CHAPTER 8

"Belle Del Monte," bungad sa akin ni Adam Zamora noong tuluyan na akong makapasok sa kuwarto niya. Hindi ako kumibo. Mataman lamang akong nakatingin sa kanya. Nakaupo na naman ito at seryosong nakatingin din sa akin. Pasaway talaga ang isang ito! Napailing na lamang ako at hinayaan itong magsalitang muli. "I think I've heard your name somewhere before." Nakakunot-noong dagdag pa nito.

Napailing na ako sa kanya. "Nakaupo ka na naman, Mr. Zamora," sambit ko at lumapit na sa kanya. Ramdam ko ang pagsunod ni Orly sa likuran ko ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa.

"I can handle my body, doc. I've been in this kind of situation for a couple of times but of course, this was the worst," anito na parang wala lang sa kanya ang halos mamatay na siya dahil sa nangyari sa kanya.

Napailing akong muli sa kanya. "Hindi ka marahil nag-iingat, Mr. Zamora," wala sa sariling sambit ko at tiningnan ang monitor ng ventilator nito. Napakunot ang noo ko at agad na kinuha ang stethoscope ko. Inilapat ko ito sa dibdib niya at pinakinggan ng mabuti ang heartbeat nito. Seems normal to me pero alam kung may mali. "Inhale, please," matamang utos ko na siyang ginawa naman niya. Lumayo ako sa kanya at may isinulat sa papel na nakalagay sa ilalim ng mesa sa tabi ng kama niya. Monitoring sheet niya ito. Inilagay ko ito rito kagabi para hindi na ako nahihirapang bumalik sa kuwarto ko kung may kailangang i-update ako tungkol sa status niya.

"Sa tingin mo," anito na siyang nagpatingin sa akin sa mukha niya. "...gagaling agad ako?"

"Depende, Mr. Zamora. Ikaw na mismo ang nagsabi kanina, ilang beses mo ng naranasan ito. Hindi mo ba naisip na baka pagod na ang katawan mo?" tanong ko at umayos na nang pagkakatayo habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "May hangganan din ang kaya ng katawan natin, Mr. Zamora. Kaya nga dapat ay hindi natin ito inaabuso. At sa kaso mo, mukhang pagod na pagod na ang katawan mo," dagdag ko pa at inabot sa kanya ang hawak na papel. "That's your monitoring sheet. Lahat ng pagbabago sa katawan mo ay nariyan. And sad to say, it's a negative news for you. Gising na gising ka nga, mahina naman ang katawan mo."

"Then do something," mariing sambit nito habang hindi inaalis ang tingin sa papel. Matalino ito, he's an engineer. Alam kong maiintindihan niya ang mga bagay na isinulat ko roon.

"Doktor lang ako, Mr. Zamora. Hindi diyos. I can't do anything over something that is beyond impossible." Napalingon ito sa akin na siyang mabilis na ikinatigil ko. Damn, mukhang mali iyong mga salitang binitawan ko sa kanya.

"Stop talking nonsense, Belle Del Monte," malamig na sambit nito at binalingan akong muli.

I sighed and tried to look unaffected with his cold and intense stares. "Nahihirapan kang huminga ngayon dahil sa rib damages na natama mo. Hindi mo rin puwedeng biglain ang mga bagay-bagay kagaya nang pagkilos diyan sa kama mo dahil kahit successful ang surgery mo sa ulo, maraming maaring mangyari na puwedeng ikapahamak mo lalo. A bullet inside a head was a serious and dangerous case, Mr. Zamora. A rare one too."

Kita ko ang pagdilim ng ekspresyon nito. He's controlling his emotion. Again. Alam niyang tama lahat nang sinasabi ko sa kanya. At ngayon pa lang, parang gusto ko nang umatras sa naging usapan namin ni Don Zamora. His grandson case is way too complicated, lalo na't hindi naman talaga ako tunay na doktor. Mas mahihirapan kami kung ipagpapatuloy namin ito. And with Adam Zamora's attitude, mas dumoble ang kaba ko para sa trabahong ito.

I sighed again and looked at him intently. Ganoon din ang ginawa niya at hindi na muling nagsalita pa. We just stay quiet while looking at each other's eyes.

Ngayon ko lang napagtagpi-tagpi lahat ng mga impormasyong nakalap ko. Kung hindi ko pa nakikita ang folder sa may library kanina, tiyak kong mamamatay na lamang ako at hindi ko na makikilala pa nang tuluyang ang taong nasa harapan ko ngayon.

"Then," basag nito sa katahimikan naming dalawa at napabuntonghininga na lamang. Nanatili akong tahimik at hinintay ang susunod na sasabihin nito. "What should we do? Anong kailangan kong gawin, Belle Del Monte?"

