Chapter 35
Kanina pa ako palakad-lakad sa salas namin. Ni hindi ko kayang maupo at kumalma. Fvck!
"Belle, calm down," it was Don Zamora. Kanina, noong biglang naputol ang tawag ni Adam, agad kong inutusan ang isang bodyguard na mayroon ako at ipinasundo ang Don. Luckily, nasa bahay lang ang matanda. Mabilis din naman itong nakarating sa bahay namin at ikinuwento ko sa kanya ang nangyari.
"I can't, Don Zamora. I've heard a gun shot earlier. And Adam's not answering my calls!" frustrated na wika.
"Anak, Adam will be fine," papa said. Napabaling ako dito at napailing.
"I kept on calling his name earlier, papa, and he didn't responded! Ayaw ko mang mag-isip ng negatibo pero talagang masama ang kutob ko dito."
"Calm yourself first, Belle. Nandoon na rin ang iilang tauhan namin. We'll definitely have some news a minute from now," kalmadong utos ni Don Zamora sa akin. He's right. Kanina, we tried to contact Adam and some of the men who's with him. Pero ni isa sa kanila ay hindi namin macontact. Kaya naman ay nag-utos si Don Zamora sa ilang tauhan na kasama namin kanina na puntahan ang lugar kong nasaan ang apo nito.
Pare-pareho kaming natigil noong biglang tumunog ang cellphone kong nakapatong sa center table ng salas namin. Napatingin muna ako kay papa at kay Don Zamora bago nanginginig na dinampot iyon.
"It's Adam," mahinang sambit ko sabay baling muli kay Don Zamora.
Mabilis na gumalaw ang tauhang initusan nitong kumuha ng iilang gadgets kanina. Hindi ko muna sinagot ang tawag sa telepono ko at hinintay ang go signal ng lalaking abala ngayon sa harapan ng laptop nito. Seconds passed, nagthumbs up ito.
Tumango ako dito at maingat na sinagot ang tawag.
"Adam?" bungad ko dito.
Napakunot ang noo ko noong wala akong marinig mula sa kabilang linya kaya naman ay napaangat ako ng cellphone at tiningnan kung connected pa rin ito. "Adam? Can you hear me?" sambit kong muli at pilit pinapakinggan ang maaring maging ingay mula sa kabilang linya.
Mayamaya pa'y napako ako sa kinatatayuan noong makarinig ako ng ingay. Kusang umawang ang labi ko noong marinig ang sigaw ni Adam na tila nahihirapan.
"Adam!" sigaw ko sa pangalan nito.
"Fvck you, Santiago! Siguraduhin mong mapapatay mo ako dahil kung hindi, ako mismo ang puputol ng lintek na hininga mo!"
Oh no! Adam!
Sigaw at tawa ang sumunod na narinig ko na siyang biglang nagpahina sa akin. Mabilis na dinaluhan ako ni papa at walang ingay na niyakap ako. Naririnig din kasi nila ang mga narinig ko sa kabilang linya. My phone was connected to the laptop that they set up earlier kaya naman ay alam nilang nahihirapan si Adam ngayon!
"No," nanghihina kong sambit noong muling narinig ko ang nahihirapang sigaw ni Adam. "Stop it, please," hindi ko na napigilan ang sarili, naiyak na ako at kasabay noon ang pagkaputol na naman ng tawag.
"Disconnected," ani ng tauhan ni Don Zamora. "But we got their location."
Mabilis akong napabaling dito at pilit itinayo ang sarili.
"Let's go there," sambit ko na siyang ikinatigil ng mga kasama ko. "Let's save Adam. Please."
"We'll definitely go there, Belle, but you'll stay here," sambit ng Don na siyang mabilis na ikinailing ko. "We can't risk your life, young lady. At ito rin ang tiyak na nanaisin ng apo ko. You're safety is the top priority here remember?"
"No, Don Zamora. Si Adam ang main target ng mga Santiago at hindi ako!"
"But hurting you means winning against my grandson, Belle!"
I frozed.
"You'll stay here, Belle. That's an order," Don Zamora said with finality.
"Paano niyo naiisip ang kaligtasan ko kung buhay na ni Adam ang nasa panganib ngayon? Don Zamora, gaya mo, nais ko lang iligtas si Adam. And I don't want to just fvcking cage myself here and wait! I need to move and see for myself that Adam is safe!"
