Chapter 36

Wala pa akong maayos na tulog simula noong araw na nakuha ng mga Santiago si Adam. It's been three days now! Halos hindi na rin ako mapirmi sa isang tabi lalo na't hindi pa rin namin makontak si Don Zamora. Kahit ang iilang tauhang naiwan nila dito sa bahay namin ay walang ideya kong nasaan na ang amo nila! Damn!

"You looked like a shit, Belle."

Napairap ako noong iyon agad ang bungad nito sa akin pagkabukas ko ng pintuan.

"Natutulog ka pa ba sa lagay na yan? Those dark circles are really disturbing," aniya at prenteng naupo sa mahabang sofa ng salas namin.

"Thank you for coming over here, Kuya Stanley," mahinang sambit ko, trying to ignore his comments earlier. Oo na! Ako na ang walang tulog!

"It's so nice to hear you called me that again," aniya at ngumiti sa akin. "So, what's the deal here?"

"I knew you worked at the underground society, too," panimula ko dito habang matamang nakatingin sa kanya. "Any news about Adam?"

Sumandal si Kuya Stanley sa likuran ng sofa at napahawak sa baba nito.

"There are gossips roaming around the society pero hindi ako naniniwala. But looking at you right now, looks liked that Zamora is currently in a bad situation, huh."

"Kuya, it's been three days! Hindi ko na mareached ang cellphone nito. Maging si Don Zamora!"

"They're Zamoras, Belle. They're good at this. Gawain nila ang mga ganito. Ang mawala na parang bula. Isang araw nasa harapan mo pa sila at sa susunod na mga araw, biglang mawawala. No words left. Just disappeared," anito habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "You've already experienced this one before, Belle. First hand. Bakit ka pa nag-aalala sa kanila?"

"But the Santiagos, they captured him!" pagpupumilit ko dito. Gusto kong umiyak sa harapan nito pero wala na akong luhang mailalabas pa. Naubos ko na ang mga luhang mayroon ako sa mga nagdaang araw. Kaya naman ngayon ay desperado na ako. Kahit hindi ako siguradong matutulungan ako ni Kuya Stanley, tinawagan ko ito at nakiusap na pumunta sa amin.

"The Santiago Clan is already down on the society, Belle. Wala ka ng dapat ikabahala roon," marahang sambit nito. "Zamoras already took over their power."

Napaawang ang labi ko. Naguguluhang nakatingin lamang ako sa kanya.

"Kaya naman kung may dapat kang dapat ikabahala, iyon ang pamilya ko, Belle. The Perez. Our clan wants the power Adam just recently acquired."

"Kuya Stanley..."

Bigla akong kinabahan sa mga salitang sinambit nito.

"Don't be scared, princess. I may be a Perez but I will never ever betrayed him. Our families are enemies, yes, but I'm true to my words. I'm his friend. No matter what happened, I'll stay to be his friend."

"So, nasa pamilya mo si Adam?" nanghihinang tanong ko dito.

"Nope," he answered immediately. "I'm pretty sure about that. Hindi hawak ng pamilya ko ang Zamora na iyon."

"Then where is he?"

"You bet?" ngumisi ito at tumayo na mula sa pagkakaupo. "You rest, Belle. Kailangan mo ng sapat na lakas para masapak si Zamora pagbumalik ito," aniya at nilapitan ako. Napako ako sa kinatatayuan ko noong bigla niya akong niyakap. "Thank you for remembering us, princess. It was actually a relieved for me. Akala ko'y hanggang sa huling hininga ko ay hindi mo na ako maaalala pa," sambit pa nito at humiwalay na sa akin.

"Kuya, hindi mo ba talaga ako tutulungang hanapin si Adam? He's in danger right now!"

"Danger is Adam's second name, Belle. Wala lang ito. Stop thinking about it and rest. Mukha ka ng taong malapit ng maging zombie," he joked then started walking towards our house main door.

Hindi ko na ito napigilan pa. Tuloy-tuloy itong naglakad hanggang makarating ito sa gate namin. I sighed. Akala ko may magagawa na ako ngayon para makita at mailigtas si Adam. Pero mukhang umasa lang ako.

