Chapter 43

Noong namatay si mama, ipinangako ko nang gagawin ko ang lahat para mailigtas ang kahit sino. Pasyente ko man o hindi basta kaya kong tulungan ito, gagawin ko.

"Remove that gun on his head, please," hindi ko na napigilan pa ang sarili at nakisali na ako sa usapan nila. "He can't remember anything. He really can't," huminga muna ako nang malalim at matapang na tiningnan iyong lalaki. "Alam ko ang impormasyong nais niyong makuha mula sa kanya."

Damn! This will surely be my death!

Napalunok ako at nakahinga ng maayos noong ibinaba ni Johnson baril at bumaling sa akin. Ngumisi ito at sa akin naman itinutok ang baril na hawak-hawak. Fvck! I'm definitely creating my own grave!

"This man will surely not tell you about his illegal business, doctor. Stop being a heroine and just fvcking shut your mouth!" galit na sambit nito at muling bumaling kay Adam. Ngunit bago pa man nito maitutok muli kay Adam ang baril ay mabilis na nahawakan ni Adam ang kamay nito. Nanlaki ang mga mata ko sa naging pagkilos nito.

Maging si Orly na nakaluhod kanina ay kumilos na rin at nakipag-agawan ng baril sa lalaking nakabantay sa kanya.

"Fvck you, Zamora!" sigaw ng lalaki noong tumilapon ang hawak na baril nito sa gawi ko. Kusa akong naging alerto noong makitang kumilos na rin iyong isa pang lalaking nasa silid. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Saktong nakalakas ko na ang pagkakatali sa mga kamay ko at mabilis na dinampot ang baril na nasa paanan ko lamang.

Without any hesitation, I pulled the trigger towards the man who's about to shot Adam.

Nanlaki ang mga mata ko noong natamaan ko ito sa balikat at natumba mula sa sahid. I pulled the trigger again and target the man's hand, iyong nakahawak sa baril nito. Napasigaw ito at masamang tingin na bumaling sa akin.

Nanginginig na ang mga kamay ko. Pakiramdam ko ay biglang bumigat ang hawak na baril kaya naman ay nabitawan iyon. Napapikit ako nang mariin noong makarinig ako ng putok ng baril na nasundan ng sunod-sunod na malulutong na mura.

"Fvck, Perez! You're late!" pakarinig ko sa boses ni Adam ay mabilis na iminulat ko ang mga mata ko. Napaawang ang mga labi ko noong makita ang mga taong nasa silid. Kuya Stanley is here! Sigurado ako roon! Sigurado akong si Kuya Stanley iyon dahil iyong lalaking nag-ngangalang Johnson ay nasa sahig na ngayon at kung hindi ako nagkakamali ay wala na itong malay ngayon!

"Fvck you, too, Zamora!" balik na mura ni Kuya Stanley kay Adam. "I was pissed off for fvcking sake! Tangina mo kasi! Nandadamay ka!"

"You're the one who offered your fvcking help, Perez!"

"Puwede bang mag-thank you ka na lang, fvcker!"

"Young master," biglang sumingit si Orly sa murahan ng dalawa at sabay-sabay na bumaling sa gawi ko. Napabuga ako ng hangin at hinayaang mahiga ang katawan sa sofa at ipinikit ang mga mata. Doble-doble ang kalabog ng puso ko na kahit anong pilit kong pagpapakalma dito ay hindi ito sumusunod sa akin.

We're safe now. Ligtas na kami kaya wala na dapat akong ipag-alala pa.

Isang malutong na mura muli ang narinig ko mula sa dalawa. Mayamaya pa'y nagsalita si Kuya Stanley at nagpa-alam na siya na ang bahala sa kapatid at mga tauhan nito.

"Make sure na walang makakaalam sa kalokohang ginawa ng kapatid mo, Perez," narinig kong sambit pa ni Adam na siyang ikinatawa ni Kuya Stanley.

"This stunt was only for his own benefit, Zamora. Our clan doesn't have any idea about this. Don't worry, I'll take care of him and his men. Ang gawin mo, magpagaling ka na para maalagaan mong mabuti si Belle. She suffered a lot because of you."

Natigilan ako sa sinabi ni Kuya Stanley. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at tiningnan ang dalawa. Hindi na ako nagulat noong maabutang nakatingin ang mga ito sa gawi ko. I smiled bitterly then forced myself to sit. Mabilis na lumapit sa akin si Kuya Stanley at inalalayan ako sa pag-upo.

"Hey, mahiga ka lang muna, Belle," he softly said. Umiling ako dito at binalingan iyong puwesto noong lalaking nabaril ko kanina. Wala na ito ngayon doon!

"He'll live. Don't worry," ani Kuya Stanley. I'm sure he was talking about the guy who received my gunshot. "You okay now?" he asked me. I just simply nod at him. "That's good. Aalis na ako. Magpahinga ka rin. My men will help to secure this room. Just take a rest, kayo ni Zamora," utos nito at bumalik sa puwesto nito, sa harapan ni Adam.

