KABANATA 1
"Mommy, Daddy papasok na po ako," paalam ko kina Mom and Dad.
"Take care Darling!" sagot ni Daddy saka ako hinalikan sa noo. Napangiti naman ako.
"I will Dad. I love you both!"
"We love you more Baby!" Mom said bago ako tuluyang makalabad ng bahay.
"Mang Karding tayo na po sa school," sabi ko sa driver namin.
"Sige iha!"
Tahimik lang ako sa byahe habang may nakasaksak na earphone sa tenga.
Teka nga muna. Nagpakilala na ba ako? By the way, ako nga pala si Faith Naomi Montero. 2nd year college at kumukuha ng kursong Business Management. Nag aaral ako sa Easton University.
Dalawang buwan matapos kung grumaduate ng highschool ay lumipat kami ng bahay dito sa Quezon City dahil napalipat si Dad ng work dito. Si Mom naman ay nagpatayo ng Boutique at Cafe nya dito sa QC para daw kahit papano ay may ginagawa sya at hindi bored sa bahay. Pinadala kase nya ang mga bulaklak at mga halaman na tanim nya at inaalagaan sa probinsya nina Lola dahil hindi namin yun madadala lahat dito sa aming bagong lilipatan.
At sya nga pala, five years na din simula nung umalis sya at hindi pa bumabalik.
Babalik pa kaya sya? Ahhhh! Ewan!
"Nandito na tayo iha."
Ngumiti ako saka bumaba ng kotse at nagpaalam.
Tumigil muna ako saglit at nakangiting pinagmasdan ang buong campus. Marami nang mga students ang nagkalat dahil first day palang ng first semester. At syempre may mga new students na naman.
"Hi Naomi!"
Nakangiting bati sakin ng dumaan na dalawang students. Siguro fourth year na sila.
"Hello!" ngiting bati ko pabalik sabay bow. Yun bang mannerism ng mga koreans kapag bumabati, ganern.
Ganyan lagi sila kapag nakikita ako. Siguro may friendly aura ako kaya ganyan sila lagi sakin. Noh?
Hindi naman masamang maging friendly pero syempre kapag naghanap ka ng kaibigan dun sa totoo na. Diba?
At speaking of totoong kaibigan.
"BAKLAAAAAAA! I MISS YOU BAKLAAAAA!"
Rinig kong sigaw ng matinis na boses mula sa di kalayuan.
Kilalang kilala ko kung kanino ang boses na iyon. Nakangisi akong humarap sa babaeng tumatakbo papunta sakin.
That is Rae Shannelle Jimenez, my bestfriend. Nagkakilala kami nung first day ko dito bilang freshmen. Wala pa akong kakilala tapos bigla na lang syang lumapit sakin at nakipagkaibigan. Napakamahinhin nya nung una at hindi mo aakalaing ganyang sya makasigaw. Sobrang daldal, straightforward at wild ng babaeng yan at dahil doon nagkasundo kaming dalawa dahil she's real to her self.
Nang makalapit ay agad ako netong niyakap ng mahigpit na muntik na naming ikatumba.
"Bruha namiss din kita," bulalas ko.
Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sakin.
"Accckkkk! R-Rae h-hindi ak-ak-ako makahinga."
Agad ako nitong binitawan.
"Ayyyy! Sorry naman namiss lang talaga kita bakla. How's vacation ba?"
Kinawit nya ang kamay nya sa isang braso ko bago kami lumakad paputa sa room namin.
So clingy talaga ng bruhang ito.
"Bruha ka talaga. Ayun nagpunta ang family sa probinsya nina Mommy para dalawin sina Lolo at Lola."
"So boring!"
Sinapak ko naman sya.
"Boring ka jan. Maganda sa province dahil sariwa ang hangin at marami pang magagandang tanawin. Palibhasa kase puso computer ang kaharap mo buong vacation."
She just rolled her eyes on me na ikinatawa ko. Asar na yan eh alam ko.
"Tara na nga lang sa room," yakag ko sa kanya at saka kami nagmadaling pumunta sa room namin.
Pumwesto kami sa may bintana. Maganda kase ang view doon dahil kita mo ang mga naglalakad sa labas ng room.
"Nga pala maiba tayo, nagpunta ka na ba ulit sa dati nyong tinitirhan?"
Natigilan ako sa kanyang tanong.
"Hindi pa. Bakit?"
