CHAPTER 5
Huminga muna ako ng isang malalim na hininga at napagdesisyunan nang tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Walang imik akong kumilos at matamang pinagmasdan ang katawan ni Adam Zamora. He's back. Stable na muli ang vitals nito. He... he'll be fine... for now, at sana magtuloy-tuloy na ito. Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at tiningnan ang mga kasama ko sa silid. Tahimik lang din ang mga ito habang abala naman si Alison sa pag-che-check kay Adam. Mayamaya lang ay nagpaalam na ako kay Alison at walang ingay na lumabas sa silid.
Kagaya nang inaasahan ko, sumunod agad sa akin ang isa sa bantay ni Adam Zamora. Sakto lang na naisara nito ang pinto, mabilis ko itong hinarap at namewang sa harapan niya. Masama ko itong tiningnan at agad na sinita sa ginawa niya sa loob ng silid kanina. "Alam mo ba ang ginawa mo kanina?" mariing tanong ko sa lalaki habang hindi inaalis ang masamang titig sa kanya. Pinaghalong galit at takot ang nararamdaman ako ngayon sa lalaking ito ngunit alam kong mas nangingibabaw ang galit ko sa kanya!
"Don't act reckless, Miss Del Monte," malamig na turan nito na siyang ikinatawa ko sa harapan niya. Reckless? Ako pa talaga itong reckless dito? E, siya nga itong natutok bigla ng baril sa akin kanina! Damn this man!
"You pointed a gun on me while saving your goddamn young master!" galit na sigaw ko sa kanya. "Sa tingin mo ba'y tama iyong ginawa mo sa akin, huh?" Ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko dahil sa galit at inis sa lalaking nasa harapan ngayon. "Next time, siguraduhin mong nasa tamang tao nakatutok ang dulo niyang lintek na baril mo! Ako ang doktor ng amo mo. Kung may masamang mangyari sa akin at nasa bingit na nang kamatayang iyang young master ninyo, magpasensyahan na lang tayo at talagang matutuluyan na siya!"
Napapikit ako dahil sa galit. Humugot ako ng isang malalim na hininga at pilit na pinapakalma ang sarili. Damn it! Pagmulat kong muli ng mga mata ay hindi na ako nagsalita pa. Napailing na lamang ako sa harapan nito at padabog na pumasok muli sa silid ni Adam Zamora na siyang ikinalingon naman agad ni Alison sa akin. Mabilis na tinigil nito ang pag-aayos sa kumot na bumabalot sa katawan ni Adam Zamora at tiningnan ang monitor ng ventilator sa tabi nito.
"Everything's normal now, Belle," imporma nito sa akin habang nasa may monitor pa rin ang buong atensiyon. Napatingin din tuloy ako roon. "You did well earlier. Mabuti at naging normal ulit ang pagtibok ng puso ng pasiyente. You did well... even with all the chaos, you did save him."
"It was the worst experience to me," mahinang tugon ko at wala sa sariling napatingin kay Adam Zamora. "First time kong mag-retrieve ng isang pasiyente." Napailing na lamang ako.
"Really?" tanong ni Alison sabay baling sa akin. Umayos naman ako nang pagkakatayo at tinanguhan na lamang ito. "T-that's cool," sambit niyang muli at binalingan na rin si Adam Zamora.
"We'll have our shifting schedule, Alison. You'll monitor him during the day. I'll handle the night shift," sambit ko habang hindi inaalis ang paningin sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit narito ang babaeng ito. Siya na rin ang nagsabing hindi siya doktor o isang medical student na kagaya ko. At kung ano man ang dahilan nito sa pananatili sa mansyon ng mga Zamora, sana'y hindi niya ikapahamak.
"Alright. Copy that," sambit nito at mayamaya lang ay napansin ko ang pagbuntonghininga niya.
Ipinilig ko ang ulo pakanan at hindi na napigilan pa ang sarili na magtanong sa kanya. "You're not a doctor, right?" maingat na tanong ko na siyang ikinabaling niyang muli sa akin. Sa ekspresyon pa lang nito sa mukha ay alam kong wala itong planong sagutin ako. But what can I do? I really want to know. At kapag malaman ko ang totoo, baka makatulong ito sa amin at sa kondisyon ngayon ni Adam Zamora. Who knows, right? "So, anong koneksiyon mo sa mga Zamora?" matapang na tanong ko pa sa kanya.
Kanina pa ito nasa isipan ko... noong itinutok noong lintek na lalaki ang baril sa sintido ko. I can't trust them. Mapapahamak ako kapag naging pabaya ako sa bawat desisyon at kilos ko. Hindi ko kilala ang mga taong kasama ko sa mansyong ito. Maliban sa impormasyong mayroon ako tungkol kay Adam Zamora, wala na akong ibang alam sa mga kasama ko. Kaya naman ay uunahin ko nang alamin ang tunay na rason kong bakit narito itong si Alison. For me to survive living with total strangers, I need to know a little bit information about them!
