Chapter 33
"Can you stand up?"
Umiling ako sa naging tanong ni Adam. Well, it's true. Wala talaga akong lakas na gumalaw man lang ngayon.
Hindi na lamang ako umimik noong buhatin ako ni Adam palabas ng banyo. It was like a deja vu. Ganito din ang ginawa niya sa akin noon sa mansyon nila sa Sta. Barbara. Ang pinagkaiba lang ngayon ay purong takot lang ang nararamdaman ko ngayon.
"Take a sleep, Belle. I won't leave you here," anito noong ibinaba niya ako sa kama. Nasa kwarto ko na kami ngayon. Naging magulo ang silid ni Adam dahil sa nangyari kaya naman ay dito niya na ako dinala.
"I'm scared, Adam," mahinang sambit ko habang nakapikit ang mga mata. Nakahawak pa rin ako ngayon sa kamay ni Adam at wala akong planong bitawan ito.
"Calm down, baby," rinig kong sambit ni Adam. Mayamaya pa'y naramdaman ko ang paglapat ng labi nito sa noo ko. "Rest. Please."
Hindi na ako kumibo pa. Ipinikit ko na lamang ang mga mata at hinayaan ko na lamang makapagpahinga ang katawan ko.
"Pagkagising ni Belle, we'll leave this island," boses ni Adam ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog.
"Anong gagawin namin sa mga nahuling tauhan ng mga Santiago?" it was Orly.
"Kill them," mapanganib na utos ni Adam dito. Kahit hindi ko ito nakikita ngayon ay alam kong galit ito. Sa tuno pa lamang nang pananalita nito ay ramdam na ramdam ko ang galit. Agad akong kinabahan sa ideyang nais ipapatay ni Adam ang mga taong nagtangka sa buhay ko kanina. No! Wala silang papatayin!
Agad akong nagmulat ng mga mata at binalingan si Adam na nakatayo sa paanan ng kamang kinahihigaan ko. Sa harapan nito ay ang kanyang kanang-kamay na tauhan na matamang nakatingin lamang sa kanya.
"Adam," tawag pansin ko dito.
Mabilis itong bumaling sa akin. Noong magtama ang paningin naming dalawa ay agad nawala ang mapanganib na awra nito sa mukha. Naging malambot ang ekspresyon nito at malalaking hakbang na nilapitan ako.
Narinig kong nagpaalam si Orly sa Young Master nito ngunit nasa akin na ang buong atensyon ni Adam. Walang imik na lamang na lumabas ang lalaki at iniwan kami ni Adam dito sa silid.
"Hey," anito noong tuluyang nakalapit sa akin at hinalikan ako sa noo. "Kumusta pakiramdam mo?"
"Wala kayong papatayin, Adam," mahina ngunit mariing sambit ko dito sa siya ikinatigil niya. Kita ko ang pagkagulat nito ngunit agad din namang nakabawi at marahang hinawakan ako sa kamay ko.
"Don't think about them, Belle. Ang isipin mo ang kaligtasan mo."
"You're with me, Adam. Alam kong walang mangyayari sa aking masama. So, please, don't kill those men. You're not a murderer," pakiusap ko dito.
"I've already killed dozens of fvcking bastards, Belle. It's too late for you to say that."
Napaawang ang labi ko dahil sa iminungkahi nito.
"I'm not a good man, baby. I know you already knew about this. I'm not the same Adam you knew when you were seven years old. I'm not that Adam now, Belle."
Nawalan ako nang lakas na magsalita pa. It's true. He's not the same Adam I knew years ago. Iba na ito. At kung hindi ko pa ito naaalala hanggang ngayon, tiyak na ang mga hindi magandang gawain lang nito ang nakatatak sa isipan ko ngayon.
"But still, they failed to harm me. Huwag mo na silang patayin."
"Belle..."
"Please, Adam. Promise me. Wala kang papatayin," pakiusap ko dito at hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa akin. "Let them live, Adam. Killing them won't change anything here. Lalong hindi matatapos itong gulong mayroon ka ngayon."
Kahit hindi ko alam kung ano ang tunay na dahil kung bakit nagkagulo bigla ang buhay ni Adam, still, I'll stick with him this time. Alam kong nasa panganib na rin ang buhay ko pero hindi ko na gagawin ang ginawa ko noon. Hindi na ako ang duwag na Belle na kayang talikuran ang lahat huwag lang masaktan.
