KABANATA 10
Maaga akong nagising ngayon kahit saturday dahil excited ako para mamaya. Pupunta kase dito sa bahay si Jake at kasama yung dalawa. This time sinigurado na nyang sasama talaga si Asul.
Gulat nga ako kagabi nang sabihin ni Mommy na dadalaw si Jake kasama ang mga kaibigan neto. Hindi pa nga ako naniwala kaya tinawagan ko pa si Jake para kumpirmahin kung totoo nga.
Nang masigurado ko ay muntik na akong hindi agad makatulog dahil sa excitement.
Malawak ang ngiting bumaba ako.
"Good morning Dad! Good morning Mom!"
Bati ko sa kanilang dalawa sabay kiss sa cheeks. Pareho silang nakaupo sa sofa at nanonood ng drama sa tv.
"Good mood yata ang baby namin?"
"Syempre naman Dad. Kailangan laging good mood para positive vibes lang ang nasa paligid at walang negative energy."
Nagkatinginan naman sila ni mommy at kapagkuwan ay napangiti din.
"Hulaan ko. Dahil kay Johnwayne kaya maganda ang gising mo?"
Napangiti naman ako sa sinabing iyon ni Mommy.
"You're my Mom talaga."
Tumawa naman si mommy sa sinagot ko.
"Tsk! Sa mga ganyang usapan talaga magkasundong magkasundo kayong mag ina," iiling iling na sabi ni dad.
"Ang kj mo kase honey. Dalaga na at nasa kolehiyo na ang baby natin pero hindi pa sya nagkakaboyfriend. Tinatakot mo kase yung mga boys na lumalapit sa kanya."
Tumango naman ako para sang ayunan ang sinabi ni mommy.
"Inilalayo ko lang sya sa mga lalaking pupwedeng maging bad influence sa kanya. Ang gusto ko yung lalaking may mabuting puso at kilala ko na para hindi nya saktan ang anak natin."
Napatango din naman ako sa sinagot ni daddy.
"Dad! Si Asul ba pasok sa taste mo?"
Ngumisi ako at may pataas taas pa ng kilay sa harap nya.
"Hhhhmmm??? Pag iisipan ko pa."
Agad naman akong napasimangot.
Ang daya talaga ni Dad minsan. Pwede namang oo na lang ng oo eh! Napaka naman talaga.
Napatingin ako sa wall clock na nasa may dingding.
"9:30 am na pala!"
Agad akong tumayo para bumalik sa kwarto ko dahil mag aayos pa ako ng sarili.
"Naka leave sina Manang Lisha diba Mom?"
"Hhhmm! Oo, bakit? May kailangan ka ba kay Manang Lisha?"
Umiling ako.
"Mommy huwag ka na pong mag abalang magluto para kina Jake mamaya ah dahil mapapagod ka lang. Mag relax na lang kayo ni Dad. Ako na pong bahala sa lahat. Okie?"
Napa thumbs-up naman si daddy dahil sa sinabi ko. Ngumiti ako tsaka dali daling tumakbo pabalik sa kwarto.
Pagkatapos kong maligo at mag ayos ng sarili ay agad na akong bumaba para magluto. Naka maong shorts at off-shoulder na blue lang ako. Sinimplehan ko na lang baka kase sabihin pa nilang nagpapaganda ako.
Kahit yun naman talaga ang totoo. Hihihi!
Nagsuot na ako ng apron tsaka hinanda ang mga kakailanganin. Adobo at sinigang na hipon ang lulutuin ko ngayon dahil yun ang favorite ni Asul. Nagsalang na muna ako sa rice cooker ng sinaing bago gawin ang dapat gawin.
Habang naghuhugas ng karne ay napapangiti ako.
Ganito talaga siguro kapag iniisip mo yung taong gusto mo napapangiti ka na lang bigla.
Saktong 11:00am ay natapos na din ako sa aking pagluluto.