"I personally know them, that's all," simpleng saad ni Alison na siyang ikinatigil ko sa kinatatayuan ko. Kilala niya ang mga Zamora... pero bakit pati siya ay tinakot ng mga tauhan nito kanina? Kung kilala niya talaga ito, hindi ba dapat ay hindi ganoon ang trato nito sa kanya?
Hindi agad ako nakapagsalita at tinimbang muna ang sitwasyong mayroon kami. Hindi ko inalis ang paningin kay Alison at noong wala na akong makuha ibang impormasyon mula sa kanya, napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga. "That's good to hear," walang emosyong sambit ko. "Ikaw na lang muna ang bahala sa kanya. Nasa kuwarto lang ako at gagawa ng report para ma-email ko na ito kay Don Zamora," dagdag ko at muling binalingan ang walang malay na si Adam Zamora. Hindi na ako muling nagsalita pa at mabilis na lumabas sa silid.
Mabilis ang pagkilos ko at natigilan na lamang ako sa paglalakad noong nakasalubong ko ang walang hiyang lalaki na kanina pa nagpapakulo ng dugo ko. Inirapan ko ito at bumaba na papunta sa silid ko.
Agad akong gumawa ng report at ipinadala sa email address na nakalagay sa pinakahuling pahina ng medical report ni Adam na binigay sa akin kanina nang lalaki. Noong matapos ako ay hinubad ko ang doctor's gown na suot at isinampay ito nang maayos. Maingat akong nagtungo sa kama at itinaas ang kamay. Mapait akong ngumiti habang nakatingin sa mga kamay.
I freaking save a life!
Napapikit ako at marahang inilagay sa dibdib ang kamay ko.
Mama, did you see that? May iniligtas ako kanina.
Mabilis kong pinahid ang mga luha at muling nagmulat ng mga mata. I feel so good right now because I just save someone. Someone that was a stranger to me. I saved him... with my own hands, I save a man!
"I'll save him no matter what. And after this, babalik na ako sa pamilya ko. Sila naman ang ililigtas ko sa magulong buhay na mayroon kami ngayon."
Dahil siguro sa pagod ay nakatulog ako. Nagising lamang ako noong makarinig ako nang marahang pagkatok sa pinto ng silid na kinaroroonan ko. Kinusot ko ang mga mata at marahang bumangon mula sa pagkakahiga. Pinagbuksan ko ang kumakatok at natigilan noong makitang si Alison iyon. Bigla akong kinabahan.
"What happened?" agarang tanong ko sa kanya.
"He's fine, Belle," sambit naman ni Alison na siyang ikinakampante ko. "Ano kasi..." she paused and smiled weakly at me. "Gabi na at wala pa tayong makakain dito sa mansyon. I badly want to prepare some foods for us, but I'm afraid I might burn everything inside the kitchen."
Napakunot ako ng noo sa narinig mula sa kanya. "Hindi ka marunong magluto?" takang tanong kay Alison at umayos na nang pagkakatayo sa harapan niya. Tumango lang ito sa akin bilang sagot sa naging tanong ko sa kanya. Napatango na lang din ako at marahang tumango sa kaharap. "Go back to his room, Alison. Ako na ang bahala sa pagkain natin."
"Thanks, Belle," anito at muling ngumiti sa akin. Umalis na ito sa harapan ko at bumalik na sa itaas... patungo sa kuwarto ni Adam Zamora. Ako naman ay lumabas na sa kuwarto na kinaroroonan at dumeretso na sa kusina ng mansyon. Inayos ko muna ang pagkakatali ng buhok bago magsimulang gumalaw sa kusina. My mom was a great cook kaya naman ay may alam ako sa kusina. Tiningnan ko ang laman ng refrigerator at nabigla ako sa dami at kompleto ang supplies nito!
Kumuha ako ng karne at ilang pangsahog. I'm planning to cook adobo. Pinakamadali at mabilis na lutuin ito. Kailangan ko na rin kasing magmadali dahil shift ko na sa pagbabantay kay Adam Zamora. Kailangan kong matapos ang pagluluto para naman makakain na kami at makapagpahinga naman si Alison.
Naging mabilis ang galaw ko sa kusina. Nakapagsaing na rin ako ng kanin na kasya lang sa amin. Tahimik at payapa ang buong kusina at wala ni isa ang nagtungo rito at ginulo ako sa ginagawa. Mabuti na lang talaga ay wala akong nakikitang mga bodyguards ngayon! Baka biglang mag-init na naman ang ulo ko at isaboy sa kanila itong pagkaing niluluto ko!