Nagkibit balikat lang sya.
"Eh umaasa ka pa din bang babalik si Asul mo?"
Pinalo ko sya sa braso na ikinasimangot nya.
"Ano ba namang tanong yan Rae?"
"Bakit ba? Eh nagtatanong lang naman. Curious lang din ako sa you know.... lovelife mong hindi natuloy nihindi ka manlang nakaamin dun sa bestfriend mo. Ang saklap naman talaga ng childhood mo Naomi."
Inirapan ko sya at akmang hahampasin na naman ng bigla itong tumayo para makalayo sakin.
"Bumalik ka ditong bruha ka tatamaan ka na talaga sakin."
Sigaw ko sa kanya tsaka tumayo at akmang hahabulin ko sya kaya agad itong tumakbo palabas ng room. Umupo na lang ulit ako at hindi na sya hinabol pa. Nakalabas na eh, nakakatamad kayang tumakbo.
Napatingin ako sa labas ng room at napatulala.
Kelan ba ako tumigil sa pag-asang babalik sya? Kahit kelan hindi ko naisip yun. Palagi kong hinihiling na sana bumalik na sya at magkaayos na kaming dalawa.
Pagkatapos ng last subject namin ng hapon ay nagpasya kaming mamasyal muna bago umuwi.
"Ano bang meron sa kpop na yan? Pangiti ngiti ka pa habang nakatingin sa pinapanood mo kapag may nakakita sayo baka pagkamalan ka pang inlove na inlove dyan. Tumatawa ka pa mag isa para kang baliw," sermon sakin ni Rae habang hinihintay namin ang milktea na inorder.
"Nakaka inlove naman talaga sila eh. Tsaka isa pa try mo manood ng funny moments at try not to laugh challege ng kpop idols lalo na yung bts kapag badmood ka sinasabi ko sayo hindi mo namamalayan tumatawa ka na ng wagas," nakangiting kumbinsi ko sa kanya.
She rolled her eyes.
"Gwapo ba yan? Mas gwapo ba yan kay Alden?"
"Actually........ kamukha ni Ryan Bang."
Napasimangot naman sya bago ako hinampas sa braso na ikinatawa ko.
"Nakakainis 'to."
Tinawanan ko lang sya kaya hinampas pa nya akong lalo.
"Biro lang. Tingnan mo," inilahad ko sa harap nya ang cellphone ko na may pictures ng bts at ng kdrama actors.
"Sinasabi ko sayo iiwan mo ang boyfriend mo kapag nakita mo pictures nila."
"Eh wala naman akong boyfriend eh. Sino iiwanan ko? Yung future boyfriend ko ba? Eh di ko pa nga nakikita iiwan ko na agad?"
"Sabagay. At saka malabong ikaw ang mang iwan baka kamo sya pa ang mang iwan sayo."
"Ang bad mo. Nakakainis ka talaga."
Singhal nya sakin na mas ikinatawa ko.
"Patingin na nga lang nyan baka sakaling maalis inis ko sayong bruha ka."
"Ikaw kaya ang bruha."
"Hhhmmpppp!"
Inabot ko sa kanya ang cellphone ko.
"Here's your order ma'am!"
"Thank you!" nakangiting tugon ko.
Ngumiti naman sakin ang waitress bago tuluyang umalis. Nilagay ko naman sa harap ni Rae ang kanya.
"Kkkkyyyyaaaahhh!!! Naomi naman bakit ngayon mo lang sila ipinakita sakin? Ang gagwapo naman. Lalo na si Jungkook... kkkyyyaaahhh."
Tili nya na ikina pikit ko. Ang tinis at lakas eh.
"Tone down your voice bruha nasa public tayo nakakahiya ka. Kung makatili para kang kinukurot sa singit eh," singhal ko sa kanya bago sumimsim sa aking milktea.
Hhhhmmmm... Yummy!
Inirapan nya ako. "Selfish ka kase. Bakit ba ngayon mo lang sila inintroduce sakin?"
"You're not interested, right? Tapos ngayon aawayin mo'ko? Eh sino ba kase ang laging tumatanggi kapag kpop ang topic ko? Ikaw diba?"
"Oh sya! Oh sya! Stop na."
Winagayway nya sa harap ko ang dalawa nyang kamay na nagsasabing tumahan nako sa panenermon sa kanya.
