CHAPTER 4
Maaga pa lang ay handa na ako. Nakasuot lang ako ng simpleng faded jeans and white shirt. Pinusod ko lang ang mahabang buhok ko at matamang nakatingin lang sa nakasarang gate ng mansyon ni Don Zamora.
"Sa tingin mo... magagawa kaya natin nang maayos ang trabahong ito? Matutulungan kaya natin si Adam, I mean, iyong lalaking dadalhin nila sa lugar na ito?" Sa unang pagkakataon, narinig ko boses ni Alison. Napalingon ako sa kanya at napabuntonghininga na lamang.
"I'm here to help the patient. Iyon lang ang gagawin ko kaya naman ay sisiguraduhin kong magagawa ko nang maayos ang trabahaong ito," maingat na sagot ko kay Alison.
"Patient," anito at nag-iwas nang tingin sa akin. Mabilis lang iyon pero napansin ko ang pag-iiba ng emosyon sa mga mata nito. Pain, anger... I don't know, pero may nakumpara ako sa maikling pag-uusap namin ni Alison. Just like me, mukhang walang ibag choice rin itong si Alison kung hindi ang alagaan itong apo ni Don Zamora. Mukhang nasa parehong sitwasyon kaming dalawa ngayon.
Hindi na ako nagsalitang muli at itinuong muli ang paningin sa may gate ng mansyon. Mayamaya lang ay napaayos ako nang pagkakatayo noong makitang bumukas na ang malaking gate ng mansyon ng mga Zamora. Humugot ako ng isang malalim na hininga at mariing ikinuyom ang mga kamay. Minuto lang din ang lumipas ay nasa harapan na namin ang isang itim na van na tiyak kong naglalaman kay Adam Zamora.
Hindi ko inalis ang paningin sa sasakyan. Tahimik ko itong pinagmasdan. Mayamaya lang ay mabilis na dumalo ang mga tauhan ng mansyon at nag-abang sa pagbukas ng pinto ng sasakyan. Hindi pa nakakapuwesto lahat ng tauhan ng mga Zamora noong isang naka-unipormeng lalaki ang unang bumaba sa kotse. Nagtungo ito sa pinakalikod ng van at binuksan ang pinto nito pataas. Dahan-dahan, may hinila ito at doon lang ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Agad akong lumapit dito ngunit agad akong natigilan noong makita ang kalagayan ng apo ni Don Zamora.
Napatanga ako sa nakikita. What the hell happened to this man? Buhay pa ba talaga ang isang ito?
"Doctor." Napakurap-kurap ako at napatingin sa lalaking nagsalita. Kita ko ang pagtango nito sa akin kaya naman ay tinulungan ko itong maibaba ng maayos ang kinahihigaan ni Adam Zamora. Ganoon din ang ginawa ng ibang tauhan ng mansyon. Maingat nilang inilapag ang kinalalagyan ng amo nila at dahan-dahang ipinasok sa loob ng mansyon.
Napatingin na lamang sa kanila habang humuhugot na naman ng malalim na hininga. Finally. Nakita ko na rin ang lalaking paglalaanan ko ng oras habang nasa mansyon na ito ako. Adam Zamora... I finally met you.
"Let's go, doc." It was Alison. "Pumasok na rin tayo."
Napangiwi na lamang ako sa narinig mula sa kanya. Doc? Doktor? Ako? Nakakatawa lang kasi pangarap kong matawag ng ganoon pero bakit ang bigat-bigat ng puso ko ngayon? Bakit hindi tanggap nito ang salitang iyon? Kung iba lang ang sitwasyon, tiyak ay matutuwa ako.
Hindi na lamang ako nagsalita. Maingat na tumango ako kay Alison at pumasok na rin sa mansyon.