"Anak, tama na. Tama si Don Zamora. Manatili ka na lang dito," singit ni papa at hinawakan ako sa braso ko.
"Papa..."
"Belle, pag mapahamak at mawala ka, wala ng ibang rason ang apo ko para lumaban pa," marahang sambit ni Don Zamora na siyang ikinatigil ko. Lalo akong naiyak dahil sa mga salita nito. "You're the only reason why my grandson is still fighting for his own life now. Noon, wala na itong pakialam kung ano man ang mangyari sa kanya. But now, now that you remembered him again. Now that he felt complete again, he wanted to finish and win this war against the Santiagos. Adam wanted to fight again, Belle. Gusto nitong makuha ang hustisyang matagal nang ipinagkait sa kanya, saiyo. He really wanted to finish this so, please, Belle, stay here. Be safe. Iyon ang mas makakabuting gawin mo ngayon."
Wala na akong salitang naisambit pa. Don Zamora was so damn right! Napaupo na lamang muli ako at ibinuhos lahat ng luhang mayroon ako.
Adam, please be safe.
Naalimpungatan ako mula sa pagtulog noong marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Mabilis ang bumangon at inabot ito. Nanlaki ang mga mata ko noong makita ang pangalan ni Adam ang naroon!
"Adam?" bungad ko noong sinagot ko ang tawag.
"Baby..."
Napatakip ako ng kamay sa bibig noong marinig ko ang boses nito. Oh my God! It's Adam!
"Jesus! Adam, are you okay?" tanong ko agad dito. "Nasaan ka? Tell me you're safe, please. Nag-aalala ako dito!"
"Baby..."
"Adam! Yes, it's me! Belle. You're baby! Ayos ka lang ba?"
"Baby..."
Sa pagkakataong ito ay natigilan na ako. Muli kong narinig ang tinig ni Adam sa kabilang linya at ang salitang 'baby' lamang ang nasasambit nito.
Kumabog ang dibdib ko sa mga ideyang biglang pumasok sa isipan ka. Is it recorded? Oh no! May malaking posibilidad na recorded lamang itong naririnig ko ngayon!
"Baby..."
Agad akong napatayo sa kama ko at mabilis na lumabas sa kwarto ko. Tinungo ko ang silid ni papa at kinatok ko iyon. Wala pang isang minuto ay binuksan na ni papa ang pintuan at takang tumingin sa akin.
"What's happening, anak?" bungad nito ngunit agad kong itinaas ang isang daliri at inilagay sa bibig ko para pigilan ito sa pagsasalita. Mabilis kong inilahad ang cellphone ko. I set my phone on loudspeaker para marinig ni papa ang pagbanggit ni Adam ng 'baby' sa kabilang linya. Kita kong takang napatingin si papa noong marinig niya ang boses nito sa kabilang linya.
My father looked at me with confused eyes. I mouthed him 'recorded' that makes him frozed for a second.
Mayamaya pa'y naputol na ang tawag kaya naman ay nakahinga na ako nang maayos. Mabilis kaming bumaba ni papa sa salas at sinubukang tawagan si Don Zamora.
"I can't reached them," ani papa habang pilit na kinokontak ang Don.
"It's obviously a set-up, papa. Baka nga pati ang pagtawag nila kanina ay recorded na lang ng boses ni Adam iyon."
"At pumunta sila Don Zamora sa lugar na nakuha natin kanina," natigilan si papa sa mga salitang sinambit nito. Mayamaya pa'y narinig ko ang mura ni papa at pinagpatuloy ang pagtawag sa numero ng Don.
Humugot ako ng isang malalim na hininga at mariing ipinikit ang mga mata.
Bakit sila tumatawag sa numero ko kung ganoon? Given the fact the mahalaga ako sa buhay ni Adam, ano pa ang ibang rason ng mga Santiago para tawagan ako ng paulit-ulit at iparinig ang boses ni Adam? For what? Para baliwin ako sa pag-aalala? Damn! They'll definitely succeeded on that part kung patuloy nilang ipaparinig sa akin ang nahihirapang boses ng taong mahal ko!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top