CHAPTER 7

Nasa labas ako ngayon ng kuwarto ni Alison.

May apat na bantay ito ngayon na siyang lalong nagpasama ng kutob ko sa kalagayan ng babae. "I want to talk to her," matamang sambit ko ngunit hindi man lang kumibo ang apat. Nanatili silang tahimik kaya naman ay sinubukan kong kausapin silang muli. "I said, I want to talk to-"

"You're not allowed to enter that room, Miss Del Monte." Napalingon ako sa likuran ko noong marinig ang boses ni Orly. Pinagkrus ko naman ang magkabilang braso para itago ang kabang nararamdaman ngayon. This man... hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa kanya. Siya ang pinaka-strikto sa lahat ng tauhan ni Adam Zamora sa lugar na ito!

"And why not? She's under my command," matapang na saad ko habang hindi inaalis ang matamang titig sa kanya. Ewan ko ba kung saan ko nakuha ang tapang na ito! Sana lang talaga ay mapanindigan ko ito! Kailangang makita at makausap ko si Alison. Kailangan kong malaman kung ligtas ba ito sa loob ng silid niya!

"You're just a doctor here, Miss Del Monte. You are here to save our Young Master. Don't crossed the line kung ayaw mong matulad sa babaeng iyon," mas lalong lumamig ang tono ng boses ni Orly. Damn it!

"Is she okay? Did you hurt her?" I asked him again. Hindi ito kumibo kaya naman ay napailing na lamang ako sa harapan niya. "Please, answer me! Ayos lang ba siya sa loob ng silid na ito?"

"None of your business, Miss Del Monte," muling turan ni Orly na siyang nagpainit ng ulo ko.

"It's my damn fucking business, Orly! Kung may nasaktan man sa pamamahay na ito, maliban sa young master ninyo, responsibilidad kong gamutin ito dahil ako ang doktor dito!" galit na sigaw ko sa harapan niya. He was stunned a bit with my sudden outburst but second passed, he returned his usual poker face while looking at me. Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa pagsasalita sa harapan niya. "Kahit sino sa inyo, kahit ikaw pa, gagamutin ko dahil hindi ko kayang manatili sa isang sulok lamang habang may isa sa atin dito ang nasa alanganing kalagayan!"

Napailing si Orly sa akin at umayos nang pagkakatayo. Mukhang walang epekto sa kanya ang mga salitang binitawan ko kanina. Damn! "Hindi mo siya makikita, Miss Del Monte. That's an order," malamig na turan nito. Napailing muli ako at napairap na lamang dahil sa inis sa kanya. "At babalik na siya sa pinanggalingan niya. She's done here."

"What? Aalis na siya sa mansyong ito? Kung aalis ito, sino naman ang tutulong sa akin sa pagbabantay sa young master niyo? Nag-iisip ba kayo? Hindi ko kakayaning mag-isa ito!" I said, almost screaming in front of him. Unbelievable! Nasa tamang pag-iisip pa ba sila? Utos din ba ito ni Don Zamora? Dahil kung oo, kakausapin ko ito! I can't do this alone! Kakagising lamang ni Adam Zamora kaya naman ay dapat mas maingat kami sa kalagayan niya! I can't nurse him alone!

"We'll help you. Kami ang magbabantay sa kanya habang nagpapahinga ka," kalmadong wika nito na siyang nagpatampal na lamang sa noo ko.

"Bahala nga kayo!" pagsuko ko sa usapan namin at pumanhik muli sa kuwarto ni Adam. Pinagbuksan naman agad ako ng mga bantay ng pinto at maingat na pumasok sa loob. Naabutan kong natutulog ang lalaki kaya naman ay linapitan ko ito at sinuri ang itsura niya.

Bahagyang nagkakakulay na ang balat nito. Hindi kagaya noong unang araw siyang dinala sa lugar na ito. He looked like a dead man that day. Ngayon, I can say na mas mabuti na ang lagay niya.

Mayamaya lang ay napaatras naman ako ng isang beses noong biglang nagmulat ang mga mata ni Adam Zamora. Wala sa sariling napalunok ako dahil sa tindi nang titig nito sa akin. "You're awake," sambit ko noong makabawi na sa pagkagulat. Inayos ko ang pagkakahawi ng buhok ko at tumikhim. "How are you feeling?" maingat na tanong ko at humakbang ng isang beses para masuri ko itong muli.

"Feeling better," nanghihinang sagot nito sa akin.