Naabutan naming paakyat na sila sa magiging silid ni Adam Zamora. Tahimik kaming sumunod doon at noong makapasok na kami sa silid ay agad na tumulong kami ni Alison sa pag-se-set-up ng mga equipment at inayos ang mga tubo na siyang konektado sa halos walang buhay na katawan ni Adam Zamora. Pamilyar sa akin ang ganitong mga senaryo. Napag-aralan ko na ito at nakapunta na rin ako sa iilang kilalang hospital kaya naman ay alam ko kung ano ang tamang gawin sa ganitong sitwasyon. Maingat at tahimik ang bawat galaw ko at tiniyak na walang mali sa lahat nang inaayos ko. At noong nasiguro ko ng nasa tama na ang lahat, nagpaalam ako kay Alison at lumabas sa silid ni Adam Zamora.
"Ito ang mga latest medical exams ni Young Master." Nangunot ang noo ko noong marinig na naman ang salita 'Young Master' mula sa isa sa tauhan ni Adam Zamora, isa ito sa naghatid sa pasiyente rito sa mansyon. Young Master... iyon talaga ng tawag nila sa kanya? Mas lalo tuloy akong nagtaka sa totoong katauhan ng lalaki. Young Master? Sounds like trouble to me. Napailing na lamang ako at walang buhay kong tinanggap ang mga papel na inabot ng lalaki sa akin. "Make sure na ma-mo-monitor niyo oras-oras ang kalagayan ng Young Master. Siguraduhin mong maaalagaan mo ito nang maayos." Tipid akong napangiti sa kanya at tumango na lamang. "Ikaw na ang bahala sa kanya, Doctora," aniya sabay lahad ng kamay sa akin.
Tinanggap ko ang kamay nito at nakipagkamayan na sa kanya. Mayamaya pa ay nagpaalam na ito sa akin. Sinundan ko ito nang tingin hanggang sa main entrance ng mansyon at noong tuluyang makaalis na ang mga ito at napabaling ako sa pangalawang palapag ng mansyon kung saan naroon ang silid ng tinatawag nilang Young Master.
I sighed. Siguro ay iyon lang ang tawag nila kay Adam. Mayaman ang mga Zamora. Mukhang iyon ang tawag nila sa mas nakakabatang Zamora sa pamilya nila. Yes, mukhang iyon lang at wala ng iba pang kahulugan ang pagtawag nila ng ganoon sa lalaking iyon.
Dahan-dahan akong naglakad muli at pumanhik na pabalik sa silid ni Adam Zamora. Bahagya pa akong natigilan noong makakita ng dalawang bantay sa labas ng silid. The security is too tight here. I just ignored their presence then opened the door. Mabilis naman akong natigil sa paggalaw noong makitang nakatayo sa gilid ng kama ni Adam Zamora si Alison, tahimik at nakatulala lamang, samantalang may dalawa pang bantay naman ang nakatayo sa gilid ng pintuan dito sa loob ng silid.
Mukhang kailangan ko nang sanayin ang sarili ko sa mga nakapaligid na bantay sa mansyong ito, lalo na sa silid na ito. "How's his vitals?" tanong ko na siyang nagpabaling kay Alison sa puwesto ko. Tumikhim ito at muling ibinalik ang atensyon kay Adam.
"Everything's normal," pormal na sagot niya at tumalikod na sa lalaki at hinarap ako nang maayos. "Mas okay sana kung magsuot ka ng doctor's gown kapag papasok ka sa silid niya, Belle," anito na siyang nagpataas ng isang kilay ko. Tahimik kong tiningnan ang kabuuan nito at napangiwi na lamang. Ngayon ko lang napansin na nakapagpalit na pala ito ng damit! That was fast! Minuto lang naman ako sa labas kanina, ah! Tumango na lamang ako rito at hindi na sumagot pa. "Babalik muna ako sa silid ko. After an hour, I'll check his condition again," paalam nito at lumabas na sa silid.
Napakagat ako ng labi at wala sa sariling sinundan ito.
"Alison," tawag pansin ko sa kanya. Tumigil ito sa paglalakad at binalingan ako. "Doktor ka rin ba?" tanong ko.
Kita ko ang pag-iling nito na siyang ikinataka ko naman. "I'm not... but I know how to handle him," sagot nito na sabay talikod at naglakad ng muli palayo sa akin... pabalik sa kuwarto niya.
Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko. If she's not a doctor or a medical student like me, marahil ay kilala nga nito kung sino talaga itong si Adam Zamora. I sighed and returned to my room too. Maingat akong naglakad patungo sa kama ng silid at tiningnan ang damit na naroon. Ipinilig ko ang ulo pa kanan at kinuha na ang doctor's gown na inihanda nila kanina para sa akin at isinuot na iyon sa katawan. Muli akong naglakad at nagtungo sa salamin sa gawing kanan ko. Pinagmasdan ko nang mabuti ang repleksiyon sa salamin. Isa akong doktor sa bahay na ito. Doktor na kailangang pagalingin ang isang tao. Isang tao na siyang magiging susi para maibalik ang katahimikan ng buhay ko. I sighed.
Maingat kong inayos ang manggas ng suot na damit at malungkot na ngumit. Muli kong tiningnan ang repleksiyon sa salamin at noong napagdesisyunan ko nang kumilos muli, agad kong inihakbang ang mga paa at lumabas na sa silid ko.
Mabilis kong binalikan si Adam Zamora sa silid nito habang hawak-hawak ang latest medical examination result niya. Pagkapasok ko sa silid, agad akong lumapit sa kama niya at maingat na inilapag ang mga papel na hawak sa gilid ng kama nito.
"What happened to you?" mahinang tanong ko habang pinagmamasdan ang walang malay na lalaki. Sabi sa akin ni Don Zamora, na-aksidente raw ang apo niya ngunit kong titingnan nang mabuti ang kalagayan nito ngayon, it's not an ordinary accident! Hindi biro ang aksidenteng kinasangkutan ng lalaking ito! At kung mag-iisip lang ako ng masama, tila sinadyang magkaganito ang kalagayan ni Adam Zamora!
What is he? A kind of a gangster? A mafia, maybe? Ganito kasi ang ilang estado ng mga mayayamang lalaki na nababasa ko sa mga libro. Mayaman sila, walang duda, kaya hindi imposible ang nasa isip ko ngayon! This is insane!
Napaupo na lamang ako sa bakanteng upuan sa tabi nito at binuksan ang kanina ko pang hawak na envelope. Ito ang ibinigay sa akin ni Don Zamora. Narito ang iilang personal information ng pasiyente ko. Pangalan, edad, at kung ano pang kailangan kong malaman tungkol sa kanya. Hindi ko pa ito nabubuksan simula noong ibinigay ito sa akin ni Don Zamora at ngayong nasa harapan ko na ang apo niya, tama lang yatang magkaroon ako ng ilang impormasiyon tungkol sa kanya.
Napabuntonghininga na lamang ako at nagsimula na sa pagbabasa.
Adam Zamora. Twenty-seven years old. Studied at East High University in L.A. An engineer, and the only heir of the Zamora Group of Companies.
"So rich." Napabaling akong muli rito. Inangat ko ang litrato nitong nasa loob din ng envelope at ipinantay sa mukha nito. "Mukhang hindi ikaw ang nakahiga sa kamang ito, Adam Zamora. Ibang-iba ang itsura mo sa litratong ito." Nailing na sambit ko at tumayo na mula sa pagkakaupo. Tiningnan ko muna ang monitor ng vitals nito bago napagdesisyonang lumabas na lang muna sa silid. "Tawagin niyo ako pag may mapansin kayong kakaiba sa kanya," bilin ko sa mga bantay ng silid at tuluyan nang lumabas.
Bumalik ako sa silid ko at mabilis na humarap sa computer na narito sa loob. Binuksan ko iyon at nag-browse sa internet. Agad kong hinanap ang iilang terminologies na nakasulat ng latest medical examination result ni Adam. Hindi kasi pamilyar sa akin ang iilan lalo na't sa parte ng utak nito ang mga iyon! I'm not a Neurosurgeon for Pete's sake! Medical student pa lang ako at kailangan ko pa ng maraming kaalaman tungkol sa propesyong pinasok ko!