Nang may narinig akong busina galing sa labas ay agad akong napangiti. Sigurado akong sila na yan kaya inihain ko na ang mga niluto ko sa mesa. May kanin syempre, adobo , sinigang na hipon, gumawa din ako ng bakemac para kay Asul. Naglagay din ako sa pitchel ng tubig at mayroon ding juice. At syempre hindi mawawala ang dessert. Gumawa na din ako ng homemade chocolate and vanilla ice cream.
"Hi Tita! Tito!"
Rining kong bati ni Jake sa parents ko. Sumilip ako mula sa pinto ng kusina.
"Pasok kayong tatlo. Just feel at home at huwag kayong mahihiya samin," sabi ni Dad.
"Naku! Buti naman at naisipan mong bata ka na isama ang mga kaibigan dito sa bahay," sabi naman ni Mom.
"Ngayon lang po kase nagkaroon ng time 'tong dalawa kaya hindi kami matuloy tuloy dito."
"Ay naku ay pagkakagwapo naman pala talaga ng mga kaibigan mo. Sa mga kwento pa lang ni Naomi ay alam kong mabubuti kayong mga binata."
Napasapo naman ako sa noo dahil sa kadaldalan ni mommy.
"Hehehehe! Good boy po talaga ako. Ako nga po pala si Haxxon Joshua Carter. Nice to meet you po Mrs. and Mr. Montero."
Mukhang inosente si Joshua kahit hindi naman. Hahaha!
"Haha! Napaka formal mo naman iho. Just call me Tita Fatima at sya naman ang Tito Nash mo."
Napakamot naman si Joshua sa batok neto saka ngumiti at tumango.
"Isa kang Carter? Anong ginagawa mo dito sa Pilipinas? At kaanu ano mo si Hanna Carter at Jacob Carter?" tanong ni daddy sa seryosong boses na ikinagulat naman ni Joshua.
Siniko ni Mom si Dad dahil sa kalokohan nito.
"Umayos ka nga. Huwag mong takutin."
"Hindi ko naman tinatakot eh. Nagtatanong lang naman ako."
Impit na napatawa naman ako dahil sa reaction ni Joshua. Hindi mo alam kung ngingiti ba o anu. Hahaha! First time nya kaseng makilala si Dad kaya ganun na lang ang naging reaction nya ng magseryoso ito. Samantalang napasulyap naman ako kay Asul na nakangisi sa kaibigan.
Bakit kaya ang gwapo ni Asul kapag nakangisi? Yung iba kase nagmumukhang creepy. Hahaha. Joke!
Tinapik naman ni Jake ang balikat ni Joshua dahil halatang kinakabahan ito.
"Parents ko po sila. Bakit po? May atraso po ba sila sa inyo?"
Natahimik ang lahat sa tanung na iyon ni Joshua.
"Hahahaha!"
Naguguluhang napatingin si Joshua kay daddy na tumatawa na.
"Nagbibiro lang si Tito Nash," bulong ni Jake sa kaibigan.
"Hay naku! Huwag mo nang pansinin ang asawa ko iho. Hindi na naman yan naka inom ng gamot nya kaya ganyan."
Tumigil naman na si daddy sa pagtawa pero nakahawak pa rin sa tyan nya.
"Pagpasensyahan mo na ako iho. Ganito talaga ako sa una pero masasanay ka din sakin. Business partner ko ang Daddy mo sa negosyo kaya kilala ko sila. Alam mo bang nakakatawa talaga ang expression mo nung tinanong kita. Hahahahaha!"
Bumaling naman ang tingin ni mommy kay Asul.
"Tita! Kamusta po?"
Ngumiti si mommy at nilapitan si Asul.
"Maayos pa sa maayos iho. Ikaw ang kamusta? Naku sobrang dami nang pinagbago mo. Dati dati ang payat mo pero tingnan mo ngayon nagkakamuscles na. Tumangkad pa lalo at mag gumwapo pa."
Puri ni mommy kay Asul.
"Ayos lang din po Tita. Hiyang lang talaga sa lamig sa Korea kaya ganyan. Kailangang maggym at healthy para hindi masira ng lamig ang katawan."
"Tama nga naman. Kamusta naman sina Alena at Will sa Korea?"