"Good to hear that," sambit ko at pinagmasdan si Adam na muling ipinikit ang mga mata. "Ayaw ko mang madaliin ang paggaling mo, wala akong choice. I need you to regain your strength, Mr. Zamora." I sighed. "As soon as possible." Inayos ko ang kumot nito sa katawan. I know he's still awake. He can hear me. Sana nga lang ay makipag-cooperate ito sa akin. I sighed again when I remember Alison. Mataman kong tiningnan ang nakapikit na si Adam. Alam kong alam niya ang nangyari kay Alison ngayon. He's awake noong ikinulong ng mga tauhan niya ang babae sa kuwarto nito. "You know her, right?" alangang tanong ko sa kanya. Nakapikit pa rin ito. I sighed again. "Si Alison. The one who nursed you when I was sleeping."

Nanatili pa rin itong nakapikit. Gising ito, alam ko. Normal lang kasi ang paghinga nito. He's just ignoring me right now. Napailing ako.

"Hindi ko alam kung anong nangyayari pero puwede ko ba siyang makita? Nag-aalala ako sa kany." Kanina ko pa ito naiisip. Isang salita lang ni Adam, alam kong makakausap ko si Alison. Siya ang dapat kong kausapin at hindi ang mga tauhan niya sa labas ng silid na ito. "Please," pahabol ko pa. This time, nagmulat na ng mga mata si Adam. Napaayos ako nang pagkakatayo noong magtama ang paningin naming dalawa.

"And why would you do that?" malamig na tanong nito sa akin. Napalunok ako.

"Dahil nag-aalala ako sa kanya."

"She's fine. Hindi siya mamamatay," mas malamig na sambit ito.

"Mr. Zamora!" Napalakas ang boses ko dahil sa tinuran nito sa akin. "How can you say that?" hindi makapaniwalang tanong ko sa lalaki. "She helps me to retrieve your heartbeat! She helps me to saved you!" mariing turan ko habang hindi inaalis ang paningin sa kanya. He's unbelievable!

"Ginawa niya iyon dahil iyon ang utos sa kanya. Nothing more. Nothing less." Napatanga ako sa sinabi niya. This man. Ang lamig-lamig ng boses nito. Tila ba'y nagpipigil lang ito ng galit. Galit... He's mad? Kanino? Kay Alison?

I sighed and tried to calm myself down. "So am I," mahinang sambit ko without breaking an eye contact. "I'm just here to save you. Nothing more. Nothing less," dagdag ko pa at tinalikuran na ito. Walang imik akong lumabas sa silid niya at bumalik sa kuwarto ko.

Pabagsak kong isinara ang pinto at galit na hinubad ang suot na doctor's gown. Masama ko itong tiningnan at binalibag sa kama ko.

Bakit ko ba suot-suot ang sagradong damit na iyan? Why am I here for the first place?

Damn it!

Napasigaw na lamang ako dahil sa galit... sa frustration sa mga nangyayari sa paligid ko. Damn! Napasabunot na lamang ako sa sariling buhok at napahugot ng isang malalim na hininga. Nagtungo na ako sa kama ko at pabagsak na humiga.

"Papa... parang hindi ko na kaya," pabulong na sambit ko at mariing ipinikit ang mga mata. Hindi ko kayang gumalaw sa isang lugar na parang nakapiring ang mga mata. Hindi ko alam ko alam ang nangyayari sa mansyong ito. Si Alison... totoong nag-aalala ako sa kalagayan niya. Sa itsura pa lang kasi ng mga taga-bantay dito, mukhang walang matinong gagawin ang mga ito!

Ilang minuto kong ipinahinga ang katawan at noong hindi man lang ako makatulog, napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi. Napailing ako at bumangong muli sa kinahihigaan. Mabilis akong nagtungo sa harapan ng computer ko rito sa silid. Hindi maaring magmukmok na lamang ako rito! I need to do something here! Baka hindi ko pa natatapos ang trabaho ko ay masisiraan na ako ng ulo! Damn me!

Mabilis akong nag-browse sa internet nito ngunit napamura na lamang ako noong hindi allowed ang mag-search ng kung anu-ano. Great! Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at kinuha ang tinapon na doctor's gown kanina. Mabilis akong lumabas sa kuwarto ko at agad na tinawag si Orly noong makitang paakyat ito patungo sa kuwarto ni Adam Zamora.

"Where's the library here?" I coldly asked him.

Kita ko ang pagkunot ng noo nito pero itinuro din naman niya sa akin ang daan patungo roon. Hindi na ako nakapagpasalamat sa kanya dahil tumalikod na ako at tumakbo na papunta roon.

I don't know what the hell is wrong with me right now but I got a strange feeling that I might be really in a big trouble right now. Hindi lang para sa kaligtasan ni Alison, kundi pati na rin sa akin! May kakaibang pakiramdam kasi ako sa lahat ng mga nangyayari ngayon! I never questioned it before, lalo na noong kaharap ko si Don Zamora. Wala sa isip ko ang kung anong mangyayari sa akin at itinuon na lamang ang buong atensiyon sa kaligtasan ni Papa at ni Harold. I don't care about my own safety not until today. At hindi maaring ipagsawalang bahala ang isang kutob ng babae!

