Chapter 40
Napakagat ako ng pang-ibabang labi at pinipigilan ang paggawa ng kahit anong ingay. Tahimik akong umiiyak sa likuran ni papa habang ipinapaliwanag ng kasamang doctor ni Doc Ramirez ang sitwasyong mayroon kami ngayon.
Damn, this is not happening!
"We're expecting this to happened," ani ng doktor habang tiningnan ang mga data na hawak nito. "The surgery was really a risk. Let's just be thankful that he's finally awake."
Wala ni isa sa amin ang umimik. Lahat kaming narito sa silid ay talagang nagulat sa nangyari kanina!
"How about his memories?" it was papa who broke the silence and asked. Napapahid ako ng mga luha sa mukha at inihanda ang sarili sa mga sasabihin pa ng doktor. Kanina pa ako bugbog dito sa likuran nila. Bugbog dahil sa halo-halong sakit na nararamdaman ngayon. Pakiramdam ko'y bibigay na ako. Any minute from now, alam kong bibigay na ang katawan ko. This is too much! Kanina lang ay masaya ako dahil sa kaalamang ligtas na si Adam pero agad din namang nawalang parang bula ang kasiyahan kong iyon noong naabutan namin si Adam na nagwawala sa silid nito.
"Don't come near me! I don't fvcking know a single person here! Get out! Leave me alone."
Napapikit ako at iniiling ang ulo. My whole being is in chaos right now. Hindi na ako makapag-isip nang maayos. Ang nakatatak sa isipan ko lang ngayon ay ang katotohanang nawalan ng alaala si Adam! Fvck! Kung panaginip lang ito, please, someone should fvcking wake me up!
"He's still under observation, sir. For now, let the patient rest. Let's give him enough time to recover first before we do something about his lost memories. Mas importanteng makabawi muna ito ng sapat na lakas. We can't do anything that will hurt the patient. Kung ipipilit nating alalahanin niya ang lahat na nawala sa kanya, I'm afraid that he'll be in a lot of pain. As much as possible, dapat iwasan natin iyon."
Napadilat ako ng mga mata at namataan kong napatango-tango si papa sa sinabi nang kausap na doktor, tila nauunawaan ang lahat nang sinasabi nito.
"We understand, doc. Please, help him recover fast. Kung nais ng apo kong huwag kaming makita, then, we'll do that. Kung mapapabilis ang paggaling nito sa ganoong paraan, gagawin namin."
"Don Zamora," singit ko sa usapan nila. Napunta sa akin ang buong atensiyon kaya naman ay napaayos ako nang upo. "I can't do that," mahinang turan ko.
"Anak..."
"I'm sorry pero di ko kayang gawin iyon kay Adam."
"Belle, this is for him. Ginagawa natin ito para sa kanya. Please, understand, hija. Ganito din ang ginawa ni Adam noon para sayo," natigilan ako sa iminungkahi ng Don. Napatingin ako kay papa at napaiyak na lamang noong nakitang tumango ito at nag-iwas ng tingin sa akin.
Damn, Adam Zamora! Ginawa niya talaga iyon noon sa akin? He distanced himself para mas mapabilis ang recovery ko? Para hindi na ako masaktan? Kung hindi pa pala ito naaksidente noon ay tiyak na hindi ito lalapit sa akin. Tiyak ay hindi ko na muli ito makikita pa!
"Please, Belle. Give my grandson his time. I thank you for not giving him up but letting him go for now will be the best decision we can ever make."
"He can remember us," nanghihina kong sambit at napahagulhol na. Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko. Kanina pa mabigat ang kalooban ko. I wanted to scream! I wanted to free this frustration and pain in my chest!
"Of course, he can, hija. Hindi man ngayon pero alam kong maaalala niya tayo. He'll definitely remember you no matter what."
Pinahid ko ang mga luha ko at matamang tiningnan ang Don. Tipid itong tumango sa akin at tinanguhan ako.
Damn, I really don't know what to do right now!
Hours passed, nakatulala lang ako sa nakasarang pinto ng silid ni Adam. Nakatayo sa tabi ko si Orly samantalang nasa malayo ang dalawa pang bantay ni Adam.
"Are you okay, Miss Del Monte?" I've heard Orly asked me. Umiling ako at hindi ito sinagot. Wala na akong lakas. Wala na. "Can you endure more?"
This time, napabaling ako kay Orly. Gumalaw ito mula sa pagkakatayo at naupo ito. Kita ko ang kalungkutan sa mga mata nito habang nasa pinto rin ng silid ni Adam nakatingin.
"Young Master endured everything. Please do the same, Belle," natigilan ako sa tinuran niya. He called me by my name! That was the first time he called me that! "I'm asking you a favor here, Belle. Young Master was like a brother to me. Endure more. Don't give up on him."
"I will never do that, Orly," mahinang tugon ko dito at nag-iwas ng tingin sa kanya. "Oo, masakit ang mga nangyayari ngayon sa amin pero hindi ito rason para sumuko, 'di ba?"
"You're right. Don't give up."
"But I need to let him go," mapait na sambit ko."For now."
"Belle..."
"He's in pain right now, Orly. Kung hindi ako lalayo, ipipilit ko lamang sa kanya na alalahanin ang lahat na mayroon kami. Na alalahanin ako, kung sino ako sa buhay niya. And that will harm him, Orly. Baka magkaroon pa nang komplikasyon ang naging operasyong ginagawa sa utak niya. Baka mapahamak siya."
"Young Master will never agree with your idea, Belle."
Tipid akong ngumiti at binalingang muli si Orly. Bahagyang akong natawa noong makitang nakakunot ang noo nito at salubong ang mga kilay habang nakatingin sa akin.
"I envy you," I gently said. "Mas kilala mo si Adam kaysa sa akin. Mas nakasama mo siya nang matagal kaysa sa akin," humugot muna ako ng isang malalim na hininga at binalingang muli ang pintuan. "Please take care of him for me, Orly. Hanggang sa makabalik ako sa kanya, alagaan mo siya. Huwag kang umalis sa tabi niya kahit ipagtabuyan ka niya. Do it for me, Orly, cause God knows who much I wanted to be with him right now. But I can't. I really can't. I don't want to see him suffering that's why I'm leaving."
"You can't leave," mariing sambit nito sa akin. "That was an order from him, Belle Del Monte. You can't leave."
Napaawang ang labi ko.
"You'll stay here. No matter what happened, no matter how much pain it will caused him, you'll stay because that was my Young Master's request, Belle. You'll stay."
"Orly..."
"You'll be his personal doctor again, Belle Del Monte. From now on, you'll be the one who's in charge of everything about him. That was an order from him before proceeding the surgery."
Napasapo ako sa bibig ko at hinayaan ang sariling ibuhos lahat ng natitirang luha na mayroon ako.
I can't believe this! Adam really planned this out. He knew this will happened that's why he planned everything before risking his own life!
"Just like before, just like what happened at Sta. Barbara, be with him. Help him recover fast, Belle. You can do it again, right?"
Tumango-tango ako dito at mas napaiyak pa ngayon.
After this, I'll definitely save him. I'll definately save our memories.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top