"Tulad nga po ng sinabi nyo, maayos pa sa maayos."
"Hahaha! Natutuwa talaga ako sa batang ito. Buti naman at bumalik kana. Alam mo bang yang si Naomi ay palagi kang hinihintay doon sa puno malapit sa school nyo. Minsan naman nag aabang dun sa luma nyong bahay. Naku sibrang namiss ka nag batang iyon alam mo ba?"
Nakakahiya! Ilaglag daw ba ako ni mommy kay Asul.
Ngumiti lang si Asul sa kanya.
Napatigil naman si daddy sa pagtawa at seryosong bumaling kay Asul.
Kung hindi mo kilala ang daddy ko ay talagang matatakot ka sa pagiging seryoso nya.
Dahan dahan itong lumapit kay Asul.
"Bakit mo iniwan ang anak ko ng walang paalam? Ha? Tapos babalik ka ngayon na para bang wala kang ginawa?"
Napansin kong nagulat si Joshua dahil sa pagsigaw ni daddy kay Asul. Alam kong natatakot na ito para sa kaibigan dahil sa galit na boses ni daddy. Pero walang takot na mababakas sa pagmumukha ng sinigawan.
Ang daddy talaga pasaway. Daig pa ang teenager eh!
"Sasaktan ba ni Tito Nash si RK? Galit na si Tito dahil.sa nangyari noon oh," bulong ni Joshua sa nakangising si Jake.
"Sira! Hindi. Manood kana lang."
Alam na kase ni Jake ang mga kalokohan ni daddy kaya kampante lang sya.
Si mommy naman ay umupo sabay iling.
"Sinong may sabing tanggap ka pa sa pamilyang 'to? Akala mo ba ay natutuwa akong makita ka sa pamamahay ko?"
"Tito alam ko pong nagbalak kayong sumabak sa pagiging artista noon pero kahit anong gawin nyo hindi po talaga tanggap yung acting skills nyo sa action at pagiging kontrabida. Pang comedy po talaga kayo."
Saglit na katahimikan.
"Hahahaha! Honey pang comedy ka talaga kaya huwag mo nang pilitin yung galit galitan moves na yan. Laos na eh," pang asar ni mommy sabay tawa.
"Oo nga po Tito. Diba po si Dolphy ang idol nyo noon kaya pang comedy talaga kayo," sabi pa ni Jake.
"Ganuna ba?"
Napakamot naman sa batok si daddy bago muling tumingin kay Asul.
"Hindi pa din nawawala ang pagiging salbahe mong bata ka. Inaaway mo pa din ako hanggang ngayon. Nilalaglag mo pa ako."
Natawa naman si Asul saka nya inakbayan si daddy.
"Hindi pa din kayo nagbabago Tito. Pasaway pa din kayo pati kaibigan namin sinampolan mo."
"Hahahaha! Joshua iho masasanay ka din."
Natawa naman sila sa sinabing iyon ni daddy. Napakamot naman si Joshua sa ulo nya.
"Tingnan mo mas mataas pa sayo si Johnwayne ngayon," puna ni mommy.
"Ganyan talaga kapag tumatanda na. Hindi na tumataas. By the way, i like your hair iho. Saan ba ako pwedeng magpakulay ng ganyan dahil pumuputi na talaga ang buhok ko."
Natawa naman silang lahat dahil sa pagbibiro ni daddy.
Nakakatuwang makita na tumatawa at ngumingiti na ulit si Asul. Hindi nga lang dahil sakin.
"Oh panu, halina kayo sa kusina para mananghalian. Saktong sakto tapos na si Naomi sa pagluluto."
Agad naman akong umalis sa pagkakasilip sa may pintuan at nagkunwaring naglalagay ng pinggan sa mesa.
Sabay sabay silang pumasok nang kusina.
"Wow! May fiesta ba? Anong nakain mo Naomi at naisipan mong magluto?" nakangising tanong ni Jake sabay upo.
Nagsiupuan na din sila.
"Wala. Good mood lang talaga ako tsaka isa pa wala naman akong ginagawa kaya ako na lang ang nagluto."
