Chapter 41

Hindi ko alam kong tititigan ko ba siya o hindi. Gulong-gulo na ako ngayon ngunit alam kong mas naguguluhan si Adam sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayon.

Siguro nga'y maswerte na ako noon na may specific na alaala lang ang nawala sa akin. Unlike him, he lost everything. And that's makes my heart screaming in pain right now. Gusto kong maawa kay Adam pero alam kong hindi niya gugustihing gawin ko iyon sa kanya.

Pinagmasdan ko ito nang mabuti.

Nakaupo lang ito at tahimik na nakikinig sa mga instruction ni Doc Ramirez.

"Are you listening, Mr. Zamora?" tanong ni Doc Ramirez dito. Tamad na tumango ito at hinawakan ang benda sa ulo.

I sighed.

Habang nakatingin ako sa mukha nitong litong-lito sa mga nangyayari, parang pinipiga na naman ang puso ko. Hindi na naman ako makahinga nang maayos dahil sa sakit. Ito rin ba ang sakit na naramdaman ni Adam noong mga panahong hindi ko siya maalala? Ito rin ba ang sakit na naramdaman niya noong hindi ko siya nakikilala noong magkita kaming muli pagkalipas ng ilang mga taon? Dahil kung ito iyon, kung ganitong-ganito iyong sakit, hindi ko maisip kung paano nakayanan ni Adam ang sakit.

Dahil kung ako, kung hindi lang ako kinausap ni Orly kanina, tiyak na tinakasan ko na naman ang sakit na ito. This is too much for me to handle. Too much that all I ever wanted right is to hide and locked myself away from everything. But I think that's being selfish. And I don't want to be like that again.

"By the way, Mr. Zamora, this is Belle," bigla akong napaayos ako nang tayo noong magsalitang muli si Doc Ramirez. "Simula ngayon, siya na ang titingin sa status mo. Araw-araw."

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko noong bumaling ito sa akin at nagtama ang paningin naming dalawa. Those eyes, how missed those eyes.

"Is she professional?" he asked coldly. Gusto kong matawa sa naging tanong nito. I missed this side of him too. Cold, intimidating, dangerous and ruthless. Simula kasi noong bumalik ang mga alaala ko, naging mabait ito sa akin. Sobra. At ngayong nasasaksihan kong muli ang isang pagkatao nito, siguro nga'y tama lang ang manatili ako sa tabi niya. Afterall, this is where I truly belong.

"Of course, Mr. Zamora!" mabilis na tugon ng doktora at binalingan ako. Tumango ito sa akin at nagpatuloy sa pagtatanong ng ilang bagay kay Adam. Noong matapos ito sa daily routine nila, binalingan ako ni Doc Ramirez at may mga ibiniling mahahalagang bagay sa akin. Mayamaya pa'y nagpaalam na sa aming dalawa ni Adam ang doktora.

Walang nagsalita sa aming dalawa ni Adam noong naiwan kaming dalawa sa silid. Nakatingin lang ako sa nakatulalang Adam. I saw him sighed then hold his head again. Tumikhim ako at lakas loob na nagsalita.

"Mas mabuting mahiga ka na, Mr. Zamora. You need to rest more."

Mabilis na bumaling sa akin si Adam habang nakakunot ang mga noo.

"What?" he asked.

"Anong 'what'? I said, you rest, Mr Zamora."

"Who are you?" natigilan ako sa tinanong nito. Nakatitig lang ito sa akin na tila isa akong palaisipan sa kanya. I raised an eyebrow to him. "You're voice..." he slowly said that makes my eyes widen. "I think I've heard it before," aniya pa sabay hawak muli sa ulo nito. "Fvck!"

Bigla akong nataranta noong makitang nasasaktan ito ngayon. Mabilis akong lumapit kay Adam at tinulungang humiga ito nang maayos.

"Don't push it, Mr. Zamora. You need to rest," ani ko at binigyan ito ng painkillers. Nakapikit ito at mariing kinakagat ang mga labi. He's definitely in pain right now! Ilang minuto lang ay kumalma na ito. Nanatili itong nakapikit pero alam kong hindi ito tulog. I sighed then fixed his blanket.

"Pain will surely hit you like a thunder if you push yourself, Mr. Zamora. Let your body rest and heal your wound first," mahinang turan ko at umayos na nang tayo sa gilid ng kama nito.

"What's your name again?" mahinang tanong nito. I smiled bitterly as I looked at his face.

"Belle," sagot ko. Dahan-dahang nagmulat ang mga mata nito at binalingan ako. "Belle Del Monte."