Natigilan ako sa mga sumunod na minuto. Patuloy ako sa pagbabasa at bigla akong nanghina sa mga impormasyong nababasa sa monitor ng computer.
How come he's still alive? A bullet? Inside his head? Oh my God!
Napasandal na lamang ako sa upuang kinauupuan. This guy... ano ba talagang nangyari sa kanya? Bakit ganito ang nangyari sa kanya? Kung tama itong mga nababasa ko, hindi biro ang napagdaanan niya! It was next to impossible to survive that kind of damaged inside his head! Napabuntonghininga na lamang ako at maingat na hinilot ang sentido. Nanlulumo ang napatingin muli sa monitor ng computer at noong akmang magpapatuloy na sana ako sa pagbabasa, agad akong napatayo noong makarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto ng silid ko. Dali-dali akong kumilos ang tiningnan kung sino ang nasa labas ng silid. At noong binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang kinakabahang mukha ng isa sa bantay sa silid ni Adam Zamora.
"His heartbeat is dropping!"
Nanlaki ang mata ko sa narinig at mabilis na tumakbo paakyat sa silid nito. Naabutan ko si Alison na natatarantang nakatingin sa monitor kung saan nakikita ang pagbaba ng heartbeat ng pasiyente namin. What the hell? Bakit hindi pa ito kumikilos at gumagawa ng paraan para matulungan si Adam Zamora?
"Move!" I shouted then checked Adam's pulse. Mayamaya lang ay napamura na lamang ako at mabilis na tinawag ang pangalan nito. "Adam Zamora, can you hear me? Adam... damn it!" What the hell I'm doing right now? He's in coma, damn it! "He's having an arrest!" Mabilis akong umayos nang pagkakatayo at hinanap ang defibrillator sa loob ng silid nito. Agad din namang nakuha ng isa sa bantay ang hinahanap ko kaya naman segundo lang ay nasa tabi ko na ito. Move, Belle! Your patient is dying! Damn it! "Charge to 100!" mariing sambit ko at inihanda na ang sarili.
"Clear!" ani Alison at bahagyang lumayo sa pasiyente namin.
"Clear!" sigaw ko at inilagay sa tamang posisyon ang paddles ng defibrillator sa may dibdib ni Adam Zamora. Agad akong napatingin sa monitor sa tabi ko. Shit! Walang nangyayari! We're losing him! "Again!" mas malakas na sigaw ko at inihandang muli ang sarili. Please Adam, don't do this to me! Unang araw ko pa lang bilang doktor mo! "Charge to 150! Clear!"
"Clear!"
"Belle! Walang nangyayari!" histerikal na wika ni Alison.
I know that! Nakikita ko ito! Fuck! "Shut up and just focus on saving this man, Alison!" mariing wika ko sa kanya ngunit biglang tumunog ang monitor at nanlamig ako noong makitang nag-flat line ito. "Shit!" mura ko at muling inihanda ang defibrillator. Akmang uulitin ko ang ginawa kanina ngunit natigilan ako dahil sa malamig na bakal na tumapat sa sintido ko.
"If he dies, susunod kayong dalawa," malamig na turan ng lalaki na sa tingin ko ang kanang kamay ni Don Zamora dito sa mansyon.
Napahigpit ang hawak ko sa dalawang paddle at matamang tiningnan ang halos walang buhay na katawan ni Adam Zamora. "Nobody will die here. Not when I'm around," mariing sambit ko at muling nag-focus sa ginagawa. "Alison, charge to 200!" mariing sambit ko na siyang agad na sinunod nito. "Clear!" muli kong inilapat sa dibdib ni Adam ang dalawang paddle at napaupo na lamang sa sahig noong tumunog muli ang monitor. Napaawang ang mga labi ko at binitawan na ang hawak-hawak na paddle ng defibrillator. Mayamaya pa'y bumalik na sa pagiging normal ang tibok ng puso ni Adam Zamora.
Damn it! "He's b-back," anunsyo ni Alison na siyang kinahinga ko nang malalim.
That was close. Really fucking close!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top