Chapter 34

"Mama, kailangan kong makita si Adam!" nakasimangot kong sambit sabay suot ng seatbelt sa katawan. Narinig ko ang mahinang tawa ng aking ina na siyang ikinalingon ko dito.

"Belle, anak, hindi pa tayo pwedeng lumuwas ngayon. Hindi niyo pa semestral break, anak. And besides, hindi namin pwedeng iwan ng papa mo ang negosyo. You knew how much your papa loves his work."

"But mama..."

"Anak, don't you trust Adam?" mahinang tanong ni mama at nagsimula nang magmaneho. Papasok na ako ngayon sa eskwela samantalang deretso na si mama sa trabaho nito pagkatapos niya akong maihatid.

"I don't trust the girls around him!"

Naiiling na tumawa si mama. Binalingan niya ako at masuyong nginitian.

"Belle, kahit gaano karami ang babaeng nakapalibot sa isang lalaki, kung tapat naman ang puso nito, then, it's nothing," marahang sambit ni mama sabay baling muli sa kalsada. "And Adam is not just a random guy, anak. I know he's sincere. I can feel it. I saw it the way he treated you when he was here. When he told you that you were his dream, then believe it. Trust his words."

Gusto ko nang maiiyak dahil sa frustration na nararamdaman. Paano ko ba naisipan nang masama si Adam? Well, I just saw a picture of him with a beautiful and damn sexy girl! Now, sinong matinong babae ang hindi magrereact sa ganoong larawan? Definitely not me! I liked him. So much that it hurts! Big time!

"Belle, stop crying. For sure, Adam has his reason."

Natigilan ako sa sinabi ni mama at mabilis na napahawak sa pisngi ko. Damn! Why the hell I'm crying right now?

Wala sa sarili akong napatingin sa gawi ni mama at lalo akong naiyak noong mamataang malungkot na nakatingin ang aking ina sa gawi ko.

My mother smiled weakly at me.

Akmang magsasalita na sanang muli ako noong natigilan ako at kusang nanlaki ang mga mata ko. Mabilis na napatingin sa harapan ng sasakyan namin noong may namataan akong isang itim na sasakyan na patungo ang dereksyon sa sasakyan namin.

"Mama!" I shouted. Mabilis na napatingin si mama sa harapan at agarang iniliko ang manibelang hawak para maiwasan ang sasakyang sinasalubong kami.

But it's too late. Huli na ang lahat at nabunggo na ang sasakyan namin. Kahit naka-seatbelt ay humampas ang katawan ko sa gilid ng sasakyan. Napahiyaw pa ako noong tumama ang ulo ko sa salamin ng sasakyan namin. Damn!

"Mama..." mahinang daing ko at pilit na iginalaw ang ulo para mabalingan ang aking ina. The moment I opened my eyes, fear filled my whole being. Walang malay si mama at duguan ang ulo nito. I wanted to reached her but I can even move a single inch. "Mama," I called her again. Tears continuosly flow on my eyes as the pain started torturing my head. And before I totally lost my consiousness, I saw a man. Nasa harapan ito ng sasakyan namin. Looking evilishly to us. I wanted to ask a help from him pero mukhang ang tipo nito ang hindi kami tutulungan kahit na anong mangyari. Seconds passed, he slowly turned his back to us.

A black sun tattoo. That was what I saw before totally lost it.

Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga. Napahawak ako sa dibdib ko at pilit kinalma ang nagwawalang puso.

I just dream about the accident happened years ago! Iyong aksidenteng nangyari sa amin ni mama!

"A black sun tattoo?" napatanong ako sa sarili habang pilit inaalala ang panaginip.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na kinuha ang cellphone na nasa tabing mesa ng kama ko. I immediately dialed Adam's number. Dalawang ring lamang ay sinagot na nito ang tawag ko.

"Adam!" bulalas ko sa pangalan nito.

"Goodmorning too, Belle," mahinang natawa ito sa kabilang linya.

Oh shit! Napahawak ako sa noo ko at pilit pinipigilan ang pagngiti. Stop! I need to focus here!

"G-goodmorning," nauutal na sambit ko at kinalma ang sarili.

"What is it, baby?" marahang tanong nito sa kabilang linya. Narinig ko ang paggalaw nito at tiyak kong nakahiga pa rin ito ngayon. Looks like na naistorbo ko ang tulog nito.

"Uhmmm..." bigla tuloy akong nag-alangang magtanong sa kanya. Damn, Belle!

"Tell me, Belle," anito muli.