"You still have a fvcking luck on your side, Adam Zamora. Next time, huwag mo nang uulitin ang mga kolokohan mo," seryosong sambit nito sa kaibigan. "You..." nakita kong humugot muna ito ng isang malalim na hininga bago magpatuloy sa pagsasalita. "..forgetting everything makes me wanna puch you a hundred times. You can't do that to us again, Zamora. Lalo na kay Belle."

"Shut it, Perez. Hindi bagay sayo ang magdrama," ani Adam sa kaibigan at prenteng naupo sa kama nito. "But I guess you're right. It was really frustrating to lose a memory. Gusto ko na ngang inuntog ang ulo ko noon nong nalaman kong wala akong maalala kahit ano."

"Dapat ginawa mo agad iyon at hindi na hinintay na pagbantaan pa ni Johnson ang buhay ni Belle. You stupid ass!"

"Get out of here, Perez! Masasapak na talaga kita!"

"Gago, ni hindi ka nga magalawa diyan," ngumisi si Kuya Stanley at binalingang muli ako. "Aalis na ako, Belle. Iyong bilin ko. Please lang, sundin mo't magpahinga ka."

Noong makalabas na ng silid si Kuya Stanley ay binalot kami nang katahimikan ni Adam. Nakatingin lang ako sa nakasaradong pintuan samantalang tahimik lang ito sa puwesto niya.

"Hey," it was Adam who broke the silence first. Mabilis akong bumaling sa kanya at halos matunaw ako sa uri ng titig nito sa akin. "Can you walk?" he asked then tapped the side of his bed. Marahang akong tumango dito at pinilit na itayo ang sarili. Bawat hakbang ko papalapit kay Adam ay para akong lumulutang sa hangin. I wanted to run towards him but my body can't do that. Kahit di ko man aminin, alam kong ramdam ni Adam ang panghihina ko kaya naman ay matiyaga itong naghintay sa akin hanggang tuluyang makalapit na ako sa kanya.

Agad akong hinawakan ni Adam sa kamay at mabilis na hinila palapit sa kanya. Hindi na ako nakaimik pa at hinayaang yakapin niya ako. I felt so safe inside his arms kaya naman ay hindi ko na napigilan pa ang sarili. Yumakap na rin ako sa kanya at doon iniyak lahat ng takot na naramdaman ko para sa aming dalawa kanina.

"Baby," alo ni Adam sa akin at humigpit ang yakap nito. "For a hundred times, I'm really sorry for making you cry."

Umiling-iling ako dito at lalong isinubsob ang mukha sa dibdib nito.

"I'm sorry for forgetting about you..."

"Adam!" mabilis kong suway dito at humiwalay sa yakap niya. Napakagat ako ng labi noong makita ang pamumula ng mga mata nito. He's about to cry, I can tell. Agad kong iniangat ang mga kamay at mabilis na hinawakan nito sa magkabilang pisngi.

"Thank you for coming back again, Adam. Stop saying you're sorry, please. I don't need that, Adam. Mas kailangan kita kaya naman ay maraming salamat dahil bumalik ka sa amin, sa akin."

"Belle..."

"Noong nagising kang walang maalala, handa akong maghintay, Adam. I'm willing to wait and risk. Just like what you did when I was in the same situation years ago. Kaya kong gawin iyon, Adam, pero ang mawala ka? Hindi ko kakayanin iyon."

Mabilis akong kinabig nito at muling niyakap. I cried louder inside his arms. Damnit! Lahat nang takot ko kanina ay biglang bumalik sa akin.

"You'll never lose me, Belle. Never," aniya habang marahang hinahaplos ang buhok ko. "Stop crying now, baby."

"I'm scared."

"I was scared, too, Belle. I'm scared of losing you too. I love you."

Para akong nabuhusan ng isang balde ng tubig sa mga katagang binitawan ni Adam. Hindi ko matandaan kong kailan niya huling sinabi iyon sa akin pero alam kong tagos sa puso ko ang mga salitang sinambit nito.

"I love you, Belle. You are my life now. And I vowed to protect this life till I'm out of luck to survive," iniangat ako ni Adam mula sa pagkakasubsob sa dibdib nito at walang salitang hinalikan ako sa mga labi ko.

Life.

If I'm his life right now, then, he's my air. My breathing air that I badly needed for me to survive too.

"I love you too, Adam," I whispered to him as I responded to his sweet kisses.

A/N:

Last two chapters then we're done!

OMG! Maraming salamat sa lahat ng sumubaybay sa kwento ng dalawang magulong karakter ko na ito hahaha Thank you so much, lovies!

You are truly awesome! Hugs!

Love,
Lady Aries

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top