Lumipas ang isang oras ay handa na kaming umalis sa isla na kinaroroonan namin ngayon. Adam told me that we'll go somewhere safer than this island but I stoped him to do so.
Hindi matatapos ang problema namin kung patuloy kami sa pagtalikod at pagtakbo palayo dito. Running away is not a solution here. Protecting me is just a waste of time. Hindi ako ang primary target ng mga Santiago. Si Adam mismo! My existence here was just an extra baggage. Pabigat lamang ako. Kaya naman ay pinilit ko itong bumalik na kami sa siyudad, bumalik sa pamilya ko.
At walang nagawa si Adam kung hindi ang sumunod sa nais ko.
"Are you really sure about this one, Belle?" tanong muli nito habang papasok na kami sa village namin. Tumango ako dito at hinawakan ang kamay nito. I smiled at him.
"I'm pretty sure about this one, Adam," sambit ko dito. Isang rason kung bakit naiisipan kong umalis sa isla at bumalik na dito ay ang kadahilanang hindi napagtutuunan nang pansin ni Adam ang mga problema niya. Walang mangyayari kong magkukulong kami pareho sa isla kaya naman ay mabuting bumalik na kaming dalawa dito. At least dito, kasama ko ang pamilya ko. And their men are the one who are taking care of the village security. Panatag na ako doon.
"I'll just talk to Lolo. After that, babalik ako dito," anito noong nasa tapat na kami ng bahay namin. Umiling ako dito at bahagyang nginitian.
"Stop doing that, Adam. I'll be fine now. Go and talk to your grandfather. Take your time, Adam. I won't go anywhere."
Hindi na umimik si Adam. Tiningnan niya lang ako at mayamaya'y humugot ng isang malalim na hininga at marahang ibinuka iyon. Tipid akong ngumiti dito at inilapit ang sarili sa kanya. Kita kong natigilan ito kaya naman ay mas lalo akong napangiti. Hinalikan ko ito sa kanya pisngi at mabilis na lumayo din.
"Take care for me, Adam," marahang sambit ko at nagkusa nang lumabas sa sasakyan nito. Segundo lang ay bumaba na din ito sa sasakyan niya. Kinatitigan ko ito at napanatag ako noong makitang kumalma na ang itsura nito.
Siya na mismo ang kumuha at nagbuhat ng gamit ko. Tahimik lang akong sumunod sa kanya hanggang makapasok kami sa bahay namin.
"I'll go now," aniya at hinigit ako payakap sa kanya. I smiled. This Adam, ito iyong Adam na kilala ko noon. Itong ito yon. "Call me if something troubles you."
"I will," sagot ko at niyakap ko ito ng mahigpit sa bewang niya.
Pinagmasdan ko na lamang ang papalayong bulto ni Adam. Napabuntong hininga na lamang ako noong tuluyan na itong nakalabas sa bahay namin. Mayamaya pa'y narinig ko ang pagstart ng makina ng kotse nito at umalis na.
"Nagkaayos na kayo, anak?"
Mabilis akong lumingon sa likuran ko noong marinig ko ang boses ni papa. Mabilis akong lumipat dito at niyakap siya.
"I missed you, papa," ani ko na parang isang batang nangulila sa ama. Narinig ko ang mahinang tawa ni papa kaya naman ay humiwalay ako dito.
"How's the island, Belle? Bakit kayo bumalik agad?"
Napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano ang tamang isagot sa tanong ni papa. I can't tell him about those men who almost took and killed me!
Sa huli ay ngumiti na lamang ako sa aking ama.
"The island was great, papa," I said. "Namiss ko lang kayo kaya naman ay nakiusap ako kay Adam na bumalik na dito."
"At pumayag siya?" nagtatakang tanong nito sa akin.
Mabilis akong tumango bilang sagot sa tanong nito.
I'm sorry, papa. Hindi ko alam kong tama itong naging desisyon kong bumalik dito. Hindi ko hahayaang maging duwag si Adam dahil lang nandito na akong muli. I can't be his weakness kaya naman ay ako na mismo ang didistansya muna sa kanya.
He needs to be the beast again for us to survive in this battle.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top