Special Chapter
Happy 2nd Anniversary, Saving the Beast!
Enjoy reading Adam and Belle special chapter, lovies!
***
Mabilis akong natigil sa binabasa ko at napakunot ang noo nang mamataan ang dugo sa braso ni Adam.
Slowly, Adam walked towards me. Napataas ang isang kilay ko lalo na noong napangiwi ito at marahang hinawakan ang sugatang braso.
"Done with your review?" Marahang tanong nito sa akin at naupo sa tabi ko.
Umayos ako nang pakakaupo at hinarap ito. Mula sa mukha nito ay napatingin akong muli sa dugong nasa braso niya.
"What happened?" tanong ko sa kanya at hinawakan ang braso niya. Rinig ko ang mahinang daing nito lalo na noong bahagya kong idiniin ang isang daliri ko sa sugat niya. "Bakit hindi mo ito pinalinisan agad? Adam Zamora, nakalimutan mo na ba ang napag-usapan natin?"
"No," mabilis na sagot nito kaya naman ay napatingin ako sa kanya. "Gusto ko ikaw ang gumamot sa akin kaya hinayaan ko na iyang ganyan."
Napatanga ako sa narinig mula kay Adam. Napailing na lamang ako dito at mabilis na tumayo sa kinauupuan ko. Agad kong tinungo ang first aid kit na nasa kusina namin at binalikan ang pasaway na asawa ko.
Yes. After years of being together again, nagpakasal na rin kami ni Adam. And yes, bumalik na rin ako sa pag-aaral ko. I need to graduate and have my license. At dahil abala ako sa mga lessons ko, itong Adam Zamora naman ay naging abala rin sa organisasyong pinamumunuan ng pamilya nila.
I told him to be extra careful with his job but I guess, hindi talaga maiiwasan ang ganitong bagay. Hindi rin ito ang unang beses na umuwi itong may sugat at duguan. Mabuti na lang talaga ay sanay ako sa dugo dahil kung hindi, tiyak kong palagi akong magpapanic dahil sa mga natatamo nitong injuries.
"Adam," tawag ko sa pangalan nito habang nililinis ang sugat nito. Looks like he got this wound from a sharp weapon. Maybe a knife. Buti at hindi masyadong malalim ang sugat na natamo nito. It will heal after a week or more. "I talked to Kuya Stanley earlier."
"He called?" Tanong nito habang nakapikit ang mga mata. Alam kong iniinda lang nito ang sakit mula sa sugat niya. Ilang beses niya na rin kasi sinabi sa akin na sanay na raw ito sa sakit but I know better. Kahit pamilyar at sanay na ang katawan mo sa ganitong bagay, pag may bagong sugat, paulit-ulit mong mararamdaman ang sakit. There's no exemption on that part.
"I called him," sambit ko at nilagyan na ng bandage ang sugat nito. "Is it true? About the Acuesta?"
Kahit ayaw ni Adam na makialam ako sa nangyayari, sa organisasyon, I still insisted to know more about his world. Masyadong madilim at magulo ang mundong kinabibilangan nito. At dahil tinanggap ko siya bilang asawa ko, unti-unti kong pinasok ang mundo ni Adam. I need to know more about the Underworld. To protect him and myself, I need to know even the smallest detail about his world.
"Baby," anito at nagmulat ng mga mata. Mabilis nitong hinawakan ang kamay ko at matamang tiningnan ako sa mga mata ko. "Forget about the Underworld. Just focus on my wound, okay?"
Mabilis kong tinampal ang sugat nito kaya naman ay napadaing si Adam. Pinagtaasan ko ito nang kilay kaya naman ay agad niya akong hinigit at mahigpit na niyakap.
"I already talked to my grandfather. He will take care of them."
"What?" Naguguluhang tanong ko dito at mas isiniksik ang sarili sa kanya.
"The Acuesta," aniya na siyang ikinatigil ko. So, totoo ang sinabi ni Kuya Stanley kanina? Na nagbalik na ang mga Acuesta kaya naman sila nang muli ang hahawak sa organisasyon nila?
"Lolo will talk to them. Both Acuesta and Santiago deserves to lead the organization. Sana nga lang ay hindi naman sila ang mag-away para lang sa posisyong iiwan ko."
Napaawang ang labi ko sa narinig.
"Iiwan mo?"
Naramdaman ko ang pagtango ni Adam habang yakap-yakap pa rin ako.
I can't believe this! He'll step down from his position? But, why? Wala naman itong nababanggit tungkol dito! Oo nga't hindi ako komportable sa trabaho nito pero tanggap ko kung anong mayroon ngayon si Adam! Tinanggap ko ito nang buong puso kaya nga ay ako na mismo ang gumawa nang hakbang para mas maintindihan ko ang kung anong mayroon sa Underworld!
"You can't just leave the organization, Adam."
"I can," mabilis na sagot nito at inilayo ako sa katawan niya. "I already passed my signed documents. I'm free from the leadership now."
Mabilis na dumapo ang kamay ko sa bibig ko.
Gulat akong nakatingin sa asawa ko. Is he for real?
"Adam..."
"I'll be better, remember?" aniya at mabilis na hinaplos ang mukha ko. Inalis ko ang kamay ko sa bibig ko at mabilis na sinapo ang magkabilang pisngi nito.