"Seems like you know me."

"Of course, I know you," marahang sambit ko at tiningnan ang chart nito.

"Who's Belle Del Monte, then?"

I frozed. Parang pinipigang muli ang puso ko sa mga tanong ni Adam. He really wanted to remember!

"I was your doctor before this surgery," I answered then look at him. I smiled weakly then continue looking at the chart I'm holding. "And I'm pretty aware how stubborn you are, Mr. Zamora," inilapag ko na ang hawak at binalingan muli si Adam. "Stop asking questions and rest."

"Can you tell me about this Adam Zamora?"

Napasapo ako ng noo. He's talking too nuch right now!

"Adam, huwag makulit."

"You called me by my name," napaawang ang labi ko at huli na noong mapagtanto kung ano pa ang nasambit ng mga labi. "Bigla akong naging panatag dahil sa pagtawag mo sa pangalang hindi ko alam kung sa akin ba o hindi."

Oh, Adam! Ano bang dapat kong gawin para sa'yo?

Dalawang araw na akong naging personal doctor ni Adam. So far, maayos naman ang kalagayan nito. Natigilan na din itong magtanong sa akin ng kung anu-ano at iyon ay dahil sa isang kondisyon.

"Call me Adam then I'll stop asking questions."

At dahil hindi ko alam kung ano ang mga isasagot sa mga random questions nito sa akin, pumayag na ako sa nais nito. It will cause no harm naman. Kung nagiging panatag ang kalooban nito dahil sa pagtawag ko sa kanya sa pangalan nito, then, hindi kong magsasawang sambitin ang pangalan nito.

"Ate?"

Natigilan ako sa paghigop ng kape noong tawagin ako ng kapatid ko. Nasa cafeteria kami ngayon ng ospital at nag-aagahan. Hindi na ako makauwi sa bahay namin dahil ayaw kong mawalay kay Adam. I need to be with him when he needs me kaya naman ay hindi ko magawang umuwi.

"Si Kuya Adam, ate, hindi pa rin ba siya lalabas dito? He's been staying here for almost a month already," anito at kinagat ang doughnut na hawak-hawak.

"He's still under observation, Harold. Hindi pa siya puwedeng idischarged."

"Can I see him?" mabilis na tanong nito na siyang ikinatigil ko. "Promise, I won't talk, ate. Gusto ko lang siyang makita."

"I'm sorry, Harold. No one's allowed to enter his room except his doctors. Alam mo naman siguro ang kondisyon ni Adam ngayon diba?" maingat na sambit ko sa kapatid. Kita ko ang kabiguan sa mata ng kapatid ko pero wala talaga akong magagawa sa nais niya. Hindi pa masyadong magaling si Adam. We can't do anything here that will harm him. Kahit alam kong wala namang gagawing masama ang kapatid ko, still, baka biglang magalit si Adam. I can't let that to happen.

"Pero kanina, ate, sa information desk, may nakasabay akong mga lalaking naghahanap kay kuya. Akala ko pa naman ay puwede na siyang dalawin kaya naman ay nagbaka-sakali ako saiyo," sumimangot ito at nagpatuloy sa pagkain.

Natigilan ako at biglang kinabahan sa naging turan ng kapatid ko.

"M-mga lalaki, Harold?" kinakabahang tanong ko dito. Tumango-tango si Harold at uminom ng juice. "Are you sure about it?" tanong ko pa.

"Yes, ate," sagot ng kapatid ko. "I think they were four men. Para silang mga businessmen sa suot nga nila, e. Like papa and Don Zamora always wearing whenever they leave for work."

"Hindi mo sila kilala?" napatayo na ako at napatukod ang dalawang kamay sa mesa. Bahagyang nagulat si Harold kaya naman ay nakita kong kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. "Tell me, Harold, wala ka bang kilala sa mga lalaking nakita mo kanina?"

Mabilis na umiling si Harold na siyang lalong ikinakaba ko. Hindi na muli akong nagsalita  pa at mabilis na tinakbo ang daan palabas ng cafeteria. I've heard my brother called me but I didn't even bothered to stop from running towards the door. At habang tumatakbo ako, kinuha ko ang cellphone kong nasa bulsa ng doctor's gown na suot ko at mabilis na tinawagan si Orly. Nasa labas ng silid ngayon si Orly. I'm sure about it!

Pero bigo ako sa pagtawag sa kanya. I mentally cursed when Orly didn't answered my call!

Damn! What the hell is happening up there?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top