Pagkatapos kong magluto ay bumalik na ako sa kuwarto. Naglinis na ako ng katawan at nagsuot komportableng damit. Nagsuot akong muli ng simpleng shirt at jeans at isinunod ang doctor's gown ko. Inilugay ko na lamang ang mahabang buhok dahil basa pa it at oong makontento na ako sa itsura ko, lumabas na ako sa silid ko. Tahimik akong pumanhik sa pangalawang palapag at dumeretso na sa kuwarto ni Adam Zamora. Pinagbuksan ako ng pinto ng isa sa dalawang bantay kaya naman ay pumasok na ako sa loob.
Pagkapasok ko ay biglang lumingon si Alison sa gawi ko. Tumayo ito sa kinauupuan ngunit hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagbitaw nito ng kamay ni Adam Zamora. Tumikhim ito kaya naman ay napatingin ako sa mukha niya.
"Tapos ka na?" she asked me.
Kinagat ko muna ang pang-ibabang labi bago sumagot dito. "Yes, I'm done preparing our food. Bumaba ka na para makakain at makapagpahinga na rin. Ako na ang bahala sa kanya."
Tumango lamang ito sa akin at walang imik na kumilos. Sinundan ko nang tingin si Alison hanggang sa tuluyan na itong nakalabas ng silid. Mayamaya lang ay napabaling ako sa walang malay na si Adam Zamora. Really? Ano ba talaga ang totoong koneksyon ni Alison sa lalaking ito? Napailing na lamang ako at humugot ng isang malalim na hininga.
Nagsimula na akong maglakad papalapit sa kama ni Adam Zamora. Mataman kong tiningnan ang mukha ng lalaki. Maputla pa rin ito. Hinawakan ko ang dextrose nito at sinuri ito nang maayos. Sunod kong tiningnan ang ventilator at pinagmasdan ng mabuti ang monitor nito. He's okay, for now. And the attack earlier, sana'y iyon na ang una at huling atake niya. Hindi ko na alam kung kaya ko pang gawin ang ginawa ko kanina kung sakaling mangyari iyon muli!
Bumuntonghininga ako at muling binalingan ang lalaki. "You'll survive all of this shit, Adam Zamora. I'll make sure of that," malumanay kong sambit habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Mayamaya lang ay inayos ko ang kumot nito sa katawan. Akmang tatalikuran ko na sana ito noong biglang napako ang paa ko sa kinatatayuan ko. Muli kong ibinalik ang paningin kay Adam Zamora, sa mukha niya at sa daliri niyang nakita kong gumalaw kani-kanina lang!
"Mr. Zamora!" agad na sambit ko at inilapit ang sarili sa kanya. Pinakiramdaman ko ang paghinga nito. It's normal! Napatingin muli ako sa kanang kamay niya kung saan nakita kong gumalaw ang daliri nito. Hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko. I saw it! Gumalaw ito kanina! "Can you hear me? Mr. Zamora, can you hear me?"
Seconds passed, no response from him. Damn it!
"Please, Mr. Zamora. Move a finger if you can hear me," sambit kong muli at matamang tiningnan ang lalaki. I sighed, disappointed with myself. Namalikmata lang ba ako kanina? Posible. Tiyak na dahil lang sa kagustuhan kong gumising at gumaling agad ito ay nakita ko iyon! Pambihira! Am I too desperate right now? Damn me!
Umayos muli ako sa pagkakatayo at ipinagpatuloy ang naunang plano kanina. Nagtungo ako sa mini sofa rito sa silid at naupo roon. Kinuha ko ang folder na dala-dala ko kanina at maingat na binuksan iyon. Muli kong binasa at inaral ang bawat detalye sa medical report ni Adam Zamora.
Ilang minuto pa lang ang nakalilipas ay itinigil ko na ang pagbabasa. Hinilot ko ang sintido at napailing na lamang. "Ano ba talaga ang totoong nangyari sa'yo?" takang tanong ko at napatingin sa gawi ni Adam. Kumunot ang noo ko at muling tiningnan ang hawak na papel. Napakagat ako ng pang-ibabang labi at mariing ipinikit ang mga mata. Biglang sumakit ang ulo ko sa mga nababasa! This is the most stressful medical records na nabasa ko!
Napamulat ako ng mga mata noong may nahulog na siyang nagpaingay sa tahimik na silid. Taka akong napatingin sa gawi kung saan may nahulog at noong mapagtanto kung ano iyon, mabilis akong kumilos. Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo sa may sofa at tumakbo patungo sa kama ni Adam Zamora noong makitang nakamulat na ang mga mata nito!
Oh God! He's awake!
Mabilis kong nilapitan ito ngunit agad naman akong napako sa kinatatayuan noong magtagpo ang mga mata namin. Wala sa sariling napaawang ang labi ko sa intesidad ng titig nito sa akin.
His eyes. It was cold and dangerous. Bigla akong nanghina dahil lamang sa simpleng eye contact naming dalawa.
Iyong totoo... sino ba talaga ang lalaking ito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top