Give up. Gusto kong sabihin iyon sa kanya pero biglang umurong ang dila ko dahil sa nakikitang lungkot at takot sa mga mata nito. Natigilan ako at napamura na lamang sa isipan. Ano nga ba ang magagawa ko para sa kanya? Maliban sa alagaan ito, ano pa ang kaya kong gawin para gumaling ito?

"You are here to help me, right? Narinig kita. Nangako kang tutulungan mo ako. Na ililigtas mo ako," mariing wika nito na siyang ikinagulat ko. Wait a minute... so, he was awake that time! Kung narinig niya ako, tiyak kong alam nito ang mga nangyari sa loob ng silid na ito! Damn it! Talagang mahina ang katawan niya. Gising nga siya pero hindi nag-fu-function nang maayos ang katawan niya! "Kailangan kong gumaling. Kailangan kong makalakad muli!"

Napalunok ako at umayos nang pagkakatayo sa harapan niya. "Reason, Mr. Zamora. Anong rason mo?" matapang na tanong ko sa kanya. "Ang mga taong nasa kalagayan mo ay dapat ay may tamang rason para mabuhay pa ng normal. Kailangan may ipaglalaban ito para mabuhay pa ng mas matagal." I said without breaking an eye contact with him. "Think about it, Mr. Zamora. Kung tutulungan kitang maging maayos muli... dapat ay alam mo na ang gagawin mo. Dapat ay hindi ka na gagawa muli ng mga bagay na ikapapahamak mo dahil sa susunod na mangyari ito, tinitiyak kong hindi ka na makakaligtas pa."

Hindi ito kumibo at nakatingin lamang sa akin. Ang malamig na titig nito ay mas lumamig pa. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at hindi nagpahalatang naaapektuhan na ako sa titig nito sa akin. "What happened to you?" he suddenly asked me. I froze and stared blankly at him. Damn me! Halata ba masyado ako? "Anong nalaman mo at bakit ganyan na lamang ang inaakto mo?" Pahabol na tanong muli nito sa akin.

"Think about the things I've said, Mr. Zamora," wika ko at hindi pinansin ang mga naging tanong nito sa akin. "I'll be back after an hour. Please, mahiga ka na. Rest your body," dagdag ko pa at mabilis na lumabas sa silid niya. Dere-deretso akong bumaba mula sa pangalawang palapag ng mansyon at noong mapatapat ako sa kuwarto ni Alison, tahimik at seryoso ko itong tiningnan. Alison knew about this, that's for sure.

What's her deal anyway? Bakit siya narito sa mansyon na ito at bakit siya ikinulong ngayon ni Adam Zamora? Damn it! Mukhang kailangan kong mag-ingat pa lalo para hindi magaya sa kanya.

Sa loob ng isang oras ay wala akong ginawa kundi ang tumingin sa kawalan. Ilang beses na rin akong napahugot nang malalim na hininga at napapailing na lamang. Pakiramdam ko nga ay aatakihin na rin ako sa puso dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon!

Ano ba itong gulong pinasok ko? Dapat sa una pa lang ay inalam ko na kung sino itong Adam Zamora na ito! Kung ginawa ko iyon ay sana wala ako sa lugar na ito! Maraming paraan para makabayad ng utang kay Don Zamora! Damn! Napasabunot muli ako sa buhok ko at marahang tinampal ang noo. Delikadong tao itong si Adam Zamora! Ngayon ko lang naalala kung sino talaga ito!

Iyong mga kaibigan ko sa Maynila, they liked stalking rich men. Like really rich bachelors in town! Kahit na abala sila sa medical school, nagagawa pa rin nilang makipagkita sa mga mayayaman at kilalang bachelors, lalo na iyong mga anak mayaman talaga na mga kaibigan ko. At isang beses ay natuon ang atensiyon nila sa isang lalaking nag ngangalang Adam Zamora. He's one of the young bachelors they stalked and a well-known engineer. At maliban pa dito, kilala din ito bilang isang halimaw sa black market!

Black market, damn me! Mabuti na lang ay may kauting kaalaman ako tungkol sa bagay na ito. May mga koneksiyon ang mga kaibigan kong iyon. They came from rich families too kaya naman ay hindi sila nahirapang kumalap ng impormasyon tungkol sa mga bachelor na nais nilang ma-meet o maka-date man lang. Kaya naman noong malaman nila ang mga illegal activities na ginagawa ng lalaki ay tumigil na sila sa pag-iimbestiga. Bigla silang natakot sa lalaki samantala ako ay walang pakialam sa pinaggagawa nila. I was too focused on my studies that time kaya naman ay hindi na ako nakikisabay sa mga trip nila sa buhay!

