas ko ang sarili dahil may gagawin pa ako mamaya. Prepared to noh! Anong akala nya gagawin ko kung anong gusto nya? Huh! Neknek nya no! Makulit na kung makulit. Hindi ako titigil hangga't hindi sya sumusuko.
Ano ba naman kaseng memory meron sya at hindi nya malimot limutan yung past eh past na nga yun diba. Sa tinagal nya sa Korea akala ko ba limot na nya ng tuluyan yung nangyari? Ang labo talaga ng crayon na yun. Tsk!
Pagkatapos ng klase namin ay agad akong pumunta sa Music club para humiram ng instrument na gagamitin ko. Humingi din ako ng tulong sa memebers nila na ayusin yung mini stage sa may field.
Walang alam sina Jake o kahit si Rae sa gagawin ko. Hindi na ako humingi ng tulong sa kanila dahil gusto ko itong gawin dahil gusto ko talaga. Para ngang ayaw ko nang sundin kung ano man yung sinulat ko para palambutin ang puso nya. Kung gagawin ko man yun ay dahil bokal sa puso ko at hindi dahil sa may misyon ako sa kanya.
"Naomi ready na lahat," ani Shane. Isa sa mga Music club members.
Ngumiti ako sa kanya. "Thanks Shane!"
"Don't mention it. Sana magkaayos na kayo ni Greyson."
"Sana nga!"
Tinapik nya ako sa balikat bago kami magkasabay na pumunta sa may field.
Namangha ako sa nakita.
Sobrang effort nang pagkakaayos sa stage. May silya sa gitna at may stand para sa mic.
May mga balloons na blue sa bawat gilid. May mga iba't ibang klaseng bulaklak din na nakapalibot sa stage. May asul na kurtina sa likuran para magsilbing backstage.
Nang makita ako nang ibang member ng Music club ay agad na nagthumbs up sila sakin. Ngumiti naman ako sa kanila bago tumango. Hawak ang gitara ay kinakabahang umakyat ako sa stage.
Hoooooo! Go Naomi! Para kay Asul.
"Ehhheeemmm! Eehhheemmm! Kung nakikinig ka man gusto ko lang sabihin sayo na kahit anong tulak mo sakin palayo wala akong ibang gagawin kundi ang bumalik sayo."
Nag start akong mag strum ng gitara.
🎶🎼🎶
I never felt nothing in the world like this before
Now, I'm missing you and I'm wishing you would comeback
through my door.
Why did you have to go?
You could have let me know
So, now I'm all alone.
Boy, you could have stayed but you wouldn't give me a chance
With you not around, it's a little bit more than I can stand
And all my tears--they
Keep running down my face
Why did you turn away?
Nagsimulang magdatingan ang ibang mga estudyante. Nakita ko ding nakisingit sa mga nagsisiksikang nanonood sina Jake at Joshua kasama si Rae para lang makapunta sa unahan.
"Go! Naomi! Go! Go! Go! Hhhooooooo.... bestfriend ko yan!" sigaw ni Rae habang tumatalon pa.
Hindi ko mapigilang ngumisi sa kakulitan nya.
Jake wink at me while Joshua show me his fist then turn it to a thumbs up.
So, why does your pride
Make you run and hide?
Are you that afraid of me?
But I know it's a lie
What you keep inside.
This is not how you want it to be.
So, baby, I will wait for you
'Cause I don't know what else I can do.
Don't tell me I ran out of time
If it takes the rest of my life,
Baby, I will wait for you.
If you think I'm fine it just ain't true
I really need you in my life.
No matter what I have to do, I'll wait for you.
Napuno ng mga estudyante ang buong field para lang manood. Ang iba naman ay para mag chismis. May ibang nagbubulungan at meron din namang kinikilig.
Sa gitna nang nagkukumpulang mga estudyante ay hindi nalingat sa aking paningin ang lalaking nakatayo at nakapamulsa habang taimtim na nakatingin sa akin.
Nang magtama ang aming mga mata ay agad na nakaramdam ako ng kakaiba. Tulad na lang noong unang beses na malaman kong may gusto na pala ako sa kanya. May mga paru-parung gustong kumawala sa tyan ko. Yung tibok ng puso ko ay hindi normal na para bang nakikipag habulan ako sa kabayo.
Been a long time since you called me.
(How could you forget about me?)
You gotta be feeling crazy. (Crazy)
How can you walk away?
Everything stays the same (the same).
I just can't do it baby.
What will it take to make you comeback?
Boy, I told you what it is and it just ain't like that.
No.
Why can't you look at me?
You're still inlove with me.
Don't leave me crying.
Baby, why can't we just, just start over again?
Get it back to the way it was?
If you gave me a chance I can love you right,
But you're telling me it won't be enough.
Sa pagkakataon ito sari saring emosyon ang nakikita ko sa mga mata nya. Tuwa, lungkot, galit, panghihinayang at pangungulila. Yung dating malamig at blankong expression nya ay unti-unti nang nawawala.
Unti-unting tumulo ang mga luha ko.
Baby, I will wait for you.
'Cause I don't know what else I can do.
Don't tell me I ran out of time.
If it takes the rest of my life.
Baby, I will wait for you.
If you think I'm fine, it just ain't true.
I really need you in my life.
No matter what I have to do, I'all wait for you.
So, why does your pride
Make you run and hide?
Are you that afraid of me?
But I know it's a lie
What you're keeping inside.
That is not how you want it to be.
Baby, I will wait for you.
Baby, I will wait for you.
If it's the last thing I do.
Baby, I will wait for you.
'Cause I don't know what else I can do.
Don't tell me I ran out of time.
If it takes the rest of my life.
Baby, I will wait for you.
If you think I'm fine, it just ain't true.
I really need you in my life.
No matter what I have to do, I'all wait for you.
I'll be waiting....
Nagpalakpakan ang lahat.
"Narinig mo ba ako? Maghihintay ako. Naghintay na ako noon kaya bakit pa ako titigil ngayong nandito kana kaya maghihintay pa rin ako hanggang sa sumuko ka at bumalik tayo sa dati. Kung hindi man kayang ibalik edi magsisimulang muli."
Umiiyak na ako.
May iilang kababaihan ang naiiyak na. Kahit si Rae ay naiiyak na rin. Nakita ko kung paano sya yakapin ni Jake para patahanin.
"Kung naaalala mo ang bestfriend mo na iniwan mo noon kapag tinitingnan ako, baguhin mo ngayon. Tingnan mo ako bilang Naomi at hindi bilang Nami."
Nakita kong tumalikod sya at saglit na tumigil pero ilang sandali pa'y agad din naglakad paalis.
Tumayo ako at binitiwana ng gitara para habulin sya. Narinig kong tinawag pa ako nina Rae pero hindi ko sila pinakinggan at patuloy lang sa pagtakbo para maabutan si Asul.
***
A/N: OPPPSSSSS! Saglit ko po munang puputulin. Hahahaha!!!
Bitin ba? Sige na nga itutuloy ko na....😁😆
Happy Reading Daydreamers!!
Vote
Comment
are highly appreciated!😘 kamsahamnida
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top