"Akin na nga yan. Baka iuwi mo pati cellphone ko meron ka naman isearch mo na lang names nila sa internet. Pero wag na wag mo'ko aagawan ng bias ah."
I glare at her saka ko hinablot ang cellphone ko.
"Hhhmmppp! Damot!"
She said then sip her milktea. Luminga linga pa sya para pagmasdan at panoorin ang mga taong pumapasok at lumalabas sa tea shop.
"Daming wafuuu!" kinikilig na bulalas nya na ikina irap ko.
"Hanap ka isa tas jowain mo. Hahahaha!"
"Oo. Hahanap ako at sayo ko irereto."
"No, thanks! Sayo na lang nangangailangan ka eh."
"Badgirl!"
Nginisihan ko lang sya at nagpatuloy na ulit sa pag scroll down scroll up sa cellphone ko.
"Life is soooooo boring!" bored na sabi nya.
"Yeah! Sooooo boring!" sang ayon ko naman.
"Let's go home na nga. Ang boring na dito. All I wanna do this moment is to visit my dreamland."
Tumayo na sya at hinila ako papalabas ng shop.
"Antokin!"
"That's me! So, bear with it."
"Tsk!"
Sa paglabas namin ng shop ni Rae ay may muntik na akong mabunggo buti na lang ay agad akong nahila ni Rae papalayo.
Pero feeling ko talaga nabangga ng balikat ko yung braso nung guy. Slight lang naman.
"Sorry!"
Hinging paumanhin kong sigaw bago ako nahila ni Rae papalayo doon.
Tsk! Bruha talaga. Ang bastos eh! Ni hindi ko manlang nakita yung mukha nung guy.
"Bruha nagmamadali? Hindi manlang ako nakahingi nang pasensya ng maayos dun sa tao."
"Okay lang yan. Its just a one-second mistake at hindi na ulit kayo magkikita nun kaya no worries."
Iiling iling akong sumunod sa kanya.
The moment my shoulder touch the guy's arm lightly, I felt something weird.
Muli akong lumingon sa shop at nakita ko yung guy na nakatalikod na. May kausap itong isa pang lalaki. Siguro kabarkada neto iyon.
Ang weird talaga! Super weird! Mas weird pa sa buhok nung guy na color blue.
Para bang kilala ko sya. Para bang nagkita na kami kahit na hindi pa naman at ngayon pa lang. Basta ganun ang feeling.
Ang weird diba?
Someone's POV
My eyebrows immediately rose when I looked at the girl who ran into me. The girl has waist length wavy hair, she's also wearing a school uniform and I think she's around 5'4 or 5'5 in height.
"Sorry!"
She shouted as the other girl pulled her away.
"Tsk!"
I was shaken before entering the shop. I sat near the glass wall because the ambiance was good.
"Bro!"
Joshua called me when he came. He just sat next to mine.
"Grabe ang dami na talagang nagbago sa Pilipinas. Dati rati kokonti pa lang ang may mga sasakyan pero ngayon tingnan mo kaliwa't kanan na."
"Yeah!"
"Alam mo ang tipid mo talaga magsalita. Tsk! Nagtitipid ka ba?"
"Will you just order what ever you want and don't ask. Its my treat!"
I hissed.
"May pera ako. Anong tingin mo sakin naghihirap na?"
"Too annoying!"
I whispered.
I cross my arms saka tumingn sa labas.
"Annoying. Annoying my ass. Dalawang milktea akin ah. Libre mo naman."
Tsk! Akala ko ba may pera sya? Kuripot talaga.
Napatingin ako sa dalawang babaeng papatawid sa kabilang kalsada. Sila yung kanina. Ngayon ko mas naaninaw ang mukha nung nakabangga sakin.
That girl! She seems familiar to me! I wonder where do I met her? It seems like I really meet her somewhere. Hindi ko lang matandaan kung saan nga ba.
***
A/N: annyeong!!
Anong masasabi nyo sa chapterr. na'to?
Diko pa nga tapos yung nauna kong story may bago na naman ngayon? HAHAHA. That's life! Sorna agad.
Pero sana kahit anong story pa man yan sana suportahan nyo po parin.
Happy Reading daydreamerssss!
Vote
Comment
Share
Is highly appreciated!
BE MY FAN!😚😘
Mwuuuaaapppsss! Lovelots!
#SayoPaRinBabalik
#Ms.Daydreamer
#heyitsmejesika
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top