9
Daig ko pa ang binangungot nang bigla akong mapabalikwas sa kinauupuan ko. Gusto ko na ngang tampalin ang magkabilang pisngi ko dahil napagtanto kong nakatulog ako nang mahigit dalawang oras. Sobrang nakakainis, kung hindi sana ako nagpatalo sa antok, malamang ay natapos ko na ang pinagagawa ni Ms. Odeth.
"Ang tanga ko talaga!" bulalas ko at isa-isang inayos ang nagkarambolang papel at resibo sa mesa kung saan nakapatong ang ulo ko kanina lamang.
"Uy, gising ka na pala."
Sa sobrang pagiging abala ko ay hindi ko na namalayang may kasama pala ako sa loob. Halos takasan na naman ako ng aking kaluluwa dahil nakita kong papalapit si Eric at may bitbit itong dalawang tasa ng kape. "Nandito ka pa pala?" gulat na tanong ko sa kanya. "Yup," sagot niya saka ipinatong sa mesa ang kape na itinimpla niya. "Bakit? Inutusan ka ni Ms. Odeth?"
Umiling siya. "No, pero alam kong hindi siya makatarungan sa'yo."
"Alam ko pero wala naman akong magagawa eh. Superior natin siya," sagot ko na lang sabay ismid. Mukhang hindi naman siya kumbinsido sa isinagot ko. "May magagawa ka. Hindi ka lang talaga umiimik. Look, Krisnel wala tayong bayad dito. Tayong lahat, iisa lang ang goal. Gusto nating tumulong. Pero ang lumalabas, hindi sila nakikipagtulungan at inaasa na lang ang lahat sa'yo. Ano ba naman 'yong kumuha siya ng makakasama mo rito. Makina ba ang tingin niya sa'yo? Hindi mo nga matatapos 'yan kahit 'di ka nakatulog eh."
Masyado siyang concern base sa pananalita niya. Hindi ko ma-gets ang pagtrato niya sa akin ngayon. Paano niya nalaman na nandito pa ako? Samantalang hindi ko na nga siya nakita kanina? Mas galit pa yata siya kaysa sa akin na talagang inutusan para gawin ang task na 'to. "Eric, hindi mo naman kailangang maging concern masyado. Isa pa, kung hindi ka naman inutusan ni Ms. Odeth, hindi mo naman ako kailangang samahan," mahinahon kong paliwanag. "Then? Kapag pumalpak ka, ikaw lang ang sisisihin? Kailangan mo nang baguhin ang ugali mong 'yan Krisnel. Masyado kang mabait, inaabuso ka na nila. Hindi ka pa ba nakakahalata?"
Lalong nalukot ang guwapong mukha ni Eric. Mas apektado siya sa akin. "Look, naayos ko na ang iba dyan," pagtukoy niya sa paperworks ko. Habang nakatingin ako sa kanya, pilit ko pa ring binabasa ang kanyang kilos, pati na rin ang mga mata niya. Kung magsalita siya, parang kilala na niya ako nang lubusan. Samantalang ilang buwan lang naman kaming magkaklase noon. Natameme na lang ako at sinubukang ilayo sa kanya ang mga papel na kailangang i-file at i-check nang maayos.
"Why you can't even say a word? Tama ako di ba?" untag niya pa saka tinapik ang kamay ko para mabitawan ko ang mga papel. Seryoso ko siyang tinapunan ng tingin. "Bakit ka ba ganito? Bakit simula nang magkita tayo, bigla kang bumait? Hindi mo ba alam, ginugulo mo lang ang utak ko? Hindi ko alam kung gumaganti ka lang ba, kasi alam kong galit ka sa 'kin!"
Nailabas ko rin nang 'di inaasahan ang mga tanong na gusto kong itanong kay Eric. Nahihirapan na talaga ako, parang sasabog na ang puso ko kapag hindi ko 'yon nailabas. Parang malaking bara ang mga tanong na 'yon na parang iyon ang dahilan kaya ako nahihirapang huminga.
"Kahit kailan hindi ako nagalit sa'yo Krisnel." Lumalim ang baritono niyang tinig at mas sumeryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. "Gusto kong mag-sorry dahil nasaktan kita, remember that day? Tinanong kita noon kung bakit ka mabait? Akala ko ay oportunista ka."
"Anong big deal doon? May magbabago ba sa'yo? Wala naman 'di ba? Napaka-immature mo pa noon at sarili mo lang ang iniisip mo Eric."
Bahala na, basta nasabi ko rin ang gusto kong sabihin. Gusto ko na lang makaiwas sa kanya. I think I should go home. Papunta na ako sa unahang pinto pero nasundan niya kaagad ako at hinawakan ako sa braso nang marahan. "Bakit mo ako iniiwasan kung wala lang sa'yo lahat ang nangyari noon. Ininsulto kita 'di ba?" nakataas ang boses niya habang naghihintay ng kasagutan mula sa akin.
"Eric ano ba? Matagal na 'yon, hindi ako nagalit sa'yo. Ako pa nga ang dapat mag-sorry eh, napagsabihan kita ng masasakit na salita. Hiniling ko pa na sana may masamang mangyari sa'yo dahil lang sa letseng group activity. Tapos ayun nga, nabalitaan kong may nangyari nga sa tatay mo. Ako ang dapat mag-sorry." Napatakip ako ng mukha. That's the reason why I'm avoiding him, big deal pala talaga sa akin 'yong napagsalitaan ko siya nang hindi maganda noon. At big deal naman sa kanya ang pag-iinsulto niya sa akin. So after all these years, inakala lang ba namin na galit kami sa isa't isa? Did we really misunderstood each other?
"Sorry Eric kung feeling mo na iniiwasan kita. Kahit ako, hindi ko alam kung bakit eh."