Fuck! Bakit hindi ko iyon naalala noong unang beses ko pa lamang nakita ang larawan ni Adam? At iyong mga pangalan na nakita ko kanina sa library ay mga pangalan ng mga taong makapangyarihan sa lipunan. I know some of them. At yung may markang ekis ang pangalan ay natitiyak kong patay na ito tulad ng isang governor na naibalitang pinagbabaril noong nakaraang buwan lang!

Oh my God!

Tiyak na hindi na ako humihinga pagkalabas ko sa mansyong ito! I'm screwed and definitely will die even before I step my foot outside this mansion!

Inis akong napahiga at muling napatampal sa noo. "Ano na ang gagawin ko? I... can't leave this place. Hindi ako makakatakas mula sa kanila."

Mayamaya lang ay mabilis akong napaupo mula sa kinahihigaan noong makarinig ako ng ilang ingay sa labas ng silid ko. Agad akong tumayo at tinungo ang pinto. Binuksan ko iyon at pinagmasdan ang mga tauhan ng mga Zamora. Kunot-noo kong pinagmasdan ang nagkakagulong mga guard na panay takbo sa kabuuan ng mansyon. Kita ko ang pagsara nila ng mga bintana at inayos ang kurtinang naroon. Bigla tuloy dumilim ang buong paligid ng mansyon. Malapit na kasing gumabi kaya naman ay nilamon na ng dilim ang paligid.

"Anong nangyayari?" Pinigilan ko ang isang guard mula sa pagtakbo nito noong napadaan sa tapat ko. Tumingin ito sa akin at hindi kumibo. "Magsalita ka. Ano bang nangyayari?"

"Ako na ang bahala sa kanya." Napatingin naman ako kay Orly noong magsalita ito. Pababa na ito sa may hagdan at lumapit sa kinatatayuan ko. Mabilis na umalis ang lalaki sa harapan ko at lumabas ng mansyon. "Someone's coming," imporma nito na siyang ikinakunot ng noo ko. Someone? Sino naman? Si Don Zamora ba? "And we're preparing ourselves to save our young master."

Napaawang ang labi ko sa narinig. So, hindi ang Don ng mga Zamora ang parating sa lugar na ito! "Save? Bakit sino ba ang pupunta?" takot na tanong ko sa kanya. Masama ang kutob ko sa mga susunod na mangyayari. Damn it! May mas lalala pa pala sa mga nalaman ko ngayong araw! My damn freaking heart is beating so damn fast right now that I can't even breath and think properly! Pakiramdaman ko'y lalabas na ito sa rib case ko! Damn it! Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at matamang tiningnan si Orly sa harapan ko. "At isa pa, walang nakakaalam na nandito si Adam Zamora, 'di ba? How come na may pupunta sa lugar na ito?"

"Iyon din ang tanong namin, Belle Del Monte. Tiyak na may nagtraydor sa young master namin." Natigilan ako sa tinuran ni Orly. May nagtraydor kay Adam Zamora. Sino naman iyon? Kinagat ko ang pang-ibabang labi at wala sa sariling napatingin sa nakasarang pinto ng silid ni Alison. Siya ba? Damn it!

Panganib. Isang panganib ang parating ngayon sa lugar na ito! At kung magpapadalos-dalos ako, tiyak kong hindi na ako sisikatan ng araw bukas!

Wala sa sarili akong napatingala sa pangalawang palapag ng mansyon kung nasaan naroon si Adam Zamora. Kung mapapahamak ito ngayong gabi, tiyak na hindi na ito makakaligtas pa! He's still weak! Ni hindi nga ito makatayo sa kamang kinahihigaan niya! With his current condition, he... can't fight and defend himself from his enemy.

"You are here to help me, right? Narinig kita. Nangako kang tutulungan mo ako. Na ililigtas mo ako."

Biglang nag-echo sa tenga ko ang mga sinabi ni Adam sa akin kanina. Ang mga mata niyang nangungusap sa akin ay biglang rumehistro sa isipan ko at ang mabilisang takot na nakita ko sa mukha niya. He's scared. Kahit na mukhang matapang ito, still, mahina pa rin ito at kailangan pa rin niya ang tulong na manggagaling sa ibang tao!

Napamura na lamang ako sa isipan at wala sa sariling napatampal sa batok. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at kumilos na. Bahala na nga! Hindi na ako nagdalawang isip pa. Naglakad na ako at pumanhik patungo sa silid ni Adam Zamora.

He's still my patient. Kahit anong katotohanan pa ang nalaman ko tungkol sa kanya, pasiyente ko pa rin ito. He's my patient and his safety is my top priority!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top