"Adam, wala kang dapat patunayan pa sa akin. I know you love the organization. You've done more than enough for the sake of those lives inside the Underworld. Hindi mo maaaring basta-basta na lamang iwan ito."
"But, I already did, Belle. I already leave them. For you. For our future."
"Adam..."
"I'm living with my dream now, baby. Hindi ko na ito papakawalan pa. And besides, Stanley and the rest of my team will surely handle the organization well. Wala na akong dapat ipag-alala pa."
Hindi ako agad nakapagsalita. Tila gulat pa ang buong pagkatao ko sa kaalamang iniwan ni Adam ang Underworld para sa akin.
"Baby," anito at inilapit ang mukha sa akin. Napapikit ako lalo na noong maramdam ko ang hininga nito sa pisngi ko. "I want to spend the rest of my life with you. Being the leader of the organization will just pull myself away from you and I don't want that. I hate it! I wanted to be with you. All day. I wanted to make love with you. All night and as long as you want me to pleasure you, I'll willingly do whatever you want me to do."
Napangiti ako sa mga naririnig. Here we go again. The sweet tongue of my husband, Adam Zamora.
"I wanted to fulfill my promises, baby. I wanted to be the best husband for you."
"You are the best husband, Adam," mahinang sambit ko at naramdaman ang mga labi nito sa akin. It was only a light kiss kaya naman ay mabilis akong napamulat ng mga mata ko. At noong magtagpo ang paningin naming dalawa ni Adam, mabilis kong inilagay sa balikat nito ang magkabilang kamay ko at pinulupot ito sa leeg niya. "I already accepted all your flaws, baby. Noong tanggapin ko ang proposal mo sa akin, alam kong tama ang magiging desisyon ko. And I was right. You're the best decission I've ever made. Adam, hindi mo na kailangang iwan ang bagay na matagal mo nang iningatan para lamang sa akin. I don't want you to set aside the thing you really cared just for my own sake. Alam mo namang gagawin ko rin ang lahat para sa'yo. Iintindihin kita at ang mga bagay na nakapalibot sa'yo."
"But, I don't want to see you worry because of me again, baby."
"Mahal kita kaya naman ay talagang mag-aalala ako. Pero, alam mo namang may tiwala ako sa sa'yo at sa kakayahan mo. Yes, uuwi kang sugatan sa akin pero kaya nga nandito ako sa tabi mo. I'm your home, Adam. Ako ang gagamot sa'yo. Ako ang mag-aalaga hanggang sa mawala lahat ng sakit na nararamdaman mo."
"Belle..."
"I'm happy for your decision, baby, but I'll be fine. We will be fine."
"We?" takang tanong nito kaya naman ay napangiti ako dito.
"Yes," sagot ko at idinikit ang noo ko sa noo nito. "We'll be fine, Adam. Me and our baby."
Ramdam kong natigilan ito kaya naman ay mabilis kong hinalikan ang noo ito. Muli akong napangiti at tiningnan ito sa mga mata niya.
"I'm pregnant, Adam."
"What?" halos walang tinig nito sa akin at mabilis na napatingin sa tiyan ko. "Our baby?"
"Yes," mahinang wika ko at napatingin na rin sa tiyan ko. "Our little angel."
"Fvck!" bulalas ni Adam at mabilis na sinakop ang mga labi ko. He kissed my mouth fully and slightly bite my lower lip. Napasinghap ako at mabilis na yumakap dito. Akmang gaganti na ako sa tila uhaw na mga halik nito noong mabilis itong tumigil at iniwan ang nakaawang na mga labi ko. "That's it! I'm fvcking leaving the Underworld! No one can stop me now, Belle! For the sake of our child, iiwan ko ang magulong mundong kinalakihan ko!"
Wala sa sarili akong napatango na lamang sa sinabi nito. Muli akong hinalikan ni Adam at sa pagkakataong ito, mas marahan ang bawat galaw ng labi nito sa akin.
Napangiti na lamang ako sa ginagawa nito at mas inilapit ang sarili sa kanya.
With or without the Underworld, alam kong magulo na ang mundong ginagalawan naming dalawa. We're leaving in such a cruel world, wala nang magbabago pa rito. Pero, alam kong gagawin naman ni Adam ang lahat para maprotektahan ang pamilya namin. He vowed to protect me and our family. Panghahawakan ko iyon hanggang sa huling hininga ko.
"I love you," mahinang sambit ko at mas naging agresibo ang halikan naming dalawa. "Forever, Adam. I love you forever."
Once, I fell in love to a beast. A deadly one. And without my memory from my past, I walked straight to his trap and embraced his claws, his flaws. Without knowing who he really was, I still entered his world and fight with him.
Adam Zamora, my dream, my beloved husband, we both have our own beasts inside us. Beast from our past to will haunt us forever. But, as long as we are together, no one will can break us apart.
Our love is much way stronger than those beasts that will try to break our hearts.
Pareho kaming natigil ni Adam sa paghahalikan at hinabol ang kanya-kanyang hininga. Napangiti ako dito noong maramdaman ang kamay nito sa tiyan ko. Slowly, he carrased my tummy with his gentle hand. Seconds passed, I saw how he took a deep breathe. Muli niya akong tiningnan sa mga mata ko at marahang nginitian ako.
"I love you, Belle," he said then claimed my lips again.
***
Thank you so much, lovies! Cheers for more years to us! Saranghae!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top