"Naku! Sabi nya sya na lang daw ang magluluto dahil nga pupunta kayo. Nagulat pa nga ako nang sabihin nyang huwag nakong mag abala pa dahil sya na daw ang bahala sa lahat."
Napahilamos naman ako ng palad sa mukha ko dahil sa pagkabisto.
Si mommy nakaka asar. Ilaglag daw ba ako sa harap nung tatlo.
Tiningnan ako nang may panunukso nung dalawa.
"Eehhheeemmm! Kaya pala!" pang asar ni Joshua.
Akmang babatuhin ko naman sya nang mapatingin sakin si Asul kaya agad kong naibaba ang kamay na may hawak na kutsara.
Tumikhim ako bago ngumiti.
"Asul ako ang nagluto ng mga ito. At dahil nga pupunta ka kaya mga favorite mo ang niluto ko."
Nakatingin lang ito sakin. Tinging may pagkainis.
Ramdam kong naiinis sya sakin dahil sa kabila nang pagiwas nya at pagsabi saking huwag na syang kakausapin pa ay ginagawa ko pa rin.
Anong magagawa ko? Gusto ko lang naman na magka ayos kaming dalawa.
"Sige na! Kumain na tayo at lalamig ang pagkain."
Pagbasag ni mommy sa katahimikan.
Napayuko naman ako pero agad ding pinagaan ang nararamdaman at pinasigla ang sarili.
Kaya mo 'to Naomi. Para sa inyong dalawa ni Asul. Fighting!
"Kain lang ng kain mga iho."
Napangiti ako nang makitang kumakain si Asul ng niluto ko. Kahit na may konting sama ng loob dahil hindi manlang nya ako nginingitian at kinakausap ay masaya na akong nagustuhan nya ang mga inihain ko.
1. Cook his favorite foods. Check✅
Nang matapos kumain ay nagkwentuhan lang sila sa salas.
Nagexcuse naman akong may gagawin pa sa kwarto kahit wala naman talaga.
Gusto ko lang mag muni muni. Yun lang!
Nagulat ako ng may kumatok sa pinto. Agad kong kinuha ang notebook ko para kunwari ay nagsusulat.
"Pasok!"
Sigaw ko. Pumasok si Jake na nakakunot ang noo. Umupo ito sa gilid ng kama ko saka ako tiningnan nang maigi.
"Okay lang ako anu ka ba. Bumalik ka na nga lang dun sa baba baka hanapin ka pa nila."
"May sinabi ba akong hindi ka okay?"
Inirapan ko na lang sya at nagpatuloy sa pagsusulat ng kung anu ano.
Nilibot nya ng tingin ang buong kwarto.
"You know that he hates it, right?"
Napatigil ako sa ginagawa.
"Hindi ko naman mapipigilan kung yun ang mararamdaman nya. Pero pipilitin kong baguhin yun."
"Sana lamang ay hindi aabot sa paraang nasasaktan ka na nya. Susuportahan kita dahil alam kong gusto mo lamang nag magkaayos kayong dalawa."
Tumunghay ako para tingnan sya.
"Thank you Jake."
Ngumiti ako saka sya niyakap.
"Anything for my beautiful cousin."
Humiwalay ako sa pagkakayakap tsaka nya ginulo ang buhok.
"Pero kapag pinaiyak ka ni RK magsumbong ka lang samin ni Joshua at reresbakan namin sya. Isama mo pa si Rae. Paniguradong kakalbuhin ng kaibigan mo si Blue."
Natawa naman ako.
Bigla ko namang naalala si Rae. Sa mga tingin pa lang ng bruhang yun sa pinsan ko ay alam na agad. May something fishy talaga eh.
Lihim akong napangisi.
Buti nalamang at may pinsan akong katulad ni Jake. Idagdag pa ang unggoy na si Joshua at ang bruhang si Rae.
***
A/N: Sana all !!!!
Gusto ko din magkaroon ng cousin na katulad ni Jake.☺ anong say nio???
Happy reading Daydreamers!!!
Vote
Comment
are highly appreciated. Kamsahamnida😘❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top