Chapter 39
"Kailangan niya lang nang sapat na pahinga, Mr. Del Monte," ani Doc Ramirez pagkatapos akong suriin. "Based sa mga sagot niya sa mga katanungan ko kanina, I suggest na magpahinga talaga itong si Belle. Galing lang din siya sa isang aksidente. Kahit fully recovered na siya, may tendency na mabibigla pa rin ang katawan niya. Make her rest para naman bumalik ang dating sigla niya."
"We'll do that, doc. Thank you," wika ni papa dito at binalingan ako. Napaiwas ako ng tingin at itinuon ang atensiyon sa ibang dereksyon.
"Just call me if you needed something, Mr. Del Monte. I'm leaving for now," rinig kong paalam ni Doc Ramirez kay papa. I wanted to say my thank you to Doc Ramirez pero wala akong sapat na lakas. I can't even properly open my mouth right now!
Hinayaan ko na lang itong makalabas ng silid without saying a single word to her.
"Anak, galit ka ba sa akin?" biglang tanong ni papa. Naramdaman ko ang pag-upo nito sa kama ko pero nanatili pa rin akong nakatingin sa kabilang dereksyon. "Kanina ko lang din nalaman ang totoong sitwasyon ni Adam. When I told Don Zamora that you're missing, hindi ito nagdalawang-isip na sabihin sa akin ang totoong nangyayari."
Hindi ako kumibo dito kahit gusto ko nang magsalita. Bigla ko na namang naramdaman ang kakaibang sakit sa dibdib ko. Napapikit ako at nanalangin na sana'y mawala ang sakit. Sana hindi ko maramdaman ang sakit na ito.
"Don't give up this time, anak. You're stronger now. I know you can handle this one. Fight that pain. For Adam. Fight, Belle."
Hindi na ako kinausap nila papa at hinayaan na lamang nila akong makapagpahinga nang maayos. And I was really thankful for that. I need a little time for myself. I don't need someone right now. I just wanted to be... alone.
It was almost midnight noong nagising ako. Ilang minuto muna akong nakatulala sa kawalan bago kumilos. Wala sa sariling bumangon ako at tinanggal ang nakatusok sa palapulsuan ko. I feel nothing now. Tila namanhid ang buong katawan. Hindi ko alam kong ipagpapasalamat ko bang namamanhid ako ngayon o hindi.
Gamit ang natitirang lakas na mayroon ako, lumabas ako ng silid. Agad na tumayo ang dalawang bodyguard na prenteng nakaupo kanina sa upuang nasa harapan ng pintuan ng silid ko. Hindi ko sila pinansin at tinungo na lamang ang silid ni Adam na nasa katabing kwarto lamang noong sa akin.
Orly was there. Nakaabang na ito sa akin noong makalapit ako sa pintuan ng silid ni Adam. Tinanguhan niya ako at siya na mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin.
Ingay ng aircon at ng patient's monitor ang sumalubong sa akin noong nabuksan nang tuluyan ang pintuan. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kama ni Adam at tahimik na pinagmasdan ang halos walang buhay na katawan nito.
Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko noong maramdaman ko na naman ang pamilyar na sakit sa dibdib ko. Here it is again. Torturing my poor heart.
"Ang sama mo, Adam," mahinang sambit ko dito. "Bakit mo nagawa sa akin ito?" hindi ko na napagilan ang mga luha ko. Nag-unahan naman ang mga ito sa pag-agos. Bigla akong nanghina kaya naman ay napahawak ako sa gilid ng kama nito para doon kumuha ng suporta.
"Bakit mo ako pinaglaruan? Bakit pinaniwala mo akong nakuha ka ng mga kaaway mo? Why not tell me the real reason? Why lie to me, Adam?"
Napaupo ako sa sahig habang hinahayaan ang sariling ibuhos lahat nang hinanakit kay Adam.
"I'm tired of being like this, Adam. Sawa na ako sa sakit na ito. Bakit mo na naman pinaramdam sa akin ito?"
Lumipas ang isang linggo ay ganoon pa rin ang resulta sa mga test kay Adam. The operation was a success pero hanggang ngayon ay wala talagang sign na magigising ito.
Miracle.
That's all we need. Siguro nga'y iyon na lamang ang natatanging pag-asa namin. Ang manalangin sa isang himala. Ang manalanging bumalik pa siya sa amin.
"Belle."
Napabaling ako kay Don Zamora noong tawagin nito ang pangalan ko. Nasa silid kami ngayon ni Adam. Sa nagdaang araw, tuwing umaga lang nagagawi ang Don dito samantalang halos dito na ako sa silid na ito nakatira. Sa loob ng isang linggo, hindi ako umalis sa tabi niya. I need to see him. Kailangan kong makita ang mukha nito para hindi ako mawalan ng lakas, para hindi na naman ako sumuko sa problemang kinakaharap ngayon.
"How are you, hija?" mahinang tanong ni Don Zamora sa akin. Tipid akong ngumiti sa Don at binalingan muli si Adam.
"Lumalaban pa rin naman po kahit papaano," sagot ko dito.
"You can overcome this, Belle. Adam knew that you can endure the pain. This time, hold more. Fight more."
"How can I fight?" my voice cracked. Damn, wala na yatang katapusan itong pagluha ko. I sighed. Napatingin muli ako kay Don Zamora. "Simula noong bumalik ang mga alaala ko, umasa na naman ako. I became dependent again. Without him, I feel like I'm nothing again."
"Belle..."
"Don Zamora, paanong nagawa sa akin ni Adam to?"
"Trust him, hija. Iyon lang ang maipapayo ko. Trust and have faith in him."
"Hindi ko po alam kung hanggang kailan ako lalaban. Kung hanggang kailan ang kaya ng puso ko. Pakiramdam ko, pag hindi pa ito magising sa mga susunod na araw ay tiyak na mawawala na ako sa sarili!" napaupo na ako dahil sa panghihina. Mabilis na dinaluhan ako ng Don at tinapik-tapik ako sa balikat bilang pag-alo sa akin. "Hindi ako malakas gaya nang sinasabi niyo. Hindi ko kaya ang sakit na ito."
"But you need to be strong, Belle. Kahit para na lamang kay Adam. You need to be strong until he wakes up. Please. Hold yourself until that day comes, Belle. Please."
Napatakip ako ng mukha at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak ngunit bigla akong natigilan noong makarinig ako nang mahinang pag-ungol. Alam kong pati ang Don ay natigilan dahil nasa ere ngayon ang kamay na itinatapik sa balikat ko ngayon.
Kusang umawang ang mga labi ko at mabilis na napatayo noong nasundan ang mahinang pag-ungol na tila nahihirapan ito.
"Adam!" biglang bulalas ni Don Zamora at nilapitan ang apong dilat na ang mga mata habang nakahawak sa ulo nito. "Belle! Call Doctora Ramirez!" natatarantang utos sa akin ng Don.
"Opo!" mabilis kong sagot at tumakbo palabas ng silid. Nakita kong biglang naging alerto sila Orly na nakabantay sa labas ng silid. Tipid akong ngumiti dito, walang salitang sinambit at mabilis na tinakbo ang silid ni Doctora Ramirez.
My heart is freaking beating so fast right now! Halos hindi ko na makita nang mabuti ang daang tinatahak. But I care less! Ang mahalaga ngayon dito ang maiparating ko sa mga doktor na gising na siya!
Adam is awake! He's freaking awake!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top