Pagkapasok ko sa loob ng library, agad akong nalula sa dami ng librong narito. Napatawa pa ako ini-e-expect ko na ito pero hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakikita ko! I'm a book lover, okay. Libangan ko ang pagbabasa at ngayon lang yata nawala ang stress sa katawan ko dahil sa mga librong nasa harapan! This is heaven for me!

Napailing na lamang ako at mabilis akong lumapit sa isang shelf na naroon. Mayamaya lang ay napakunot ang noo ko noong makitang mga law books ang unang bumungad sa akin. Inangat ko ang kamay ko at hinaplos ang bawat librong nadaraanan. Napatango ako noong napunta ako sa isang shelf na puro medical books naman ang naka-display. Seems like kompleto lahat ng libro sa silid na ito. Mayamaya pa'y natigil ako sa isang librong nadaanan. Maingat na kinuha ko iyon at dinala sa bakanteng mesa na nasa loob ng silid.

Naupo ako at nagsimulang magbasa. Nasa librong ito ang medical condition ni Adam Zamora. Mula sa surgery niya sa ulo hanggang sa time of recovery niya. Ilang oras akong nanatili sa pagbabasa at noong napagod ang utak at mga mata ko, mariin akong napapikit at isinandal sa backrest ng upuan ang likod. I stayed silent and relax my eyes and my mind. Sa dami ng mga nabasa ko, pakiramdam ko'y sasabog na ang utak ko. Ngunit ang katahimikan ko sa loob ng silid ay hindi nagtagal noong napamulat muli ako at napatingin sa drawer na nasa tapat nang kinauupuan ko.

Wala sa sarili akong napakagat ng pang-ibabang labi at napalingon sa kabuuan ng library. May CCTV kaya sa silid na ito? Napangiwi na lamang ako at napatingin ako sa siradong pinto ng aklatan. Hindi ko iyon ni-lock dahil umiiwas ako sa gulo. Baka magtaka at maghinala sila kung i-lo-lock ko ito kaya naman ay hinayaan ko na lang itong bukas.

Humugot ako ng isang malalim na hininga at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo. Nagsimula na akong maglakad at noong nasa tapat na ako ng kabinet, inangat ko ang kamay at hinawakan ang handle ng drawer nito. Segundo lang ay nanlaki ang mga mata ko noong makumpirmang hindi ito naka-lock!

Napakurap ako. Seriously? Muli akong napatingin sa pinto ng aklatan at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at maingat kong binuksan ang kabinet. Mayamaya lang ay ipinilig ko ang ulo pakanan at kunot-noong tiningnan ang nag-iisang folder na laman nito. Mabilis ko itong kinuha sa loob ng kabinet at walang ingay na binuklat iyon.

Mukha ni Adam Zamora agad ang bumungad sa akin. Pormal ang itsura nito at mukhang mabait... yes, mukhang mabait ito sa larawang ito. Tinitigan ko ito at sinuring mabuti. Ibang-ibang ang itsura niya sa litratong ipinakita ni Don Zamora sa akin noong araw na sinabi niya sa akin ang tungkol sa trabaho ko sa mansyong ito.

Humugot muli ako ng isang malalim na hininga at natigilan na lamang ako noong makita ang susunod na pahina na laman ng folder. "What is this?" bulong ko sa sarili habang inisa-isang basahin ang mga pangalang naroon. Ganoon din ang mga sumunod na pahina. Puro pangalan ng iba't-ibang tao kasama ang mga personal data nito. Ang ilan dito ay pamilyar sa akin dahil kilalang mga politiko ang mga ito. "Para saan naman ang mga ito?"

Agad akong naging alerto noong biglang may kumatok sa pinto ng silid. Nataranta ako at biglang ibinalik ang folder sa kabinet na pinagkuhaan ko at mabilis na bumalik sa puwesto ko kanina. Saktong kakaupo ko lang noong bumukas ang pinto ng aklatan. Napangiwi ako at nagkunwaring nagbabasa sa nakabukas na aklat sa harapan ko.

"He's awake. Hinahanap ka." It was Orly. Huminga ako nang malalim at binalingan ito.

"Alright," walang buhay na sambit ko at isinara na ang aklat na nasa harapan. Hindi ko pinansin ang matalim na titig ni Orly sa akin at kaswal lang na gumalaw. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at ibinalik na ang libro sa shelf na pinagkuhaan ko kanina at walang imik na lumabas sa silid.

Dere-deretso lang akong naglakad at hindi na pinansin ang presensiya ni Orly sa likuran ko. Napalunok na lamang ako at tinungo ang silid ni Adam Zamora.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top