Buong maghapon ay inilaan ko ang buong oras ko sa pagtulog. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa nagdaang mga araw. Hindi ako panatag sa mga salitang binitawan ni Kuya Stanley kanina. Kahit bali-baliktarin natin ang mundo, still, wala pa rin si Adam. Nasa panganib pa rin ito ngayon.

Maingat akong bumangon sa kama noong makaramdam ako ng gutom. Napatingin ako orasang nasa dingding ng kwarto at napabuntong hininga na lamang noong makitang alas tres pa lamang ng madaling araw.

"Damn, I'm really starving," angal ko sabay hawak sa tiyan ko. Hindi kasi ako nakakain kahapon. I really slept well na kahit oras nang pagkain ay inilaan ko na sa pagpapahinga at pagtulog.

Maingat akong lumabas sa kwarto ko at tinungo ang kusina namin. Pagkarating ko roon ay agad akong kumuha ng tubig at isang tinapay. I was about to finished my food when I've heard a sound of a car's engine. Napainom ako ng tubig at mabilis na tumayo sa kinauupuan. Agad akong pumanhik sa kwarto ko at sumilip sa may bintana. Mas kita kasi dito ang bahay nila Adam. Mas makikita ko nang maayos ang mga nangyayari sa katabing bahay namin kung dito ako pupwesto.

Kusang nanlaki ang mga mata ko noong makita ko ang isang pamilyar na itim na van! That was one of the car used by the Zamora's men!

Pinagmasdan ko ito nang mabuti at natigilan noong makitang si Orly ang bumaba dito galing sa driver's seat. Isang lalaki pa ang bumaba roon at sumunod din kay Orly papasok sa bahay ng mga Zamora. Agad akong pumunta sa closet ko at kumuha ng isang jacket. Mabilisan ko itong sinuot at muling lumabas sa kwarto ko. Dere-deretso ang lakad ko at lumabas na ng bahay at maingat na humakbang patungo sa gate namin. Lumingon-lingon ako at nagpasalamat noong makitang wala ngayon dito ang mga bodyguards na iniwan ni Don Zamora noon. That was a relief! Agad kong binuksan ang pintuan ng gate at mabilis na nilapitan ang itim na van na dala ni Orly.

Mabilis kong hinawakan ang pintuan ng sasakyan at napakagat na lamang ako ng labi noong hindi ito nakalocked!

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Sumakay na ako sa van at maingat na isinara ang pintuan. Sa pinakadulo ako ng van puwesto. It was a nine to ten seater van! Mukhang swerte yata ako ngayon! Sa tingin ko ay ngayon pa lamang ako magpapasalamat dahil sa katotohanang maliit akong babae! Idagdag mo pa na biglang bumagsak ang katawan ko dahil sa stress at kakulangan ng tulog sa mga nagdaang araw. I perfectly fit on the corner of the backseat of the van! Naupo ako roon at isinuot ang hoodie ng jacket ko. Isiniksik ko ang sarili at nanalanging huwag sanang mapansin nila Orly ang presensiya ko.

Kung ayaw nilang magsalita o ipaalam man lang sa akin ang tunay na kalagayan ni Adam, pwes, hindi ako magkukulong sa bahay namin at maghihintay lamang!

Mayamaya pa'y bumalik na si Orly at ang isa pa nitong kasama. Parehong tahimik na naupo ang dalawa at walang ingay na pinaandar ang makina ng sasakyan.

"Wait," nanigas ako sa kinauupuan ko noong magsalita ang kasama ni Orly. "Hindi ba talaga natin sasabihin kay Miss Belle ang nangyari kay Young Master?"

So, may nangyari nga talaga kay Adam? Oh my God!

"No," mariing sambit ni Orly. "That was the only favor he asked me for the first time. I'll definitely follow his words without any second thought."

"Pero nahihirapan na si Miss Belle. She can't lose it this time."

"She's a strong woman now. Whatever happens, losing her own memory again will never be an option for her," napaawang ang mga labi ko dahil sa mga naririnig mula sa dalawang lalaking nasa unahan ko. Pinaandar na ni Orly ang sasakyan at muling natahimik silang dalawa.

Adam, what's really happening here?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top