"A black sun tattoo," deretsong sambit ko. Katahimikan. Adam didn't say a word kaya naman ay napaangat ako ng phone at tiningnan kong nakaconnect pa rin ba ako sa kanya. "Adam?" tawag ko sa pangalan niya.

"Go on. I'm listening."

Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago magpatuloy sa pagsasalita.

"I think I remember something, Adam. During the accident before. A man with black sun tattoo on his neck," pagpapatuloy ko sa pagsasalita. "Do you have any idea about this?"

I continuosly tapped my fingers on my lap. Kinakabahan ako!

"Yes," natigilan ako sa mabilis na pagsagot ni Adam sa naging tanong ko. "Santiago's Clan."

"W-wait," natatarantang pigil ko dito. Napaayos ako nang upo habang hindi inaalis ang cellphone sa tenga. "What do you mean by that, Adam? Don't tell me na may kinalaman ang mga Santiago sa naging aksidente namin noon!"

"Belle..."

"So, sila ang may pakana kung bakit kami naaksidente ni mama?" nanghihinang tanong ko dito. Hindi sumagot si Adam sa kabilang linya kaya mas lalong lumalakas ang hinala ko. "I can't believe this," sambit ko at ipinikit ang mga mata.

"I'm sorry, baby. It was really my fault. I'm sorry," mahinang wika ni Adam na siyang ikinamulat ko.

"Why saying sorry, Adam? Hindi mo kasalanan ang mga nangyari."

"No, it was my damn fault, Belle. Kung hindi lang ako naging pabaya noon. Kung sana naitago ko nang maayos ang damdamin ko sayo noon, tiyak na hindi kayo maaksidente ng mama mo."

"Adam..."

"Please forgive, baby. I'm sorry."

"Hey," pigil ko dito. "It's not your fault," marahang sambit ko dito. All this time, sinisisi pala ni Adam ang sarili sa pagkamatay ni mama. It's been years now. Nakamoved-on na kami sa nawala namin noon pero mukhang sariwa pa rin ito sa kanya. Adam was blaming himself for ten long years now! "Kung may dapat mang sisihin dito, iyon ang tunay na may sala. The one who caused the accident, Adam. At hindi ikaw iyon. You hear me? It's not your fault."

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ni hindi ko namalayang mag-iisang linggo na kami mula noong nakabalik dito mula sa isla. So far, walang naganap na hindi kaaya-aya sa akin o sa pamilya ko. Zamora's men are really into giving us the best protection. Ni hindi ako makalabas ng bahay ng walang kasamang body guards. Well, that was Adam's order. Kung pwede lang pati si Orly, na pangunahing bodyguard nito, ay iiwan sa akin, tiyak na gagawin din nito. Para lang na masigurong ligtas ako, Adam will surely do everything.

"How's your day?" I asked him as I finished my food. Nasa mesa pa ako at naghahapunan. Wala ngayon si Adam. It's been two days since he went somewhere for some important business. Hindi na ako nagtanong kung ano iyon dahil tiyak akong mga underground related business ang mga iyon. Ito ang mundong ginagalawan ni Adam ngayon kaya naman ay wala akong karapatang manghimasok.

Basta ligtas lang siya, okay na ako doon.

"It was tiring," angal nito. Napangiti ako at nagpatuloy sa pagtatanong ng mga random questions. Sa mga ganitong pagkakataon lamang kami nagkakausap nang matagal ni Adam. Since he left for business, tuwing gabi na lamang kami may oras na mag-usap.

Mayamaya pa'y nakarinig ako ng kalabog sa kabilang linya na siyang ikinatigil at ikinakunot ng noo ko.

"What's that?" agad ko itong tinanong.

"I don't know," sagot nito at humikab. This guy is really tired. Ni hindi man lang nito titingnan ang ingay na narinig namin ngayon!

"Adam!" tawag ko dito at napatayo sa kinauupuan noong makarinig na naman ako ng sunod-sunod na kalabog. "Adam! What's happening?"

Wala akong sagot na narinig mula kay Adam kaya naman ay kinabahan na ako. Ang mga kalabog na narinig ko kanina ay nasundan pa ng iilang ingay. I kept on calling Adam's name as I ran towards the main door of our house. At noong nasa tapat na ako ng pintuan ay bigla akong natigilan at napahiyaw noong putok ng baril ang umalingawngaw sa kabilang linya.

Kusang umawang ang mga labi ko at nailayo ang cellphone sa tenga ko.

Gun shot!

Shit! Adam!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top