He smirked. "Alam mo 'yon."
"Hindi ko nga alam eh. Mas naguguluhan ako kasi bumalik ka at naging mabait na. Hindi ka naman ganyan dati," sabi ko pa habang nakayuko.
"Hindi naman talaga ako gano'n," aniya. Hinatak niya ako pabalik sa kinauupuan namin kanina. "Sayang ang kapeng tinimpla ko."
I nodded. Kinuha ko na lang ang isang tasa ng kape. "Salamat dito."
"Okay."
Ipinagpatuloy na ulit ni Eric ang paperworks namin. Hindi ko magawang gayahin siya dahil sa kanya lang napako ang paningin ko. Nang lumipas ang dalawang minuto. Iniangat niya ang mukha niya at nginitian ako. "Bakit nakatingin ka lang dyan?"
"W-wala naman."
He caught me staring at him. Gusto ko na talagang maglaho sa harap niya. "Patapos na nga pala ito. Isang bundle ng resibo na lang," sagot niya.
Hatinggabi na natapos ang paperworks namin. Wala akong choice kundi magpahatid na lang kay Eric. Kung alam niya lang na parang sumisikip ang espasyo sa loob ng kotse niya dahil hindi ako mapakali dahil katabi ko siya. Kalahating oras na naming binabaybay ang kalsada at naisipan niyang buksan ang stereo.
Sinasabayan niya ang bawat lyrics ng kantang pinatutugtog niya. I'm quite impressed na mahilig pa rin siya sa music at marunong kumanta. Sabagay, dati pa man trip na niyang makinig lang sa mp3 player niya kaysa mag-aral. Timing sa moment namin ngayon ang kantang "passenger seat".
Damang-dama ko. Naalala ko rin ang kantang 'to dahil isa 'to sa mga kantang nasa myspace playlist ng mysterious guy ko. Ano ba 'yan, naalala ko na naman siya.
"Pasensya na huh, nag-alternate route ako, sira pa ang kalsada sa dinaraanan natin eh." Nagulat naman ako sa paghingi niya ng dispensa. He didn't have to apologize in the first place. "Ayos lang," nakangiting turan ko bago humikab. Pinaling ko ang mukha ko sa kabilang direksyon para hindi niya makita ang pagnganga ko kanina. Na-ko-conscious lang talaga ako. "It's okay, idlip ka muna," natatawang komento ni Eric. "You're cute."
"Huh?"
"I said, you're cute." Sinabi niya 'yon nang hindi man lang ako tinititigan dahil sa kalsada ang focus niya. "Ako?"
Hindi na siya sumagot at natahimik kaming pareho. Siguro, hinihintay niya lang akong umidlip. Pero nagising ang diwa ko nang sabihin niyang cute daw ako. I'm really clueless, ayaw ko nang bigyan ng kahulugan ang pagiging mabait niya sa 'kin pero siya rin naman ang nagbibigay ng dahilan. I heard him cleared his throat. "Krisnel, bakit wala ka pang boyfriend?"
"Ano?"
"Sabi ko, bakit wala ka pang boyfriend?"
Kumambyo siya saglit at hininto ang sasakyan. "Kailangan ba talagang itanong 'yon Eric?"
"Oo." Tumikhim siya at inayos ang seatbelt ko. "Wala ka yatang interes sa mga lalaki. Kahit sa akin, galit ka." Nakuha pa niyang ngumiti. "Feeling ko, inaantok ka na talaga. Kaya sinubukan ko lang na magtanong nang gano'n baka sakaling magising ang diwa mo."
"Ah. Akala ko naman kung ano na." Pineke ko ulit ang ngiti ko saka bahagyang umiling.
"Malapit na rin pala tayo," sabi niya saka pinaandar ulit ang sasakyan. Panay ang buga ko ng hangin hangga't sa nakarating na kami sa harap ng bahay. Siya pa ang nagbukas ng car door para sa akin.
"Salamat Eric. Nakakahiya kasi hinatid mo pa talaga ako," apologetic kong saad sa kanya. "Gusto ko lang na safe kang makauwi," sagot pa nito. "Alam mo, hindi ko talaga akalain na ganyan ka kabait. Ang layo talaga sa dating Eric na kilala ko." Nag-aalangan man, nasabi ko rin sa kanya ang mga napupuna ko habang magkasama kami.
Tumango-tango lang siya. "Sa'yo lang naman ako naging ganito."
"Huh?"
Parang nagsiliparan ang mga paru-paro sa aking kalamnan nang sabihin iyon ni Eric. Kaunti na lang talaga, i-co-conclude ko nang may gusto siya sa akin. Umurong ang dila ko at walang masabi sa kanya. I don't know why I'm shaking inside. Parang nagtatalo ang dalawang side ng puso ko. Bakit ako nag-a-assume kung wala akong gusto sa kanya? At bakit parang gusto ko siyang ipagtabuyan kahit wala naman siyang nasabing mali?
"Sige na Krisnel, malamok dito sa labas. Pumasok ka na." Lumapad pa ang mga ngiti ni Eric. Napatango na lang ako. "Bye," sabi ko bago ko buksan ang pinto.
"Just say goodnight." Hindi naaalis ang malapad niyang ngiti na parang maituturing na liwanag. "Bakit naman?"
"Napakalungkot kasi ng salitang goodbye."
"Madaling araw na, good morning na dapat," biro ko naman sa kanya kahit hindi ko siya matingnan nang diretso. "Okay, good morning or goodnight I hate leaving now. Ewan ko ba, parang ayoko pang umalis sa harap mo." Bigla siyang sumeryoso.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.
"Nothing. Sige, pasok ka na sa loob. Goodnight."
'Kunsabagay Eric. Di ko naman kayang mag-goodbye sa'yo.'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top